Pumunta sa nilalaman

Aserbayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Rayon ng Zaqatala)
Republika ng Aserbayan
Azərbaycan Respublikası (Aseri)
Salawikain: Odlar Yurdu
"Lupain ng Apoy"
Awitin: Azərbaycan marşı
"Martsa ng Aserbayan"
Lokasyon ng Aserbayan (lunti).
Lokasyon ng Aserbayan (lunti).
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Baku
40°23′43″N 49°52′56″E / 40.39528°N 49.88222°E / 40.39528; 49.88222
Wikang opisyalAseri
Katawagan
  • Aseri
  • Aserbayani
PamahalaanUnitaryong republikang semi-presidensyal
• Pangulo
Ilham Aliyev
Mehriban Aliyeva
Ali Asadov
LehislaturaAsembleyang Pambansa
Kasaysayan
Hulyo 1501
1736-1868
1846-1868
28 Mayo 1918
28 Abril 1920
30 Agosto 1991
21 Disyembre 1991
• Pagpasok sa Nasyones Unidas (Resolusyon 742 ng Konsehong Pangkatiwasayan)
2 Marso 1992
• Kasalukuyang Saligang Batas
12 Nobyembre 1995
Lawak
• Kabuuan
86,600 km2 (33,400 mi kuw) (ika-112)
• Katubigan (%)
1.6
Populasyon
• Pagtataya sa Marso 2022
10,164,464 (ika-90)
• Densidad
117/km2 (303.0/mi kuw) (ika-99)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2021
• Kabuuan
$160.713 bilyon
• Bawat kapita
$15,882
KDP (nominal)Pagtataya sa 2021
• Kabuuan
$54.622 bilyon
• Bawat kapita
$5,398
Gini (2008)33.7
katamtaman
TKP (2019)Increase 0.756
mataas · ika-88
SalapiManat (₼) (AZN)
Sona ng orasUTC+4 (AZT)
Ayos ng petsadd.mm.yyyy (AD)
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono+994
Internet TLD.az

Ang Aserbayan (Aseri: Azərbaycan), opisyal na Republika ng Aserbayan, ay bansang transkontinental sa pagitan ng Silangang Europa at Kanlurang Asya. Bahagi ng Timog Kaukasya, hinahangganan ito ng Dagat Kaspiyo sa silangan, Armenya at Turkiya sa kanluran, Rusya sa hilaga, Heorhiya sa hilagang-kanluran, at Iran sa timog. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Baku.

Orihinal itong tinirhan ng kabihasnang Kawkausong Albanes (Aghvank), isang bayang Kristiyanong lokal na mayroon ng kanilang sariling alpabeto, ngunit halos nawalan ito ng bakas dahil sa Islamikong panlulupig. Sa kalaunan ay naging mayoryang-Muslim ang lugar, ngunit isa sa mga pinakasuportado sa sekularismo at pagpaparayang relihiyoso. Iprinoklama ng Republikang Demokratiko ng Aserbayan ang kasarinlan nito mula sa Republikang Pederatibong Demokratiko ng Transkaukasya noong 1918 at naging ang kauna-unahang estadong sekular at demokratiko sa mundong Islamiko. Naipatalsik ang pamahalaan nito ng Ika-11 Hukbo ng Hukbong Pula noong 1920, at pagkatapos ay naitatag ang Republikang Sosyalistang Sobyetiko ng Aserbayan bilang isa sa 15 republikang bumuo ng Unyong Sobyetiko. Nagsimula ang Unang Digmaan ng Nagorno-Karabah noong 1988 sa pagitan ng mga mayoryang etnikong Armenyo sa rehiyong Nagorno-Karabah at Aserbayan; nang naganap ang digmaan ay nagdeklara ng kasarinlan ang modernong Republika ng Aserbayan noong 30 Agosto 1991 habang binuo ng mga Armenyo ang Republikang ng Artsah sa Nagorno-Karabah noong 2 Setyembre, ilang buwan bago mabuwag ang Unyong Sobyetiko. Nagtapos ang digmaan noong 1994 nang pandaigdigang kinilala ang lugar at pitong distritong nakapalibot bilang bahagi ng Aserbayan habang de factong nag-isa ang Artsah at Armenya. Muling sumibol ang mga tensyon at umumpisa ang Ikalawang Digmaan ng Nagorno-Karabah noong 27 Setyembre 2020. Tumagal ito hanggang 10 Nobyembre ng parehong taon, kung saan naibalik ang halos lahat ng teritoryong nakuha ng Armenya sa unang digmaan.

Ang bansa ay isang republikang sekular, unitaryo, semi-presidensyal, at konstitusyonalista. Isa ito sa anim na estadong Turkikong malaya at kasaping aktibo ng Organisasyon ng mga Estadong Turkiko at ng pamayanang TÜRKSOY. Mayroon ito ng mga relasyong diplomatiko sa 182 bansa at pagkakasapi sa 38 organisasyong internasyonal, kabilang ang Nasyones Unidas, Konseho ng Europa, Kilusang Di-Nakahanay, OSCE, at ang programang pangkapayapaan ng Alyansang Hilagang Atlantiko. Isa itong estadong tagamasid ng Organisasyong Pandaigdig ng Komersyo at kasaping tagapagtatag ng GUAM, Komonwelt ng mga Estadong Malaya, at Organisasyon para sa Pagbabawal ng mga Sandatang Kimiko. Naihalal ang estado noong 9 Mayo 2006 bilang kasapi ng bagong nilikhang Konseho ng Karapatang Pantao ng Asembleyang Pangkalahatan ng ONU. Sinimulan ng bansa noong 1 Enero 2012 ang dalawang taong termino nito bilang kasaping di-permanente ng Konsehong Pangkatiwasayan ng ONU, at noong 2015 ay naging kasaping tagamasid ito ng Poro ng mga Bayang Nagluluwas ng Gas.

Ang Aserbayan isang bansang umuunlad, kung saan ika-88 ito sa Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao. Ito ay may mataas na antas ng pag-unlad sa ekonomiya, alpabetisasyon, at pamantayan ng pamumuhay, at may mababang antas ng omisidiyo at kawalan ng trabaho kung ikukumpara sa mga bansa sa Silangang Europa at Komonwelt ng mga Estadong Malaya. Gayunpaman, inakusahan ang naghaharing Bagong Partido ng Aserbayan, na nasa kapangyarihan mula pa noong 1993 sa ilalim ng dinastiyang Aliyev, ng pamumunong awtoritaryo at pagpapalala ng talaan ng karapatang pantao sa bansa. Kabilang sa mga paratang ay ang pagtaas ng mga paghihigpit sa kalayaang sibil, partikular sa kalayaan sa pamamahayag at pampolitikang panunupil.

Mga paghahating pang-administratibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Aserbayan ay nahahati sa sampung rehiyong pang-ekonomika, 66 na rayon (rayonlar, mag-isa rayon) at 77 na lungsod (şəhərlər, mag-isa şəhər) na kung saan ang 11 ay nasa direktang pamamahala ng republika.[1] Dagdag pa rito, kasama sa Aserbayan ang Nagsasariling Republika (muxtar respublika) ng Awtonomong Republika ng Nakhichevan.[2]

Rehiyong Pang-Ekonomika ng Absheron
Rehiyong Pang-Ekonomika ng Aran
Rehiyong Pang-Ekonomika ng Daghlig

Ganja-Gazakh
Guba-Khachmaz
Kalbajar-Lachin
Lankaran

Nakhchivan
Shaki-Zaqatala
Yukhari Garabakh

Nahahati ang Aserbayan sa 10 pang-ekonomika

Paalala: Ang mga lungsod na nasa direktang pamamahala ng republika ay naka-italisado.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Swietochowski, Tadeusz (1995). Russia and Azerbaijan: A Borderland in Transition. Columbia University Press. pp. 69, 133. ISBN 978-0-231-07068-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)</ref>

 CIS

  1. "The State Statistical Committee of the Republic of Azerbaijan, Administrative and territorial units of Azerbaijan Republic". Azstat.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-12. Nakuha noong 2011-05-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. CIA The World Factbook, Azerbaijan Naka-arkibo 2014-07-29 sa Wayback Machine. 2013