Unang Pahina
Napiling artikulo
Napetsahan ang pinakamaagang aktibidad ng hominin sa kapuluang Pilipinas ng hindi bababa sa 709,000 taon na nakalipas. Nasa pulo ng Luzon ang Homo luzonensis, isang espesye ng sinaunang mga tao, noong mga hindi bababa sa 67,000 taon na nakalipas. Nagmula sa Yungib ng Tabon sa Palawan ang pinakamaagang kilalang makabagong anatomikong tao na nabuhay ng mga 47,000 taon nakalipas. Ang mga Negrito ang unang pangkat na unang nanirahan sa Pilipinas bago ang naitalang kasaysayan nito. Noong mga 3000 BC, naglayag ang mga Austronesyo, na siyang mayorya ng kasalukuyang populasyon, mula sa Taiwan patimog hanggang narating ang mga pulo na tinatawag ngayong Pilipinas. Ang pinakamaagang naitalang kasaysayan ng Pilipinas ay matatagpuan sa Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna na mayroong petsang 822 Shaka (900 AD sa kalendaryong Gregoryano). Nilalahad sa inskripsyon ang pagpatawad sa pakakautang ng isang tao na nagngangalang Namwaran, kasama ang kanyang mga anak na si Dayang Angkatan at Bukah. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong Marso 16, 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang lungsod sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonisasyon ng Espanya na nagtagal ng mahigit tatlong siglo. Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ngunit ang Kasunduan sa Paris, na naganap sa katapusan ng Digmaang Espanyol-Amerikano, ay naglipat ng pamamahala sa Pilipinas sa Estados Unidos. Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Disyembre ng 1899, kasama ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Iginawad ang bahagyang pagsasarili noong 1935, bilang paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Ngunit ang 10-taong transisyon mula sa Komonwelt patungo sa isang soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ng Hapon sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Natalo ang mga Hapones noong 1945 at naganap ang muling-pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa kampanya ng pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Kaya naibigay lamang ang ganap na kalayaan sa Pilipinas noong Hulyo 1946.
Alam ba ninyo ...
- ...na nagsampa ng petisyon si Solisitor Heneral Menardo Guevarra para kanselahin ang sertipiko ng kapanganakan ni Alice Guo, alkalde ng Bamban, Tarlac, na inisyu ng Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas, kasunod ng mga pagdududa sa kanyang pinagmulan at pagkamamamayan?
- ...na nakabuo ang OpenAI, ang may gawa ng ChatGPT, ng ilang malalaking modelo ng wika na nailabas sa mga open source na modelo dati?
- ... na unang inilagak ang labi ni Jose Rizal sa Liwasang Paco bago ito nailipat sa bahay ng kapatid niyang si Narcisa at kalaunan, sa Liwasang Rizal?
- ... na maaring makuha ang langis ng niyog sa dalawang uri ng proseso: basa o tuyo?
- ... na nakakahawa ang pagtawa, (nakalarawan ang batang tumatawa) at maaaring magdulot ang pagtawa ng isang tao ng pagtawa mula sa iba bilang positibong tugon?
Napiling larawan
Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.
May-akda ng larawan: NASA
Sa araw na ito (Enero 7)
- 1325 — Si Alfonso IV ay naging Hari ng Portugal.
- 1598 — Si Boris Godunov ay naging Tsar ng Rusya.
- 1608 — Isang apoy ang sumira sa Jamestown, Virginia.
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na: | |
48,104 artikulo |
132 aktibong tagapag-ambag |
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Kaganapan
- Nagdeklara ang Pangulo ng Timog Korea na si Yoon Suk Yeol ng batas militar upang supilin ang diumanong "mga pagbabanta ng mga puwersang komunista sa Hilagang Korea at upang alisin ang mga elementong kontra-estado." Binawi din niya din niya ang deklarasyon ilang oras pagakatapos ng boto ng pagtutol ng Kapulungang Pambansa.
- Ipinabatid ng mga Palestinong opisyal na malapit na ang Fatah at Hamas na umabot sa kasunduan sa paghirang ng kumiteng teknokratiko na mamamahala sa Piraso ng Gaza kasunod ng katapusan ng digmaang Israel–Hamas.
- Pinandigan ng isang korte sa Lungsod ng Ho Chi Minh, Biyetnam ang parusang kamatayan para sa makapangyarihang negosyante ng ari-ariang lupain at bahay na si Trương Mỹ Lan pagkatapos napagpasyahang nagkasala ng pagdispalko ng $12.5 bilyon sa pamamagitan ng Sai Gon Joint Stock Commercial Bank.
- Naghain ng reklamong pagsasakdal (o impeachment) laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte (nakalarawan) ng Pilipinas ang koalisyon ng mga pribadong indibiduwal na sinasaad sa pagsasakdal ang 24 na artikulo ng pagsasakdal, kabilang maling paggamit ng bilyong pisong pondong konpidensyal sa kanyang panunungkulan bilang alkalde ng Lungsod ng Dabaw at Pangalawang Pangulo, at direktang pagsangkot sa mga patayang labas sa batas (o extrajudicial killings at pagbabanta laban sa mga matataas na opisyal partikular kina Pangulong Bongbong Marcos, Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at Ispiker Martin Romualdez.
-
Commons
Repositoryo ng midya -
Wikidata
Datos ng kaalaman -
Wikikawikaan
Mga sipi -
Wiktionary
Diksiyonaryo -
Wikispecies
Direktoryo ng mga espesye -
Wikivoyage
Gabay sa paglalakbay -
Wikisource
Aklatan -
Wikiversity
Kurso at aralin -
Wikinews
Balita at kaganapan -
Wikibooks
Aklat-aralin at manwal -
Wikifunctions
Librerya ng mga punsyon -
MediaWiki
Paggawa ng software na wiki -
Meta-Wiki
Koordinasyon ng proyektong Wikimedia
-
1,000,000+ artikulo
-
250,000+ artikulo
-
50,000+ artikulo