Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas
Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas | |
|---|---|
Sagisag ng Kapulungan ng Kinatawan ng Pilipinas | |
Watawat ng Kapulungan ng Kinatawan | |
| Uri | |
| Uri | |
| Pinuno | |
Pangunahing Kinatawan ng Ispiker | Ferdinand Hernandez (PFP) Simula Nobyembre 19, 2025 |
Mga Kinatawan ng Ispiker |
|
Pinuno ng Mayorya | |
Pinuno ng Minorya | |
| Estruktura | |
| Mga puwesto | 318 na kinatawan 254 sa mga heograpikong distrito 64 na kinatawan ng mga party-list |
Mga grupong pampolitika |
|
| Halalan | |
Huling halalan | Mayo 12, 2025 |
| Lugar ng pagpupulong | |
| Hugnayan ng Batasang Pambansa, Lungsod Quezon | |
| Websayt | |
| http://www.congress.gov.ph | |
| Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng: Politika at pamahalaan ng Pilipinas |
|
|
Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (Ingles: House of Representatives of the Philippines) ang mababang kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas, na kabilang rin ang Senado na nagsisilbing mataas na kapulungan.
Di-pormal itong tinatawag na Kongreso. Tinatawag ang mga kasapi ng kapulungan na mga kinatawan o mga kongresista habang Representative naman ang kanilang titulo. Ihinahalal sila sa upang maglingkod ng tatlong taon at maaaring maihalal nang hanggang tatlong ulit sa pinakamarami. Maaaring kumatawan ang isang kinatawan sa isang heograpikong distrito o sa isang mahalagang sektor ng lipunan.
Ang hugnayan ng Batasang Pambansa (o simpleng Batasan), na matatagpuan sa Batasan Hills sa Lungsod Quezon, ang opisyal na himpilan ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Mga Kapangyarihan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakabatay ang mga kapangyarihan ng Kapulungan sa modelo ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos kaya halos magkaparehas ang kapangyarihan sa pagitan ng Kamara at Senado kaya lahat ng panukalang-batas na ipinasa sa Kamara ay dapat ipasa rin ng Senado bago gawing ganap na batas ng Pangulo, at vice versa.
Kapag natalo ang isang panukalang-batas sa Kapulungan, wala na ito sa agenda ng kamara. Kung naipasa ang isang panukalang-batas sa pangatlong pagbasa, ito ay ipapasa sa Senado maliban na kung may ipinasang halos-magkaparehas na panukala ang mataas na kapulungan.
Kapag magkakaiba ang ipinasang batas ng Senado sa ipinasang batas ng Kamara, pwedeng magkaroon ng pagpulong ng dalawang kapulungan sa isang bicameral conference o bicam para makipagkasunduan tungkol sa ipinapasang batas, o kaya'y piliin nalang ang bersiyon ng kabilang kapulungan upang ipasa sa Pangulo.
Ngunit, ang Kamara lamang ang maaaring lumathala ng mga panukalang-batas na may kinalaman sa pambansang budyet o sa mga prangkisa, ngunit pwedeng magmungkahi ang Senado tungkol sa mga pwedeng pag-amyendahan sa mga batas na to. Ang Kamara lamang ang pwedeng magsimula ng proseso ng pagsasakdal ng isang opisyal ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagsang-ayon ng 1/3 ng mga kinatawan. Kung matagumpay na naisakdal ang isang opisyal ng pamahalaan, ang Senado ang magsisilbing hukuman at ang magbibigay ng huling hatol.
Lugar ng Pagpupulong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Hugnayan ng Batasang Pambansa ang nagsisilbing lugar ng pagpupulong ng Kapulungan ng mga Kinatawan simula noong muli itong itinatag noong taong 1987, inihango ang pangalan nito mula sa Batasang Pambansa na nagsilbing dating lehislatura ng bansa noong 1978 hanggang 1986.
Ito ay itinatag noong panahon ni Pangulong Marcos sa Lungsod Quezon noong ipinasara niya ang dating Gusali ng Kongreso nang nagsimula ang panahong batas militar at simula noon ay ipinamana na ito sa Kamara.
Representasyong pandistrito
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lahat ng mga lalawigan at iilang lungsod ay nirerepresentahan ng isa o higit pang distritong kongresyonal/lehislatibo, kung saan ang mga mamamayan ang bumoboto para sa kinatawan ng kanilang distrito. Bawat distrito ay binubuo ng humigit-kumulang 250,000 katao. Sa kasalukuyan, mayroong 243 mga distrito sa buong bansa.