Pumunta sa nilalaman

Miss Universe 2002

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss Universe 2002
Justine Pasek, Miss Universe 2002
Petsa29 Mayo 2002
Presenters
  • Phil Simms
  • Daisy Fuentes
  • Brook Lee
EntertainmentMarc Anthony
PinagdausanColiseo Roberto Clemente, San Juan, Puerto Rico
BrodkasterCBS
Lumahok75
Placements10
Bagong sali
  • Albanya
  • Tsina
Hindi sumali
  • Arhentina
  • Bagong Silandiya
  • Botswana
  • Kapuluang Turks at Caicos
  • Libano
  • Malta
  • Paragway
  • Simbabwe
  • Taywan
Bumalik
NanaloJustine Pasek
Panama Panama
(pumalit)
Oxana Fedorova
Rusya Rusya (bumitiw)
CongenialityMerlisa George
United States Virgin Islands Kapuluang Birhen ng Estados Unidos
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanVanessa Mendoza
Colombia Kolombya
PhotogenicIsis Casalduc
Puerto Rico Porto Riko
← 2001
2003 →

Ang Miss Universe 2002 ay ang ika-51 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Coliseo Roberto Clemente, San Juan, Porto Riko noong 29 Mayo 2002.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Denise Quiñones ng Porto Riko si Oxana Fedorova ng Rusya bilang Miss Universe 2002.[1][2] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Rusya sa kasaysayan ng kompetisyon.[3][4] Nagtapos bilang first runner-up si Justine Pasek ng Panama, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Ling Zhuo ng Tsina.

Mga kandidata mula sa pitumpu't-limang bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Phil Simms at Daisy Fuentes ang kompetisyon, samantalang si Miss Universe 1997 Brook Lee ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon. Nagtanghal si Marc Anthony sa edisyong ito.[5]

Apat na buwan pagkatapos makoronahan, napatalsik si Fedorova sa kanyang titulo,[6][7] at ang first runner-up na si Justine Pasek ng Panama ang pumalit bilang Miss Universe.[8] Sa kasalukuyan, ang 2002 pageant ay ang tanging edisyon na napasakamay ng 1st runner-up ang titulo nang hindi magampanan ng kasalukuyang Miss Universe ang kanyang mga tungkulin.

Coliseo Roberto Clemente, ang lokasyon ng Miss Universe 2002

Lokasyon at petsa ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Disyembre 2001, dumalo sa isang news conference sa San Juan ang noo'y-alkalde ng San Juan, Porto Riko na si Jorge Santini at si Miss Universe 2001 Denise Quiñones kung saan inanunsyo na magaganap muli ang Miss Universe sa San Juan. Napili ang lungsod ng San Juan mula sa walo pang ibang mga lungsod.[9]

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa pitumpu't-limang bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang napili matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Dahil hindi nakaabot sa age requirement ng Miss Universe si Miss España 2001 Lorena van Heerde,[10][11] napagdesisyunan ng Miss España Organization ang kanilang ipapadala sa Miss Universe 2001 ay ang first runner-up na si Eva Sisó, at ipapadala na lamang si van Heerde sa edisyong ito. Kalaunan ay nagbanta na idedemanda ng pamilya ni van Heerde ang Miss España Organization dahil sa paglabag ng organisasyon sa kontrata ni van Heerde, at napagdesisyunan niya na putulin na ang kanyang ugnayan sa Miss España Organization na siyang nagtanggal sa kanyang karapatang kumatawan para sa kanyang bansa sa edisyong ito.[12] Ang pumalit sa kanya bilang kinatawan ng espanya si Miss España 2002 Vania Millan.[13]

Mga pagbalik at mga pag-urong sa kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang sumali sa edisyong ito ang bansang Albanya at Tsina,[14] at bumalik ang mga bansang Australya, Guyana, Kenya, Mawrisyo, at Namibya. Huling sumali noong 1995 ang Kenya, noong 1999 ang Guyana, at noong 2000 ang Australya, Mawrisyo, at Namibya.

Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansang Arhentina, Bagong Silandiya, Botswana, Kapuluang Turks at Caicos, Libano, Malta, Paragway, Simbabwe, at Taywan. Hindi sumali si Miss Lebanon 2001 Christina Sawaya dahil sa pagsuporta ng kanyang bansa sa Second Intifada.[15][16] Kalaunan ay lumahok si Sawaya sa Miss International 2002 at nagwagi. Hindi lumahok si Euwonka Selver ng Kapuluang Turks at Caicos dahil siya ay natanggalan ng titulo ilang linggo bago ang kompetisyon, at walang itinalaga ang kanyang organisasyon para pumalit sa kanya. Hindi sumali sina Shirley Yeung ng Hong Kong,[17] Loredana Zammit ng Malta, at Maria Gabriela Riquelme ng Paragway[18] dahil natanggalan ng lisensya ang kanilang mga organisasyon upang magpadala ng kandidata sa Miss Universe. Hindi sumali ang mga bansang Arhentina, Bagong Silandiya, Simbabwe, at Taywan sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Hindi sumali sina Karen Russell ng Belis at Yana Booth ng Gran Britanya dahil sa pagbabago ng mga license holder sa kanilang mga bansa.[19][20] Hindi sumali si Yang Siqi ng Hong Kong dahil natanggalan ng lisensya ang kanyang organisasyon upang magpadala ng kandidata sa Miss Universe. Hindi sumali si Angelina Sondakh ng Indonesya dahil ipinagbabawal ng kanyang pamahalaan.[21]

Mga kontrobersya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagpapatalsik kay Fedorova

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Oxana Fedorova, Miss Universe 2002 sa loob ng apat na buwan bago mapatalsik noong Setyembre 2002.

Noong Setyembre 2002, apat na buwan matapos makoronahan bilang Miss Universe, napatalsik si Oxana Fedorova sa kanyang titulo.[6][22] Si Fedorova ang kauna-unahang Miss Universe na napatalsik sa kanyang titulo.[23] Ayong sa noo'y-pangulo ng Miss Universe Organization na si Paula Shugart, hindi nagampanan ni Fedorova ang kanyang mga tungkulin bilang Miss Universe dahil kinakailangan ni Fedorova gumugol ng maraming oras sa Rusya.[6][24] Inaasahang maglalakbay ng malawakan si Fedorova at gumawa ng mga personal na pagpapakita bilang bahagi ng kanyang mga tungkulin, ngunit tumanggi siya na lumahok sa ilan sa mga takdang iyon, kabilang na ang 2002 Miss Teen USA.[23] Ilan sa mga dahilan ni Fedorova diumano ay nagkasakit ang kanyang ina, ngunit hindi niya ibinubunyag sa organisasyon kung ano ang sakit nito.[25]

Sa isang panayam sa Russian TV Channel 2, Ihinayag ni Fedorova na nagulat siya nang inilarawan ng Miss Universe Organization ang kanyang pagbitiw bilang isang pagpapatalsik, at ang desisyon na ibigay ang korona sa iba ay nakasalalay sa kanya. Ayon kay Fedorova, ang dahilan kung bakit niyang gumugol ng maraming oras sa Rusya ay dahil sa kanyang edukasyon. Si Fedorova ay isang police lieutenant sa Rusya, at sa panahon na siya ay Miss Universe ay tinatapos niya ang kanyang disertasyon sa Academy of Internal Affairs na kanyang idinepensa noong Oktubre ng kaparehong taon.[26] Pinabulaanan din ni Fedorova ang mga haka-haka na siya ay buntis sapagkat hindi pa ito kasal.[26][27]

Kinoronahan ang first runner-up na si Justine Pasek bilang Miss Universe 2002 sa isang press conference Lungsod ng New York kung siya ay kinoronahan mismo ni Donald Trump.[28]

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 2002 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss Universe 2002
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 10
Nagwagi
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 10

Mga iskor sa kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bansa/Teritoryo Evening Gown Swimsuit Katampatan
Rusya Rusya 9.64 (1) 9.88 (1) 9.76 (1)
Panama Panama 8.92 (3) 8.79 (7) 8.86 (4)
Republikang Bayan ng Tsina Tsina 9.15 (2) 8.88 (5) 9.02 (3)
South Africa Timog Aprika 8.79 (6) 8.90 (4) 8.85 (5)
Venezuela Beneswela 8.83 (5) 9.29 (2) 9.06 (2)
Alemanya Alemanya 8.84 (4) 8.81 (6) 8.83 (6)
Cyprus Tsipre 8.49 (8) 9.15 (3) 8.82 (7)
Albanya Albanya 8.51 (7) 8.34 (8) 8.43 (8)
India Indiya 8.10 (10) 8.32 (9) 8.23 (9)
Canada Kanada 8.39 (9) 7.99 (10) 8.19 (10)

Mga espesyal na parangal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal Nagwagi
Miss Photogenic
Miss Congeniality
Best in Swimsuit

Best National Costume

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Nagwagi
1st runner-up
2nd runner-up

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ilang pagbabago sa pormat ng kompetisyon ang ipinatupad ng Miss Universe. Sampung mga semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Lumahok sa casual interview, swimsuit competition at evening gown competition ang sampung mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na lumahok sa question-and-answer round at final question.

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Amir – Fashion designer
  • Marshall Faulk – Amerikanong manlalaro ng putbol[2]
  • Tyrese Gibson – Amerikanong aktor at mang-aawit[2]
  • Yue-Sai Kan – Tsinong negosyante at aktres[31]
  • Marisol MalaretMiss Universe 1970 mula sa Porto Riko[31]
  • Christopher McDonald – Amerikanong aktor[31]
  • Oswald Mendez – Kalahok ng The Amazing Race 2[31]
  • Nicole Miller – Amerikanang fashion designer[2]
  • Gena Lee Nolin – Amerikanang aktres at modelo[2]
  • Tatjana Patitz – Modelong Aleman[31]
  • Ethan Zohn – Nagwagi sa Survivor: Africa[2]

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pitumpu't-lima kandidata ang kumalahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Natascha Börger[32] 21 Bönningstedt
Albanya Albanya Anisa Kospiri[33] 19 Tirana
Angola Anggola Giovana Leite[34] 18 Luanda
Antigua at Barbuda Antigua at Barbuda Aisha Ralph[35] 24 San Juan
Aruba Aruba Deyanira Frank 23 San Nicolaas
Australia Australya Sarah Davies[36] 19 Brisbane
Bahamas Bahamas Nadia Albury[37] 21 Nassau
Belhika Belhika Ann Van Elsen[38] 22 Mol
Venezuela Beneswela Cynthia Lander[39] 19 Caracas
Brazil Brasil Joseane Oliveira[40] 20 Canoas
Bulgaria Bulgarya Elina Georgieva 19 Sofia
Bolivia Bulibya Paola Coimbra[41] 21 Santa Cruz de la Sierra
Curaçao Curaçao Ayannette Mary Ann Statia 19 Willemstad
Egypt Ehipto Sally Shaheen[42] 24 Cairo
Ecuador Ekwador Isabel Ontaneda Pinto[43] 23 Quito
El Salvador El Salvador Elisa Sandoval[44] 22 San Salvador
Slovakia Eslobakya Eva Džodlová[45] 19 Prešov
Slovenia Eslobenya Iris Mulej[46] 20 Kranj
Espanya Espanya Vania Millan[13] 24 Almería
Estados Unidos Estados Unidos Shauntay Hinton[47] 23 Washington, D.C.
Estonia Estonya Jana Tafenau[48] 19 Tallin
Ghana Gana Stephanie Walkins-Fia 22 Accra
Greece Gresya Lena Paparigopoulou[49] 21 Atenas
Guatemala Guwatemala Carina Velasquez[50] 21 Zacapa
Guyana Guyana Mia Rahaman[37] 22 Georgetown
Jamaica Hamayka Sanya Hughes[51] 19 Kingston
Hapon Hapon Mina Chiba[52] 24 Tokyo
Northern Mariana Islands Hilagang Kapuluang Mariana Virginia Gridley[53] 22 Chalan Kanoa
Honduras Erika Ramirez[54] 18 Atlántida
India Indiya Neha Dhupia[55] 21 Delhi
Irlanda (bansa) Irlanda Lisa O'Sullivan[56] 20 Dublin
Israel Israel Yamit Har-Noy[57] 20 Oranit
Italya Italya Anna Rigon[58] 23 Vicenza
Canada Kanada Neelam Verma[59] 26 Montreal
Kapuluang Birheng Britaniko Kapuluang Birheng Britaniko Anestasia Tonge 18 Tortola
United States Virgin Islands Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Merlisa George[60] 26 Saint Croix
Cayman Islands Kapuluang Kayman Shannon McLean 24 East End
Kenya Kenya Julie Njeru 19 Laikipia
Colombia Kolombya Vanessa Mendoza[61] 20 Unguía
Costa Rica Kosta Rika Merilyn Villalta[62] 22 Cartago
Croatia Kroasya Ivana Paris[63] 18 Pazin
Malaysia Malaysia Karen Lit Eit Ang[64] 25 Kuching
Mauritius Mawrisyo Karen Alexandre[65] 22 Port Louis
Mexico Mehiko Ericka Cruz[66] 20 Mérida
Namibia Namibya Michelle Heitha[67] 26 Windhoek
Niherya Niherya Chinenye Ochuba[68] 18 Lagos
Nicaragua Nikaragwa Marianela Lacayo[69] 21 Managua
Norway Noruwega Hege Hatlo[70] 21 Rogaland
Netherlands Olanda Kim Kötter[71] 19 Losser
Panama Panama Justine Pasek[72] 22 Lungsod ng Panama
Peru Peru Adriana Zubiate[73] 20 Callao
Pilipinas Pilipinas Karen Loren Agustín[74] 19 Maynila
Finland Pinlandiya Janette Broman[75] 20 Lieto
Poland Polonya Joanna Dozdrowska[76] 23 Szczecin
Puerto Rico Porto Riko Isis Casalduc[77] 21 Utuado
Portugal Portugal Iva Lamarão[78] 19 Ovar
Pransiya Pransiya Sylvie Tellier[79] 20 Nantes
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Ruth Ocumárez[80] 20 Santo Domingo
Republikang Tseko Republikang Tseko Diana Kobzanová[81] 20 Roudná
Rusya Rusya Oxana Fedorova[82] 24 San Petersburgo
Singapore Singapura Nuraliza Osman[83] 25 Singapore
Suwesya Suwesya Malou Hansson[84] 19 Järfälla
Switzerland Suwisa Jennifer Ann Gerber[85] 20 Aargau
Thailand Taylandiya Janjira Janchome 19 Phitsanulok
South Africa Timog Aprika Vanessa Carreira[86] 22 Boksburg
Timog Korea Timog Korea Kim Min-kyoung[87] 20 Seoul
Trinidad at Tobago Trinidad at Tobago Nasma Mohammed[88] 23 Princes Town
Chile Tsile Nicole Rencoret[89] 25 Santiago
Republikang Bayan ng Tsina Tsina Zhuo Ling[90] 19 Shanghai
Cyprus Tsipre Demetra Eleftheriou[1] 19 Nicosia
Turkey Turkya Çağla Kubat 23 İzmir
Ukraine Ukranya Liliana Gorova 20 Kyiv
Hungary Unggarya Edit Friedl[91] 23 Budapest
Uruguay Urugway Fiorella Fleitas[92] 20 Canelones
Serbiya at Montenegro Yugoslavia Slađana Božović 21 Kragujevac
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 Daigle, Katy (30 Mayo 2002). "Miss Russia Named 2002 Miss Universe". AP News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Pebrero 2023. Nakuha noong 17 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Martinez, Barbara E. (30 Mayo 2002). "Russia Is Miss Universe". The Washington Post (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Enero 2024. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Russia takes Miss Universe crown for the first time". Hello! (sa wikang Ingles). 29 Mayo 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Enero 2024. Nakuha noong 19 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Russia Wins 1st Miss Universe Title - CBS News". CBS News (sa wikang Ingles). 30 Mayo 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Enero 2024. Nakuha noong 19 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Miss Russia Wins Miss Universe Title, Miss China Third". People's Daily (sa wikang Ingles). 31 Mayo 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Enero 2024. Nakuha noong 19 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 "Deposed Miss Couldn't Give The Time". CBS News (sa wikang Ingles). 23 Setyembre 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Enero 2023. Nakuha noong 13 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Caldwell, Jim (24 Setyembre 2002). "Miss Universe dethroned amid pregnancy rumour". Irish Examiner (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Enero 2024. Nakuha noong 19 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "New Miss Universe Crowned". CNN (sa wikang Ingles). 24 Setyembre 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Nobyembre 2023. Nakuha noong 13 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Back in PR". Manila Standard (sa wikang Ingles). 21 Disyembre 2001. p. 16. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Agosto 2023. Nakuha noong 17 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Lorena Van Heerde se alza con el título de Miss España 2001". El País (sa wikang Kastila). 26 Pebrero 2001. ISSN 1134-6582. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Enero 2024. Nakuha noong 13 Enero 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Lorena van Heerde, primera Miss España del Milenio" [Lorena van Heerde, first Miss Spain of the Millennium]. Diario ABC (sa wikang Kastila). 26 Pebrero 2001. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Enero 2024. Nakuha noong 16 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Lorena van Heerde: 'Mi reinado no ha sido un cuento de hadas'" [Lorena van Heerde: 'My reign has not been a fairy tale']. La Nueva España (sa wikang Kastila). 3 Mayo 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2024. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 "Vania Millán representará a España en el certamen de Miss Universo" [Vania Millán will represent Spain in the Miss Universe pageant]. HOLA (sa wikang Kastila). 8 Abril 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Enero 2024. Nakuha noong 16 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Rosenthal, Elisabeth (16 Hulyo 2002). "Beijing Journal; Here She Comes! (Will China Ever Be the Same?)". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Nobyembre 2023. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Miss Universe boycott". The Australian Jewish News (sa wikang Ingles). 31 Mayo 2002. p. 2. Nakuha noong 17 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Grinberg, Emanuella (26 Enero 2015). "When politics and beauty pageants collide: A 'diplomatic' dance". CNN (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Marso 2022. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Lim, Ruey Yan (14 Oktubre 2019). "Hong Kong actress Shirley Yeung confirms pregnancy after keeping her marriage under wraps". The Straits Times (sa wikang Ingles). ISSN 0585-3923. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2024. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Breves: Audiovisual sobre la juventud". ABC Color (sa wikang Kastila). 6 Nobyembre 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2024. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Chanona, Janelle (29 Mayo 2002). "Miss Belize will wait until 2003 for Miss Universe". Channel 5 Belize (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Mayo 2023. Nakuha noong 17 Enero 2024. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Smith, Julia Llewellyn (7 Marso 2002). "The tall story of a beauty queen". The Telegraph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Mayo 2023. Nakuha noong 17 Enero 2024. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Bachelard, Michael (11 Enero 2013). "How Angelina went from Sydney to Miss Indonesia to politics to jail". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Enero 2024. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Hajela, Deepti (23 Setyembre 2002). "Miss Universe Gets Dethroned". The Edwardsville Intelligencer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Pebrero 2022. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. 23.0 23.1 Whitcomb, Dan (24 Setyembre 2002). "Miss Universe Is Replaced". The Washington Post (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Enero 2024. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Wintemute, Doug (24 Oktubre 2018). "The Dark, Disturbing Truth Behind These Former Miss Universe Winners". Nicki Swift (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Oktubre 2023. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Keil, Braden (29 Setyembre 2002). "Behind the 'Miss' fire booted beauty's Moscow mysteries". The New York Post (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Enero 2024. Nakuha noong 19 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. 26.0 26.1 "New Miss Universe named after spat". CNN (sa wikang Ingles). 25 Setyembre 2002 [23 Setyembre 2002]. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Enero 2024. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Tong, Julie (20 Marso 2018). "'It was a nice time' when Trump owned Miss Universe, says decrowned Russian beauty queen-turned-designer". Yahoo! Life (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hulyo 2023. Nakuha noong 19 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Miss Universe toppled". BBC (sa wikang Ingles). 24 Setyembre 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Oktubre 2022. Nakuha noong 19 Enero 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. 29.0 29.1 29.2 Daigle, Katy (30 Mayo 2002). "Miss Russia wins Miss Universe crown". Lakeland Ledger (sa wikang Ingles). p. 6. Nakuha noong 19 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Rivera, Manuel E. (22 Mayo 2002). "Miss Universe contestants don national costumes". Daily News (sa wikang Ingles). p. 6. Nakuha noong 19 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. 31.0 31.1 31.2 31.3 31.4 Red, Isah V. (30 Mayo 2002). "Karen Loren Agustin: trained to win". Manila Standard (sa wikang Ingles). p. 16. Nakuha noong 19 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Schönheitskönigin: Miss Hamburg wird Miss Deutschland" [Miss Hamburg becomes Miss Germany]. Der Spiegel (sa wikang Aleman). 11 Enero 2002. ISSN 2195-1349. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Abril 2023. Nakuha noong 17 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Purnell, Kristofer (12 Enero 2023). "LIST: Meet the Miss Universe 2022 candidates". Philippine Star (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Enero 2023. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Angola: Committee Cancels Giovana Pinto's Miss-2002 Title". Angola Press Agency (sa wikang Ingles). 24 Enero 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Enero 2024. Nakuha noong 17 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng AllAfrica.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Hill, Eucelia (31 Mayo 2003). "When they were there". Sun Weekend (sa wikang Ingles). p. 8. Nakuha noong 14 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Sad beauty conquers universe". The Courier Mail (sa wikang Ingles). 22 Abril 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2024. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. 37.0 37.1 Persaud, Felicia (16 Mayo 2002). "Caribbean Nationals Among Miss Universe Contenders". Queens Chronicle (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Nobyembre 2023. Nakuha noong 17 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Ann van Elsen tot Miss België 2002 verkozen" [Ann van Elsen was elected Miss Belgium 2002]. De Standaard (sa wikang Olandes). 8 Disyembre 2001. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Nobyembre 2023. Nakuha noong 17 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Suárez, Orlando (27 Hulyo 2022). "Misses venezolanas de sangre azul". El Diario (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Marso 2023. Nakuha noong 5 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Alves Jr., Dirceu (22 Abril 2002). "Joseane é a Miss Brasil 2002". IstoÉ Gente (sa wikang Portuges). pp. Joseane is Miss Brazil 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Agosto 2017. Nakuha noong 17 Abril 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Paola Coimbra, bellísima a los 40" [Paola Coimbra, beautiful at 40]. El Deber (sa wikang Kastila). 25 Abril 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Nobyembre 2023. Nakuha noong 17 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "World tensions cast shadow over Miss Universe pageant ** Security, political questions add new dimensions to contest". The Morning Call (sa wikang Ingles). 29 Mayo 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2024. Nakuha noong 16 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "La nueva Miss Ecuador salió de Quito" [The new Miss Ecuador left Quito]. El Universo (sa wikang Kastila). 28 Marso 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Abril 2023. Nakuha noong 17 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. "Fotostrecke zur Miss-Universe-Wahl: Warmlächeln für die Fleischbeschau" [Warm smile for the meat inspection]. Der Spiegel (sa wikang Aleman). 25 Mayo 2002. ISSN 2195-1349. Nakuha noong 16 Enero 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "Miss Universe SR 2002 je dcéra riaditeľky DD Slon Eva Džodlová" [Miss Universe SR 2002 is the daughter of the director of DD Slon, Eva Džodlová]. SME (sa wikang Eslobako). 3 Marso 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2024. Nakuha noong 16 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "Iris Mulej je postala Miss Universe 2002" [Iris Mulej became Miss Universe 2002]. Si21 (sa wikang Eslobeno). 21 Pebrero 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2024. Nakuha noong 16 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Silverman, Stephen (4 Marso 2002). "New Miss USA Keeps the Flag Waving". People Magazine (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Enero 2023. Nakuha noong 31 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. "Skandaal miss Estonia krooni ümber" [Scandal surrounding the crown of Miss Estonia]. Ohtuleht (sa wikang Estonyo). 12 Marso 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2024. Nakuha noong 16 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. "Λένα Παπαρηγοπούλου : Τι κάνει σήμερα η Σταρ Ελλάς 2002;" [Lena Paparigopoulou: What is Star Hellas 2002 doing today?]. In.gr (sa wikang Griyego). 3 Nobyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2024. Nakuha noong 16 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "Conoce a la ex Miss Guatemala y bella presentadora Carina Velásquez" [Meet the former Miss Guatemala and beautiful presenter Carina Velásquez]. Soy502 (sa wikang Kastila). 31 Disyembre 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2024. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "Sanya Hughes... Take 10". Jamaica Observer (sa wikang Ingles). 29 Abril 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2024. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. Maylam, John (26 Nobyembre 2002). "Duval puts personal stamp on golf in Japan". The Japan Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2024. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. "Miss CNMI Universe heads for Puerto Rico". Marianas Variety (sa wikang Ingles). 8 Mayo 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2024. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. "Acusan a Señorita Honduras 2001 de ser nicaragüense" [They accuse Miss Honduras 2001 of being Nicaraguan]. La Nación (sa wikang Kastila). 24 Setyembre 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2024. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "Neha Dhupia completes 20 years as Miss India, Dia Mirza shares a note for her 'fierce, authentic' friend". Hindustan Times (sa wikang Ingles). 4 Hulyo 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2024. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. Fernane, Stephen (22 Pebrero 2020). "Former Miss Ireland Lisa's heartfelt story". Irish Independent (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2024. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. "MISS UNIVERSE: ALL IS NOT HARMONY". Sun Sentinel (sa wikang Ingles). 29 Mayo 2002. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. Mutterle, Paolo (11 Nobyembre 2016). "La miss vicentina parla di Trump «Un gentiluomo»" [The Miss Vicenza talks about Trump «A gentleman»]. Il Giornale di Vicenza (sa wikang Italyano). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. Renuka, Methil (17 Setyembre 2001). "Neelam Verma becomes first Indian-Canadian to win Miss Canada-Universe title". India Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. "Miss and Mr. St. Croix Contestant Presentation Marks Festival Kickoff". St. Thomas Source (sa wikang Ingles). 5 Nobyembre 2007. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. Nesmith, Susannah A. (12 Nobyembre 2001). "Newly crowned Miss Colombia breaks through color barrier". Herald-Journal (sa wikang Ingles). p. 12. Nakuha noong 17 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. "Miss Costa Rica en nacion.com". La Nación (sa wikang Kastila). 22 Marso 2002. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. "Bivša Miss Universe otkrila: Stjepan Mesić mi je očistio škampiće za večeru" [The former Miss Universe revealed: Stjepan Mesić cleaned my shrimp for dinner]. Index.hr (sa wikang Kroato). 11 Abril 2016. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. "Malaysia's pride". New Straits Times (sa wikang Ingles). 27 Mayo 2002. p. 11. Nakuha noong 18 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  65. "Miss Mauritius : Une couronne qui ne scintille plus" [Miss Mauritius: A crown that no longer sparkles]. Le Mauricien (sa wikang Pranses). 21 Oktubre 2018. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  66. "Erika Cruz a Miss Universo". La Opinion (sa wikang Kastila). 12 Mayo 2002. p. 15. Nakuha noong 18 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  67. "Beauty Pageant Launched". New Era Live (sa wikang Ingles). 12 Abril 2007. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  68. "From Beauty Queen to Mum of 2! MBGN 2002 Chinenye Ochuba-Akinlade gives birth to a baby boy". Daily Post Nigeria (sa wikang Ingles). 5 Enero 2012. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  69. "Miss Nicaragua: Marianela Lacayo 2002". La Prensa (sa wikang Kastila). 8 Marso 2002. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  70. "Miss etter nesten-miss" [Miss after near-miss]. Verdens Gang (sa wikang Noruwegong Bokmål). 18 Marso 2002. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  71. "Kim Kötter werd van een onzeker gepest meisje een zelfverzekerde zakenvrouw: 'Ik weet hoe het voelt om buiten de boot te vallen'" [Kim Kötter turned from an insecure, bullied girl into a confident business woman: 'I know what it feels like to be left out']. De Limburger (sa wikang Olandes). 12 Hulyo 2021. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  72. "Una Miss Panamá preocupada por el turismo y la ecología" [A Miss Panama concerned about tourism and ecology]. La Prensa (sa wikang Kastila). 1 Setyembre 2001. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Mayo 2003. Nakuha noong 18 Enero 2024. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  73. Alza, Francesca (30 Hulyo 2023). "Fue miss Perú Universo, luchó contra el cáncer de mama y ahora triunfa como entrenadora personal" [She was Miss Peru Universe, fought against breast cancer and now succeeds as a personal trainer]. La Republica (sa wikang Kastila). Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  74. Brizuela, Jayson (18 Marso 2002). "Bb, Pilipinas winners set new standars in beauty". Manila Standard (sa wikang Ingles). p. 11. Nakuha noong 4 Setyembre 2021 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  75. Asikainen, Merja (28 Mayo 2023). "Missitähti Katariina Kulve, 42, jätti julkisuuden – kertoo nyt täysin muuttuneesta elämästään" [Miss star Katariina Kulve, 42, left the public eye - now tells about her completely changed life]. Ilta-Sanomat (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  76. Sawicka, Magdalena (30 Hunyo 2020). "Miss Polonia 2001 została mamą. Pochwaliła się mężem i słodką córeczką" [Miss Polonia 2001 became a mother. She boasted about her husband and sweet daughter]. Teleshow (sa wikang Polako). Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  77. "Suenan las campanas de boda para la ex Miss Puerto Rico Isis Casalduc" [Wedding bells ring for former Miss Puerto Rico Isis Casalduc]. Primera Hora (sa wikang Kastila). 24 Setyembre 2014. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  78. "Iva Lamarão recorda o dia em que conheceu Donald Trump" [Iva Lamarão remembers the day she met Donald Trump]. Caras (sa wikang Portuges). 17 Disyembre 2020. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  79. "Sylvie Tellier : l'évolution physique de l'ancienne Miss France" [Sylvie Tellier: the physical evolution of the former Miss France]. Télé Loisirs (sa wikang Pranses). Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  80. "Ruth Ocumárez se integra a la conducción de un programa de televisión" [Ruth Ocumárez joins the hosting of a television program]. El Nuevo Diario (República Dominicana) (sa wikang Kastila). 25 Oktubre 2020. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  81. "Třináctá Miss soutěžila s třináctkou". iDNES.cz (sa wikang Tseko). 13 Setyembre 2002. Nakuha noong 13 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  82. "I'm not married, says dethroned Miss Universe". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 25 Setyembre 2002. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  83. Meah, Natasha (19 Hulyo 2016). "Grooming Miss Universe Singapore". The New Paper (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  84. "Grattis Malou Hansson" [Congratulations Malou Hansson]. Aftonbladet (sa wikang Suweko). 26 Pebrero 2002. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  85. "Jennifer Ann Gerber: «Die erste Zeit hatte meine Familie Priorität»" [Jennifer Ann Gerber: “My family was my priority at first”]. Schweizer Illustrierte (sa wikang Aleman). 9 Mayo 2020. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  86. Birjalal, Alyssia (16 Agosto 2023). "Vanessa Carreira-Coutroulis reflects on winning Miss SA 22 years ago". Independent Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  87. "'2001 Miss Korea' Kim Min Kyung, "My best friend Jeon Ji Hyun worked very hard at school… We were among the 4 goddesses of Dongguk University"". KBIZoom (sa wikang Ingles). 2 Marso 2023. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  88. "Nasma Mohammed-Chin — Transforming food culture". Jamaica Observer (sa wikang Ingles). 17 Oktubre 2022. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  89. Cortez, Delfia (15 Mayo 2002). "Panameña entre favoritas del concurso Miss Universo" [Panamanian among favorites of the Miss Universe contest]. Panamá América (sa wikang Kastila). Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  90. "Here she comes !". Jamaica Observer (sa wikang Ingles). 22 Hulyo 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2024. Nakuha noong 17 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  91. "Friedl Edit a társalgóban" [Edith Friedl in the lounge]. Origo (sa wikang Unggaro). Nakuha noong 16 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  92. "Fiorella Fleitas es Miss Uruguay" [Fiorella Fleitas is Miss Uruguay]. LaRed21 (sa wikang Kastila). 18 Abril 2002. Nakuha noong 18 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]