Marawi
Lungsod Islamiko ng Marawi | ||
---|---|---|
Panoramang urbano ng Marawi noong Nobyembre 2018, isang taon pagkaraan ng Krisis sa Marawi | ||
| ||
Mapa ng Lanao del Sur na nagpapakita ng Marawi | ||
Kinaroroonan sa Pilipinas | ||
Mga koordinado: 8°00′11″N 124°17′06″E / 8.0031°N 124.285°E | ||
Bansa | Philippines | |
Rehiyon | Bangsamoro (BARMM) | |
Lalawigan | Lanao del Sur | |
Distrito | Unang Distrito | |
Tinirhan | 1639 | |
Ikinarta | May 24, 1907 | |
Pagkalungsod | 1940 | |
Lungsod | Hunyo 16, 1956 | |
Mga barangay | 96 | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Sangguniang Panlungsod | |
• Punong Lungsod | Majul Usman Gandamra | |
• Pangalawang Punong Lungsod | Anuar Abedin Romoros | |
• Manghahalal | 79,244 mga botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 87.55 km2 (33.80 milya kuwadrado) | |
Taas | 700 m (2,300 tal) | |
Populasyon (senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 207,010 | |
• Kapal | 2,400/km2 (6,100/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
Kodigong postal | 9700 | |
PSGC | ||
IDD : area code | +63 (0)63 | |
Uri ng klima | Tropikal na klima | |
Klase ng kita | ika-4 na klase ng kita ng lungsod | |
Kita (₱) | ₱837,609,804.49 (2020) | |
Mga katutubong wika | Maranao, Iranun |
Ang Marawi (Maranao: Inged a Marawi) o Islamikong Lungsod ng Marawi ay isang lungsod at ang kabisera ng lalawigan ng Lanao del Sur sa Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao.[4] Batay sa senso 2015, mayroon itong populasyon na 201,785 katao.
Tinatawag ang mga mamamayan ng Marawi na mga Maranao at nagsasalita ng Wikang Maranao. Hinango ang kanilang pangalan mula sa Lawa ng Lanao, na tinatawag na Meranau sa kanilang wika, kung saang nasa dalampasigan nito ang Marawi. Kilala rin ang lungsod bilang "Kabiserang Pantag-init ng Katimugan" dahil sa mas-mataas na elebasyon nito at mas-malamig na klima.[5] May gayon ding palayaw ang Malaybalay na opisyal na humahawak ng titulong ito. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 207,010 sa may 30,839 na kabahayan. Taong 2017 sa pagbabago ng Pederalismo sa Pilipinas ang Marawi ang (kapitolyo) ng BangsaMoro.
Noong Mayo 23, 2017, nakaranas ng malawakang pinsala ang lungsod sa kasagsagan ng Labanan sa Marawi, kung saang sumalakay sa lungsod at nakidigma ang mga militanteng kaanib ng Islamikong Estado ng Irak at Levant. Tumagal ang sumunod na labanan hanggang Oktubre 23, 2017 nang inihayag ni Kalihim Delfin Lorenzana ng DND ang pagtatapos ng labanan. Ang pangunahing pinsala sa lungsod ay karamihang sanhi ng mga pagbomba mula sa himpapawid na isinagawa ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas habang sinusubukang palayasin ang mga militante.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]May kabuuang sukat na 8,755 ektarya (21,630 akre). [2] ang Lungsod ng Marawi. Matatagpuan ito sa dalampasigan ng Lawa ng Lanao. Naghahanggan ito sa hilaga sa bayan ng Kapai at Saguiaran; at sa timog ng Lawa ng Lanao; sa bayan ng Bubong at Ditsaan-Ramain; sa silangan, at sa mga bayan ng Marantao at Saguiaran.
Topograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga bundok, burol, lambak, at ang malawak na lawa ang bumubuo sa tanawin ng lungsod.
Mga Barangay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Lungsod ng Marawi ay nahahati sa 96 na mga barangay.
|
|
|
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1918 | 6,005 | — |
1939 | 11,319 | +3.06% |
1948 | 19,657 | +6.32% |
1960 | 27,049 | +2.70% |
1970 | 55,708 | +7.48% |
1975 | 63,332 | +2.61% |
1980 | 53,812 | −3.20% |
1990 | 91,901 | +5.50% |
1995 | 114,389 | +4.19% |
2000 | 131,090 | +2.96% |
2007 | 177,391 | +4.26% |
2010 | 187,106 | +1.96% |
2015 | 201,785 | +1.45% |
2020 | 207,010 | +0.50% |
Sanggunian: PSA[6][7][8][9] |
Wika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Malawakang ginagamit ang Maranao o Meranaw sa lungsod; ngunit, nakasasalita rin ang pampook na mga mamamayan ang Sebwano, Maguindanao, Iranun, Ingles, at Arabe.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
- ↑ 2.0 2.1
"Province: Lanao del Sur". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Marawi City terrain". Google Maps. Retrieved on 2012-01-27.
- ↑ "Marawi City is a Component City". Philippine Information Agency, Government of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Pebrero 2019. Nakuha noong 15 Pebrero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naglalaman ang artikulong ito ng teksto mula sa isang lathalaing na nasa pampublikong dominyo. - ↑ Administrator (2010-06-04). "Islamic City of Marawi" Naka-arkibo 2012-01-30 sa Wayback Machine.. Government of the Autonomous Region of Muslim Mindanao Website. Retrieved on 2012-01-27.
- ↑
Census of Population (2015). "ARMM – Autonomous Region in Muslim Mindanao". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "ARMM – Autonomous Region in Muslim Mindanao". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "ARMM – Autonomous Region in Muslim Mindanao". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Lanao del Sur". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.
- Marawi City - Islamic City of Marawi Information Site Naka-arkibo 2011-03-15 sa Wayback Machine.
- Islamic City of Marawi - Marawi City Website Naka-arkibo 2011-10-12 sa Wayback Machine.
- Marawi Chatters Undernet Naka-arkibo 2021-05-06 sa Wayback Machine.