Katulad ng lahat ng mga elementong nasa pangkat bilang 1 sa talaang peryodiko, ang francium ay marahas na tumutugon (reaksiyon) sa tubig. Ang francium ang isa sa pinakamahirap na mahanap na mga elemento sa Daigdig. Tinataya na mayroong lamang humigit-kumulang sa 15 mga gramo o kalahati ng isang onsa ang mayroon nito sa ibabaw o "balat" ng Daigdig sa loob ng nag-iisang panahon.[4]
Bagaman nalalaman ng mga kimiko na dapat na umiral ang bilang ng elemento na 87 sa talaang peryodiko, matagal bago ito natagpuan. Noong kaagahan ng dekada ng 1900, halos lahat ng mga kahon na nasa talaang peryodiko ay napuno na. Nalalaman ng mga kimiko na mayroong nang tig-iisang elemento na mailalagak sa bawat isang kahon. Ang francium ay natagpuan noong 1939 ng kimikong Pransesa na si Marguerite Perey.[4] Pinangalanan niya ang elementong ito bilang francium, na nakabatay sa pangalan ng kaniyang bansang pinagmulan, ang Pransiya (na sa wikang Pranses ay France).
↑ 1.01.11.2Arblaster, John W. (2018). Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International. ISBN978-1-62708-155-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑ISOLDE Collaboration, J. Phys. B 23, 3511 (1990) (PDF online)