Pumunta sa nilalaman

Taguig

Mga koordinado: 14°31′N 121°03′E / 14.52°N 121.05°E / 14.52; 121.05
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Taguig City)
Taguig

ᜆᜄᜒᜄ᜔

Lungsod ng Taguig
Opisyal na sagisag ng Taguig
Sagisag
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita sa lokasyon ng Taguig
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita sa lokasyon ng Taguig
Map
Taguig is located in Pilipinas
Taguig
Taguig
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°31′N 121°03′E / 14.52°N 121.05°E / 14.52; 121.05
Bansa Pilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon (NCR)
DistritoUna hanggang pangalawang Distrito ng Taguig
Mga barangay28 (alamin)
Ganap na Bayan25 Abril 1587
Ganap na Lungsod8 Disyembre 2004
Pamahalaan
 • Punong LungsodMa. Laarni L. Cayetano (Nacionalista)
 • Pangalawang Punong LungsodArvin Ian V. Alit (Nationalista)
 • Manghalalal449,359 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan47.28 km2 (18.25 milya kuwadrado)
Taas
Formatting error: invalid input when rounding m (52 ft tal)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan886,722
 • Kapal19,000/km2 (49,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
246,873
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan4.50% (2021)[2]
 • Kita₱12,754,692,842.00 (2020)
 • Aset₱40,607,666,540.70 (2022)
 • Pananagutan₱20,494,714,665.79 (2022)
 • Paggasta₱11,879,727,870.19 (2022)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
PSGC
137607000
Kodigong pantawag02
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websayttaguig.gov.ph

Ang Taguig (Tagíg, binibigkas [taˈɡiɡ]) ay isang lungsod na sakop ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Dating komunidad ng palaisdaan sa pampang ng Laguna de Bay ngunit ngayon, isa na itong mahalagang pamahayan (residential) at industriyal na arabal ng Maynila. Lalong umunlad ang lungsod pagkatapos ng pagtatayo ng lansangang C-5 at pagkuha ng Bonifacio Global City.

Matatagpuan ang Taguig sa kanlurang pampang ng Laguna de Bay at pinapaligiran ng Muntinlupa sa timog, Parañaque sa timog-kanluran, Pasay sa kanluran, hilaga-silangang naman ang Taytay, Rizal, at sa hilaga naman ang Makati, Pateros at Pasig.

Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 886,722 sa may 246,873 na kabahayan.

Pinagmulan ng pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Taguig ay nangaling na salitang taga-giik na ang ibig sabihin ay rice thresher. Ang "Tagi-ig" ay kalaunay naging Taguig.

Bago dumating ang mga Espanyol, Ang Taguig ay isang bahagi ng Kaharian ng Tondo na pinamumunuan ni Rajah Soliman. Mayroong din mga ebidensiya na ang mga Intsik ay namalagi sa lugar na yaon na nasiwalat kamakailan-lamang sa pagkakahukay sa mga iba't-ibang mga artifacts tulad ng baso, tasa, mga plato at iba pang mga kagamitan, na mayroong mga karakter na Intsik. Ito ay pinaniniwalaang nagmula sa dinastiyang Ming sa Tsina.

Ang Taguig ang isa sa mga pinakaunang kilalang teritoryo kung saan lumaganap ang kristiyanismo nang masupil nang mga Espanyol ang isla ng Luzon sa pamamagitan ng paglalayag ni Legazpi noong 1571. Sa pagitan ng mga taon ng 1582 at 1583, ang Taguig ay isang encomienda ng Tondo na pinamamahalaan ng isang Alcalde Mayor, Captain Vergara. Taong 1587 nang ang Taguig ay itinatag bilang isang hiwalay na "pueblo" (bayan) ng dating lalawigan ng Maynila. Si Juan Basi ang Kapitan mula 1587 hanggang 1588. Ayon sa mga tala, ang Taguig ay dating may siyam (9) na mga baryo; Bagumbayan, Bambang, Hagonoy, Palingon, Sta. Ana, Tipas, Tuktukan, Ususan, at Wawa. Nakita sa tala na ang Tipas ay naghain na nang pagnanais na maging isang independyenteng bayan ngunit ay tinanggihan ng pamahalaang Espanyol.

Noong panahong iyon, ang Taguig ay mapupuntahan sa pamamagitan ng Ilog Pasig, na kung saan ay konektado sa dalawang malalaking katawan ng tubig, ang Manila Bay at Lawa ng Laguna. Ang populasyon noon ay tinatayang 800 na tributes. Ang bayan ay napagkukunan ng sapat na bigas para sa kanilang pagkonsumo subalit may kakaunting mga tubo para dalhin sa kiskisan. Ang mga tao ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda habang ang mga kababaihan ay naghahabi ng telang koton at "sawali" mula sa mga piraso ng kawayan.

Ang mga tao ng Taguig ay kilala sa paglaban sa parehong pamamahalang kolonyal ng mga Espanyol at Amerikano. Noong mga unang bahagi ng pananakop ng mga Espanyol, sinubukan ni Don Juan Basi, "Kapitan" ng Taguig noong 1587 hanggang 1588, na pabagsakin ang pamahalaang Espanyol subalit siya'y nabigo, at ipinatapon nang dalawang taon bilang kaparusahan. Nang bago pa lang ang Katipunan maraming mula sa Taguig ang naging mga tagasunod at di-naglaon ay sumali sa pag-aalsa. Ang mga tao ng Taguig ay sumali rin rebolusyonaryong pamahalaan ni Heneral Emilio Aguinaldo noong 6 Agosto 1898.

Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, sila ay nakibaka laban sa pwersa ni Heneral Wheaton sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Pio del Pilar. Nasa tala rin na noong 6 Pebrero 1889, ang mga pwersa ng Pilipino kasama ang mga "revolutionarios" ang nagpalayas sa isang kampo ng mga Amerikano sa burol ng Taguig, na ngayon ay bahagi ng Pateros at Fort Bonifacio. Subalit natalo sila sa mga Amerikano sa higit nitong kahusayan sa pagsasanay at magagandang kagamitan. Tuluyang napasailalim ang Taguig sa First Washington Volunteer Infantry na pinamumunuan ni Col. Wholly.

Ang pagkatalo ng mga Pilipino matapos ang dalawang taon ng pakikibaka laban sa mga pwersang Amerikano ang nagpasailalim sa Pilipinas sa ibang sistema ng pamamahala. Noong 14 Agosto 1898, inukopa ng Estados Unidos ang isla at nagtatag ng pamahalaang militar kung saan si Heneral Wesley Meritt ang itinalagang Unang Gobernador-Militar. Ginampanan niya ang kapangyarihan lehislatibong hanggang 1 Setyembre 1900.

Sa simula ng rehimeng Amerikano, ang Taguig ay hinirang bilang isang independyenteng bayan sa pagpapatupad ng General Order blg. 4 noong 29 Marso 1900. Ang bayan ay isinama sa kagagawang lalawigan ng Rizal nang ipinatupad ng Komisyon ng Pilipinas ang Act. Blg. 137 sa 11 Hunyo 1901. Noong 12 Oktubre 1903, Ang Taguig, Muntinlupa at Pateros ay ipinagsama sa bisa ng Act. blg. 942 kung saan ang Pateros naghost ng pamahalaang-bayan. Ang pagsama-sama ay hindi tumagal ng dahil makalipas ang isang buwan ang Muntinlupa ay inihiwalay at ginawang bahagi ng Biñan nang ang Act. blg. 1008 ay ipinatupad noong 25 Nobyembre 1903. Gayunpaman, ito ay ibinalik sa Taguig noong 22 Marso 1905 sa pagpapatupad ng Act. blg. 1308. Noong 29 Pebrero 1908, ang Taguig ay ipinahayag muli bilang isang malayang munisipalidad sa bisa Executive Order Blg. 20. Kalaunan, ang Pateros ay nahiwalay mula sa Taguig at parehong naging malayang bayan ng lalawigan ng Rizal noong 1 Enero 1918.

Sa panahon din ng Kolonya ng Amerika nabili ng pamahalaan ng Estados Unidos ang 25.78 kilometro-kwadradong ari-arian ng Taguig para sa layuning militar. Ang malaking piraso ng lupa na may TCT petsang 1902, ay ginawang isang kampo at pagkatapos ay pinangalanang Fort McKinley (pinangalanan alinsunod sa ika-25 na pangulo ng Estados Unidos William McKinley). Nang inukopa ng mga Hapones ang Pilipinas noong 1942, sinakop ng Hukbong Imperyal ng Hapon ang Fort McKinley. Inukopa nila ang kampo ng militar hanggang sa katapusan ng digmaan noong 1945.

Pagkatapos maging malaya nang Pilipinas mula sa Estados Unidos noong 4 Hulyo 1946, ibiniigay ng Estados Unidos sa Republika ng Pilipinas ang lahat ng karapatan ng pagmamay-ari, kapangyarihan, pangangasiwa at kontrol sa teritoryo ng Pilipinas maliban sa paggamit ng mga base militar. Noong 14 Mayo 1949, ang Fort McKinley ay inilipat sa Pamahalaan ng Pilipinas sa bisa ng US embassy Note Blg. 0570.

Fort Bonifacio

Ang Fort McKinley ay ginawang permanenteng punong-himpilan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas noong 1957 at di kalauna'y pinalitan ng pangalan patungong Fort Bonifacio alinsunod sa ng Ama ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya, si Andres Bonifacio.

Ang pampolitikang pagkakahati ng bayan ay pinalitan nang barangay alinsunod sa pagpapatupad ng Integrated Reorganization Plan (IRP) sa bansa noong 1970 nang ang bansa ay nasa ilalim ng Batas Militar. Dahil sa IRP nadagdagan ang pagkakahati nito sa 18 mga barangay; Bagong Tanyag, Bagumbayan, Bambang, Calzada, Hagonoy, Ibayo-Tipas, Ligid-Tipas, Lower Bicutan, Maharlika, Napindan, Palingon, Signal Village, Sta. Ana, Tuktukan, Upper Bicutan, Ususan, Wawa, at Western Bicutan. Di kalauna'y naidagdag sa kanyang nasasakupan ang Barangay Fort Bonifacio. Noong 7 Nobyembre 1975, ang Taguig ay kinuha mula sa lalawigan ng Rizal sa para mabuo ang Kalakhang Maynila sa pamamagitan ng Presidential decree blg. 824. Sa ngayon ang Taguig ay isa pa rin sa labingpitong (17) mga lungsod at bayan na bumubuo sa Kalakhang Maynila.

Taong 1998, isang batas ang ipinasa Kongreso na nagsusulong sa pagiging lungsod ng Taguig. Ang resulta nang plebisito noong Abril ay nagpakita na ang mga mamamayan ay ayaw sa pagiging lungsod nit. Isang petisyon ang inihain sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na muling bilangin ang naganap na plebisito at noong 19 Pebrero 2004 inatasan ng Kataas-taasang Hukuman sa Komisyon sa Halalan na magbilang ulit. Ayon sa muling pagbibilang marami sa mga mamamayan ang may gusto na maging isang lungsod ang Taguig(21,105 ang 'oo' at 19,460 'hindi'). Noong 8 Disyembre 2004 ang Taguig ay ganap nang naging lungsod.

Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas, Taguig
Mga Institusyon ng Edukasyon
sa Lungsod ng Taguig
Pampubliko - Kolehiyo Pribado - Kolehiyo Pribado - International Schools

Ang Taguig ay mayroong ilang prestihiyosong paaralang internasyonal tulad nang British School Manila, International School Manila, at Manila Japanese School na lahat ay matatagpuan sa University Parkway nang Bonifacio Global City. Ang Chinese International School Manila, Enderun Colleges, at Korean International School Philippines ay matatagpuan naman sa kalapit na lugar nang McKinley Hill.

Ang iba pang mga paaralan sa Fort Bonifacio ay ang STI College Global City, Global City Innovative College, Everest Academy Manila (isang paaralang internasyunal na pinamamahalaan ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas), Victory Leadership Institute, at MGC-New Life Christian Academy.

Dalawa sa mga pangunahing Pamantasan din ang nasa Lungsod ng Taguig—ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, at ang Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas. Parehong matatagpuan sa Bicutan.

Ang Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan (TESDA) ay naitatag sa pagpapatupad ng "Batas ng Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan nang 1994", na nilagdaan bilang batas ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Nilalayon ng batas na ito ang buong pakikiisa at gamitin ang industriya, paggawa, lokal na pamahalaan, at institusyong teknikal-bokasyonal sa paglinang nang kasanayan nang mga yamang-tao ng bansa. Ang TESDA complex at mga pasilidad ay matatagpuan sa East Service Road nang South Luzon Expressway sa Taguig.

Ang Dalubhasaan ng Pampublikong Kaligtasan ng Pilipinas Naka-arkibo 2011-04-26 sa Wayback Machine. sa Fort Bonifacio ay isang institusyong nag-aalok nang programang undergraduate at graduate para sa pagsasanay, pagpapaunlad ng yamang-tao, at patuloy na pag-aaral ng mga pulis, bumbero, at tauhan ng bilangguan.

Ang Taguig ay may dalawang Islamikong institusyon ng edukasyon na matatagpuan sa Maharlika Village—ang Maharlika Bandara-Inged Integrated School at ang Maharlika Village Islamic Madrasa.

Ilan pang paaralan sa Taguig ay ang pinamamahalaan ng lungsod na Taguig Science High School sa Hagonoy, ang pag-aari ng Simbahang Katoliko na Colegio de Sta. Ana (dating Sta. Ana Parochial School), The Fisher Valley College, isang Kristiyanong paaralan sa Hagonoy, at Saint Francis of Assisi College System, paaralang katoliko sa Bagumbayan.

Ang Pamantasan ng Lungsod ng Taguig Naka-arkibo 2009-12-31 sa Wayback Machine. (University of Taguig City) ay nagbukas noong Nobyembre 2006 na mayroong panggabing klase sa dalawang Mataas na Paaralan sa lungsod. Ang konstruksiyon ng isang bagong gusaling pampaaralan ay pasisinayaan sa loteng malapit sa Hall of Justice ng Taguig sa Lower Bicutan. Ang isang ganap na kampus ay target sa 2009.[3]

Pagtutunggali ng mga lungsod ng Taguig at Makati sa Fort Bonifacio.

Kamakailan lamang ay may tunggalian ang mga lungsod ng Taguig at Makati sa hurisdiksiyon ng Fort Bonifacio. Ang base militar na ito ng Pilipinas, na ang malaking bahagi ay ginawang isang modernong pangkalakalan (commercial) na tirahan at lugar nang pag-unlad, ay matatagpuan sa isang hindi siguradong lugar. Ang isang bahagi ng mga base, kasama na ang Libingan ng mga Bayani at ang Manila American Cemetery and Memorial ay matatagpuan sa Taguig, habang ang hilagang bahagi kung saan ang sentro ng pag-unlad ay matatagpuan, ay dating bahagi umano nang Makati. Noong 2003, isang desisyon nang isang hukom sa Pasig Regional Trial Court ang nagbigay ng hurisdiksiyon ng buong Fort Bonifacio sa Taguig, kasama na ang Fort Bonifacio Global City.

Binasura nang Kataas-taasang Hukuman noong 27 Hunyo 2008 per Leonardo Quisumbing, ang apela nang Makati, na nagnanais na na pawalang-bisa ang espesyal na mga patente 3595 at 3596 na nilagdaan ni Fidel Ramos na nagbunsod sa Base Conversion at Development Authority nang pampublikong lupain sa Fort Bonifacio, Taguig. Dahil sa isang sibil na kaso na isinampa ng pamahalaan ng Taguig na humihiling sa hukuman na tukuyin ang mga hangganan ng teritoryo nit, hindi maaaring hadlangan ng Makati ang pangongolekta ng buwis ng Taguig sa mga lupa na matatagpuan sa Fort Bonifacio.[4][5][6]

  • Food Terminal, Inc. (FTI) - ang sentro ng negosyo na nagtataguyod nang higit sa 300 mga midyum na kompanya sa industriya nang paggawa ng pagkain, elektronika, kasuotan at mga serbisyo. Ang FTI ay nabili na ng Ayalaland Corporation at ito ay may pinalangalan nang Arca South.
  • Bagong Lipunan Condominium - Itinayo noong panahon ni Marcos. Ang isa sa kauna unahang itinayo ni Marcos na Condominium na may Earthquake Proof.
  • Camp Bagong Diwa - Ang kampo ay matatagpuan sa Bicutan, dito nakatayo ang punong-himpilan ng NCRPO, kompleks ng bilangguan at sentro ng rehabilitasyon sa pinagbabawal na gamot.
  • Kagawaran ng Agham at Teknolohiya - Isang maliit na kagubatan at parkeng pang eko-turismo sa Bicutan na mainam para sa mga aktibidad na pangkamping. Ito ang pambansang tanggapan ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya.
  • Veterans' Museum - Museyo kung saan ang mga sanaysay ng digmaan ay makikita sa life-sized tableaus sa pamamagitan ng mga uri ng sining na may kaakibat na makabagong teknolohiya.
  • The Blue Mosque - Isang lugar nang mga relihiyoso at pasyalan para sa mga Pilipino at banyagang Muslims sa Maharlika Village.
  • Bantayog ng Bayani - Isang sa pagkilala sa mga bayani ng Taguig sa panahon ng WWI sa Fort Bonifacio.
  • Shrine of St. Anne - Itinayo noong 1587 sa Sta. Ana, isa sa pinakamatandang simbahan sa Pilipinas.
  • Dambanang Kawayan - Isang simbahan na may edad na isang siglo na gawa sa purong kawayan sa Tipas. Ito ay pinasinayaan bilang isang parokya noong 1969, na binubuo ng mga barangay ng Ligid-Tipas, Ibayo-Tipas, Calzada, at Palingon.
  • Museo de Sta. Ana - Museyo sa Shrine of St. Anne. Isang lalagyan ng mga artifacts na nagdedetalye ng mayamang kultura ng pananampalataya at kasasysayan ng Taguig mula 1857.
  • SM Aura Premier - Itinayo ito noong 2011 at nabuksan sa publiko noong May 17, 2013. Kauna-unahang SM na naitayo sa Taguig.
  • Starmall Prima - Isa sa mga itinuturing na high-end mall sa lungsod na binuksan Agosto 2013. [7]
Mapa ng mga barangay ng Taguig

Pampolitikang nahahati ang Lungsod ng Taguig sa 28 mga barangay. Noong Disyembre 2008, sampung bagong barangay ang ginawa sa lungsod matapos ang isang tagumpay na plebisito sa bisa ng Ordinansa ng Lungsod blg. 24–27, 57–61, 67–69, at 78, Serye ng 2008. [8] Sa karagdagan nito, mayroong mga pitong barangay na inaasahang madaragdagan bilang bahagi ng pinakahuling pangako ng Korte Suprema na mapasakamay ng Taguig ang mga barangay ng Embo ng Makati; yaon ay ang mga barangay Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo, at Pitogo, na nakabinbin sa transisyon at pagsasakamay sa mga ito sa Lungsod ng Taguig. [9][10]

Unang Distrito
Barangay Kapitan ng Barangay Populasyon (2007)[11]
Bagumbayan Delio Santos 31,777
Bambang Jaime T. Cruz Jr. 6,199
Calzada Virgilio E. Maglipon 14,822
Hagonoy Renato O. Gutierrez 14,748
Ibayo-Tipas Erwin C. Mendiola 18,031
Ligid-Tipas Mayfe V. Mañosca 7,839
Lower Bicutan Roel O. Pacayra 44,088
New Lower Bicutan Aurelio S. Padilla 35,798
Napindan Rosanna R. San Pedro 11,623
Palingon Jerome M. Mendiola 10,625
San Miguel Vicente G. Espital 6,433
Santa Ana Conrado A. Aquino Jr. 14,946
Tuktukan Arsenio de Guzman 8,011
Ususan Marilyn F. Marcelino 25,182
Wawa Philip E. Buenaflor 8,662
  • Ilang bahagi ng Hagonoy ay napasailalim ng hurisdiksiyon nang bagong barangay San Miguel
  • Ang Lower Bicutan ay nahati sa dalawa, ang isa ay tatawaging Barangay New Lower Bicutan
Ikalawang Distrito
Barangay Kapitan ng Barangay Populasyon (2007)[11]
Central Bicutan Jennifer F. Alit 24,291
Central Signal Village Pat Henry A. Dueñas 31,364
Fort Bonifacio Wilfredo S. Sayson 20,741
Katuparan Edgar Victor S. Baptista 14,885
Maharlika Village Yasser Pangandaman 16,474
North Daang Hari Lorenzo O. Fortuno 10,049
North Signal Village Jesus J. Pullente 27,960
Pinagsama Ma. Victoria M. Balidoy 32,777
South Daang Hari Ma. Lourdes E. Pagsisihan 15,119
South Signal Village Michelle Ann M. Odevilas 33,697
Tanyag Cecille Teodoro 18,284
Upper Bicutan Rosario C. Roldan 38,279
Western Bicutan Perlita B. Carmen 91,158
  • Ang Signal Village way hinati sa apat na mga barangay, Central Signal Village (orihinal na barangay), Katuparan, North Signal Village, at South Signal Village.
  • Ang Bagong Tanyag ay hinati sa tatlong mga barangay, North Daang Hari, South Daang Hari, at Tanyag proper (orihinal na barangay)
  • Ilang bahagi ng Upper Bicutan ay napasailalim ng hurisdiksiyon ng bagong barangay Central Bicutan
  • Ang Western Bicutan ay nahati sa tatlong mga barangay, Fort Bonifacio, Pinagsama at Western Bicutan (orihinal na barangay)
Posisyon Pangalan
Punong-Lungsod Ma. Laarni "Lani" L. Cayetano
Pangalawang Punong-Lungsod Ricardo "Ading" Cruz, Jr.
Unang Distrito
Kinatawan Arnel M. Cerafica
Mga Konsehal Gamaliel “Gamie” N. San Pedro
Jaime R. Labampa
Darwin Icay
Carlito M. Ogalinola
Ome Tanyag
Rodil C. Marcelino
Ferdie “Bro” Santos
Allan Paul Cruz
Ikalawang Distrito
Kinatawan Pia Cayetano
Mga Konsehal Arvin Alit
Ric Paul Jordan
Jaime Garcia
Jojo Eron
Amparo Maria Zamora
Noel Dizon
Yasser Pangandaman
Mher Supan
SK Federation President Ricardo R. Cruz IV
Senso ng populasyon ng
Taguig
TaonPop.±% p.a.
1903 6,829—    
1918 8,423+1.41%
1939 12,087+1.73%
1948 15,340+2.68%
1960 21,856+2.99%
1970 55,257+9.71%
1975 73,702+5.95%
1980 134,137+12.72%
1990 266,637+7.11%
1995 381,350+6.93%
2000 467,375+4.46%
2007 613,343+3.82%
2010 644,473+1.82%
2015 804,915+4.32%
2020 886,722+1.92%
Sanggunian: PSA[12][13][14][15]


Transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]



  • Mga dyipni
    • Mula FTI pabalik o papuntang Guadalupe (Makati)
    • Mula Bagumbayan patungo ng Pasig
    • Mula Tipas patungo ng Pasig (dadaan ng Pateros)
    • Mula FTI patungo ng Pasay (Rotonda o SM Mall of Asia)


  • Mga traysikel
    • Kahit saang lugar sa Lungsod

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: NCR, FOURTH DISTRICT (Not a Province)". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Taguig University will have own campus in 2009 Naka-arkibo 2008-02-22 sa Wayback Machine. inquirer.net
  4. Court junks Makati’s suit to nullify Ramos patents manilastandardtoday.com
  5. Binay v Taguig, G.R. No. 163175, 27 Hunyo 2008 Naka-arkibo 10 July 2008[Date mismatch] sa Wayback Machine. supremecourt.gov.ph
  6. Court rules against Makati in property dispute case Naka-arkibo 2012-05-28 sa Wayback Machine. inquirer.net
  7. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-09-19. Nakuha noong 2014-09-22.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Taguig City has added 10 new barangays Naka-arkibo 2011-07-03 sa Wayback Machine. (Positive News Media)
  9. "SC declares final 2021 decision on Taguig City-Makati City land dispute". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Taguig LGU lauds SC decision over Fort Bonifacio ownership". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 "Pinal na Resulta - 2007 Senso ng Populasyon". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-11-20. Nakuha noong 2009-10-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Census of Population and Housing (2010). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Censuses of Population (1903–2007). "National Capital Region (NCR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  15. "Province of Metro Manila, 4th (Not a Province)". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]