Pumunta sa nilalaman

Republika ng Biak-na-Bato

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Republika ng Biak-na-Bato
Repúbliká ng̃ Biak-na-Bató
República de Biac-na-Bató
1897–1897
Eskudo ng Biak-na-Bato, Republika ng
Eskudo
Kinaroroonan ng Republika ng Biak-na-Bato sa Asya
Kinaroroonan ng Republika ng Biak-na-Bato sa Asya
KatayuanHindi Kinilalang Estado
KabiseraMaynila
Karaniwang wikaKastila, Tagalog
PamahalaanRepublika
Pangulo 
PanahonHimagsikang Pilipino
• Naitatag
Nobyembre 1 1897
• Binuwag
Disyembre 15 1897
Lawak
1897300,000 km2 (120,000 mi kuw)
Pinalitan
Espanya Silangang Indias

Ang Republika ng Biak-na-Bato (Kastila: República de Biac-na-Bató), opisyal na tinutukoy ng saligang batas nito bilang ang Republika ng Filipinas (Kastila: República de Filipinas) ay ang kauna-unahang republikang naitatag sa Pilipinas ng manghihimagsik na si Emilio Aguinaldo at ang kanyang mga kapwa kasapi sa Katipunan. Sa kabila ng tagumpay nito gaya ng pagkakatatag ng kauna-unahang Saligang Batas ng Pilipinas, ang republika ay nagtagal lamang ng ilang buwan. Isang kasunduang pangkapayapaan ang nilagdaan ni Aguinaldo (sa pagitan ng mga Katipunero at sa Kastilang Gobernador Heneral Fernando Primo de Rivera) ang nagtapos ng republika at pinatapon si Emilio Aguinaldo sa Hong Kong. Isinasaad sa saligang batas na biak na bato ang paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya at ang pagtatayo ng Republikang Pilipino. Ngunit ito ay hindi nasunod. Nagpatuloy ang pakikipaglaban at tumangging isuko ng mga rebolusyonaryo ang kanilang mga armas.

Ang saligang batas ng Republika ng Biak-na-Bato ay isinulat ni Felix Ferrer at Isabelo Artacho na kumopya sa Kubanong Saligang Batas ng Jimaguayú na halos magkakamukha ang mga salita. Ito ay nakapagbigay-daan sa pagkakabuo ng Konsehong Supremo na itinatag noong Nobyembre 2, 1897 na ang mga kasunod ay mga namumuno ay hinalal:

[1]


Panunungkulan Pangalan
Pangulo Emilio Aguinaldo
Ikalawang-pangulo Mariano Trías
Kalihim ng Banyagang Kapakanan Antonio Montenegro
Kalihim sa Pandirigma Emiliano Riego de Dios
Kalihim sa Panloob Isabelo Artacho
Kalihim sa Pananalapi Baldomero Aguinaldo

Ang naunang kaisipan ng republika ay nagsimula noong huling bahagi ng Himagsikang Pilipino na si Emilio Aguinaldo, pinuno ng Katipunan, ay napalibutan at nagsama ng 500 katao at tumuloy sa Biak-na-Bató,[2] isang masukal na lugar sa tatluhang hangganan ng mga bayan ng San Miguel, San Ildefonso at Doña Remedios sa Bulacan.[3] Sa balitang pagkadating ni Aguinaldo sa lugar ay umabot ang mga tao ng mga lalawigang Ilokos, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac at Zambales ay nagpabago ng kanilang mga hukbong lakas-pandigma.[2]

Hindi mapatanggap ang mga maghihimagsik na sumuko sa digmaan, si Gobernador-Heneral Primo de Rivera ay nagpalabas ng isang utos noong Hulyo 2, 1897 na nagbabawal sa mga naninirahan na huwag umalis sa kanilang mga pamayanan at bayan. Kabaliktaran sa mga hinahangad ng pamahalaang Kastila, nagpatuloy pa rin sa pakikidigma. Sa loob ng ilang araw, sila Aguinaldo at ang kanyang mga tagasunod ay nagtatag ng isang Republika. Nagpahayag si Aguinaldo ng pagpapahayag ng kanyang taguan sa Biak-na-Bato na pinamagatang "Para sa mga Matatapang na Anak ng Pilipinas", na isinulat niya ang kanyang mga panghimagsikang kagustuhan bilang:

  1. ang pagpapatanggal ng mga Prayle at ang pagbabalik sa mga Pilipino ang mga lupain na dapat talaga ay para sa kanila;
  2. pagkakaroon ng kinatawan sa Kastilang Cortes;
  3. kalayaan ng mga mamamahayag at pagpapalaganap ng iba't-ibang mga sektang relihiyon;
  4. kaparehas na pagturing at pagsuwelso sa mga sibil na aliping mga Peninsular at Insulares;
  5. pagtanggal sa kapangyarihan ng pamahalaan sa pagtanggal ng mga mamamayang sibil;
  6. legal na pagkakapantay-pantay ng lahat ng katauhan.[4]

Noong Nobyemre 1, 1897, ang itinatadhana na saligang batas para sa Republika ng Biak-na-Bato ay nilagdaan.[5] Ang panimula ng saligang batas ay naglalaman ng pahayag na ang

Ang pagkakahiwalay ng Pilipinas mula sa monarkiyang Kastila at ang pagkabuo nito sa pagiging isang malayang bansa na may sariling pamhalaan nito ay tinatawag na Republikang Pilipino ay ang dulong minimithi ng Himagsikan sa nagaganap na digmaan na nagsimula noong ika-24 ng Agosto, 1896; at samakatuwid sa pangalan nito at sa kapangyarihan ng Lahing Pilipino ay nagpapahayag ng buong tiwala ang kanilang mga kagustuhan at hangarin, kami, mga kinatawan ng Himagsikan, sa isang pagpupulong sa Biak-na-Bato, Nobyembre Una 1897 ay tumatanggap sa pagpapasabatas ng mga sumusunod na artikulo para sa Saligang Batas ng Estado.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Agoncillo, Teodoro C. (1990) [1960], History of the Filipino People (ika-8th (na) edisyon), Lungsod Quezon: Garotech Publishing, ISBN 971-8711-06-6{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Zaide, Sonia M. (1994), The Philippines: A Unique Nation, All-Nations Publishing Co., ISBN 971-642-071-4{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  1. Agoncillo 1990, pp. 183–184
  2. 2.0 2.1 Agoncillo 1990, p. 182
  3. Biak na Bato Naka-arkibo 2010-01-09 sa Wayback Machine., Newsflash.org.
  4. Agoncillo 1990, pp. 182–183
  5. Agoncillo 1990, p. 183
  6. Constitution of Biak-na-Bato, Wikisource.