Pumunta sa nilalaman

Kasakistan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Republika ng Kasakistan
  • Қазақстан Республикасы (Kasaho)
  • Qazaqstan Respublikasy
  • Республика Казахстан (Ruso)
  • Respublika Kazakhstan
Awitin: Менің Қазақстаным
Menıñ Qazaqstanym
"Aking Kasakistan"
Lokasyon ng Republika ng Kasakistan (lunti).
Lokasyon ng Republika ng Kasakistan (lunti).
KabiseraAstana
51°10′N 71°26′E / 51.167°N 71.433°E / 51.167; 71.433
Pinakamalaking lungsodAlmaty
43°16′39″N 76°53′45″E / 43.27750°N 76.89583°E / 43.27750; 76.89583
Wikang opisyalKasaho
Ruso (ko-opisyal)
KatawaganKasaho • Kasako
PamahalaanUnitaryong republikang semi-presidensyal
• Pangulo
Kassym-Jomart Tokayev
Alihan Smaiylov
LehislaturaParlamento
• Mataas na Kapulungan
Senado
• Mababang Kapulungan
Asembleya
Kasakistan
1465
13 December 1917
26 August 1920
19 June 1925
5 December 1936
• Declaration of Sovereignty
25 October 1990
• Reconstituted as the Republic of Kazakhstan
10 December 1991
• Independence from USSR
16 December 1991
21 December 1991
26 December 1991
2 March 1992
30 August 1995
Lawak
• Kabuuan
2,724,900 km2 (1,052,100 mi kuw) (ika-9)
• Katubigan (%)
1.7
Populasyon
• Pagtataya sa 2022
Increase 19,122,423 (ika-64)
• Densidad
7/km2 (18.1/mi kuw) (ika-236)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2020
• Kabuuan
Increase $569.813 bilyon (ika-41)
• Bawat kapita
Increase $30,178 (ika-53)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2020
• Kabuuan
Increase $179.332 bilyon (ika-55)
• Bawat kapita
Increase $9,686 (ika-69)
Gini (2017)27.5
mababa
TKP (2019)Increase 0.825
napakataas · ika-51
SalapiTenge (₸) (KZT)
Sona ng orasUTC+5 / +6 (West / East)
Ayos ng petsayyyy.dd.mm
dd.mm.yyyy (Ruso)
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono+7-6xx, +7-7xx
Internet TLD

Ang Kasakistan (Kasaho: Қазақстан, tr. Qazaqstan), opisyal na Republika ng Kasakistan, ay bansang transkontinental na pangunahing matatagpuan sa Gitnang Asya at bahagya sa Silangang Europa. Hinahangganan ito ng Rusya sa hilaga at kanluran, Tsina sa silangan, Usbekistan sa timog, Kirgistan sa timog-silangan, at Turkmenistan sa timog-kanluran; mayroon din ito ng baybayin sa Dagat Kaspiyo. Sumasaklaw ng mahigit 2,724,900 km2 at may 19 milyong residente, ito ang ikasiyam na pinakamalaking bansa sa mundo ngunit isa sa may pinakamababang pampopulasyong densidad, na mas mababa sa 6 na tao bawat kilometrong kuwadrado. Ang kabisera nito'y Astana at ang pinakamalaking lungsod nito'y Alma Ata.

Sa malaking bahagi ng moderno nitong kasaysayan, iba't-ibang tribong lagalag ang nanirahan sa teritoryong nasasakupan ng Kazakhstan. Noong ika-16 na siglo, nanaig ang mga Kazakh bilang isang natatanging pangkat, na nahahati sa tatlong Juz. Nagsimulang dumating ang mga Russian sa mga kaparangan ng Kasakistan noong ika-18 siglo, at noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo ang kabuuan ng bansa ay naging bahagi na ng Imperyong Ruso. Pagkaraan ng Rebolusyon sa Russia noong 1917 at ang sumunod pang digmaang-sibil, ilang-ulit na isinaayos ang teritoryo ng Kasakistan bago ito naging Kazakh Soviet Socialist Republic noong 1936, na bahagi ng USSR.

Ang Kasakistan ang huli sa mga republikang Sobyet na nagpahayag ng kasarinlan nito noong 16 Disyembre 1991. Si Nursultan Nazarbayev ang lider nito noong kapanuhunan ng komunismo, ang naging una at hanggang sa ngayo'y pangulo ng bansa. Pinananatili ni Nazarbayev ang mahigpit na kontrol sa politika ng bansa. Mula noong kasarinlan, nagsulong ang Kasakistan ng balanseng polisiyang panlabas at nagsasagawa ng paraan upang mapaunlad ang ekonomiya, lalo na ang industriya ng hydrocarbon.[1] Matapos ang panahong Sobyet, nakakitaan ng aktibong pakikilahok ang bansa sa mga samahang internasyonal, kasama na rito ang United Nations, Euro-Atlantic Partnership Council, Commonwealth of Independent States at Shanghai Cooperation Organisation. Isa ang Kasakistan sa anim na mga bansang dating bahagi ng USSR na may ugnayan sa NATO na nagpapatupad ng Individual Partnership Action Plan.

Dahil na rin sa malawakang pagpapatapon sa Kasakistan ng iba't-ibang grupong etniko noong pamumuno ni Stalin, naghalo-halo ang iba't-ibang kultura at etniko sa bansa. Ang 16.6 milyong populasyon nito ay may 131 etnisidad, kasama rito ang Kazakh, Russian, Uyghur, Ukrainian, Uzbek, Tatar, at German. Nasa 63 porsiyento ng populasyon ang Kazakh.[2] Pinahihintulutan sa Kasakistan ang kalayaan sa pananampalataya at maraming relihiyon ang matatagpuan sa bansa. Islam ang pangunahing panampalataya sa Kasakistan ng 70 porsiyento ng mamamayan nito, habang malaking bahagi naman ng natitira ay Kristiyanismo. Ang wikang Kasaho ay ang wikang pambansa, samantala opisyal na wika rin ang Ruso na kapantay ng Kasaho sa mga pampublikong institusyon.[3]

Mga teritoryong pampangasiwaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Astana
  2. Almaty

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Zarakhovich, Yuri. "Kazakhstan Comes on Strong." Naka-arkibo 2010-09-03 sa Wayback Machine. Time.com Web. 24 Dis. 2011. (sa Ingles)
  2. "Перепись населения Республики Казахстан 2009 года. Краткие итоги. (Census for the Republic of Kazakhstan 2009. Short Summary)" (PDF) (sa wikang Ruso). Republic of Kazakhstan Statistical Agency. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 23 Hulyo 2011. Nakuha noong 10 Disyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kazakhstan Naka-arkibo 2020-05-29 sa Wayback Machine. The constitution of Kazakhstan CONSTITUTION OF THE REPUBLIC OF KAZAKHSTAN Naka-arkibo 2007-10-20 sa Wayback Machine. CIA, The Word Factbook The constitution of Kazakhstan: 1. The state language of the Republic of Kazakhstan shall be the Kazakh language. 2. In state institutions and local self-administrative bodies the Russian language shall be officially used on equal grounds along with the Kazakh language. (sa Ingles)

 CIS