Pumunta sa nilalaman

Asya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Katangiang Pisikal ng Asya)
Asya
Sukat44,579,000 km2 (17,212,000 mi kuw)  (Una)[1]
Populasyon4,694,576,167 (

2021; Una)

[2][3]
Densidad ng populasyon100 km2 (39 mi kuw)
GDP (PPP)$72.7 trilyon (2022; Una)[4]
GDP (nominal)$39 trilyon (2022; Una)[5]
GDP kada kapita$8,890 (2022; Ika-4)[6]
Mga relihiyon
PantawagAsyano
Mga bansa49 na nasa UN
1 nag-oobserba
5 iba pa
Mga dependensiya
Mga estadong wala sa UN
Mga wika
Mga sona ng orasUTC+2 hanggang UTC+12
Internet TLD.asia
Mga malalaking lungsod
UN M49 code142 – Asia
001 – World

Depende sa pagpapakahulugan, Asya ang pinakamalaking kontinente ng mundo, o isang subkontinente ng mas malaking Eurasya o Apro-Eurasya. May sukat itong aabot sa 44,579,000 km2 (17,212,000 mi kuw) — halos 30% ng kabuuang laki ng kalupaan ng Daigdig at 8.7% ng kabuuang lawak ng ibabaw nito. Makikita rito ang Mesopotamia, Lambak ng Indus, at ang Ilog Yangtze, na nagsilbing lugar kung saan umusbong ang ilan sa mga unang sibilisasyon sa nakatalang kasaysayan. Kasalukuyan itong tinitirhan ng lagpas 4.6 bilyong katao, ang 60% ng kabuuang populasyon ng mundo.

Ang hangganan ng Asya sa silangan ay ang Karagatang Pasipiko. Karagatang Indiyano at Karagatang Artiko naman ang mga hangganan nito sa timog at hilaga. Samantala, pabago-bago sa kasaysayan ang hangganan nito sa kanluran, dahil sa kultura at politika. Gayunpaman, pinagkakasunduan ng marami na ang hangganan ng Asya sa Europa ay ang Bulubunduking Ural at Bulubunduking Caucasus sa Rusya, gayundin ang mga kipot ng Turkiye (Kipot Bosphorus, Kipot Dardanelles, at Dagat Marmara). Ang Kanal ng Suez naman sa Ehipto ang nagsisilbing hangganan nito sa Aprika.

Ang rehiyon ng Tsina at India ang naging sentro ng ekonomiya ng mundo hanggang noong ika-19 na siglo sa pag-usad ng Rebolusyong Industriyal sa Europa. Ang yaman na ito, na hinaluan pa ng mga pantasyang isinulat ng mga naunang manlalakbay tulad ni Marco Polo, ang nagpaakit sa mga Europeo upang makipagkalakalan sa Silangan, na humantong kalaunan upang magtayo sila ng mga kolonya sa malaking bahagi ng kontinente. Dahil sa lawak nito at ekonomiya, naging tirahan ito ng malaking bahagdan ng populasyon sa halos buong kasaysayan nito. Gayunpaman, unti-unti na itong bumabagal pagsapit ng ika-20 siglo dahil sa samu't saring dahilan. Dito itinatag ang karamihan sa mga pinakalaganap na mga rehiliyon sa mundo, kabilang na ang Kristiyanismo, Islam, Judaismo, Budismo, at Hinduismo.

Kahulugan at hangganan

Hangganan sa Aprika

Sa malaking bahagi ng kasaysayan, itinuturing ang Tangway ng Sinai bilang ang hangganan ng Asya sa Aprika. Gayunpaman, naging mas malinaw ito nang itinayo ang Kanal ng Suez noong ika-19 na siglo sa Ehipto. Samantala, ang hangganan ng dalawang kontinente sa katubigan ay ang Dagat Pula at ang Golpo ng Suez.

Hangganan sa Europa

Pabago-bago ang naging hangganan ng Asya sa Europa sa kasaysayan dahil sa kultura at politika. Ang pinakaunang nagsubok na maglagay ng isang tiyak na hangganan ng dalawang kontinente ay ang mga Griyego. Ginamit ni Anaximander ang Ilog Phasis (ngayo'y Ilog Rioni) sa Kaukasya bilang hangganan ng Europa sa Asya, mula sa lungsod ng Poti sa Dagat Itim hanggang sa Daang Surami at Ilog Kura sa Dagat Kaspiyo. Ito rin ang ginamit na hangganan ni Herodotus noong ika-5 siglo BKP. Binago ito noong panahong Helenistiko, kung saan inusog ang hangganan papunta sa hilaga, sa Ilog Tanais (ngayo'y Ilog Don). Ito ang ginawang basehan ng mga Romanong manunulat tulad nina Strabo at Ptolemy.

Ang modernong pinagkakasunduan na hangganan ng dalawang kontinente ay nagmula sa isang mungkahi noong 1730 ni Philip Johan von Strahlenberg sa kanyang atlas. Iminungkahi niya na gawing Bulubunduking Ural ang hangganan ng Europa at Asya. Pinalawig ito nang husto sa mga nagdaang taon: ginamit kalaunan ang Ilog Ural sa timog ng kabundukan bilang karagdagan hangganan nito, at ang Bulubunduking Caucasus na matatagpuan sa pagitan ng Dagat Itim at Kaspiyo.

Sa Oseaniya

Nilalagay kalimitan ang hangganan ng Asya sa Oseaniya sa Kapuluang Malay. Kinokonsidera na bahagi ng Asya ang Kapuluang Maluku samantalang bahagi ng Oseaniya ang isla ng New Guinea at ang mga karatig na isla nito. Parehong nasa Indonesia ito ngayon.

Mga teritoryo ng mga Bansa sa Asya at rehiyon

Mga UN subrehiyon ng Asya
Mapang pisikal ng Asya (hindi kasama ang Timog-kanlurang Asya).
Pangalang ng rehiyon at
teritoryo, kasama ang watawat [8]
Lawak
(km²)
Populasyon
(Taya ng 1 Hunyo 2008)
Kapal ng Populasyon
(bawat km²)
Kabisera
Gitnang Asya:
Kazakhstan Kazakhstan[9] 2,346,927 15,666,533 5.7 Nur-Sultan
Kyrgyzstan Kyrgyzstan 198,500 5,356,869 24.3 Bishkek
Tajikistan Tayikistan 143,100 7,211,884 47.0 Dushanbe
Turkmenistan Turkmenistan 488,100 5,179,573 9.6 Ashgabat
Uzbekistan Uzbekistan 447,400 28,268,441 57.1 Tashkent
Silangang Asya:
Hapon Hapon 377,835 127,288,628 336.1 Tokyo
Taiwan Taiwan[10] 35,980 22,920,946 626.7 Taipei
Mongolia Mongolia 1,565,000 2,996,082 1.7 Ulaanbaatar
Republikang Bayan ng Tsina Tsina[11] 9,584,492 1,322,044,605 134.0 Beijing
Hong Kong Hong Kong (Tsina)[12] 1,092 7,903,334 6,688.0
Macau Macau (Tsina)[13] 25 460,823 18,473.3
Hilagang Korea Hilagang Korea 120,540 23,479,095 184.4 Pyongyang
Timog Korea Timog Korea 98,480 49,232,844 490.7 Seoul
Hilagang Asya:
Rusya Rusya[14] 13,115,200 140,702,092 3.0 Moscow
Timog-silangang Asya:[15]
Brunei Brunay 5,770 381,371 60.8 Bandar Seri Begawan
Cambodia Cambodia 181,040 14,241,640 70.6 Phnom Penh
East Timor Silangang Timor[16] 15,007 1,108,777 63.5 Dili
Indonesia Indonesya[17] 1,419,588 237,512,355 159.9 Jakarta
Laos Laos 236,800 6,677,534 24.4 Vientiane
Malaysia Malaysiya 329,750 25,274,135 68.7 Kuala Lumpur
Myanmar Myanmar 678,500 47,758,224 62.3 Naypyidaw[18]
Pilipinas Pilipinas 300,000 92,681,453 281.8 Maynila
Singapore Singapore 704 4,608,167 6,369.0 Singapore
Thailand Thailand 514,000 65,493,298 121.3 Bangkok
Vietnam Vietnam 331,690 86,116,559 246.1 Hanoi
Timog Asya:
Bangladesh Bangladesh 144,000 153,546,901 926.2 Dhaka
Bhutan Bhutan 47,000 682,321 14.3 Thimphu
India India[19] 3,167,590 1,147,995,226 318.2 New Delhi
Maldives Maldives 300 379,174 1,067.2 Malé
Nepal Nepal 140,800 29,519,114 183.8 Kathmandu
Pakistan Pakistan 803,940 167,762,049 183.7 Islamabad
Sri Lanka Sri Lanka 65,610 19,576,783 298.4 Colombo
Timog-kanlurang Asya:
Afghanistan Afghanistan 647,500 32,738,775 42.9 Kabul
Armenya Armenia[20] 29,800 2,968,586 111.7 Yerevan
Azerbaijan Azerbaijan[21] 46,870 3,845,127 82.0 Baku
Bahrain Bahrain 665 718,306 987.1 Manama
Cyprus Cyprus[22] 9,250 792,604 83.9 Nicosia
Estado ng Palestina Gaza[23] 363 1,537,269 3,315.7 Gaza
Heorhiya Georgia[24] 20,460 4,630,841 99.3 Tbilisi
Iran Iran 1,648,195 65,875,223 42 Tehran
Iraq Iraq 437,072 28,221,181 54.9 Baghdad
Israel Israel 20,770 7,112,359 290.3 Jerusalem[25]
Jordan Jordan 92,300 6,198,677 57.5 Amman
Kuwait Kuwait 17,820 2,596,561 118.5 Kuwait City
Lebanon Lebanon 10,452 3,971,941 353.6 Beirut
Oman Oman 212,460 3,311,640 12.8 Muscat
Qatar Qatar 11,437 928,635 69.4 Doha
Saudi Arabia Saudi Arabia 1,960,582 23,513,330 12.0 Riyadh
Syria Syria 185,180 19,747,586 92.6 Damascus
Turkey Turkey[26] 756,768 71,892,807 76.5 Ankara
Nagkakaisang Arabong Emirato United Arab Emirates 82,880 4,621,399 29.5 Abu Dhabi
Estado ng Palestina West Bank[27] 5,860 2,611,904 393.1
Yemen Yemen 527,970 23,013,376 35.4 Sanaá
Kabuuan 43,810,582 4,050,404,193 89.07

Mga Bansang Nagbago ng Pangalan

Maraming bansang Asyano ang nagpalit ng pangalan dahil sa pagbabago ng pamahalaan, pagbago ng pinuno o kalayaan mula sa ibang bansa.

Dating Pangalan Taon Kasalukuyang Pangalan
Dominyon ng India, dating Briton na Indya 1950 Republika ng India
East Bengal province 1905-1911 and 1947-1955
1955-1971
1971
East Pakistan state
Bangladesh, People's Republic of
Democratic Kampuchea 1975 Cambodia, Kaharian ng
Dinastiyang Qing 1912
1949
China, Republic of
China, People's Republic of
Portuguese Timor 1975
2002
Timor Timur (province of Indonesia)
East Timor, Democratic Republic of
Dutch East Indies 1949 Indonesia, Republika ng
Persia 1935
1979
Iran,
Iran, Islamikong Republika ng
Transjordan 1946 Jordan, Kaharian ng
Kirghiz SSR (USSR) 1991 Kyrgyzstan, Republika
Malaya, North Borneo, Sarawak and Singapore 1963
1965
Malaysia (including Singapore)
Malaysia and Singapore
Burma 1989 Myanmar, Unyon ng
Muscat 1971 Oman, Sultanate ng
Dominion of Pakistan 1947-1956
1956-1970
1971
West Pakistan, Islamic State of
Pakistan, Islamikong Republika ng
Islas de San Lorenzo, Spanish East Indies, Philippine Islands, Las Islas Filipinas 1965 Pilipinas, Republika ng
Hejaz-Nejd, The Kingdom of 1932 Saudi Arabia, Kaharian ng
Aden 1970 South Yemen, People's Republic of
Ceylon 1972 Sri Lanka, Democratic Socialist Republic of
Tajik SSR (USSR) 1991 Tajikistan, Republika ng
Siam 1939 Thailand, Kaharian ng
Imperyong Ottoman 1923 Turkey, Republika ng
urkmen SSR (USSR) 1991 Turkmenistan
Trucial Oman & Trucial States 1971 United Arab Emirates
French Indo-China 1949 Cambodia, Laos and Vietnam
Yemen, People's Democratic & Southern Yemen 1990 Yemen, Republika ng

Mga Relihiyon

Ang Asya ay kung saan nagmula ang Budismo, Hinduismo at iba pang Indiyanong at Tsinong relihiyon. Ito rin kung saan nagsimula ang relihiyong Hudaismo, Kristyanismo, Islam at iba't ibang Abramikong paniniwala. Nagsimula rin dito ang mga pilosopiyang Confucianismo at Taoismo.

Kasaysayan

Ang Asya bago ang Imperyong Mongol

Ang kasaysayan ng Asya ay makikita bilang kolektibong kasaysayan ng ilang mga natatanging mga paligid pandalampasigan mga rehiyon tulad ng Silangang Asya, Timog Asya, at ang Gitnang Silangan Naka-ugnay ito sa pamamagitan ng panloob na tumpok ng mga taong hating Asyano at Europeo sa kapatagan.

Ang dalampasigan ay ang tahanan sa ilan sa mga maagang sibilisasyon sa daigdig. Ang bawat isa sa tatlong rehiyon ay bumubuo ng mga sibilisasyon sa paligid ng mga lambak at ilog. Sagana ang mga lambak dahil ang lupa ay may mayamang lupa at maaaring tamnan ng maraming halamang-ugat. Ang mga sibilisasyon sa Mesopotamya, sa Lambak ng Indus, at sa Tsina ay nagbahagi ng maraming mga pagkakatulad at palaging nagpapalitan ng teknolohiya at mga ideya tulad ng matematika at ang mga gulong. Iba pang mga paniniwala tulad ng pagsulat ay maaaring binuo paisa-isa sa bawat lugar. Nabuo ang mga lungsod, estado, at imperyo sa mga mabababang lugar.

Ang mga patag ng rehiyon ay matagal na pinaninirahan ng mga pagala-gala, at mula sa central steppes ay maaaring sila umabot sa lahat ng mga lugar ng Asya. Ang hilagang bahagi ng kontinente, na sinasakop ng Siberia ay hindi rin mararating ng mga pagala-gala sa kapatagan dahil sa mga makakapal na kagubatan at tundra. Ang mga lugar sa Siberia ay bihira panirahan ng tao.

Ang mga sentro at paligid ay inihiwalay ng mga bundok at disyerto. Ang Kaukasya, Himalayas, Disyerto ng Karakum, at Disyerto ng Gobi ay bumuo ng mga hadlang para mahirapang makatawid ang mga mangangabayo sa kapatagan. Habang sa larangan ng teknolohiya at kultura, ang mga naninirahan sa lungsod ay mas masulong na, kaunti lamang ang magagawa nila na protektahan ang sarili nila laban sa mga pagala-gala. Gayunman, ang mga mabababang lugar ay hindi magkakaroon ng sapat na bukas na damuhan upang suportahan ang isang malaking pwersa ng mga nakakabayo. Kaya ang pagala-gala na sumakop sa Tsina, India, at Gitnang Silangan ay napilitang umangkop sa lokal na lipunan.

9000 BC–4500 BC

Isang templo sa lugar ng dakong timog-silangang Turkiya sa Göbekli Tepe na napetsahan noong 10000 BC ay nakikita bilang ang simula ng kulturang "Neolitiko 1". Ang lunang ito ay binuo ng nga pagala-galang mangangaso-maniningil dahil walang permanenteng pabahay sa paligid. Itong lunan ng templo ay ang pinakalumang kilalang ginawa ng tao bilang sambahan. Noong 8500 BC hanggang 8000 BC, ang mga sakahan ay nagsimulang lumaganap sa Anatolia, Hilagang Aprika at Hilagang Mesopotamia.

Ang sinaunang-panahong lugar ng Beifudi malapit sa Yixian sa Hebei, Tsina, ay naglalaman ng mga reliko ng isang kultura na may kasabay na ang Cishan at Xinglongwa kultura noong 7000 hanggang 8000 BC, ang mga Neolitikong kultura sa silangan ng Taihang Mountains, ay bumuo ng mga arkeolohikong puwang sa pagitan ng dalawang Hilagang kulturang Intsik. Ang kabuuang lugar na nahukay ay higit sa 1,200 metro kuwadrado at ang mga koleksyong Neolitiko ay natuklasan sa lugar na binubuo ng dalawang uri.[28]

Noong 5500 BC ang kulturang Halafian ay nagpakita sa Levant, Libano, Palestina, Sirya, Anatolia at hilagang Mesopotamia, batay sa agrikultura sa tuyong lupa.

Sa timog Mesopotamya ay ang mga inaanod na kapatagan ng Sumer at Elam. Dahil diyan ang maliliit na patak ng ulan sa sistema ng patubig ay kinakailangan. Ang kulturang Ubaid ay lumaganap noong 5500 BC.

Panahon ng Bronse

Ang Panahong Calcolitico (Chalcolithic) ay nagsimula noong 4500 BC. Pagkatapos, nagsimula ang Panahon ng Tansong Pula noong 3500 BC, at pinalitan ang mga kulturang Neolitiko. Ang Tsina at Vietnam ay sentro rin ng paggawaang-metal. Noon pa mang Panahong Neolitiko, ang unang mga bronseng dram, na tinatawag na Dong Son Drums ay nahukay sa paligid ng rehiyon ng Red River Delta sa Biyetnam at Timog Tsina. Iniuugnay ito sa sinaunang-panahong kulturang Dong Son ng Biyetnam.

Sa Ban Chiang, Thailand (Timog-silangang Asya), ang mga artipaktong tanso ay natuklasan noong 2100 BC.

Sa Nyaunggan, Burma, ang mga kagamitang tanso ay nahukay kasama ng mga artepaktong seramika at bato. Ang pagpepetsa ay kasalukuyang malawak pa rin (3500-500 BC).

Panahon ng Bakal

Ang dinastiyang Achaemenid ng Imperyong Persa, na itinatag ni Haring Cirong Dakila (Cyrus), ay naghari sa Gresya at Turkiya sa Ilog Indus at Gitnang Asya noong ikaanim hanggang ikaapat na siglo BC. Sinakop ito ni Alejandrong Dakila (Alexander) noong ikaapat na siglo BC. Ang Imperyong Romano ay mamamahala sa bahagi ng Kanlurang Asya. Ang mga dinastiyang Seleucido (Seleucid), Partia at Sasanida ng Persiya ay namayani sa Kanlurang Asya sa maraming siglo. Maraming mga sinaunang sibilisasyon ay naaapektuhan sa pamamagitan ng Daang Seda, na iniuugnay ang Tsina, Indya, Gitnang Silangan, at Europa. Ang relihiyon ng Hinduismo at Budismo, na nagsimula sa Indya, ay isang mahalagang impluwensiya sa Timog, Silangan, at Timog-Silangang Asya.

Gitnang Panahon

Ang mga Kalipang Islamiko at iba pang estadong Muslim ay kinuha ang Gitnang Silangan, Kaukasya at Gitnang Asya sa panahon ng pananakop ng Muslim noong ikapitong siglo, at pinalawak na sa subkontinenteng Indiyano at kapuluan ng Malay. Ang Imperyong Monggol ay sumakop sa isang malaking bahagi ng Asya noong ikalabintatlong siglo, at pinalawak mula sa Tsina hanggang sa Europa.

Hindi si Marco Polo ang unang taga-kanluran na naglakbay sa Silangan at bumalik na may kamangha-manghang mga kuwento ng mga iba't-ibang kultura nito, ngunit ang kanyang mga ulat na inilathala sa huling bahagi ng ika-13 at unang bahagi ng ika-14 siglo ay ang kauna-unahang malawak na babasahin sa buong Europa.

Dinaig ng Medyebal Asya ang Kanluran sa pagbuo ng digma, komunikasyon at agham. Ang pulbura ay malawak na ginamit mula pa noong ika-11 siglo at sila ay gumagamit ng naigagalaw na uri ng paglilimbag limang daang taon bago ginawa ni Gutenberg ang kanyang palimbagan. Ang Budismo, Taoismo, at Confucianismo ay ang nangingibabaw na mga pilosopiya ng Malayong Silangan sa panahon ng Gitnang Panahon.

Ang Medyebal Asya ay ang kaharian ng mga Khan. Si Genghis Khan ay kumontrol sa maraming lupain. Nabuo niya ang kanyang kapangyarihan sa pagsasanib ng mga hiwalay na mga tribung Monggol bago palawakin ang kanyang kaharian sa timog at kanluran. Siya at ang kanyang apong lalaki, si Kublai Khan, ay kinokontrol ang mga lupain sa China, Burma, Gitnang Asya, Rusya, Iran, Gitnang Silangan, at Silangang Europa. Mga pagtaya na ang sandatahang Monggol ay bumawas ang populasyon ng China sa pamamagitan ng halos isang katlo. Pagano si Genghis Khan. Ang kanilang kultura madalas nagdusa sa napakarahas na paggamot mula sa sandatahang Monggol. Ang sandatahang Khan ay humunhon bilang malayong kanluran bilang Jerusalem bago bumagsak noong 1260.

Ang Panahong Gitna ay isang hindi maunahang panahon para sa mga Intsik sa seramika at pagpipinta. Ang mga obra maestrang arkitekturang medyebal tulad ng Angkor Wat sa Cambodia, ang Great South Gate sa Todaiji, Hapon, at ang Tien-Ning Templo sa Peyping, Tsina ang ilan sa mga tulong ng ibang konstruksyon mula sa panahon na ito.

Ang Kamatayang Itim, kung saan ay wawasak sa Kanlurang Europa ay nagsimula sa Asya, kung saan ito umubos malaking populasyon sa Tsina noong 1331. Ang Tsina ay lumaganap muli noong huling mga taon ng medyebal panahon sa panahon ng pagsikat ng Dinastiyang Ming. Sa bansang Hapon ang mga ito ay nakita noong Gitnang Panahon ang isang pagbabalik sa tradisyunal na pananampalatayang Shinto at ang patuloy na pagiging popular ng Budismong Zen.

Modernong panahon (1500-kasalukuyan)

Ang Imperyong Ruso ay nagsimulang lumawak sa Asya noong ika-17 siglo, at kokontrol ng Siberya at karamihan ng Gitnang Asya sa ika-19 siglo. Ang Imperyong Ottoman ay kinokontrol ang Turkiya at ang Gitnang Silangan mula ika-16 na siglo pataas. Noong ika-17 siglo, ang Manchu ay sinakop ang Tsina at itinatag ang Dinastiyang Qing, bagaman ito ay sa tanggihan sa ika-19 siglo at ibinagsak noong 1912.

Ang kapangyarihang Europeo ay kumontrol ng iba pang bahagi ng Asya noong 1900s, tulad ng Indyang Ingles, Indotsinang Pranses at Macau at Goa ng Portuges. Ang Great Game sa pagitan ng Rusya at Britanya ay ang mga pakikibaka para sa kapangyarihan sa rehiyon ng Sentral Asya noong ika-19 siglo. Ang Trans-Siberian Railway, na tumatawid sa Asya sa pamamagitan ng tren, ay kumpleto na noong 1916. Ang ga bahagi ng Asya ay nanatiling nalaya mula sa kontrol ng Europa, bagaman hindi umimpluwensiya, tulad ng Persiya, Thailand at karamihan ng Tsina. Sa ika-20 siglo, ang Imperyo ng Hapon ay pinalawak na sa Tsina at Timog-silangang Asya sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos ng digmaan, maraming mga bansanng Asyano ay naging malaya mula sa kapangyarihang Europeo. Sa panahon ng Digmaang Malamig, sa hilagang bahagi ng Asya ay komunista na kinokontrol ang Unyong Sobyet at People's Republic of China, habang ang kanluraning alyado ay nakabuo ng mga samahan tulad ng CENTO at SEATO. Ang mga away tulad ng Digmaang Korea, Digmaang Vietnam at pagsakop ng USSR sa Apganistan ay away sa pagitan ng mga komunista at di-komunista. Isang dekada matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isang napakalaking planong pagbuhay muli ay nagdala sa Hapon bilang pangalawang-pinakamalaking ekonomiya sa mundo, isang palatandaan na kilala bilang pang-ekonomiyang himala matapos ang digmaan sa Hapon. Ang tunggaliang Arabe-Israelita ay may dominadong tala sa pangkasalukuyang kasaysayan ng Gitnang Silangan. Pagkatapos ang pagbagsak ng Unyong Sobyet noong 1991, maraming mga bagong malayang bansa ang naitatag sa Gitnang Asya. Naimbento ang tren noong ika-19 na siglo.

Tingnan din

Talababa

  1. Hindi kasama sa pagtatayang ito ang mga bansang nasa labas ng rehiyong Asya-Pasipiko, lalo na yung mga nasa Gitnang Silangan.

Sanggunian

  1. National Geographic Family Reference Atlas of the World [Pampamilyang Sangguniang Atlas ng Mundo ng National Geographic] (sa wikang Ingles). Washington, DC, Estados Unidos: National Geographic Society (Estados Unidos). 2006. p. 264.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "World Population Prospects 2022". population.un.org. United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population Division. Nakuha noong 17 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "World Population Prospects 2022: Demographic indicators by region, subregion and country, annually for 1950-2100" [World Population Prospects 2022: Mga panukoy pang-demograpiko batay sa rehiyon, subrehiyon, at bansa, taunan mula 1950-2100] (XSLX). population.un.org ("Kabuuang populasyon, tumpak noong ika-1 ng Hulyo (libo)") (sa wikang Ingles). United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population Division. Nakuha noong Hulyo 17, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "GDP PPP, current prices" [GDP PPP, kasalukuyang presyo] (sa wikang Ingles). International Monetary Fund. 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Enero 2021. Nakuha noong 26 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "GDP Nominal, current prices" [GDP Nominal, kasalukuyang presyo] (sa wikang Ingles). International Monetary Fund. 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2017. Nakuha noong 26 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Nominal GDP per capita" [Nominal na GDP kada capita]. International Monetary Fund. 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Enero 2020. Nakuha noong 26 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Religious Composition by Country, 2010–2050" [Komposisyon ng Rehiliyon kada Bansa, 2010-2050]. pewforum.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Disyembre 2019. Nakuha noong 26 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8.   Rehiyong kontinental ayon sa pag-uuri ng UN (mapa), hindi kabilang ang 12. Depende sa depinisyon, ang ibang teritoryo sa ibaba (notes 6, 11-13, 15, 17-19, 21-23) ay maaring en:sa Asya at isa sa mga sumusunod: Europa, Aprika, o Oceania.
  9.   Minsan ay itinuturing na bansang transkontinental ang Kazakhstan sa Gitnang Asya at Silangang Europa; ang pigura ng populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang.
  10.   Ang pigura ay para sa pook sa ilalim ng de facto kontrolado ng pamahalaang Republika ng Tsina (ROC). Inaanking buo ng PRC; tingnan ang estadong pampolitika ng Taiwan.
  11.   Ang kasalukuyang estado ay pormal na kilala bilang People's Republic of China (PRC). Ang mga pigura ay para lamang sa Kalupaang Tsina at hindi kasama ang Hong Kong, Macau, at Taiwan.
  12.   Ang Hong Kong ay isang Special Administrative Region (SAR) ng PRC.
  13.   Ang Macau ay isang Special Administrative Region (SAR) ng PRC.
  14.   Malawakang itinuturing ang Russia na isang bansang transkontinental sa Silangang Europa (UN region) at Hilagang Asya; ang pigura ng populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang.
  15. Hindi kabilang ang Pulo ng Christmas at Cocos (Keeling) Islands (panlabas na teritoryo ng Australia na nasa Karagatang Indian sa timog-kanluran ng Indonesia).
  16.   Ang East Timor ay kalimitang itinuturing na isang bansang transkontinental sa Timog-silangang Asya at Oceania.
  17.   Ang Indonesia ay itinuturing na bansang transkontinental sa Timog-silangang Asya at Oceania; hindi kasama sa pigura ang Irian Jaya at Kapuluang Maluku, na karaniwang itinuturing na nasa Oceania (Melanesya/Australasya).
  18.   Ang kabeserang administratibo ng Myanmar ay opisyal na inilipat mula Yangon sa isang militarised greenfield na nasa kanluran ng Pyinmana noong 6 Nobyembre 2005.
  19.   Kasama ang Jammu at Kashmir, isang pinagtatalunang teritoryo ng India, Pakistan, at ng PRC.
  20.   Ang Armenia ay minsang itinuturing na isang bansang transkontinental: pisikal na matatagpuan ito sa Kanlurang Asya, ngunit mayroon itong historikal at sosyopolitikal na koneksyon ito sa Europa.
  21.   Ang Azerbaijan ay kalimitang itinuturing na isang bansang transkontinental sa Kanlurang Asya at Silangang Europa; ang pigura sa populasyon at lawak ay para sa bahaging ansa Asya lamang. Kasma sa pigura ang Nakhchivan, isang nagsasariling exclave ng Azerbaijan na pinalilibutan ng Armenia, Iran, at Turkey.
  22.   Ang pulo ng Cyprus ay minsang itinuturing na isang teritoryong transkontinental: sa Eastern Basin ng Dagat Mediterranean timog ng Turkey, ito ay may historikal at sosyopolitikal na koneksyon sa Europa. Ang Republikang Turko ng Hilagang Tsipre (TRNC), na iba sa de jure na Republic of Cyprus sa timog, ay kinilala lamang ng Turkey.
  23.   Ang Gaza at West Bank, na tinatawag na "Occupied Palestinian Territory" ng UN, ay mga teritoryo na bahagyang sakop ng Israel ngunit nasa de facto na sa ilalim ng administrasyon ng Palestinian National Authority.
  24.   Ang Georgia ay kalimitang itinuturing na isang bansang transkontinental sa Kanlurang Asya at Silangang Europa; ang pigura sa populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang.
  25. Noong 1980, ang Herusalem ay ipinahayag na pinagsanib na kabesera ng Israel, pagkaraan ng annexation ng East Jerusalem sa panahon ng 1967 Six-Day War. Hindi ito kinikilala ng United Nations at maraming bansa, kaya maraming bansa ang nagtatayo ng embahada sa Tel Aviv na lamang.
  26.   Ang Turkey ay pangkahalatang itinuturing an isang bansang transkontinental sa Kanlurang Asya at Timog Europa; ang pigura sa populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang, at hindi kasama ang buong Lalawigan ng Istanbul.
  27.   Ang West Bank at Gaza, tinatawag na "Occupied Palestinian Territory" ng UN, ay teritoryong sakop ng Israel ngunit nasa de facto na administrasyon ng Palestinian National Authority.
  28. "New Archaeological Discoveries and Researches in 2004 — The Fourth Archaeology Forum of CASS". Institute of Archaeology — Chinese Academy of Social Sciences. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-12. Nakuha noong 2007-09-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-05-12 sa Wayback Machine.