Turkey

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Turquia)
Jump to navigation Jump to search
Para sa ibang gamit, tingnan ang Turkesa (paglilinaw).
Türkiye Cumhuriyeti
Türkiye
Pambansang Awit: 

Instrumento ni Edgar Manas
PununglunsodAnkara
35°41′N 139°46′E / 35.683°N 139.767°E / 35.683; 139.767
Pinakamalaking lungsod Istanbul
Opisyal na wika Turko
Pamahalaan Presidential republic
 -  Pangulo Recep Tayyip Erdoğan
 -  Punong ministro Binali Yıldırım
Pagkakabuo
 -  Panunumbalik ng Panahong Meiji 29 Oktubre 1923 
Lawak
 -  Kabuuan 780,580 km2 (37th)
302,535 sq mi 
 -  Katubigan (%) 1.3%
Santauhan
 -  Pagtataya ng 2005 69,660,559 (17th)
 -  Kakapalan 93/km2 (102nd)
240.9/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2008
 -  Kabuuan $941.6 billion (15th)
 -  Bawat ulo $13,511 
KGK (pasapyaw) Pagtataya ng 2008
 -  Kabuuan $748.3 billion (17th)
TKT (2007) 0.775 (medium) (84th)
Pananalapi Bagong Turkish Lira (TRY)
Pook ng oras (TPO+2)
 -  Tag-araw (DST) +3 (TPO+2)
Internet TLD .tr
Kodigong pantawag 90

Ang Turkey, na may opisyal na pangalang Republika ng Turkey[1] (Turko: Türkiye Cumhuriyeti) ay isang bansa na pangunahing matatagpuan sa Gitnang Silangan at bahagi nito sa timog-silangang Europa. Hinahanggan ang Turkey ang Bulgaria at Greece sa kanluran, Georgia, Armenia, Azerbaijan, at Iran sa silangan, at Iraq at Syria sa timog. Ito hanggang 1922 ang sentro ng Imperyong Otomano.

Etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pangalan ng Turkey sa Wikang Turko,Türkiye, ay maaaring hatiin sa dalawang salita: Türk, na ang ibig sabihin ay "malakas" sa Matandang Turko at kadalasang nagsasabi sa mga naninirahan sa Turkey o kasapi ng mga Turko [2].

Sa wikang Tagalog, ang pangalang Turkey ay hiram mula sa salitang Espanyol na Turquía.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Lumang Anatolya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga tao ay mas matagal na tumitira sa Anatolia (ang bahagi ng Turkey na nasa Asya na tinatawag din na Asia Minor) kumpara sa ibang lugar sa mundo, maliban sa Aprika.

Ang unang pangunahing imperyo sa lugar na ito ay ang mga Hittite (mula sa ika-18 dantaon hanggang sa ika-13 dantaon BC). Ang mga Hittites, na nagsalita ng mga wikang Indo-Europeo, ay bumuo ng isang mataas na kultura sa Gitnang Anatolya. Nasira ang kanilang kaharian noong ika-7 dantaon BC at ang mga sumunod na estaso ay ang Lydia, Caria, at Lycia.

Mula 1950 BCE, ang mga Griyego at Assyriano ay tumira sa iba't ibang bahagi ng timog silangang Turkey. Ang kabisera ng Assyria ay tinawag na Tushhan (900-600 BCE). Namahala ang mga Assyrians sa timog silangang Turkey hanggang sa masakop ng Babylonia sa taong 612 BC. Naging tahanan ang Anatolia sa iba't ibang mga kaharian tulad ng Imperyong Achaemenid, mga kahariang Hellenistiko, Imperyong Romano, Silangang Imperyong Romano, Imperyong Seljuk at ang Imperyong Monggol.

Mga teritoryong pampangasiwaan[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Lalawigan ng Adana
  2. Lalawigan ng Adıyaman
  3. Lalawigan ng Afyonkarahisar
  4. Lalawigan ng Ağrı
  5. Lalawigan ng Amasya
  6. Lalawigan ng Ankara
  7. Lalawigan ng Antalya
  8. Lalawigan ng Artvin
  9. Lalawigan ng Aydin
  10. Lalawigan ng Balıkesir
  11. Lalawigan ng Bilecik
  12. Lalawigan ng Bingöl
  13. Lalawigan ng Bitlis
  14. Lalawigan ng Bolu
  15. Lalawigan ng Burdur
  16. Lalawigan ng Bursa
  17. Lalawigan ng Çankırı
  18. Lalawigan ng Çanakkale
  19. Lalawigan ng Çorum
  20. Lalawigan ng Denizli
  21. Lalawigan ng Diyarbakır
  22. Lalawigan ng Düzce
  23. Lalawigan ng Edirne
  24. Lalawigan ng Elazığ
  25. Lalawigan ng Erzincan
  26. Lalawigan ng Erzurum
  27. Lalawigan ng Eskişehir
  28. Lalawigan ng Gaziantep
  29. Lalawigan ng Giresun
  30. Lalawigan ng Gümüşhane
  31. Lalawigan ng Hakkâri
  32. Lalawigan ng Hatay
  33. Lalawigan ng Isparta
  34. Lalawigan ng Mersin
  35. Lalawigan ng Istanbul
  36. Lalawigan ng İzmir
  37. Lalawigan ng Kars
  38. Lalawigan ng Kastamonu
  39. Lalawigan ng Kayseri
  40. Lalawigan ng Kırklareli
  41. Lalawigan ng Kırşehir
  42. Lalawigan ng Kocaeli
  43. Lalawigan ng Konya
  44. Lalawigan ng Kütahya
  45. Lalawigan ng Malatya
  46. Lalawigan ng Manisa
  47. Lalawigan ng Kahramanmaraş
  48. Lalawigan ng Mardin
  49. Lalawigan ng Muğla
  50. Lalawigan ng Muş
  51. Lalawigan ng Nevşehir
  52. Lalawigan ng Niğde
  53. Lalawigan ng Ordu
  54. Lalawigan ng Rize
  55. Lalawigan ng Sakarya
  56. Lalawigan ng Samsun
  57. Lalawigan ng Siirt
  58. Lalawigan ng Sinop
  59. Lalawigan ng Sivas
  60. Lalawigan ng Tekirdağ
  61. Lalawigan ng Tokat
  62. Lalawigan ng Trabzon
  63. Lalawigan ng Tunceli
  64. Lalawigan ng Şanlıurfa
  65. Lalawigan ng Uşak
  66. Lalawigan ng Van
  67. Lalawigan ng Yozgat
  68. Lalawigan ng Zonguldak
  69. Lalawigan ng Aksaray
  70. Lalawigan ng Bayburt
  71. Lalawigan ng Karaman
  72. Lalawigan ng Kırıkkale
  73. Lalawigan ng Batman
  74. Lalawigan ng Şırnak
  75. Lalawigan ng Bartın
  76. Lalawigan ng Ardahan
  77. Lalawigan ng Iğdır
  78. Lalawigan ng Yalova
  79. Lalawigan ng Karabük
  80. Lalawigan ng Kilis
  81. Lalawigan ng Osmaniye

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Ang Orden ng Sikatuna". GOVPH. http://www.officialgazette.gov.ph/ang-orden-ng-sikatuna/. Hinango noong Oktubre 6, 2015. "Veka Inal — Embahador ng Turkey — Mayo 11, 2002" 
  2. American Heritage Dictionary (2000). "The American Heritage® Dictionary of the English Language: Fourth Edition - "Turk"". Houghton Mifflin Company. http://www.bartleby.com/61/92/T0419200.html. Hinango noong 2006-12-27.