Pumunta sa nilalaman

Imus

Mga koordinado: 14°25′47″N 120°56′12″E / 14.4297°N 120.9367°E / 14.4297; 120.9367
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Imus, Cavite)
Imus

Lungsod ng Imus
Imus City
Ang Katedral ng Imus
Ang Katedral ng Imus
Palayaw: 
Kabisera ng Watawat ng Pilipinas
Mapa ng Kabite na nagpapakita sa lokasyon ng Imus
Mapa ng Kabite na nagpapakita sa lokasyon ng Imus
Imus is located in Pilipinas
Imus
Imus
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°25′47″N 120°56′12″E / 14.4297°N 120.9367°E / 14.4297; 120.9367
BansaPilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
ProvinceKabite
DistritoIkatlong Distrito ng Kabite
Mga Barangay97[1]
Itinatag (Bayan)1795
Itinatag (Lungsod)30 Hunyo 2012
Pamahalaan
 • AlkaldeEmmanuel "Manny" L. Maliksi (Liberal)
 • Bise-AlkaldeArnel M. Cantimbuhan (Liberal)
Lawak
 • Kabuuan64.70 km2 (24.98 milya kuwadrado)
Pinakamataas na pook70 m (230 tal)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan496,794
 • Kapal7,700/km2 (20,000/milya kuwadrado)
 • Households
130,814
DemonymImuseño
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo ng lugar46
Websaytwww.imus.gov.ph

Ang Lungsod ng Imus ay ang opisyal na itinalagang kabiserang lungsod ng lalawigan ng Kabite, sa Pilipinas. Opisyal na ginawang lungsod kasunod ng isang reperendum noong 30 Hunyo 2012. Ayon sa kita ng lokal na pamahalaan ng Imus noong 2010, ang dating bayan ay nauri bilang isang unang klaseng bahaging lungsod ng Kabite.[3] Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 496,794 sa may 130,814 na kabahayan.

Matatagpuan sa tinatayang 19 km (12 mi) mula sa Kalakhang Maynila, ito ang naging pook ng dalawang pangunahing pagkapanalo ng mga Katipunero noong Himagsikang Pilipino laban sa Espanya. Ang Labanan ng Imus na naganap noong 3 Setyembre 1896, at ang Labanan ng Alapan, noong 28 Mayo 1898, ang araw kung kailan unang ginamit ang watawat ng Pilipinas, na naging dahilan upang itanghal ang Imus bilang "Kabisera ng Watawat ng Pilipinas". Ang dalawang kaganapan ay ipinagdiriwang taon-taon sa lungsod.

Sentro ng relihiyon sa lalawigan ng Kabite ang lungsod sapagkat sa lungsod matatagpuan ang Diyosesis ng Imus, ang Diyosesis na may hawak sa lahat ng mga simbahan sa lalawigan ng Kabite.

Pinagmulan ng Salitang Imus

Ang pinagmulan ng pangalan ng Lunsod ng Imus ay may 4 na salin.

Ang unang salin ay nanaggaling ang pangalang "Imus" ay mula sa Tagalog na nakakahulugan sa lupa na napapagitnaan ng dalawang ilog. Pinagbasihan ito sa lumang lokasyon ng simbahan na nasa Toclong kung saan napapagitnaan ng Ilog ng Imus at Ilog Julian.

Heograpiya

Pisikal na katangian

May kabuuang sukat na sakop ang Imus na 6,470 ha (16,000 akre) o 64.70 km2 (24.98 mi kuw), tinatayang nasa 6.8% ng kabuuang lupa ng lalawigan ng Kabite.[2][4][5] Naghahanggan ang lungsod sa mga bayan ng Kawit at Noveleta sa hilaga, sa General Trias sa kanluran; sa lungsod ng Bacoor sa silangan at sa lungsod ng Dasmariñas sa timog.[6]

Pagkakahating Pampolitika

Nahahati sa kasalukuyan ang lungsod ng Imus sa 97 mga barangay. Noong 1998, ang bayan ay binubuo ng 21 mga barangay na lumaon ay hinati at naging kasalukuyang 97.

Pagkakahati ng mga Barangay sa Imus [8]
Cluster 1 Cluster 2 Cluster 3 Cluster 4 Cluster 5 Cluster 6 Cluster 7 Cluster 8 Cluster 9
  • Alapan I-A
  • Alapan I-B
  • Alapan I-C
  • Alapan II-A
  • Alapan II-B
  • Bucandala I
  • Bucandala II
  • Bucandala III
  • Bucandala IV
  • Bucandala V
  • Carsadang Bago I
  • Carsadang Bago II
  • Medicion I-A
  • Medicion I-B
  • Medicion I-C
  • Medicion I-D
  • Medicion II-A
  • Medicion II-B
  • Medicion II-C
  • Medicion II-D
  • Medicion II-E
  • Medicion II-F
  • Pag-Asa I
  • Pag-Asa II
  • Pag-Asa III
  • Anabu I-A
  • Anabu I-B
  • Anabu I-C
  • Anabu I-D
  • Anabu I-E
  • Anabu I-F
  • Anabu I-G
  • Anabu II-A
  • Anabu II-B
  • Anabu II-C
  • Anabu II-D
  • Anabu II-E
  • Anabu II-F
  • Bayan Luma I
  • Bayan Luma II
  • Bayan Luma III
  • Bayan Luma IV
  • Bayan Luma V
  • Bayan Luma VI
  • Bayan Luma VII
  • Bayan Luma VIII
  • Bayan Luma IX
  • Bagong Silang
  • Magdalo
  • Maharlika
  • Mariano Espeleta I
  • Mariano Espeleta II
  • Mariano Espeleta III
  • Pinagbuklod
  • Pasong Buaya I
  • Pasong Buaya II
  • Buhay na Tubig
  • Palico I
  • Palico II
  • Palico III
  • Palico IV
  • Tanzang Luma I
  • Tanzang Luma II
  • Tanzang Luma III
  • Tanzang Luma IV
  • Tanzang Luma V
  • Tanzang Luma VI
  • Poblacion I-A
  • Poblacion I-B
  • Poblacion I-C
  • Poblacion II-A
  • Poblacion II-B
  • Poblacion III-A
  • Poblacion III-B
  • Poblacion IV-A
  • Poblacion IV-B
  • Poblacion IV-C
  • Poblacion IV-D
  • Toclong I-A
  • Toclong I-B
  • Toclong I-C
  • Toclong II-A
  • Toclong II-B
  • Malagasang I-A
  • Malagasang I-B
  • Malagasang I-C
  • Malagasang I-D
  • Malagasang I-E
  • Malagasang I-F
  • Malagasang I-G
  • Malagasang II-A
  • Malagasang II-B
  • Malagasang II-C
  • Malagasang II-D
  • Malagasang II-E
  • Malagasang II-F
  • Malagasang II-G

Demograpiko

Senso ng populasyon ng
Imus
TaonPop.±% p.a.
1903 12,912—    
1918 13,940+0.51%
1939 18,039+1.24%
1948 23,685+3.07%
1960 31,660+2.45%
1970 43,686+3.27%
1975 48,566+2.15%
1980 59,103+4.00%
1990 92,125+4.54%
1995 177,408+13.06%
2000 195,482+2.10%
2007 253,158+3.63%
2010 301,624+6.58%
2015 403,785+5.71%
2020 496,794+4.16%
Sanggunian: PSA[9][10][11][12]


Mga sanggunian

  1. "Municipality/City: Imus" Naka-arkibo 2016-03-22 sa Wayback Machine.. Philippine Standard Geographic Code Interactive.
  2. 2.0 2.1 2.2 "Physical Characteristics"[patay na link]. Imus Official Website. Retrieved on 2012-06-30.
  3. "LGU Profile - Imus" Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine.. Local Government Performance Management System. Retrieved on 2012-06-30.
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang QFImus); $2
  5. "Quick Facts". Cavite Province Official Website. Hinago noong 2012-08-25.
  6. "Cities and Municipalities". Cavite Provincial Website. Nakuha noong 2012-06-30.
  7. "Barangay Officials | Total Visits 2 | City of Imus, Cavite". City of Imus, Cavite (sa wikang Ingles). 2016-12-08. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-07-23. Nakuha noong 2018-07-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-07-23. Nakuha noong 2018-07-23.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  12. "Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)