Davao de Oro
Davao de Oro | |||
---|---|---|---|
Lalawigan ng Davao de Oro | |||
| |||
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Davao de Oro | |||
Mga koordinado: 7°36'N, 125°57'E | |||
Bansa | Pilipinas | ||
Rehiyon | Kadabawan | ||
Kabisera | Nabunturan | ||
Pagkakatatag | 8 Marso 1998 | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Sangguniang Panlalawigan | ||
• Gobernador | Jayvee Tyron L. Uy | ||
• Manghalalal | 508,221 na botante (2022) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 4,479.77 km2 (1,729.65 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (senso ng 2020) | |||
• Kabuuan | 767,547 | ||
• Kapal | 170/km2 (440/milya kuwadrado) | ||
• Kabahayan | 188,918 | ||
Ekonomiya | |||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lalawigan | ||
• Antas ng kahirapan | 17.70% (2021)[2] | ||
• Kita | ₱3,570,292,123.41840,215,717.851,034,365,535.411,063,713,710.922,138,056,138.842,431,023,457.391,771,435,192.851,848,720,660.222,340,908,502.973,994,602,021.164,339,754,686.08 (2020) | ||
• Aset | ₱20,891,416,207.171,461,036,313.711,677,643,882.812,750,606,944.983,521,562,893.313,742,184,494.2518,950,084,375.7119,615,342,293.4220,099,652,191.2623,176,180,129.6923,107,778,595.18 (2020) | ||
• Pananagutan | ₱2,140,519,897.97442,837,213.96672,407,615.061,710,920,410.922,368,559,945.872,310,739,325.231,911,979,027.502,172,329,267.092,312,310,262.012,801,557,597.82 (2020) | ||
• Paggasta | ₱2,766,278,500.14677,713,923.70943,355,190.04971,559,037.341,961,163,153.142,117,069,947.721,868,626,869.781,878,698,056.382,094,252,973.573,316,408,169.643,414,628,446.17 (2020) | ||
Pagkakahating administratibo | |||
• Mataas na urbanisadong lungsod | 0 | ||
• Lungsod | 0 | ||
• Bayan | 11 | ||
• Barangay | 235 | ||
• Mga distrito | 2 | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
Kodigo postal | 8800–8810 | ||
PSGC | 118200000 | ||
Kodigong pantawag | 87 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | PH-COM | ||
Klima | tropikal na kagubatang klima | ||
Mga wika | Ata Manobo Wikang Mansaka Agusan Manobo Dibabawon Manobo Kalagan | ||
Websayt | http://www.davaodeoro.gov.ph/ |
Ang Davao de Oro, ay ang ikatlong pinakabagong lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Davao sa Mindanao. Ang kabisera nito ay Nabunturan at napapaligiran ng Davao del Norte sa kanluran, Agusan del Sur sa hilaga, at Davao Oriental sa silangan. Sa timog-kanluran naroon ang Golpo ng Davao. Dating kasapi ang lalawigan ng Davao del Norte hanggang naging malayang lalawigan noong 1998.
Dating kilala ang lalawigan bilang Compostela Valley (literal na "Lambak ng Compostela, "ComVal" kapag pinaikli, Sebwano: Kawalogang Kompostela). Binago ang pangalan sa bisa ng Batas Republika Blg. 11297 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 17 Abril 2019 at isinapubliko noong 22 Mayo sa parehong taon. Ipinagtibay ito sa isang plebisito noong 7 Disyembre sa parehong taon, kung saang sa 179,958 katao na bumoto, 174,442 ang sumang-ayon habang 5,020 ang tumutol.[3][4]
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]May kabuuang 4,479.77 square kilometre (1,729.65 mi kuw)[5] ang lalawigan ng Davao de Oro na sumasakop sa hilagang silangang bahagi ng Rehiyon ng Davao. Naghahanggan ang lalawigan sa Davao del Norte sa kanluran, Agusan del Sur sa hilaga, at Davao Oriental sa silangan. Matatagpuan ang Golpo ng Dabaw sa timog kanluran ng lalawigan.
Pampolitika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nahahati ang lalawigan ng Davao de Oro sa 2 distrito na binubuo ng 11 bayan
Mga Bayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagpalit ng Pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naipasa sa senado ang isang panukalang batas noong 2019 na opisyal na nagpapalit sa pangalan ng lalawigan mula sa "Compostella Valley" patungong "Davao de Oro". Nakita ng mga opisyales ng pamahalaang panlalawigan na pinangungunahan ni Gobernador Jayvee Tyron Uy ang pagkakataon na ito upang linawin ang mga kalituhan sa pangalan ng lalawigan, na minsan ay naiuugnay sa Lambak ng Cagayan at sa bayan ng Compostela sa Cebu, at naiuugnay din sa mga karatig lalawigan sa Rehiyon ng Davao. Nakita nila ang pagpapalit ng pangalan bilang pagkakataon upang maipakilala nang higit ang lalawigan sa mga mamumuhunan sa hinaharap. [6] Ginanap ang plebisito noong ika-7 ng Disyembre 2019, na ang nakararami ay bumoto ng sang-ayon sa pagpapalit ng pangalan.
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1918 | 13,060 | — |
1939 | 21,048 | +2.30% |
1948 | 26,883 | +2.76% |
1960 | 102,830 | +11.83% |
1970 | 184,831 | +6.03% |
1975 | 235,293 | +4.96% |
1980 | 319,490 | +6.31% |
1990 | 466,286 | +3.85% |
1995 | 520,110 | +2.07% |
2000 | 580,244 | +2.37% |
2007 | 637,366 | +1.30% |
2010 | 687,195 | +2.78% |
2015 | 736,107 | +1.32% |
2020 | 767,547 | +0.83% |
Source: Philippine Statistics Authority[7][8][8] |
Ang populasyon ng Davao de Oro sa senso ng 2020 ay 767,547 katao, na may densidad na 170 mga naninirahan bawat kilometro kuwadrado or 440 mga naninirahan bawat milya kuwadrado.
Karamihan ng mga naninirahan sa lalawigan ay mula sa mga lalawigan ng Cebu, Samar, Bohol at iba pang lalawigan sa Kabisayaan. Kinabibilangan ng mga Kalagan, Mansaka, Mandaya, Dibabawon, Mangguangan at mga pangkat Manobo gaya ng mga Atta, Talaingod, Langilan, at Matigsalug Manobo ang mga pangkat katutubong bumubuo sa minoriya.
Mga wika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Wikang Cebuano ang pangunahing wikang sinasalita sa lalawigan. Sinusundan ito ng mga wika ng Kalagan, Wikang Mansaka, Mandaya, Dibabawnon, at Ingles.
Relihiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangunahing relihiyon sa lalawigan ang Katolisismo na bumubuo sa 74% ng kabuuang populasyon. [9] Ang iba pang mga mahahalagang paniniwala ay kinabibilangan ng Protestante, Iglesia ni Cristo, Islam at Animismo. [10][11]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
"Province: Compostela Valley". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Comelec: ComVal now Davao de Oro". Manila Standard. 9 Disyembre 2019. Nakuha noong 12 Disyembre 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fenequito Jr., Armando (9 Disyembre 2019). "Compostela Valley is now Davao de Oro". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Disyembre 2019. Nakuha noong 12 Disyembre 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Province: Davao de Oro". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 8 Enero 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Proposal to change name of ComVal to Davao de Oro nears Senate approval". Manila Bulletin News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-03-29. Nakuha noong 2021-09-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region XI (Davao Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1
Census of Population and Housing (2010). "Region XI (Davao Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bueza, Michael. "MAP: Catholicism in the Philippines". Rappler.
- ↑ "Philippine Church National Summary". philchal.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-26. Nakuha noong 2021-09-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bueza, Michael. "MAP: Iglesia ni Cristo in the Philippines". Rappler.