Talaan ng mga lungsod sa Nevada

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Kinaroroonan ng Nevada sa Estados Unidos

Ang Nevada ay isang estado na matatagpuan sa Kanlurang Estados Unidos. Ayon sa senso ng Estados Unidos noong 2010, pantatlumpu't-anim na pinakamataong estado ang Nevada na may &0000000002700691.0000002,700,691 katao at pampitong pinakamalaki ayon sa lawak ng lupa ma umaabot sa 109,781.18 milya kuwadrado (284,332.0 kilometro kuwadrado).[1] Nahahati ang Nevada sa labimpitong (17) kondado at may 19 na mga nasapi (o nainkorporadang) munisipalidad.[2] Bagaman sumasakop lamang ang mga munisipalidad sa humigit-kumulang isang porsyento ng masa ng lupa ng estado, ang mga ito ay tinitirhan ng humigit-kumulang 56.7 porysento ng populasyon.[1]

Maliban sa kabisera nitong Carson City (na walang paglalarawang naaayon sa batas subalit itinuturing lungsod ng marami), lahat ng mga nasapi (o nainkorporadang) pamayanan sa estado ay kinikilala ng batas ng estado bilang mga lungsod.[2] Upang masapi bilang isang munisipalidad, isang petisiyon para sa pagsasapi ay maaaring isagawa sa lupon ng mga komisyonado ng kondado na magsasaalang-alang sa mga batayang heograpiya, demograpiya, at ekonomiya.[3] Ang mga lungsod ay may pananagutan sa pagbibigay ng mga lokal na paglilingkod tulad ng pagtatanggol sa apoy at proteksiyon mula sa kapulisan, pagpapanatili ng daan, pagmamahagi ng tubig, at pagpapanatili ng alkantarilya.[3]

Sang-ayon sa senso noong 2010, ang pinakamalaking lungsod sa estado ay Las Vegas na may 583,756 katao, at ang pinakamaliit na lungsod ay Caliente na may humigit-kumulang 1,130 katao.[1] Batay sa lawak ng lupa, ang pinakamalaking lungsod ay Boulder City na umaabot sa 208.52 milya kuwadrado (540.1 kilometro kuwadrado), habang ang Lovelock naman ang pinakamaliit sa nasasakupan na umaabot sa 0.85 milya kuwadrado (2.2 kilometro kuwadrado).[1] Ang unang pamayanan na nainkorporada ay Carson City noong Marso 1, 1875, at ang pinakabagong pamayanan na nainkorporada ay Fernley noong Hulyo 1, 2001.[4][5]

Mga nasaping lungsod[baguhin | baguhin ang batayan]

      Kabisera ng estado at malayang lungsod State capital

      Punong lungsod ng kondadoCounty seat

Pangalan Kondado[1] Populasyon
(2010)[1]
Populasyon
(2000)[1]
Pagpalit (%) Lawak ng lupa
(2010)[1]
Retrato
(2010)[1]
sq mi km2
Boulder City Clark 15,023 14,966 &0000000000000000380863+0.4% 208.52 540.1 Boulder City, View of Lake Mead.jpg
Caliente Lincoln 1,130 1,123 &0000000000000000623330+0.6% 1.87 4.8
Carlin Elko 2,368 2,161 &0000000000000009578898+9.6% 10.44 27.0
Carson CityIndependent City Wala, malayang lungsod 55,274 52,457 &0000000000000005370112+5.4% 144.66 374.7 Carson city nevada capitol.jpg
ElkoCounty seat Elko 18,297 16,708 &0000000000000009510414+9.5% 17.64 45.7 2012-09-30 14 28 33 View of downtown Elko in Nevada from a bluff to the south.jpg
ElyCounty seat White Pine 4,255 4,041 &0000000000000005295718+5.3% 7.64 19.8 DowntownElyNV.jpg
FallonCounty seat Churchill 8,606 7,536 &0000000000000014198513+14.2% 3.63 9.4
Fernley[a] Lyon 19,368 NA 122.12 316.3 2015-10-30 10 09 36 View west along Main Street (Nevada State Route 427) in Fernley, Nevada.jpg
Henderson Clark 257,729 175,381 &0000000000000046953774+47.0% 107.73 279.0 Green Valley High School, Henderson, Nevada (18193053422).jpg
Las VegasCounty seat Clark 583,756 478,434 &0000000000000022013903+22.0% 135.81 351.7 DowntownLasVegas.jpg
LovelockCounty seat Pershing 1,894 2,003 &-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-6558162−5.4% 0.85 2.2 Lovelock, Nevada-750px.JPG
Mesquite Clark 15,276 9,389 &0000000000000062701033+62.7% 31.89 82.6 Mesquite Nevada 2.jpg
North Las Vegas Clark 216,961 115,488 &0000000000000087864540+87.9% 101.35 262.5 Northlasv.jpg
RenoCounty seat Washoe 225,221 180,480 &0000000000000024790004+24.8% 103.01 266.8 Reno skyline.JPG
Sparks Washoe 90,264 66,346 &0000000000000036050402+36.1% 35.76 92.6 Victorian Square, Sparks, Nevada.jpg
Wells Elko 1,292 1,346 &-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-5988112−4.0% 6.90 17.9
West Wendover Elko 4,410 4,721 &-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-1-7412412−6.6% 7.48 19.4
WinnemuccaCounty seat Humboldt 7,396 7,174 &0000000000000003094507+3.1% 9.39 24.3 Winnemucca South Bridge Street.jpg
YeringtonCounty seat Lyon 3,048 2,883 &0000000000000005723204+5.7% 8.60 22.3

Mga nota[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Nasapi (o nainkorporada) ang Fernley noong Hulyo 1, 2001, kaya't hindi ito makikita sa senso 2000.[6]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]