Pumunta sa nilalaman

Transportasyon sa Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mula itaas, kaliwa-pakanan: Daang Maharlika sa Barangay Cutcot, Pulilan, Bulacan; Isang dyipni at bus sa Maynila; Isang nakahintong tren ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) sa estasyong Sucat; Isang bangka sa Basey, Samar; Cataraman ferry ng 2GO Travel sa Ilog Iloilo, Lungsod ng Iloilo, papuntang Bacolod; Isang eroplano ng Cebu Pacific sa Paliparang Pandaigdig ng Mactan–Cebu; Mga traysikel sa Boac, Marinduque; Isang kalesa sa Maynila

Ang transportasyon sa Pilipinas ay hindi pa gaanong maunlad, dahil sa mga sumusunod na dahilan: mga buludunduking lugar sa bansa at mga nakakalat na mga pulo, at ang patuloy na hindi paglalaan ng pondo ng pamahalaan sa mga imprastrakturang pantransportasyon ng bansa. Subalit sa mga nakalipas na taon, ang pamahalaan ay sumisikip upang maipaganda ang sistema ng transportasyon sa bansa sa pamamagitan ng mga iba't-ibang proyektong pang-imprastrasktura.[1]

Ang mga dyipni ah ah ay pinakatampok na anyo ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas, at naging simbololo ang mga ito ng kultura ng bansa.[2] Isa pang tampok na anyo ng pampublikong transportasyon ay ang de-motor na traysikel; mas-pangkaraniwan ang mga ito sa mga pook-rural.[3] Sa mga nakalipas na taon, nagiging tampok na anyo ng pampublikong transportasyon ang mga daambakal sa bansa, lalo na sa maabalang kalakhan ng Kamaynilaan. May tatlong pangunahing sistema ng daambakal sa Pilipinas: ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila na binubuo ng Linya 1 at Linya 2, ang Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila na binubuo ng Linya 3, at ang Pambansang Daambakal ng Pilipinas (o PNR). Ang dalawang sistema na unang binanggit ay nagsisilbi lamang sa Kamaynilaan, samantala ang PNR ay sumisilbi sa Kamaynilaan at sa ilang bahagi ng Luzon. Mayrun ding dong dantes mga lokobbbbmotorang singaw(aray) (steam engines) na matatagpuan sa Kabisayaan na gumagana sa mga gilingan ng tubo tulad ng Central Azucarera. Ang mga taksi at bus ay mga mahalaga ring anyo ng pampublikong transportasyon sa mga pook-urban ng bansa.

May labindalawang (12) paliparang pandaigdig ang Pilipinas, at may higit sa dalawampung (20) paliparang panloob na sumisilbi sa bansa.[4] Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (o NAIA) ay ang pangunahing pasukan sa Pilipinas.

Transportasyong panlupa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Lansangang Halsema

Ang Pilipinas ay may 199,950 kilometro (124,240 milya) ng mga daan, at sa habang ito 39,590 kilometro (24,600 milya) ay nailatag. Noong 2004, iniulat na ang kabuuang haba ng buong pinag-ugnay na daan na hindi mabilisang daanan ay nasa 202,860 kilometro. Sa habang ito, 15% ay mga pambansang daan (national roads), 13% ay mga panlalawigang daan (provincial roads), 12% ay mga daang panlungsod/pambayan (city/municipal roads), at 60% ay mga daang barangay (barangay roads).

Noong 1940, may 22,970 kilometro (14,270 milya) ng mga daan sa buong bansa, kalahati nito'y matatagpuan sa gitna at katimugang Luzon.[5] Sinilbihan ng mga daan ang 50,000 sasakyan.[5]

Ang pagbubukod ng mga daan ay nakabatay sa mga pananagutan ng namamahala (maliban lamang sa mga barangay), iyan ay kung anong antas ng pamahalaan ang nagtayo at nagpondo ng mga daan. Karamihan sa mga daang barangay ay mga hindi nailatag na daang-nayon na itinayo noon ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), subalit ang pananagutan ng pagpapanatili ng mga daang ito ay nailipat na ngayon sa mga pangkat ng pamahalaang pampook (o LGU). Ang mga daang sakahan-papuntang-pamilihan (farm-to-market roads) ay nakabukod sa kategoryang ito, at ang ilan ay pinopondo ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan (DAR) at Kagawaran ng Pagsasaka (DA). Bagaman may malaking sistema ng mga daan na naitayo sa bansa, nananatiling kalunos-lunos ang kalagayan ng malaking bahagi ng sistemang ito, at 20 porsyento ng kabuuang sistema ng mga daan ay nailatag (ng aspalto).[6]

Mga lansangan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Abenida Epifanio de los Santos sa Lundayang Ortigas
Lansangang Sayre

Sinasaklaw ng mga lansangan sa bansa ang mga pambansang daan na binukod sa tatlong uri: ang mga pambansang daang primera, pambansang daang sekundarya, at pambansang daang tersiyaryo.

Ang Pan-Philippine Highway (o Daang Maharlika, sa ibang bansa AH26 AH26) ay isang pinag-ugnay na mga daan, tulay, at mga serbisyong pambarko na umaabot sa 3,517 kilometro (2,185 milya) ang haba at kumokonekta sa mga pulo ng Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao, na nagsisilbing pangunahing gulugod ng transportasyon sa bansa. Nagsisimula ito sa Laoag, Ilocos Norte at nagtatapos ito sa Lungsod ng Zamboanga, Zamboanga del Sur. Ang Tulay ng San Juanico ang nagdadala nito sa ibabaw ng Kipot ng San Juanico sa pagitan ng mga pulo ng Samar at Leyte.

Sa Kalakhang Maynila, nakaayos ang mga lansangan nito sa isang set ng mga daang radyal (radial roads) at daang palibot (circumferential roads). Ang mga daang radayl ay nagmumula sa pusod ng Lungsod ng Maynila at papuntang mga kalapit na lalawigan, habang ang mga daang palibot nama'y lumilibot sa paligid ng lungsod. Ang set na ito ay tinaguriang Sistema ng mga Daang Arteryal ng Kalakhang Maynila (Metro Manila Arterial Road Network). Ang Bulebar Roxas, na pinakatanyag sa mga lansangan ng Maynila, ay nakalinya sa dalampasigan ng Look ng Maynila. Kasama ang Manila–Cavite Expressway (o CAVITEx), bahagi ito ng Daang Radyal Blg. 1 (R-1) na tumutungo sa lalawigan ng Kabite. Ang Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) ay ang pangunahing daang palibot (beltway) sa Kamaynilaan. Isa rin ito sa mga pinakatanyag na lansangan sa Pilipinas. Dumadaan ito sa anim (6) sa mga labimpitong (17) pook sa rehiyon—Caloocan, Lungsod Quezon, San Juan, Mandaluyong, Makati, at Pasay. Ito ang pinakamahabang lansangan sa kalakhan, at kinakarga nito ang karaniwang bilang na 2.34 milyong sasakyan.[7] Ang Abenida Commonwealth ay isa ring mahalagang lansangan sa kalakhan, nagsisilbi naman ito sa Lungsod Quezon at may haba na 12.4 kilometro (7.7 milya). Isang mahalagang daang radyal sa Maynila ay Bulebar Espanya, na bahagi ng Daang Radyal Blg. 7 (R-7) na kinabibilangan ng Abenida Quezon at Abenida Commonwealth sa Lungsod Quezon at Lansangang Quirino sa Hilagang Kalookan at San Jose del Monte, Bulacan. Ilan pa sa mga mahalagang lansangan sa Kamaynilaan ay Abenida Ayala, Bulebar Aurora, Abenida Taft, Lansangang Sergio Osmeña, at Daang C-5 na nagsisilbing alternatibong daan sa EDSA.[8] Ilan naman sa mga kilalang lansangang panloob ay Kalye Escolta, Kalye Mendiola, Paseo de Roxas, Kalye Balete, Abenida Tomas Morato, at Daang Maysan.

Sa ibang bahagi ng Luzon, ang Lansangang MacArthur ay nag-uugnay ng Kamaynilaan sa Gitna at Hilagang Luzon. Bahagi ito ng N1 (Caloocan-Guiguinto) at N2 (Guiguinto-Laoag) ng sistemang lansangang bayan ng bansa at Daang Radyal Blg. 9 (R-9) ng sistemang arteryal ng mga lansangan sa Kalakhang Maynila. Ang Daang Kennon at Lansangang Aspiras–Palispis ay nagsisilbing mga daang papasok ng Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera (CAR). Isang mahalagang lansangan sa Gitnang Luzon ang Abenida Jose Abad Santos na tinagurian ding Daang Olongapo–Gapan. Ilan sa mga mahalagang lansangan sa Katimugang Luzon ay Lansangang Aguinaldo sa Kabite, Lansangang Jose P. Laurel sa Batangas, at Manila South Road at Daang Calamba–Santa Cruz–Famy (bahagi ng Manila East Road) sa Laguna. Ang Lansangang Andaya (N68) ay nag-uugnay ng lalawigan ng Quezon sa Rehiyon ng Bikol. Matatagpuan sa Lungsod ng Cebu ang Kalye Colon, ang kauna-unahang lansangan sa Pilipinas. Ilan sa mga mahalagang lansangan sa Mindanao ay Lansangang Sayre, Daang Butuan–Cagayan de Oro–Iligan–Tukuran, Daang Coastal ng Surigao–Davao, Daang Davao–Cotabato, at Lansangang Maria Clara L. Lobregat.

Ang Strong Republic Nautical Highway ay nag-uugnay sa karamihan sa mga daan ng mga pulo sa pamamagitan ng isang serye ng mga lantsang roll-on/roll-off (o ro-ro), ang ilan ay maliit at sumasaklaw sa maiksing distansya, habang ang iba nama'y mga malalaking bapor na maaring maglakbay ng ilang oras o higit pa.

Mga mabilisang daanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Pilipinas ay may maraming mabilisang daanan (expressways), at karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa Luzon. Ang mga pinakaunang sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas ay ang North Luzon Expressway (dating North Diversion Road) at ang South Luzon Expressway (dating South Super Highway). Parehong itinayo noong dekada-1970, noong pagkapangulo ni Ferdinand Marcos.

Imahe Pangalan Paglalarawan Bahagi ng…
North Luzon Expressway Ang North Luzon Expressway (NLEX) ay isang mabilisang daanan na may apat hanggang walong linya at nag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa mga lalawigan ng Gitnang Luzon. Nagsisimula ito sa isang palitang trebol sa panulukan ng EDSA at Abenida Bonifacio sa Lungsod Quezon. Pagkatapos, dadaan ito sa mga bayan at lungsod sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga. Nagtatapos ang mabilisang daanan sa Mabalacat, at magtutumbok ito sa Lansangang MacArthur na tutuloy pahilaga patungo sa nalalabing bahagi ng Gitnang Luzon at Hilagang Luzon. R-8 Daang Radyal Blg. 8
E1
E5
South Luzon Expressway Ang South Luzon Expressway (SLEX) ay isa pang mahalagang mabilisang daanan sa bansa, sinisilbihan naman nito ang katimugang bahagi ng Luzon. Isa itong network ng dalawang mabilisang daanan na nag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa mga lalawigan ng rehiyon ng CALABARZON sa katimugang bahagi ng Luzon. Nagsisimula ito sa distrito ng Paco sa Maynila, at pagkatapos ay dadaan ito sa Makati, Pasay, Parañaque, Taguig, at Muntinlupa sa Kalakhang Maynila; San Pedro at Biñan sa Laguna, Carmona sa Kabite, tapos ay dadaan uli sa Biñan, Santa Rosa, Cabuyao at Calamba sa Laguna. Nagtatapos ang mabilisang daanan sa Santo Tomas, Batangas. R-3Daang Radyal Blg. 3
E2
Metro Manila Skyway Ang Metro Manila Skyway ay isang nakaangat na mabilisang daanan na dumadaan sa ibabaw ng SLEX at nag-uugnay ng Maynila sa Alabang, Muntinlupa. R-3Daang Radyal Blg. 3
E2
Subic-Clark-Tarlac Expressway Ang Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX) ay isa pang mabilisang daanan na nagsisilbi sa rehiyon ng Gitnang Luzon, nakaugnay ang mabilisang daanan sa North Luzon Expressway sa pamamagitan ng Palitan ng Mabalacat. Ang katimugang dulo nito ay sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales. Pagkatapos, dadaan ito sa Clark Freeport Zone sa Pampanga, at mamaya ay tutumbukin nito ang hilagang dulo nito sa Brgy. Amucao, Lungsod ng Tarlac, Tarlac. Nagsimula ang pagpapatayo ng mabilisang daanan noong Abril 2005, at binuksan ito sa publiko pagkaraan ng tatlong taon.[9] R-8Daang Radyal Blg. 8
E1
E4
Southern Tagalog Arterial Road Ang Southern Tagalog Arterial Road (o STAR Tollway) ay isang mabilisang daanan na dumadaan sa lalawigan ng Batangas, mula Santo Tomas hanggang Lungsod ng Batangas. Nakaugnay ito sa SLEX sa pamamagitan ng isang labasan sa Santo Tomas. R-3Daang Radyal Blg. 3
E2
Manila–Cavite Expressway Ang Manila–Cavite Expressway (CAVITEx) ay isang mabilisang daanan na nag-uugnay ng Maynila sa lalawigan ng Kabite. Kilala rin ito bilang Coastal Road. R-1Daang Radyal Blg. 1
E3
Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway Ang Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX) ay isang mabilisang daanan na nag-uugnay ng Gitnang Luzon sa Hilagang Luzon. Nagsisimula ito sa isang labasan sa may SCTEX sa Lungsod ng Tarlac at nagtatapos ito sa Rosario, La Union. Ito ang karugtong ng SCTEX patungong Hilagang Luzon. R-8Daang Radyal Blg. 8
E1
Subic–Tipo Expressway Ang Subic–Tipo Expressway (o NLEx Segment 7) ay isang mabilisang daanan na dumadaan sa mga lalawigan ng Zambales at Bataan. Nagsisimula ito sa Lansangang Rizal sa Hermosa at nagtatapos ito sa Subic Bay Freeport Zone/SBMA sa Olongapo. E4
Muntinlupa–Cavite Expressway Ang Muntinlupa–Cavite Expressway (MCX) ay isang mabilisang daanan na nag-uugnay ng Kabite sa Muntinlupa, mula Daang Hari hanggang SLEX. E2
NAIA Expressway Ang NAIA Expressway ay isang nakaangat na mabilisang daanan na nag-uugnay ng Metro Manila Skyway sa Bulebar Jose Diokno. Dumadaan ito sa ibabaw ng mga lansangan na malapit sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino, tulad ng Abenida Andrews at Daang NAIA. Ito ang kauna-unahang mabilisang daanan sa Pilipinas na naglilingkod sa isang paliparan. E6

Ang pamahalaan ng Pilipinas at mga pribadong sektor ay gumagawa ng mas-maraming mga plano at panukala upang magtayo ng mga bagong mabilisang daanan sa pamamagitan ng public–private partnership.[10]

Mga daambakal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang tren ng Linya 3 papalapit ng Estasyong Ayala.
Isang nakahintong tren sa Estasyong daangbakal ng Blumentritt ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR).

Ang transportasyong daambakal sa Pilipinas ay kinabibilangan ng mga serbisyong binibigay ng tatlong linya ng mabilisang panlulan at isang linyang riles pang-mananakay: ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (Linya 1 at Linya 2), ang Linya 3, at ang PNR Metro South Commuter Line ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR).

Ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila, o ang sistemang LRTA, ay isang sistemang pang-mabilisang panlulan na naglilingkod sa ligid ng Kalakhang Maynila; ito ang pinakaunang sistemang metro sa Timog-Silangang Asya.[11] Nilingkuran nito ang kabuuang 928,000 pasahero kada araw noong 2012.[12][13] Ang mga 31 estasyon nito sa kahabaan ng higit 31 kilometro (19 milya) ng mga nakaangat na linya ay bumubuo sa dalawang linya: ang unang Linya 1, at ang mas-bagong Linya 2. Dumadaan ang una sa mga lungsod ng Caloocan, Maynila, at Pasay, samantala dumadaan naman ang ikalawa sa mga lungsod ng Maynila, San Juan, Lungsod Quezon, at Marikina. Maliban sa sistemang LRTA, ang Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila, o ang sistemang MRTC, ay naglilingkod din sa Kalakhang Maynila. Matatagpuan ito sa kahabaan ng EDSA. May labintatlong (13) estasyon ito sa kahabaan ng linya nito na may haba na 16.95 kilometro. Ang nag-iisang linya na ito ay dumadaan sa mga lungsod ng Pasay, Makati, Mandaluyong, at Lungsod Quezon. Ilan sa mga estasyon ng sistema ay nilagyan na ng mga eskalador at asensor para sa mas-madaling daan papasok, at dumami na rin ang bilang ng mga mananakay. Pagsapit ng taong 2004, ang Linya 3 ay may pinakamaraming bilang ng mga mananakay sa mga tatlong linyang metro, na may 400,000 pasahero araw-araw.[14]

Ang Pambansang Daambakal ng Pilipinas (sa Ingles, Philippine National Railways o sa daglat nito na PNR) ay nagpapatakbo ng isang linyang komyuter na naglilingkod sa isang rehiyon mula Kalakhang Maynila hanggang Laguna. Ang PNR na isang sistemang daambakal sa Pilipinas na pag-aari ng pamahalaan, ay itinatag noong panahon ng mga Kastila. Dati, nagbibigay ito ng mga serbisyo sa Luzon, at nag-uugnay ng hilaga at katimugang Luzon sa Maynila. Noong 1988 isinara ang linya patungong Hilaga at Gitnang Luzon, at pagsapit ng dekada-2000 itinigil ang mga serbisyo patungong Bikol, subalit may mga panukala para buhayin muli ang katimugang linya patungong Bikol. Ang Daambakal ng Panay (Panay Railways Inc.) ay isang kompanya na nagpapatakbo ng mga linya ng daambakal sa Panay mula huling bahagi ng dekada-1900 hanggang 1989, at Cebu mula 1911 hanggang 1942 (noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig). 

Transportasyong pantubig

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang pump boat sa may pulo ng Palawan.

Mga daanang tubig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

3,219 kilometro; limitado lamang sa mga bangkang shallow-draft (yaong may haba na mas mababa sa 1.5 metro).

Mga serbisyong lantsa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang lantsa ng Pasig River Ferry Service.

Ang Pasig River Ferry Service ay isang serbisyo ng lantsang pang-ilog na naglilingkod sa Kalakhang Maynila. Ito rin ang tanging transportasyong pantubig na dumadaan/tumahak sa Ilog Pasig. Ang buong sistema ay may labimpitong (17) estasyon at dalawang linya. Ang unang linya ay ang Linyang Ilog Pasig (Pasig River Line) na dumaan mula Plaza Mexico sa Intramuros hanggang Estasyong Nagpayong sa lungsod ng Pasig. Ang ikalawang linya ay ang Linyang Ilog Marikina (Marikina River Line) na nagsilbi sa mga estasyon sa Ilog Marikina simula sa Estasyong Guadalupe sa Makati hanggang Estasyong Santa Elena sa Marikina.

Mga serbisyo ng barko

[baguhin | baguhin ang wikitext]
MV Trisha Kerstin 2 sa Daungang Pandaigdig ng Zamboanga.

Sapagkat ang Pilipinas ay isang estadong kapuluan, mahalagang anyo ng transportasyon sa bansa ang mga serbisyong pambarko. May mga iba't-ibang uri ng barko na ginagamit, mula sa mga malalaking barkong panlulan hanggang sa mga maliliit na mga pump boat. Ilan sa mga biyahe ay umaabot sa isang araw o higit pa sa mga malalaking barkong pang-magdamag, tulad ng mga barkong pinapatakbo ng 2GO Travel, habang ang ibang biyahe ay umaabot sa loob ng mga ilang minuto sa mga maliliit na bangkang pinapatakbo ng bomba (pump boat) tulad ng mga bangka na tumatawid sa Kipot ng Iloilo.

May mga maraming kompanyang pambarko sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay ang 2GO Travel at Trans-Asia Shipping Lines.[15]

Mga pantalan at daungan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Daungan ng Heneral Santos, ang pinakatimog na daungan sa Pilipinas.

Ang pinakaabalang daungan sa bansa ay ang Pantalan ng Maynila, lalung-lalo na ang Manila International Cargo Terminal at ang Eva Macapagal Port Terminal, kapwa nasa paligid ng nasabing pantalan. Kabilang sa mga iba pang lungsod na may mga maabalang daungan at pantalan ay ang Bacolod, Batangas, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Butuan, Iligan, Iloilo, Jolo, Legazpi, Lucena, Puerto Princesa, San Fernando, Subic, Zamboanga, Cotabato, Heneral Santos, Allen, Ormoc, Ozamiz, Surigao, at Tagbilaran. Karamihan sa mga himpilang ito ay bumubuo sa Strong Republic Nautical Highway, isang sistemang nautiko na pinatotohanan sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kung saan pwede gumamit ng mga sasakyang panlupa ang mga lantsang ro-ro (roll-on/roll-off) para tumawid sa pagitan ng mga pulo sa bansa.

Transportasyong panghimpapawid

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga paliparan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pasukan ng Paliparan ng Jolo sa Sulu.

Ang mga paliparan ng Maynila, Iloilo, Cebu, Davao, Clark, Subic, Zamboanga at Laoag ay mga pasukang pandaigdig sa Pilipinas.

Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) sa Maynila ay ang nangunguna at primerang pasukan ng bansa.[16] Nililingkuran nito ang Kalakhang Maynila at mga rehiyon sa paligid nito. Matatagpuan ito sa hangganan ng mga lungsod ng Parañaque at Pasay. Noong 2012, naging ika-34 ito sa mga pinakaabalang paliparan sa mundo ang NAIA; ang dami ng mga pasahero ay tumaas hanggang sa mga walong porsyento sa kabuuan na 32.1 milyong pasahero. Dahil diyan, isa ang NAIA sa mga pinaka-maabalang paliparan sa Asya.[17]

Ang Paliparang Pandaigdig ng Clark ay isa pang pangunahing pasukan sa bansa, ito ang magiging pandaigdigang pasukan para sa Kalakhang Maynila sa hinaharap at ipinaplano na papalitan nito ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino.[18] Sa pangkaramihan, pinaglilingkuran ng paliparan ang mga mababang presyong tagapaglipad sa himpapawid na nakikinabang sa mga mas-mababang singgil sa paglapag kompara sa mga sinisingil sa NAIA.

Ang ibang mga mahalagang paliparan sa Pilipinas ay Paliparang Pandaigdig ng Mactan–Cebu sa Lapu-Lapu, Cebu; Paliparang Pandaigdig ng Iloilo sa Cabatuan, Iloilo; Paliparang Pandaigdig ng Francisco Bangoy sa Dabaw; Paliparang Pandaigdig ng Zamboanga sa Lungsod ng Zamboanga; at Paliparang Pandaigdig ng Heneral Santos sa Heneral Santos, Timog Cotabato.

Mga kompanyang panghimpapawid (airlines)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Philippine Airlines ay ang pangunahing kompanyang panghimpapawid ng bansa.

Ang Philippine Airlines (PAL) ay ang pambansang kompanyang panghimpapawid ng Pilipinas, ito ang kauna-unahang kompanyang himpapawid sa Asya.[19] Nananatili itong pinakamalaking kompanyang panghimpapawid sa bansa, ito ay may pinakamadaming bilang ng mga pandaigdigang lipad patungong Pilipinas, gayundin mga panloob na lipad. Inuugnay nito ang Maynila sa 48 lungsod sa apat (4) na kontinente, at madalas na lumilipad ito sa 41 destinasyong panloob sa labas ng Kamaynilaan. Pinag-lilingkuran din ng Philippine Airlines ang dalawampung destinasyon sa Pilipinas at tatlumpu't-dalawang (32) destinasyon sa Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Silangang Asya, Oceania, at Hilagang Amerika.[20]

Ang Cebu Pacific ay ang nangungnang pang-mababang presyong kompanyang panghimpapawid sa bansa; ito ang nangungunang panloob na kompanyang panghimpapawid sa bansa. Inuugnay nito ang Maynila sa dalawampu't-isang (21) destinasyon sa loob ng Pilipinas, at sa tatlumpu't-siyam (39) na pandaigdigang destinasyon kasama ng mga direktang lipad nito. Pagkaraan ng pagbibigay ng mababang bayad sa mga panloob na destinasyon, inilunsad ng Cebu Pacific ang mga pandaigdigang operasyon nito noong Nobyembre 2001, at ngayon ay lumilipad na ito sa Bangkok, Busan, Guangzhou, Ho Chi Minh City, Hong Kong, Jakarta, Kota Kinabalu, Kuala Lumpur, Macau, Osaka, Seoul, Shanghai, Singapore, at Taipei.[21] Kasalukuyang nagpapatakbo ng kompanyang panghimpapawid ang mga hub nito sa Maynila, Cebu, at Dabaw.[22]

Bukod sa mga nabanggit na kompanyang panghimpapawid, ang ibang mga pang-mababang presyong kompanyang panghimpapawid sa bansa ay Philippines AirAsia (isang kasapi ng AirAsia na nakahimpil sa Malaysia), Cebgo, PAL Express, at iba pa; ang mga kompanyang panghimpapawid na ito ay may mga ruta papunta sa ilang destinasyong panturista sa bansa nang may mababang halaga.

Isang dyipni sa Lungsod ng Batangas

Ang mga dyipni ay ang pinakapatok na uri ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas.[2] Unang gawa ang mga ito mula sa mga dyip ng hukbo ng Estados Unidos na naiwan mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig,[23] at kilala sa kanilang maningning na palamuti at punong upuan. Ang mga ito ay naging laganap na sagisag ng kalinangan ng Pilipinas.

Ang mga tagagawa ng dyipni sa nakaraan ay kadalasang nakabase sa Lungsod ng Cebu at Las Piñas. Ang pinakamalaking tagagawa ng mga panghukbong katihan na estilo na mga dyipni ay MD Juan. Kasama sa ibang mga tagagawa ay Armak Motors (Lungsod ng San Pablo), Celestial Motors (Lungsod ng San Pablo), Hebron Motors, LGS Motors, Malagueña (Imus), Mega (Lipa), Morales Motors (San Mateo), at Sarao Motors (Las Piñas). Isa pang tagagawa, ang PBJ Motors, ay gumawa ng mga dyipni sa Pampanga gamit ang mga paraang hinango mula sa Sarao Motors. Ang Armak ay nagbebenta ngayon ng mga muling nilikha na trak at sasakyan bilang karagdagan, kasama na ang mga dyipni nito.

Ang mga unang dyipni ay mga pinagandang dyip pangmilitar ng Willys & Ford; ang mga makabagong dyipni ay ginagawa na ngayon ng mga nagsasariling pagawaan at pabrika sa Pilipinas kasama ang mga labis na makina at parte mula Hapon. Sa Cebu, karamihan sa mga dyipni ay ginawa mula sa mga segunda-manong Hapones na trak na unang ginamit para sa kargamento. Eupemistikong kilala ang mga ito bilang mga "surplus" truck".

May dalawang mga uri ng tagagawa ng dyipni sa Pilipinas.[2] Ang mga backyard builder ay nakagagawa ng 1-5 sasakyan kada buwan, kumukuha ng mga piyesang tinatakan ng tina mula sa isa sa mas-malaking mga tagagawa, at gumagawa kasama ang mga gamit nang makina at tsasis mula sa mga bakuran nh mga maisasalba pang gamit (kadalasang Isuzu 4BA1, 4BC2, 4BE1 serye na makinang diesel o Mitsubishi Fuso 4D30 na makinang diesel). Ang pangalawang uri ay ang malaking bultohang tagagawa. Mayroon silang dalawang sub-grupo: ang PUJ o "public utility jeep" at ang malaking bultohang kompanya na nagtatatak sa metal na nagtutustos ng mga parte gayundin ng mga kompletong sasakyan.

Mga suliranin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga pagsisikip ng trapiko (traffic congestion)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang pagsisikip ng trapiko sa EDSA.

Isang pambansang usapin ang pagsisikip sa daloy ng trapiko, lalo na sa Kalakhang Maynila. Sa Kalakhang Maynila, ang mga pagsisikip sa trapiko ay sanhi ng malaking bilang ng mga nakarehistro na sasakyan, kakulangan ng mga daan, at labis na populasyon (overpopulation), lalo na sa Maynila, Pateros, at Caloocan.[24] Mas-pinalala pa ito ng mga paglabag sa batas-trapiko, tulad ng iligal na pagpaparada (illegal parking), loading and unloading, beating the red light, at wrong-way driving.[25] Nagaambag din sa lumalalang pagsisikip ng trapiko ang mga proyektong daan at daambakal na hindi pa itinatayo.[26] Pinangangamban na kapag hindi nalunasan ang suliraning ito, "hindi matitirhan" ang Kamaynilaan pagpasok ng taong 2020.[27] Tinawag ng isang sarbey na isinagawa ng Waze na "pinakamalalang trapiko sa Daigdig" ang Kalakhang Maynila.[28]

Umabot sa humigit-kumulang ₱3 bilyon ang halaga ng pagkawala sa ekonomiya noong 2012 dahil sa mga pagsisikip ng trapiko.[29] Pinangangambahan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na aabot sa ₱6 na bilyon ang pang-araw-araw na kawalan sa ekonomiya kapag hindi pa napigil ang pagsisikip ng trapiko.[30]

Mga ahensiya ng pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kaugnay na artikulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Government keen on improving public transport system". Philstar. Nakuha noong 2013-01-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Lema, Karen (20 Nobyembre 2007). "Manila's jeepney pioneer fears the end of the road". Reuters. Nakuha noong 27 Pebrero 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. William C. Pollard, Jr. (1 Nobyembre 2010). "email to Lonely Planet". Boracay Budget Travel website. p. 2. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Hunyo 2012. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Airports in the Philippines". World Aero Data. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Mayo 2016. Nakuha noong 05 Hunyo 2016. {{cite web}}: Check date values in: |access-date= (tulong)
  5. 5.0 5.1 Morton, Loius (1953). The War in the Pacific: Fall of the Philippines. Washington, DC: Government Printing Office. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Agosto 2020. Nakuha noong 19 Mayo 2014.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Roadways in Philippines". Nakuha noong 17 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Average vehicle speed on Edsa is 36.24kph - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos". Nakuha noong 17 Marso 2015. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong); no-break space character in |accessdate= at position 9 (tulong)
  8. Flores, Asti (7 Pebrero 2013). "MMDA, DPWH name C5 Road as alternate route for EDSA overhaul". GMA News. Nakuha noong 30 Marso 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Subic-Clark-Tarlac highway opens from Inquirer.net". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-04. Nakuha noong 17 Marso 2015. {{cite web}}: Check date values in: |access-date= (tulong); no-break space character in |access-date= at position 9 (tulong)
  10. "Building Of New Expressways Pushed". Yahoo! Philippines. Nakuha noong 27 Abril 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "The Line 1 System - The Green Line". Light Rail Transit Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hulyo 2014. Nakuha noong 21 Oktubre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Key Performance Indicator - Line 1 - Green Line". Light Rail Transit Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-16. Nakuha noong 9 Hunyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Key Performance Indicator - Line 2 - Blue Line". Light Rail Transit Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-21. Nakuha noong 10 Hunyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Manila Metro Rail Transit-3 (Line 3)". Urban Rail. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-07-18. Nakuha noong 7 Hulyo 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Austria, Myrna S. (2003). "Philippine Domestic Shipping Transport Industry: State of Competition and Market Structure" (PDF). Philippine Institute for Development Studies. p. 38. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 14 Agosto 2011. Nakuha noong 6 Hunyo 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Transportation in the Philippines". Philippines Government. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Agosto 2016. Nakuha noong 5 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "NAIA world's 34th busiest airport". philstar.com. Nakuha noong 17 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Arroyo wants DMIA become top airport amid plan to close NAIA". GMA News and Public Affairs. Philippines. 29 Enero 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "History and Milestone". Philippine Airlines. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Marso 2016. Nakuha noong 5 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. [1] Naka-arkibo 2012-11-05 sa Wayback Machine., Philippine Airlines. Hinango noong Enero 2013.
  21. Abouth CEB
  22. http://www.cebupacificair.com/pages/PressReleases.aspx?pid=37
  23. Otsuka, Keijiro; Kikuchi, Masao; Hayami, Yujiro (Enero 1986). "Community and Market in Contract Choice: The Jeepney in the Philippines". Economic Development and Cultural Change. 34 (2): 279–298. doi:10.1086/451528. JSTOR 1153851.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "10 Alarming Facts about Traffic in Metro Manila that You Should Know". FAQ.ph. Nakuha noong 17 Enero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Liquicia, Chi. "Manila traffic: the agony, without the ecstasy". Latitude News. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Pebrero 2016. Nakuha noong 17 Enero 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Visconti, Katherine (26 Setyembre 2012). "Traffic and infrastructure delays cost the Philippines". Rappler. Nakuha noong 17 Enero 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Middleton, Rachel (15 Enero 2016). "Philippines: Manila to be uninhabitable in 4 years if traffic chaos not resolved". International Business Times. Nakuha noong 26 Abril 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Tan, Lara (2 Oktubre 2015). "Metro Manila has 'worst traffic on Earth', longest commute - Waze". CNN Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Enero 2016. Nakuha noong 26 Abril 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Metro Manila traffic costing Philippines P3 billion a day". Associated Press. 2015-09-16. Nakuha noong 2016-04-26 – sa pamamagitan ni/ng The Philippine Star.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Dela Cruz, Chrisee (2 Agosto 2016). "DPWH chief Villar: Metro traffic jam 'can be solved in 2-3 years". Rappler. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Agosto 2016. Nakuha noong 7 Agosto 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)