Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2010
Itsura
(Idinirekta mula sa Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 6)
Mula Enero 2010 hanggang Disyembre 2010
[baguhin ang wikitext]Alam ba ninyo...
Disyembre 2010
[baguhin ang wikitext]- ... na ang pambansang koponan ng sipaang-bola ng Pilipinas ay ang pambansang koponan ng Pilipinas na kumakatawan sa bansa sa pandaigdigang sipaang-bola?
- ... na ang keso de bola ay orihinal na nagmula sa Olanda?
- ... na ang Ahoge ay isang biswal na pamamaraan sa anime at manga na binubuo ng isahang pagkakulot o maramihan?
- ... na ang mga munggong gulaman ay mga kending pang-Pasko ng Pagkabuhay?
- ... na ang kasalanang orihinal ay tinatawag ding kasalanan ng kanunu-nunuan?
- ... na ang Yaiba, na gawa ni Gosho Aoyama, ay nakatanggap ng Gantimpalang Manga ng Shogakukan noong 1993?
- ... na ang panitikang Manx ay ang panitikan na nasa wikang Manx?
- ... na ang adamantina ay tumutukoy sa anumang mga sustansiyang may natatanging katigasan?
- ... na ang pinakamaagang mga teksto sa panitikang Kastila ay nagmula pa sa ika-12 daantaon?
Nobyembre 2010
[baguhin ang wikitext]- ... na ang Hadith ay mga pagsasalaysay hinggil sa mga sinabi at mga gawa ng propetang Muslim na si Muhammad?
- ... na ang panalanging Anima Christi ay hindi talaga akda ni San Ignacio ng Loyola?
- ... na ang kasaysayan ng Europa ay ang lahat ng mga panahon nang magsimulang mamuhay ang mga tao sa Europa hanggang sa kasalukuyan?
- ... na ang B Gata H Kei ay isang seryeng manga na ginawang isang seryeng anime at nakalisensiya sa Tradisyonal na Tsino?
- ... na ang kriptosoolohiya ay ang pag-aaral ng nakakubling mga hayop?
- ... na ang Go ay isang larong may tabla na nagmula sa sinaunang Tsina?
- ... na ang Matinding Kapanglawan ay ang malawakang krisis na pang-ekonomiyang naganap sa Estados Unidos noong dekada ng 1930?
Oktubre 2010
[baguhin ang wikitext]- ... na si Mary MacKillop ay ang kauna-unahang kinikilalang santo mula sa Australya?
- ... na ang Krisis ng Ikatlong Siglo ay isang panahon ng Imperyong Romano na kung saan ito ay malapitan nang bumagsak?
- ... na ang Otogi Manga Calendar ay ang unang seryeng anime, at ang kauna-unahang serye na naipalabas?
- ... na si Konstantin Novoselov ay ang pinakabatang nabubuhay na nakakuha ng Gantimpalang Nobel sa lahat ng kaurian?
- ... na ang pinagmulan ng pamagat ng anime na Madlax ay galing sa salitang Ingles na "mad" at "relaxed"?
- ... na ang Mitsubishi A6M Zero ang pinakamagaling na eroplano bago sumapit ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- ... na ang Ramayana at Mahabharata ay mga halimbawa ng panitikan sa Indya?
- ... na ang Azumanga Daioh ay ikalawa sa pinakapopular na serye ng guhit-larawang komiks noong 2002?
Setyembre 2010
[baguhin ang wikitext]- ... na si Solanus Casey ay ang unang lalaking ipinanganak sa Estados Unidos na pormal na ipinahayag na Kagalang-galang ng simbahang Katoliko Romano?
- ... na ang wikang Burmes ay malapit sa mga wikang Intsik at Tibetano?
- ... na ang Republika ng Moldova ay isang bansang walang pampang?
- ... na kuwadrilateral ang tawag sa mga hugis na may apat na gilid at apat na sulok?
- ... na ang The Secret Cardinal ay isang nobela tungkol sa pagsagip sa isang obispong Intsik na ang pagkakardinal ay nasa puso lamang ng Santo Papa?
- ... na ang anim na baryo ng Kaliwungu, Indonesya ay napunta sa Timog Kaliwungu?
Agosto 2010
[baguhin ang wikitext]- ... na ang Imokawa Mukuzo Genkanban no Maki ay ang unang propesyonal na pelikulang anime na nagawa?
- ... na si Neri Javier Colmenares ay ang isa sa mga pinakabatang nanghimagsik laban sa panahon ni Ferdinand Marcos?
Hulyo 2010
[baguhin ang wikitext]- ... na ang Sais na isang sinaunang lungsod sa Ehipto ay kinaroroonan ng libingan ni Osiris at ang mga paghihirap ng diyos ay nakalaan bilang kababalaghan sa gabi sa isang katabing lawa ayon sa isang akda ni Herodotus?
- ... na ang Pokémon HeartGold and SoulSilver ay isa sa mga pinakabagong larong Pokémon sa Nintendo DS?
- ... na ang lungsod ng Nice sa Pransiya ay isa sa mga pinakaunang permanenteng mga pamayanan sa Mediteraneo?
- ... na ang ugnayang matalik ay isang partikular na malapit na ugnayang pangpakikipagkapwa-tao?
- ... na ang Diyosesis ng San Jose sa Pilipinas ay itinatag noong 1984 mula sa Diyosesis ng Cabanatuan?
- ... na si Stephen Rowsham ay isang Ingles na Katolikong pari at martir?
- ... na ang Kama Sutra ay isang sinaunang aklat ng pag-ibig mula sa Indiya?
- ... na ang pananalapi ay ang kung paano pinag-aaralan ang pagkakamit at paggamit ng salapi ng mga tao, mga negosyo, at mga pangkat?
- ... na ang Diyosesis ng Antipolo ay isang diyosesis ng Ritong Latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas na itinatag noong 1983?
- ... na ang Libingan ni Haring Dongmyeong ay isang mosoleyong malapit sa Ryongsan-ri, Ryeokpoguyeok, Pyongyang, Hilagang Korea?
- ... na ang Diyosesis ng Alaminos ang diyosesis ng Simbahang Katoliko na may hurisdiksiyon sa kanlurang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan?
- ... na ang sedimentolohiya ay sumasaklaw sa pag-aaral ng makabagong mga sedimento?
- ... na ang kalayaang sibil ay ang payak na kalayaan ng isang tao?
- ... na ang disenyo ay ang pagpaplanong naglalatag ng basehan para sa paggawa ng isang bagay o sistema?
- ... na si Delilah Rene ay isang Amerikanang personalidad sa radyo, may-akda, at manunulat ng awitin?
- ... na ang Diyosesis ng Urdaneta ay isang diyosesis ng Ritong latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas?
Hunyo 2010
[baguhin ang wikitext]- ... na si San Expedito ay ang santong hinihilingan ng mabilisan at mahinusay na kalunasan?
- ... na ang teoriyang makaagham ay isang uri ng teoriyang nagbabawas?
- ... na ang musikang klasiko ay nililikha ng mga musikerong sanay sa sining ng pagsusulat ng musika?
- ... na ang malayang panahon ay isang uri ng gawaing malaya sa hanap-buhay?
- ... na ang hilig ay gawaing nakapagbibigay ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili?
- ... na ang kawalang hangganan ay isang diwa sa matematika na ang isang bagay ay walang katapusan?
- ... na ang bago ang kasaysayan ay ang kasaysayan bago pa natutong makapagsulat ang mga tao?
- ... na si Antón Lamazares ay isang pintor na Kastilang kasapi sa Salinlahi ng 80?
- ... na ang Budismong Theravada ay ang pinakaluma na nananatili pang paaralan ng Budismo?
- ... na si Ingmar Bergman ay isang Suwekong direktor, manunulat, at prodyuser ng pelikula, teatro, at telebisyon?
- ... na ang kapakanang pampubliko ay ang tulong na pampubliko na natatanggap ng mga taong hindi makapaghanapbuhay?
- ... na ang FIFA ay ang pandaigdigang konseho ng sipaan ng bola?
- ... na ang beganismo ay isang gawi ng pamumuhay na ang mga tagasunod ay naglalayong huwag isama ang paggamit ng hayop bilang pagkain, damit, o ibang layunin?
- ... na ang batong pingkian ay isang matigas na uri ng batong sedimentaryo at kriptokristalina ng kuwarts na mineral?
- ... na ang Tropiko ng Kaprikorn ay isa sa limang pangunahing mga bilog ng latitud na nagmamarka sa mga mapa ng daigdig?
- ... na si Jimi Hendrix ay madalas na kinikilala bilang pinakadakilang tagagamit ng elektrikong gitara sa kasaysayan ng tugtuging bato?
- ... na ang anatomiyang hambingan ay ang makaagham na pag-aaral ng mga pagkakatulad at pagkakaiba sa anatomiya ng mga hayop?
- ... na ang El Niño ay isang gawi ng klima na nangyayari sa kahabaan ng tropikal na Karagatang Pasipiko?
- ... na ang lahat ng kosmetikong ginagamit ng tao upang mapainam ang wangis ng katawan ay maituturing na kalinangang pangkagandahan?
- ... na ang kalusugang pampubliko ay ang agham at sining ng pag-iwas at pagpigil sa mga karamdaman, pagpapahaba ng buhay, at pagtataguyod ng kalusugan?
- ... na ang biyolohiyang pantao ay isang larangang akademiko na kabahagi ng biyolohiya, antropolohiyang biyolohikal, at medisina na nakatuon sa tao?
- ... na si Aristarco ang unang nakikilalang tao na nagpahayag ng modelong heliosentriko ng sistemang solar?
- ... na ang etnolohiya ay isang sangay ng antropolohiya?
- ... na ang itlog ay bilugang bagay na naglalaman ng hindi pa ipinapanganak na batang anak ng mga babaeng ibon, isda, o reptilya?
- ... na ang behetaryanismo ay ang pagkain ng gulay lamang?
- ... na ang bentilasyon ay ang galaw at pagpasok ng sariwang hangin sa mga silid at iba pang mga puwang?
- ... na si Hiparco ang tagapagtatag ng trigonometriya?
- ... na ang himpapawid ay ang hangin at mga singaw ng panahon na bumabalot sa daigdig?
- ... na bagaman kamukha ng mga manok ang mga manok-gubat (nakalarawan), napapalibutan ng mga balahibo ang kanilang mga binti?
- ... na natuklasang epektibo ang biofeedback sa pagbibigay-lunas sa mga sakit ng ulo at presyon ng dugo?
- ... na ang Distrito ng Gatsibo ay isang distrito sa Silangang Lalawigan ng Rwanda?
- ... na ang iniisip ay ang mga hubog na nalilikha sa isipan, sa halip na mga pormang napansin sa pamamagitan ng pandama?
- ... na sa elektroniks, ang gana ay ang dagdag na lakas sa signal?
- ... na wala pang tiyak na sitwasyong napapatunayan kung ano ang tunay na mga dahilang nakapagdurulot ng tulog?
- ... na ang panggagamot na panloob ay ang medikal na espesyalidad na may kaugnayan sa pag-iwas, diyagnosis, at paglulunas ng mga karamdaman ng mga taong nasa wastong gulang na?
- ... na ang Digmaang Sibil ng Espanya ay isang pangunahing hidwaan na sumalanta sa Espanya mula 1936 hanggang 1939?
- ... na nagmula sa wikang Latin ang salitang Misa na may kahulugang pagtatanggal subalit naging tagapagpahiwatig ng misyon ng Simbahang Katoliko?
- ... na mayroong 138 mga piramide ng Ehipto na natagpuan mula noong 2008?
- ... na nagbabago ang timbang ng mga bagay kapag nasa antas sila ng dagat at habang nasa tuktok ng bundok?
- ... na ang espirituwalidad ay isang panloob na daan na nagbibigay-daan sa isang tao na matuklasan ang katuturan ng kanyang pagkatao?
- ... na si Evil Merodac ay ang anak na lalaki at kahalili ni Nabucodonosor II na hari ng Babilonya?
- ... na ang kabihasnang Maya ay isang sibilisasyong Mesoamerikano na namuhay sa Guwatemala at Timog Mehiko sa loob ng may 3,000 mga taon?
- ... na ang karamdaman ni Parkinson ay isang kronikong kapansanan ng sistemang nerbyos na isinaunang inilarawan bilang isang panghihinang umaalog?
- ... na ang aklimatisasyon ay ang pagkakahiyang ng isang organismo sa bagong klima at kapaligiran?
- ... na hinango ang katagang sakong ni Aquiles, na may kaugnayan sa litid ni Aquiles, mula sa alamat ng bayaning Griyegong si Aquiles?
- ... na ang Pitong mga Hiwaga ng Sinaunang Mundo ay ang kamangha-manghang mga gusali noong klasikong panahong sinauna?
- ... na ang asupre ay karaniwang ginagamit sa paggawa ng pulbura gaya ng sa paputok?
Mayo 2010
[baguhin ang wikitext]- Wala
Abril 2010
[baguhin ang wikitext]- ... na ang Hari ng mga Romano ay titulong gamit ng mga hari sa Kahariang Romano at Banal na Imperyo Romano?
- ... na si Carlos V, Banal na Emperador Romano ay ang nagbigay ng mga barko sa ekspidisyon ni Fernando Magallanes?
Marso 2010
[baguhin ang wikitext]- Wala
Pebrero 2010
[baguhin ang wikitext]- Wala
Enero 2010
[baguhin ang wikitext]- ... na ang edukasyong pangkatawan ay ang mga ehersisyong pangkatawang paksa sa mga paaralan upang makatulong sa pagkakaroon ng angkop na pangangatawan?
- ... na ang mga gawaing pangsanay ng katawan ay nakapagpapainam sa kalusugan at anyo ng katawang pantao?
- ... na may iba't ibang uri ng hugis ang katawang panlalaki at katawang pambabae?
- ... na ang pananaw sa anyo ng katawan ay maaaring positibo o kaya negatibo?
- ... na si Ivo Josipović ay isang politikong Kroato na nahalal bilang Pangulo ng Croatia?
- ... na ang Daluyang Dauletabad–Salyp Yar ay isang daluyan ng likas na gas mula sa Turkmenistan patungong Iran?
- ... na ang Kagawaran ng Caquetá ay isang kagawaran ng Kolombiya?
- ... na si Stephen W. Bosworth ang nagsisilbing espesyal na kinatawan ng Estados Unidos sa patakaran na pang-Hilagang Korea?
- ... na ang The Kite Runner ay isang nobela ng may-akdang si Khaled Hosseini?
- ... na ang poso ay mayroong iba't ibang mga uri?
- ... na si Marie Chapian ay isang Amerikanang manunulat, tagapagsalita, at sikoterapista?
- ... na ang therblig ay isang pangkat ng mga kislot na kinakailangan upang maisagawa ng isang manggagawa ang gawaing kinakamay?
- ... na mayroong apat na pangkaraniwang mga uri ng pagbuntal?
- ... na sa Islam, si Hesus ay isang Mensahero ng Diyos na ipinadala para magbigay ng gabay sa mga Mga anak ng Israel?
- ... na ang Administrasyon ng Segurong Sosyal ng Estados Unidos ay isang ahensiya ng pamahalaang pederal ng Amerikang nangangasiwa ng programa para sa mga benepisyo sa pagreretiro, disabilidad, at pangnakaligtas?
- ... na ang pangalan ng bulkang Kilauea ng Kapuluan ng Haway ay nangangahulugang "sumusuka" o "malakihang pagkalat"?
- ... na ang Amerikanong pelikulang Angels and Demons ay nakabase sa aklat na isinulat ni Dan Brown, ang may-akda ng The Da Vinci Code?
- ... na ang Tangway ng Scandinavia ay isang rehiyon sa Europa na binubuo ng Noruwega, Suwesya at bahagi ng Pinlandiya?
- ... na ang Ghosts of Girlfriends Past ay isang Amerikanong romantikong pelikula na nakabase sa nobelang A Christmas Carol ni Charles Dickens?