Pumunta sa nilalaman

Santa Rosa, Laguna

Mga koordinado: 14°19′N 121°07′E / 14.32°N 121.12°E / 14.32; 121.12
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Santa Rosa City)
Santa Rosa

ᜐᜈ̟ᜆ ᜇ̵̥ᜐ

Lungsod ng Santa Rosa
Opisyal na sagisag ng Santa Rosa
Sagisag
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Santa Rosa.
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Santa Rosa.
Map
Santa Rosa is located in Pilipinas
Santa Rosa
Santa Rosa
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°19′N 121°07′E / 14.32°N 121.12°E / 14.32; 121.12
Bansa Pilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
LalawiganLaguna
DistritoUnang Distrito ng Laguna
Mga barangay18 (alamin)
Pagkatatag18 Enero 1792
Ganap na Lungsod10 Hulyo 2004
Pamahalaan
 • Punong LungsodArlene Arcillas-Nazareno Partido Liberal (2019-2022)
 • Pangalawang Punong LungsodArnel DC Gomez Partido Liberal (Pilipinas) 2019-2022
 • Manghalalal222,046 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan54.84 km2 (21.17 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan414,812
 • Kapal7,600/km2 (20,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
122,458
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan3.67% (2021)[2]
 • Kita₱4,427,463,016.31 (2020)
 • Aset₱12,112,633,246.19 (2020)
 • Pananagutan₱1,928,784,593.78 (2020)
 • Paggasta₱3,690,870,306.46 (2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
4026
PSGC
043428000
Kodigong pantawag49
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytsantarosacity.gov.ph

Ang Santa Rosa ay isang primera klaseng lungsod sa lalawigan ng Laguna sa Pilipinas. Ang lungsod ay may matatagpuan 38 kilometro sa timog na Maynila, sa pamamagitan ng South Luzon Expressway, kaya ang lungsod ay naging pamayanang suburban resendensyal ng Kalakhang Maynila. Ang tahimik na bayan na ito ng Laguna ay nagsimulang umunlad nang maitatag ang Filsyn, CIGI at iba pang maliliit na multinasyonal na mga kompanya na nasa labas ng Maynila. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 414,812 sa may 122,458 na kabahayan.

Hanggang sa mga taon nakalipas, ang Santa Rosa ay dating kilala dahil sa Coca-Cola at Toyota na may mga malalaking planta sa mga liwasang pang-industriya dito. Nakikilala na rin ang lungsod na ito dahil sa pagkakatayo ng Enchanted Kingdom, Nuvali at sa mga ginagawang mga pabahay. Ang Santa Rosa ay may labasan din para sa mga manlalakbay na tutungo sa Tagaytay sa pamamagitan ng South Luzon Expressway.

Dumarami na rin ang mga planta ng mga sasakyan sa lungsod, tulad ng Ford Motor Company na gumagawa ng Ford Lynx, Ford Focus, Mazda 3, Ford Escape, at Mazda Tribute at nagtitinda ng Ford Ranger, Ford Everest & Mazda6. Ang iba pang kompanya ay Nissan Motors Co., Ltd., Toyota Motor Corporation, Honda Motor Co., Ltd., Isuzu Motors Ltd. at Mitsubishi.

Ang Santa Rosa ay ikalawa sa mga bayan at lungsod sa Katimugang Luzon na nagkaroon ng parehong SM Mall at Robinson pagkatapos ng Dasmariñas sa Cavite.Ang Santa Rosa ay nagin lungsod sa pagpipirma ng Republic Act No. 9264, na na-ratified ng mga tao ng Santa Rosa noong 10 Hulyo 2004.

Ganap na lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 10 Hulyo 2004, ang Santa Rosa ay ginawang lungsod sa pamamagitan ng Republic Act 9264,[3] na inaprubahan ng mga botante sa plebisito. Si Leon Arcillas, na nanumpa sa kanyang pangatlo at huling termino sampung araw bago, ay naging unang alkalde ng lungsod. Si Arcillas ay pinaslang sa dating city hall ng dalawang armado, sina Arnold David at Herminigildo Vidal Jr. Sila ay nahatulan at nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo noong 2013.

Si Jose Catindig Jr., na nagsilbing bise alkalde, ay naging alkalde upang maihatid ang natitira sa kanyang kataga Noong 14 Mayo 2007, si Catindig, na tumakbo para sa kanyang buong termino bilang alkalde, ay natalo ng anak na babae ni Arcillas na si Arlene B. Arcillas.

Ang Santa Rosa ay nahahati sa 18 barangay.

  • Aplaya
  • Balibago
  • Caingin
  • Dila
  • Dita
  • Don Jose
  • Ibaba
  • Labas
  • Macabling
  • Malitlit
  • Malusak (Pob.)
  • Market Area (Pob.)
  • Kanluran (Pob.)
  • Pook
  • Pulong Santa Cruz
  • Santo Domingo
  • Sinalhan
  • Tagapo

Mga kilalang sikat sa Santa Rosa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Mark Herras, ay isang aktor ng Starstruck Season 1 ay Ultimate Survivor
  • Alden Richards, ay isang aktor at dating Ginoong Santa Rosa
  • Jason Fernandez, dating bokalista ng Rivermaya, mang-aawit
  • Koreen Medina, ay isang aktres, modelo at isa sa mga StarStruck Avenger
  • Jef Gaitan, dating Rosas ng Santa Rosa at Banana Split
  • Nadine Samonte, ay isang aktres na lumaki sa Santa Rosa, isa sa mga StarStruck Avenger
  • Jodi Sta. Maria - Lacson, isang kilalang Aktres sa pelikula at sa telebisyon.
  • Juancho Trivino, ay isang aktor
  • Maria Carpena, kaunaunahang Plipino recording artist at timaguriang "The Nightingale of Zarzuela"
Senso ng populasyon ng
Santa Rosa
TaonPop.±% p.a.
1903 7,339—    
1918 10,557+2.45%
1939 15,069+1.71%
1948 17,259+1.52%
1960 26,583+3.66%
1970 41,335+4.51%
1975 47,639+2.89%
1980 64,325+6.19%
1990 94,719+3.95%
1995 138,257+7.34%
2000 185,633+6.52%
2007 266,943+5.14%
2010 284,670+2.37%
2015 353,767+4.23%
2020 414,812+3.18%
Sanggunian: PSA[4][5][6][7]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Laguna". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://www.thecorpusjuris.com/legislative/republic-acts/ra-no-9264.php
  4. Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  7. "Province of Laguna". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]