Pumunta sa nilalaman

Lungsod Quezon

Mga koordinado: 14°39′00″N 121°02′51″E / 14.65°N 121.0475°E / 14.65; 121.0475
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Daang Kamuning)
Lungsod Quezon

Lungsod Quezon
Watawat ng Lungsod Quezon
Watawat
Opisyal na sagisag ng Lungsod Quezon
Sagisag
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod Quezon.
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod Quezon.
Map
Lungsod Quezon is located in Pilipinas
Lungsod Quezon
Lungsod Quezon
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°39′00″N 121°02′51″E / 14.65°N 121.0475°E / 14.65; 121.0475
Bansa Pilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon (NCR)
Lalawigan
Distrito— 1381300000
Mga barangay142 (alamin)
Pagkatatag12 Oktubre 1939
Ganap na Lungsod12 Oktubre 1939
Pamahalaan
 • Punong LungsodJoy Belmonte
 • Pangalawang Punong LungsodGian Sotto
 • Manghalalal1,403,895 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan171.71 km2 (66.30 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan2,960,048
 • Kapal17,000/km2 (45,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
738,724
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitanatatanging klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan1.80% (2021)[2]
 • Kita₱24,024,463,055.00 (2020)
 • Aset₱441,278,541,687.57 (2022)
 • Pananagutan₱29,659,831,026.00 (2020)
 • Paggasta₱23,068,244,019.00 (2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
PSGC
1381300000
Kodigong pantawag2
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytquezoncity.gov.ph

Ang Lungsod Quezon (Ingles: Quezon City, pinaikling QC) o Lungsod ng Quezon ay ang dating kabisera at ang pinakamataong lungsod sa Pilipinas. Matatagpuan sa pulo ng Luzon, isa ang Lungsod Quezon sa mga lungsod at munisipalidad na binubuo ng Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon. Ipinangalan ang lungsod kay Manuel L. Quezon, ang dating pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na siya rin nagtatag ng lungsod at isinulong upang palitan ang Maynila bilang kabisera ng bansa.

Hindi ito matatagpuan at hindi rin dapat ipagkamali ang lungsod na ito sa lalawigan ng Quezon, na ipinangalan din sa dating pangulo.

Bilang dating kabisera, maraming opisina ng pamahalaan ang matatagpuan dito, kabilang ang Batasang Pambansa, ang upuan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas, na siyang mababang kapulungan sa Kongreso ng Pilipinas. Matatagpuan din dito ang pangunahing kampus ng Unibersidad ng Pilipinas at ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Pilipinas sa Diliman. Paki-tingnan rin ang RSHS-NCR.

Makikita rin sa Lungsod Quezon ang maraming malalawak na liwasan, nakahilerang puno sa mga daan, at maraming mga pook pang-komersyo na popular sa mga mamimili sa buong kalakhan. Karamihang binubuo ng mga pamahayan (residential) na bahagi at maliit lamang ang mga lugar pang-industriya sa malaking siyudad na ito.

Pangulo ng Komonwelt Manuel L. Quezon.

Bago malikha ang Lungsod Quezon, ito ay binubuo ng mga maliliit na bayan, tulad ng San Francisco del Monte, Novaliches, at Balintawak. Noong 23 Agosto 1896, ang Katipunan na pinamumunuan ni Andres Bonifacio ay nagsimula ng himagsikan laban sa Espanya sa tirahan ni Melchora Aquino sa Pugad Lawin (ngayon ay Bahay Toro at Project 8). Noong unang kalahati ng ikadalawampung siglo, pinangarap ni Pangulong Manuel L. Quezon na magkaroon ng isang bagong kapital ng bansa, papalitan nito ang Maynila na siyang kasalukuyan noong panahong iyon, at tirahan sa maraming manggagawa. Pinaniniwalaan na ang nauna niyang pagbisita sa bansang Mehiko ay ang nag-impluwensiya sa pangarap na ito.

Noong 1938, nilikha ni Pangulong Quezon ang People's Homesite Corporation at bumili ng 15.29 km2 lupa mula sa lupain ng pamilya Tuason. Ipinasa ng Pambansang Asemblea ng Komonwelt ng Pilipinas ang Commonwealth Act 502 na kilala bilang "Charter ng Lungsod Quezon" na noong una ay inimungkahing Lungsod ng Balintawak. Matagumpay na namungkahi nina Narcisco Ramos at Ramon Mitra, Sr. na maipangalan ang nasabing lungsod sa kasalukuyang pangulo ng panahong iyon. Pinahintulutan ni Pangulong Quezon na maipasa ang nasabing bill upang maging batas ng wala ang kanyang pirma noong 12 Oktubre 1939, at dito naitatag ang Lungsod Quezon.

Matapos ang digmaan, ang Republic Act No. 333 na kung saan naayos ang mga hangganan ng Lungsod Quezon at Lungsod ng Kalookan ay pinirmahan ni Pangulong Elpidio noong 17 Hulyo 1948. Isinasaad din nito na ang nasabing lungsod ang magiging bagong kapital ng bansa at ang lawak nito ay 156.60 km2. Ang Baesa, Talipapa, San Bartolome, Pasong Tamo, Novaliches Poblacion, Banlat, Kabuyao, Pugad Lawin, Bagbag, at Pasong Putik na dating mga bahagi ng Novaliches ay may lawak na 8, 100 hektarya, ay kinuha mula sa Lungsod ng Kalookan at ibinigay sa Lungsod Quezon. Ito ang dahilan kung bakit nahati ang Lungsod na Kalookan sa dalawa - ang katimugang hati ay urbanisado at ang hilagang bahagi ay sub-rural. Noong 16 Hunyo 1950, binago ang Charter ng Lungsod Quezon ng Republic Act 537, kung saan nabago ang lawak ng siyudad sa 153.59 km2.

Eksaktong 6 na taon ang dumaan, noong 16 Hunyo 1956, marami pang binago sa lawak ng siyudad, ang Republic Act No. 1575 na nagbago sa lawak ng siyudad sa 151.06 km2. Nakasaad sa website ng pamahalaan ng Lungsod Quezon na ang lawak ng lungsod ay 161.12 km2. Noong 1 Oktubre 1975, idinaos sa Lungsod Quezon ang "Thrilla in Manila" na laban nina Muhammad Ali at Joe Frazier.

Sa Presidential Decree No. 824 ni Pangulong Ferdinand Marcos, nalikha ang Kalakhang Maynila (Metro Manila). Ang Lungsod Quezon ay naging isa sa 17 lungsod at munisipalidad ng Kalakhang Maynila. Nang sumunod na taon, ibinalik sa Lungsod ng Maynila ang pagiging kapital ng bansa mula sa Lungsod Quezon sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 940. Noong 31 Marso 1978, inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos na ilipat ang mga labi ni Pangulong Manuel L. Quezon mula sa Manila North Cemetery papunta sa bagung-tayong Quezon Memorial Monument na napapalibutan ng Elliptical Road, Manuel L. Quezon monument, at ang City Hall. Noong 22 Pebrero 1986, ang bahagi ng Abenida Epifanio de los Santos (o EDSA) na nasa Lungsod Quezon ay ang lugar kung saan naganap ang mapayapang People Power Revolution.

Noong 23 Pebrero 1998, pinirmahan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Republic Act No. 8535. Isinasaad ng nasabing batas na magkakaroon ng isang Lungsod ng Novaliches na binubuo ng 15 pinaka-hilagang mga barangay ng Lungsod Quezon. Ngunit sa sumunod sa plebesito noong 23 Oktubre 1999, mayorya ng mga nakatira sa lungsod ang tumutol sa paghiwalay sa Novaliches. Ang pamahalaan ng Lungsod Quezon ang unang lokal na pamahalaan sa Pilipinas na may kompyuterisadong paraan sa pagsisiyasat sa real estate at sa sistema ng pagbabayad nito. Nagdevelop ng sistemang database ang pamahalaang siyudad na ngayon ay may nasa 400, 000 property units na may kakayahan na itala ang mga bayad.

1939 Masterplan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1938, itinulak ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga plano para sa isang bagong lungsod kapital. Sumisikip na sa Maynila at ang mga tagapayong pangmilitar ni Pangulong Quezon ay nagsasabi na ang Maynila, na nasa tabi ng isang look, ay isang madaling target para bombahin ng barkong pandigma kung sakaling atakihin at ang mga posibilidad ay mataas noong mga taon bago ay giyera.

Wala sa isip ng mga tagapayo ni Pangulong Quezon ang posibilidad ng mga atake mula sa ere. Gayunman, itinulak pa rin ni Quezon ang ideyang magtayo ng kapital, 15 km mula sa Look ng Maynila (malayo para sa mga baril pandagat). Kinontak niya si William E. Parsons, isang Amerikanong arkitekto at planner, na siya ring konsultant na arkitekto mula pa sa simula ng okupasyon ng mga Amerikano sa bansa. Sinimulan ni Parsons ang plano at tumulong sa pagpili sa Diliman (Tuason) Estate bilang lugar para sa bagong lungsod. Sa kasamaang-palad, namatay si Parsons nang sumunod na taon. Ang partner niyang si Harry Frost ang nagtuloy ng plano. Nakipagtulungan si Frost kina Juan Arellano, Engr. E. D. Williams, at Arkitektong Panlandscape at Planner na si Louis Croft para gumawa ng isang grand master plan para sa bagong kabisera, ang Lungsod Quezon.

Inaprubahan ang plano ng mga Pilipinong awtoridad noong 1941. Sa kalagitnaan ng siyudad ay isang 400-ektaryang parke, halos kasing-laki ng Central Park ng New York at tinutukoy ng North, South (Timog), East, at West Avenues. Sa isang panulukan ng inimungkahing Diliman Quadrangle ang pinlanong ilagay ang isang 25-ektaryang lote. Dito ilalagay ang isang malaking gusaling kapitolyo parang sa Lehislaturang Pilipino at mababang mga istruktura para sa mga tanggapan ng mga kongresista. Sa magkabilang panulukan ay pinlanong itayo - ang bagong Palasyo ng Malacañan at ang gusali ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Ang tatlong sangay ng pamahalaan ay sa wakas mailalagay na sa tabi ng isa't isa.

Tanawin ng Lungsod Quezon mula sa himpapawid, kasama ang Mabuhay Rotonda sa harapan.

Ang siyudad ay nakapwesto sa itaas ng Talampas ng Guadalupe na isang medyo mataas na talampas sa hilagang-silangang bahagi ng siyudad - sa pagitan ng mga mababang lupain ng Maynila sa timog-kanluran at sa Lambak ng Marikina sa silangan. Sa katimugag bahagi matatagpuan ang makitid na Ilog San Juan at ang mga tributaryo nito sa Ilog Pasig, habang sa hilaga naman ng siyudad matatagpuan ang makitid ring Tullahan River.

Ang Lungsod Quezon ay hinahangganan ng Lungsod ng Maynila sa timog-kanluran, mga Lungsod ng Kalookan at Valenzuela sa kanluran at hilagang-kanluran. Sa timog naman ay ang mga Lungsod ng San Juan at Mandaluyong. Samantala, mga Lungsod ng Marikina at Pasig ang humahanggan sa Lungsod Quezon sa timog-silangan. Sa hilaga naman, sa kabila ng Ilog Marilao ay ang Lungsod ng San Jose del Monte sa probinsiya ng Bulacan at sa silangan ay ang mga bayan ng Rodriguez at San Mateo, parehong nasa probinsiya ng Rizal.

Nahahati ang siyudad sa ilang mga pook. Ang katimugang bahagi ng siyudad ay nahahati sa Diliman, Commonwealth, ang mga Project, Cubao, Kamias, Kamuning, New Manila, San Francisco del Monte, at Santa Mesa Heights. Ang hilagang bahagi ng siyudad ay ang Fairview at Lagro, ngunit kadalasan ay tinatawag itong Novaliches. Karamihan sa mga pook na ito ay walang nakatukoy na hangganan at sa kalikasan ay pamahayan (residential).

Araneta Coliseum

Malawak at Iba't iba ang pangunahing pinagkikitaan sa Lungsod Quezon. Subalit pangunahing mapapangkat ito sa telekomunikasyon, edukasyon, pangpamahalaan, komersyal, industrial, retail, at professional.

Dahil malawak ang lungsod Quezon, binubuo ito ng limang pangunahing hiwa hiwalay na sentrong pangkalakalan. Ito ay ang mga sumusunod:

Ang pinakalumang sentrong pangkalakalan (commercial) ng lungsod kung saan makikita ang Aurora Tower at mga shopping mall. Isang langkap na panlibangang parke ang Fiesta Carnival na napalitan na ng isang sangay ng Shopwise, isang lokal na pamilihan. Makikita rin dito ang Araneta Coliseum, na isang kilalang lugar na pinagdadausan ng mga consyerto at laro.

Una itong tinaguyod at pinaunlad ng Megaword Corporation bilang isa sa natatanging sentro ng kalakalang Information Technology sa bansa. Sa kasulukuyan ang Eastwood City ay ang pinakakilalang lugar na kumakanlong sa negosyong IT. Mahigit sa 70,000 libong mangagawa, professional, at negosyante ang nagpapaunlad at nagtratrabaho dito.

Quezon City Central Business District
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matatagpuan sa Hilagang Tatsulok ng gitnang lungsod Quezon. Ito aya ang pinakabagong tinataguyod na sentrong pangkalakalan ng Lungsod. Binuo sa pamumuno ng dating alkalde na si Sonny Belmonte at sa pakikipagtulungan sa Ayala Corporation. Inaasahang maging sentro ito ng transportasyong pangmasa sa hilaga dahil na rin sa apat na pangmasang riles na inaasahang magsasabang dito.

U.P. Ayala land techno hub
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tinaguyod bilang hub ng mga kumpanya ng pananaliksik at pagunlad sa pagtutulungan ng Ayala Corporation at ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa kanlurang lupain na sakop ng Unibersidad ng Pilipinas.

Sa Quezon City rin matatagpuan ang punung-tanggapan ng mga malalaking estasyon ng telebisyon, tulad ng TV 5, ABS-CBN, GMA Network, GEM TV, UNTV, Net 25, PTV 4, RPN, at IBC 13.

Ang mga abenida ng Tomas Morato at Timog ay kilala sa pagkakaroon ng mga hile-hilera ng mga restawran samantala ang Banawe Avenue ay kilala bilang "Autoparts Capital of the Philippines" dahil dito matatagpuan ang malakas na konsentrasyon ng mga tindahan ng mga bahagi at aksesoryas ng mga kotse at tirahan din sa mga kumpol ng mga awtentikong restawrang Tsino bukod sa Binondo.

Ang komunikasyong sistema ng Lungsod Quezon ay sineserbisyuhan ng PLDT, Ang Globe Telecommunications Inc, (o mas kilala bilang Globe), Ang Bayan Telecommunications, Ayos Dito, at iba pa. Ang networking selyular sa Pilipinas, patikular sa mga lugar metropolitano, ay bumibilis sa pagbilis kasama ang mababang halaga ng mga tawag at text messaging. Ilan sa mga malalaking kompanya na kumokontrol sa mga network selyular sa Pilipinas at sa Lungsod Quezon mismo ay ang Globe Telecom, Smart Telecommunications (PLDT), at Sun Cellular mula sa Digitel.

Transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang lungsod ng Quezon ay binabagtas ng iilan sa pinakamalaking daanan at highway ng Kalakhang Maynila. Ang pangunahing gamit na transportasyon sa lungsod ay dyip,bus, at traysikel, meron ding pumapasadang pedicab sa ilang mga barangay. Bukod sa mga nabanggit ay sineserbisyuhan din ito ng ilan sa mga pangmasang riles.

Pangunahing Kalsada

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil ang Lungsod Quezon ay isang planadong lungsod, na benepisyuhan ito ng maayos na pagplaplano ng kalsada. Malalawak ang mga kalsada ng Lungsod Quezon, na dinisenyo para sa sasakyan. Ang mga pangunahing kalsada na bumabagtas dito at ang mga sumusunod:

Quezon City Transport and Transport Management Department (QC TTMD)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Quezon City Traffic and Transport Management Department o QC TTMD

Pangmasang Riles

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kasulukuyan, sineserbisyuhan ang lungsod ng tatlong pangmasang tren na bumabagtas sa mga pangunahin nitong daanan bilang alternatibong transportasyong pangmasa. Sila ang nagsisilbing tagahatid at tagakonekta sa mga katabi at karatig na lungsod at bayan ng Kalakhang Maynila. Ang mga sumsunod ay ang mga linya ng riles na nagseserbisyo sa lungsod.

Kasulukuyang Ginagawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Linya 7
  • Metro Manila Subway

Nakaplanong gawin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Linya 4
  • Linya 8 (Silangan-Kanlurang riles ng PNR)
UP Diliman

Maraming kilalang pamantasan ang matatagpuan sa Lungsod Quezon, ang isa doon ay ang Diliman kampus ng Unibersidad ng Pilipinas, na itinatag noong Pebrero 1949. Dito rin matatagpuan ang Loyola Heights kampus ng Unibersidad ng Ateneo de Manila, ang pangatlo sa pinakamatandang pamantasan sa Pilipinas.

Bukod sa UP at Ateneo marami ring pamantasang matatagpuan sa lungsod. Ito ay ang mga sumusod:

Sa Lungsod ng Quezon din matatagpuan ang pangunahing kampus ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Pilipinas, parte ng ahensyang pinamumunuan ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya.

Senso ng populasyon ng
Lungsod Quezon
TaonPop.±% p.a.
1939 39,013—    
1948 107,977+11.98%
1960 397,990+11.48%
1970 754,452+6.60%
1975 956,864+4.88%
1980 1,165,865+4.03%
1990 1,669,776+3.66%
1995 1,989,419+3.34%
2000 2,173,831+1.92%
2007 2,679,450+2.93%
2010 2,761,720+1.11%
2015 2,936,116+1.17%
2020 2,960,048+0.16%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "National Capital Region (NCR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]