Pumunta sa nilalaman

Wikang Tausug

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tausug
Bahasa Sūg
بَهَسَ سُوگ
Katutubo saPilipinas, Malaysia
Rehiyon— Sinasalita sa Kapuluang Sulu at silangang Sabah
— Sinasalita rin sa Lungsod ng Zamboanga
Pangkat-etnikoTausug
Mga Pilipino sa Malaysia
Mga natibong tagapagsalita
1.1 milyon (2000)[1]
Latin (alpabetong Malay)
Arabe (Jawi)
Opisyal na katayuan
Wikang panrehiyon sa Pilipinas
Pinapamahalaan ngKomisyon sa Wikang Filipino
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3tsg
Glottologtaus1251
  Mga lugar kung saan pangmaramihang katutubong wika ang Tausug
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.

Ang Wikang Tausug ([taʔu'sug]; Tausug: Bahasa Sūg; Malay: Bahasa Suluk; Kastila: idioma joloano/suluano) ay isang wikang Bisaya na sinasalita sa lalawigan ng Sulu sa Pilipinas. Sinasalita rin ito sa silangang bahagi ng Sabah, Malaysia ng mga Tausug.

Malawakang sinasalita ito sa Kapuluang Sulu (Tawi-Tawi), Tangway ng Zamboanga (Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, at Lungsod ng Zamboanga), Timog Palawan at Malaysia (silangang Sabah). Ang Tausug at Chavacano ang dalawang tanging wikang Pilipino na sinasalita sa isla ng Borneo.

Malapit na kamag-anak ang wikang Tausug sa wikang Surigaonon ng mga lalawigan ng Surigao del Norte, Surigao del Sur at Agusan del Sur, at ang wikang Butuanon ng hilagang-silangang Mindanao.

Ang pangalan ng wika sa Tausug ay bahasa Sūg ("ang wika ng Sulu"). Tausug (Tausug: tau Sūg, "ang mga tao ng Sulu") ay nagmula sa dalawang salita: tao ("tao") at sūg ("agos"), marahil tumutukoy sa kanilang kabuhayan na nakadepende sa mga malakas na agos ng Dagat Sulu, kung saan nagsilayag sila dati bilang mangingisda, maninisid ng perlas, at mangangalakal.

Kahit ngayon, ang Dagat Sulu ay estratehikong ruta ng kalakalan ng timog Pilipinas at ang mga malalapit na bansang ASEAN. Kasing-aga ng ika-10 siglo, pinaniniwalaan na lumalago ang ruta ng kalakalan sa pagitan ng Sulu, Tsina, at Hilagang Borneo. Kilala ang mga tao roon bilang mga "tao ng agos", ang liternal na salinwika ng "Tausūg".

Sinasabi na dating isinulat ang wikang Tausug gamit ang isang sulat na magkaugnay sa Baybayin na tinatawag na "Luntarsug."[2] Mukhang kinumpirma itong pananaw ng dating Sultan ng Sulu sa pamamagitan ng pisikal na ebidensya. Dating ipinanulat ng wikang Tausug ang alpabetong Arabe. Nabigyang-inspirasyon ang paggamit ng sulat ng paggamit ng Jawi sa pagsulat ng wikang Malay.

Isang halimbawa ng alpabetong Arabe sa pagsulat ng wikang Tausug:

  • Sulat-LatinWayruun tuhan malaingkan Allāh, hi Muhammad ing rasūl sin Allāh
  • Sulat-Arabeوَيْـرُٷنْ تُـهَـنْ مَـلَـيِـڠْـكَـن هَالله، هِـمُـحَـمَّـدْ ئِـڠ رَسُـولْ سِـڠ الله
  • English translationWalang diyos kundi si Allah, at si Muhammad ang mensahero ni Allah.

Naiiba ang sulat-Arabe na ipinanunulat ng wikang Tausug sa iilang aspeto sa sulat na ipinanunulat ng wikang Arabe at sa sulat-Jawi na ipinanunulat sa mga wikang Malay. Isa sa mga pangunahing pagkakaiba nito ay kung paano isinusulat ang mga paunang patinig ng salita.

Sa Arabe, ang /in/ ay (إن); sa Jawi (Malay), ito ay (ان). Sa Tausug, ito ay (ئِن). Ginagamit ng sulat-Tausug Arabe ang letrang yā' na may hamza (ئ) para kumatawan sa maikling patinig. Kung may idinagdag na kasra (ئِ), nagiging 'i' ang tunog nito. Kung may idinagdag na fatha (ئَ), nagiging 'a' ang tunog nito. Kung may idinagdag na damma (ئُ), nagiging 'u' ang tunog nito.

Alpabetong Tausug
Titik A B D G H I J K L M
Pangalan Alip bā' dāl gā' hā' ī jīm kāp lām mīm
IPA /a/ /b/, /β/ /d/ /ɡ/, /ɣ/ /h/, /ɦ/ /i/ /dʒ/ /k/ /l/ /m/
Titik N Ng P R S T U W Y '
Pangalan nūn ngā' pā' rā' sīn tā' ū wāw yā' hamja
IPA /n/ /ŋ/ /p/ /r/, /ɹ/ /s/ /t/ /u/ /w/ /j/ /ʔ/
Alpabetong Tausug – Sulat-Arabe
Karakter Nakahiwalay Pasimula Panggitna Panghuli Pangalan
ا alip
ب ـﺒ ـﺐ bā'
ت ـﺘ ـﺖ tā'
ج ـﺠ ـﺞ jīm
د د ـد dāl
ر ـر rā'
س ـﺴ ـﺲ sīn
غ ـﻐـ ـﻎ gayn
ڠ ڠ ڠـ ـڠـ ـڠ ngā'
ف ـﻔ ـﻒ pā'
ک ک ـﻜ ـک kāp
گ گ ـﮕـ ـﮓ gāp
ل ـﻠ ـﻞ lām
م ـﻤ ـﻢ mīm
ن ـﻨ nūn
و ـو wāw
ه ـﻬ hā'
ي ـﻴـ yā'
ء ء ء hamja
أ أ ـأ alip na may hamja sa itaas
ـﺆ wāw na may hamja sa itaas
ئ ئ ئـ ــئـ ـئ yā' na may hamja sa itaas
لا لا لا ــلا ــلا lām alip

Mga halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tagalog Tausug Sulat-Latin Tausug Sulat-Arabe
Ano ang pangalan mo? Unu in ngān mu? اُنُ ئِـن ڠَـان مُ؟
Ang pangalan ko ay Muhammad In ngān ku Muhammad ئِـن ڠَـان كُ مُـحَـمَّـد
Kumusta ka? Maunu-unu nakaw? مَـؤُنُعاُنُ نَـكَـو؟
Mabuti ako Marayaw da isab مَـرَيَـو دَ ئِـسَـب
Nasaan si Ahmad? Hawnu hi Ahmad? هَـونُ هِ أحـمَـد؟
Nasa bahay siya Ha bāy siya هَ بَـاي سِـيَ
Salamat Magsukul مَـگـسُـكُـل

Salitang hiram

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May maraming salitang Tausug na nagmula sa wikang Arabe.

Kabilang sa mga halimbawa ng salitang Arabe sa Tausug ang:

Salitang Tausug Kahulugan (Tausug) Arabic Word Pagbigkas Kahulugan (Arabe)
Adab kagandahang-asal أدب adab kagandahang-asal
Ahirat kabilang buhay آخرة ākhirah kabilang buhay
Ajayb kahanga-hanga عجيب 'ajīb kahanga-hanga
Akkal katalinuhan عقل 'Aql talino
Alam sansinukob عالم 'ālam mundo
Allāh Diyos الله Allāh Diyos
Amānat mensahe أمانة amānah tiwala
Ammal gumamit عمل 'amal gumawa
Awal pinagmulan أوّل awwal una
Awliya aseta أولياء awliyā' asetiko
Ayat taludtod آية āyah taludtod
Ayb hiya عيب 'ayb hiya
Barawi tulisan sa ilang بدوي badawī Bedwino
Batāl di-malinis باطل bātil kahungkagan
Bilāl Muezzin/tagatawag ng dalangin بلال Bilāl Bilal ibn Rabah
Daawa dahilan دعوة da'wah imbitasyon
Duhul sukdulan دخول dukhūl pasukan
Daira lungsod دائرة dā'irah lugar
Dayyus cuckold ديّوث dayyūth cuckold
Dunya Daigdig دنيا dunyā mundo
Duwaa panalangin دعاء du'ā panalangin/pagsusumamo
Habal balita خبر khabar balita
Hadas kalaswaan حدث hadath kalaswaan
Hakīka ritwal sa kapanganakan عقيقة aqīqah ritwal sa kapanganakan
Hakīkat katotohanan حقيقة haqīqah katotohanan
Hatīb tagapagsalita خطيب khatīb tagapagsalita
Hawa Eba حواء Hawā' Eba
Hidāyat anunsyo هداية hidāyah patnubay
Hikmat karunungan حكمة hikmah karunungan
Hukum hukom حكم hukm pasya
Humus limos خمس khums ikalima
Hutba' sermon خطبة khutbah sermon
Hurup tunog ng isang titik حروف hurūf mga titik
Ibilīs demonyo إبليس Iblīs diyablo
Ihilās katapatan إخلاص ikhlās katapatan
Ijin pagpapala إذن idhn pahintulot
Ilmu' kaalaman علم 'ilm kaalaman
Imān pagtitiis إيمان īmān pananampalataya
Intiha' huli إنتهى intihā huli
Irādat pagpupunyagi إرادة irādah pagpupunyagi
Islām Islam إسلام Islām Islam
Istigapar humingi ng tawad إستغفار istighfār humingi ng tawad
Instinja dalisay إستنجاء istinjā' linisin ang sarili
Jabūr Salmo زبور zabūr Salmo
Jāhil tanga جاهل jāhil mangmang
Jakāt ikapu زكاة zakāh ikapu
Jamāa kapulungan جماعة jamā'ah kapulungan
Jamān orasan زمان zamān oras
Janāja langkayan جنازة janāzah paglilibing
Jāt hitsura ذات dhāt sarili
Jaytūn oliba زيتون zaytūn oliba
Jin espiritu جنّ jinn demonyo
Jinā pangangalunya زنا zinā pangangalunya
Juba kasuutan جبّة jubbah kasuutan
Jubul tumbong دبر dubr tumbong
Junub polusyon جنوب junūb marumi
Jurriyat lahi ذرية dhurriyyah anak
Kahawa kape قهوة qahwah kape
Kāpil di-naniniwala كافر kāfir di-naniniwala
Karāmat milagro كرامة karāmah milagro
Kawwāt kapangyarihan قوّة quwwah puwersa
Kubul libingan قبور qubūr mga libingan
Kudarat Kapangyarihan ng Diyos قدرة qudrah abilidad
Kulbān sakripisyo قربان qurbān sakripisyo
Kuppiya' pantakip sa ulo ng lalaki كوفيّة kūffiyah kefiyyeh
Kupul kawalang-paniwala كفز kufr kawalang-paniwala
Lidjiki' pagpapala رزق rizq sustento
Maana kahulugan معنة ma'nah kahulugan
Magrib dapit-hapon مغرب maghrib dapit-hapon
Magsukul Salamat شكر shukr salamat
Mahluk tao مخلوق maklūq nilikha
Maksud layunin مقصود maqsūd binalak
Makbul natupad مقبول maqbūl tinanggap
Malak Maganda ملك malak Anghel
Maruhum namatay مرحوم marhūm namatay
Masrik silangan مشرق mashriq silangan
Matakaddam talinghaga متقدّم mutaqaddam nauuna
Mayat bangkay ميت mayt patay
Mujijat misteryo معجزة mu'jizah milagro
Mulid estudyante مريد murīd estudyante
Munapik balubalo منافق munāfiq balubalo
Murtad apostata مرتد murtad apostata
Muskil di-karaniwan مشكل mushkil problema
Mustahak may-ari ayon sa batas مستحقّ mustahaqq karapat-dapat
Mustajab nangyari مستجاب mustajāb answered
Muwallam iskolar معلّم mu'allim guro
Nabī propeta نبي nabī propeta
Najal pangako نذر nadhar panata/pangako
Najjis dumi ناجس nājis marumi
Napas paghinga نفس nafas huminga
Napsu pagnanasa نفس nafs pagkamakasarili/pagnanasa
Nasihat payo نصيحة nasīhah payo
Paham kasanayan فهم fahm pag-unawa
Pardu' pagbabatas فرض fard sapilitan
Piil aksyon فعل fi'l aksyon
Pikil mag-isip فكر fikr isip
Pir'awn Paraon فرعون fir'awn Paraon
Rahmat pagpapala رحمة rahmah awa
Rasūl mensahero رسول rasūl mensahero
Ruku' yumuko ركوع rukū' pagyuko
Rukun utos ركن rukn haligi
Sabab dahil سبب sabab dahilan/sanhi
Sahabat tagasunod صحابة sahābah kasamahan
Saytān Satanas شيطان shaytān Satanas
Sual pagtatalakay سؤال su'āl tanong
Subu liwayway صبح subh liwayway
Sunnat pagtutuli sa mga babae سنّة sunnah tradisyon/sunnah
Takabbul mayabang تكبّر takabbur kayabangan
Takwīm kalendaryo تقويم taqwīm kalendaryo
Tallak diborsyo طلاق talāq diborsyo
Tarasul tulang Tausug تراسل tarāsul pakikipagtalastasan
Tasbi mga butil sa panalangin تسبيح tasbīh papuri
Ummul gulang عمر 'amr gulang
Wajib sapilitan واجب wājib sapilitan
Wakap pagtigil وقف waqf pagtigil
Waktu oras وقت waqt oras

Mga salitang Tausug mula sa Sanskrito:

Salitang Tausug Kahulugan (Tausug) Salitang Sanskrito Pagbigkas Kahulugan (Sanskrito)
Guru guro गुरु guru guro
Naga dragon {{नाग nāga serpyente
Āgama relihiyon आगम āgama relihiyon
Lahu' laho राहु rāhu laho
Lupa paglitaw रूप rūpa paglitaw
Dukka magdalamhati दुःख duḥkha paghihirap
Sutla' sulta सूत्र sūtra tumahi

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Tausug sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
  2. "Luntarsug: Reconstruction of a Lost Ancient Sulu Script". layagsug.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-07-03. Nakuha noong 2020-02-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]