Leandro Locsin
Leandro V. Locsin | |
---|---|
Kapanganakan | Leandro V. Locsin 15 Agosto 1928 |
Kamatayan | 15 Nobyembre 1994 | (edad 66)
Nasyonalidad | Pilipino |
Kilala sa | Church of the Holy Sacrifice, Istana Nurul Iman, Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, Philippine International Convention Center, Philcite, Westin Hotel, Simbahan ng St. Andrew, Hyatt Regency Hotel, Manila Inter-Continental, Manila Hotel, Philippine Stock Exchange Plaza |
Parangal | Pambansang Alagad ng Sining, Arts and Culture Prize ng Fukuoka Asian Cultural Prizes, Ten Outstanding Young Men, Pan-Pacific Citation mula sa American Institute of Architects Hawaii Chapter, Rizal Centennial Award sa larangan ng Arkitektura, Republic Cultural Heritage Award, Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, honorary fellowship sa American Institute of Architects, Prof. R. Gordon Brown Memorial Lectureship ng School of Architecture ng Unibersidad ng Hongkong, Likha Award at Gintong Medalya mula sa United Architects of the Philippines |
Larangan | Arkitektura |
Pinag-aralan/Kasanayan | Unibersidad ng Santo Tomas |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Arkitektura 1990 |
Si Leandro V. Locsin (Agosto 15, 1928 – Nobyembre 15, 1994) ay isang pilantropo, kolektor, patron ng sining, mag-aaral ng kasaysayan, tagadisenyo ng set para sa drama, opera at ballet, eksperto sa pottery na Tsino, piyanista at arkitekto na itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura noong 1990.[1][2][3][4]
Unang yugto ng buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Leandro Valencia Locsin noong Agosto 15, 1928 kina Guillermo Locsin at Remedios Valencia sa Silay sa Negros Occidental[5][4] Ikinasal siya kay Maria Cecilia Yulo at nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki.[4][6]
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Natapos ni Leandro Locsin ang sekundaryang edukasyon sa Unibersidad ng De La Salle noong 1947.[6]
Nag-aral siya ng musika sa Unibersidad ng Santo Tomas at nakamit ang Associate in Arts sa piyano.[6] Lumipat siya sa kursong Arkitektura at nakatapos ng Batsilyer sa Agham sa Arkitektura noong 1953.[5][7][8]
Mga nagawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang dinisenyo ni Leandro Locsin ay ang Church of the Holy Sacrifice noong 1954, ang unang kapilya sa Pilipinas na bilog na nasa gitna ang altar at bukas ang mga gilid, na matatagpuan sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman sa Lungsod ng Quezon dahil sa hiling ni Fr. John Delaney S.J. na noon ay chaplain ng Unibersidad ng Pilipinas.[4][5][7]
Nakagawa siya ng mga 75 na tirahan, 88 na gusali kasama na ang 11 simbahan at kapilya, 23 gusaling pang-publiko, 48 gusaling pang-komersyo, 6 na hotel at isang gusali ng terminal ng paliparan mula 1955 hanggang 1994.[1]
Ang pinakamalaki at pinakamamangha niyang ginawa ay ang disenyo ng Istana Nurul Iman na palasyo ng Sultan ng Brunei.[4] Ilan sa kanyang mga idinisenyo ay ang Cultural Center of the Philippines noong 1966 sa imbitasyon ng noon ay Unang Ginang Imelda Romualdez-Marcos, Folk Arts Theater, Philippine International Convention Center, Philcite at ang Westin Hotel o Sofitel Philippine Plaza na ngayon, na bumubuo sa CCP Complex.[1][7][8]
Kasama pa rin sa mga dinesenyo niya ang ang Monterray Apartments, Simbahan ng St. Andrew sa Bel-Air Village, Hyatt Regency Hotel, Manila Inter-Continental, Plaza, Manila Hotel, Manila Mandarin Hotel, Davao Insular Hotel sa Mindanao, Philamlife Company Building sa Cagayan de Oro City, Manila Memorial Chapel sa Paranaque, Citibank Building, Philippine Bank of Commerce Building, Makati Stock Exchange Building, Ayala Museum, Valle Verde Country Club at Canlubang Golf & Country Club sa Laguna.[6][8]
Dinisenyo rin niya ang Philippine Stock Exchange Plaza.[4]
Noong 1967 ay gumawa siya at ang kanyang maybahay ng libro na pinamagatang "Oriental Ceramics Discovered in the Philippines".[6]
Mga parangal na natanggap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa bisa ng isang proklamasyon ay ipinahayag na Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura si Leandro Locsin noong 1990.[2]
Nakamit niya ang Arts and Culture Prize ng Fukuoka Asian Cultural Prizes noong 1992.[3]
Napabilang siya sa Ten Outstanding Young Men sa larangan ng Arkitektura noong 1959.[7][4] Natanggap din niya ang Pan-Pacific Citation mula sa American Institute of Architects Hawaii Chapter noong 1961; Rizal Centennial Award sa larangan ng Arkitektura noong 1962, Republic Cultural Heritage Award noong 1970, Patnubay ng Sining at Kalinangan Award noong 1972, honorary fellowship sa American Institute of Architects, Prof. R. Gordon Brown Memorial Lectureship ng School of Architecture ng Unibersidad ng Hongkong at ang Likha Award at Gintong Medalya mula sa United Architects of the Philippines noong 1987.[4][8]
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Yumao si Leandro Locsin noong Nobyembre 15, 1994 sa Makati Medical Center.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Order of National Artists: Leandro V. Locsin". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Nakuha noong 14 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 2.0 2.1 "Proclamation No. 576, s. 1990 Declaring Leandro V. Locsin As National Artist". Offical Gazatte. Republic of the Philippines. Mayo 23, 1990. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Marso 2022. Nakuha noong 14 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Leandro V. LOCSIN/ Arts and Culture Prize 1992". Fukuoka Prize. Secretariat of the Fukuoka Prize Committee. Nakuha noong 14 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 4.7 "Leandro V. Locsin". CulturEd Philippines Sagisag Kultura. National Commission for Culture & the Arts-Philippine Cultural Education Program. Nakuha noong 20 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 Virgino, Clarisse Yvette (September 5, 2018). "Remembering Leandro V. Locsin". The Manila Times. The Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Nobiyembre 2020. Nakuha noong 14 November 2020.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 "Locsin, Leandro V." De La Salle Alumni Association. De La Salle Alumni Association. Nakuha noong 20 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 7.3 "Leandro Locsin". Official Gazette. Republic of the Philippines. Agosto 15, 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Marso 2022. Nakuha noong 14 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 8.3 "A Tribute to Architect Leandro V. Locsin Fellow, UAP Hon. Fellow, AIA As The Recipient of the Likha Award and Gold Medal Conferred by the United Architects of the Philippines October 15, 1987" (PDF). United Architects of the Philippines. United Architects of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 10 Nobiyembre 2021. Nakuha noong 20 November 2020.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong)