Pumunta sa nilalaman

Digmaang Pilipino–Amerikano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Philippine–American War)
Digmaang Pilipino–Amerikano
Ingles: Philippine–American War
Kastila: Guerra Filipino–Estadounidense

Clockwise from top left: U.S. troops in Manila, Gregorio del Pilar and his troops around 1898, Americans guarding the Pasig River bridge in 1898, the Battle of Santa Cruz, Filipino soldiers at Malolos, the Battle of Quingua
PetsaPhilippine–American War:
February 4, 1899 – July 2, 1902
(3 taon, 4 buwan at 4 linggo)[i]
Moro Rebellion:
February 4, 1899 – June 15, 1913
(14 taon, 4 buwan, 1 linggo at 4 araw)
Lookasyon
Resulta

American victory

Pagbabago sa
teritoryo
The Philippines becomes an unincorporated territory of the United States and, later, a U.S. Commonwealth (until 1946).
Mga nakipagdigma

1899–1902:
 United States

1899–1902:
 Philippine Republic

Limited foreign support:
Padron:Country data Japanese Empire[kailangan ng sanggunian]
 Germany[kailangan ng sanggunian]

1902–1913:
 United States

1902–1906:
Tagalog Republic
1899–1905:
Maguindanao Sultanate
1899–1913:
 Sulu Sultanate
Mga kumander at pinuno
Mga sangkot na yunit
Lakas
≈80,000–100,000
regular and irregular,[kailangan ng sanggunian]
Mga nasawi at pinsala
4,200 killed,[1] 2,818 wounded, several succumbed to disease [2] about 10,000 killed,[3] (Emilio Aguinaldo estimate)
16,000–20,000 killed[4] (American estimate)
Filipino civilians: 200,000–1,000,000 died, most because of famine and disease;[4] including 150,000-200,000 dead from cholera.[5][ii]
  1. There is disagreement regarding the official ending date of the conflict; see here for further information.
  2. While there are many estimates for civilian deaths, with some at around 1 million and others going well over a million for the war, modern historians generally place the death toll between 200,000 and 250,000; see "Casualties".

Ang Digmaang Pilipino–Amerikano (Ingles: Philippine–American War, Kastila: Guerra Filipino–Estadounidense), kilala rin bilang Insureksyong Pilipino at Insurhensiyang Tagalog, ay ang armadong hidwaan sa pagitan ng Unang Republikang Pilipino at ng Estados Unidos na tumagal mula Pebrero 4, 1899 hanggang Hulyo 2, 1902. Ang naturang digmaan ay pagpapatuloy ng pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan na nagsimula noong 1896 sa pagsiklab ng Himagsikang Pilipino. Tinutulan ng mga Pilipino ang nakapaloob sa Tratado ng Paris na naglilipat ng pagmamay-ari ng Pilipinas sa Estados Unidos mula sa Espanya upang mawakasan ang Digmaang Espanyol–Amerikano.

Pumutok ang labanan sa pagitan ng puwersa ng Estados Unidos at ng Republikang Pilipino noong Pebrero 4, 1899, na tinaguriang Ikalawanag Labanan ng Maynila. Noong Hunyo 2, 1899, pormal na naghayag ng pakikipagdigma ang pamahalaan ng Republikang Pilipino laban sa Estados Unidos. Ipinahayag naman ng Estados Unidos ang opisyal na pagtatapós ng paghihimagsik noong Hulyo 2, 1902, bagaman may ilan pa ring pangkat ng mga manghihimagsik na pinamumunuan ng mga dating Katipunero ang nagpatuloy ng pakikipaglaban sa mga puwersang Amerikano ng ilang pang taon. Ang ilan sa mga lider na ito ay si Heneral Macario Sakay, isang dating kasapi ng Katipunan na nanungkulang pangulo ng kaniyang ipinahayag na Republikang Katagalugan noong 1902, matapos madakip at manumpa ng katapatan sa Estados Unidos ang pangulo ng Republikang Pilipino na si Emilio Aguinaldo.

Binago ng naturang digmaan ang pangkulturang mukha ng kapuluan, dahil sa pagkasawi ng tinatayang 200,000 hanggang 250,000 Pilipinong sibilyan, pagbuwag sa Simbahang Katolika bilang relihiyon ng estado, at ang pagpapakilala ng wikang Ingles bilang pangunahing wika ng pamahalaan, edukasyon, kalakaran, industriya, at ng mga edukadong pamilya at indibidwal sa mga susunod na dekada.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hack & Rettig 2006, p. 172.
  2. Karnow 1989, p. 194.
  3. Aguinaldo, E. (2016). A Second Look at America (Classic Reprint). Fb&c Limited. p. 131. ISBN 978-1-333-84114-0. Nakuha noong 2022-11-17.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Burdeos 2008, p. 14
  5. Ramsey 2007, p. 103.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.