Artyom, Rusya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Artyom
Артём (Wikang Ruso)
-  Lungsod[1]  -
Дворец Культуры Угольщиков.jpg
Map of Russia - Primorsky Krai (2008-03).svg
Lokasyon ng Primorsky Krai sa Rusya
Artyom is located in Primorsky Krai
Artyom
Artyom
Lokasyon ng Artyom sa Primorsky Krai
Koordinado: 43°22′N 132°12′E / 43.367°N 132.200°E / 43.367; 132.200Mga koordinado: 43°22′N 132°12′E / 43.367°N 132.200°E / 43.367; 132.200
Coat of Arms of Artyom (Primorsky kray).png
Flag of Artyom (Primorsky kray).svg
Sagisag
Flag
Lungsod DayHuling Linggo ng Agosto[kailangan ng sanggunian]
Kalagayang administratibo (as of December 2013)
BansaRusya
Kasakupang pederalPrimorsky Krai[1]
Administratively subordinated toLungsod ng Artyom sa ilalim ng hurisdiksiyon ng krai[1]
Sentrong administratibo ngLungsod ng Artyom sa ilalim ng hurisdiksiyon ng krai[1]
Kalagayang munisipal (as of November 2012)
Urban okrugArtyomovsky Urban Okrug[2]
Sentrong administratibo ngArtyomovsky Urban Okrug[2]
Pinuno[kailangan ng sanggunian]Vladimir Novikov[kailangan ng sanggunian]
Representative bodyLehislatura[kailangan ng sanggunian]
Estadistika
Populasyon (Sensus ng 2010)102,603 inhabitants[3]
Rank in 2010Pang-158
Pook ng orasVLAST (UTC+11:00)
Itinatag1924[4]
Katayuang Lungsod mula noongOktubre 26, 1938[kailangan ng sanggunian]
(Mga) kodigo postal[5]692486, 692750, 692751, 692753, 692754, 692756, 692759, 692760, 692764, 692766–692771, 692775, 692778
(Mga) kodigong pantawag+7 42337[kailangan ng sanggunian]
Websayt

Ang Artyom o Artem (Ruso: Артём, IPA [ɐrˈtʲɵm]) ay isang lungsod sa Primorsky Krai, Russia. Matatagpuan ito sa hilaga ng Tangway ng Muravyov-Amursky. Mayroon itong 102,603 katao noong 2010.[3]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Itinatag ito noong 1924[4] malapit sa minahang hukay ng Zybunny at ipinangalan mula sa manghihimagsik na si Fyodor Sergeyev na mas-kilala sa bansag niyang Artyom. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong Oktubre 26, 1938. Noong 2004, sinanib sa lungsod ang dating mga pamayanang-uri urbano ng Uglovoye, Zavodskoy, at Artyomovsky. Dahil dito tumaas ang opisyal na populasyon nito sa 100,000 katao mula humigit-kumulang 60,000 katao.

Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Historical population
TaonPop.±%
1989 68,887—    
2002 64,145−6.9%
2010 102,603+60.0%
Senso 2010: [3]; Senso 2002: [6]; Senso 1989: [7]

Ekonomiya at impraestruktura[baguhin | baguhin ang batayan]

Kalahati sa matitipunong populasyon ng Artyom ay nasa paggawa ng mga materyales.

May dalawampu't-siyam na mga negosyong pang-industriya ang Artyom, kalahati sa mga ito ay pampribado. Kabilang sa mga produktong pangkonsyumer na ginagawa sa lungsod ay muwebles, seramiko, at produksiyong tahiin. Ang mga kompanyang umuupa ng pinakamalaking bilang ng mga manggagawa sa Artyom ay Primorskoye Mine Administration (3,500 manggagawa) at Artyom-Mebel Furniture Factory (1,100 manggagawa). Nakarehistro sa lungsod ang labinlimang mga magkasosyong negosyo.

Saligan ng pampook na ekonomiya ng lungsod ang pagmimina ng karbon, bagamat halos nauubos na ang mga reserba ng karbón. Inihula na ang transportasyon ay ang magiging pinakamasigasig na sektor ng industriya para sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Artyom.

Matatagpuan malapit sa lungsod ang Paliparang Pandaigdig ng Vladivostok, at sa timog-kanluran naman ang Palapagang Militar ng Uglovoye. Naririto rin ang pinakamalaking tagpuan ng daambakal sa Primorsky Krai. Kada taon, 12 milyong tonelada ng kargamento ang dumaraan sa Artyom patungong Vladivostok, at 24 milyong tonelada patungong Nakhodka. Pinaglingkuran ng paliparan ang 500,000 pasahero noong 1994. Kumatawan ito sa hindi bababa sa 28% ng potensiyal nito.

Klima[baguhin | baguhin ang batayan]

Malak ng kapanahunan sa Artyom
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taunan
Balasaking taas °S (°P) −8.6
(16.5)
−5.2
(22.6)
2.1
(35.8)
10.1
(50.2)
15.7
(60.3)
18.3
(64.9)
22.4
(72.3)
24.4
(75.9)
20.6
(69.1)
13.8
(56.8)
3.6
(38.5)
−5.1
(22.8)
9.34
(48.81)
Arawang tamtaman °S (°P) −12.7
(9.1)
−9.5
(14.9)
−2.1
(28.2)
5.6
(42.1)
10.8
(51.4)
14.5
(58.1)
18.9
(66)
21.0
(69.8)
16.5
(61.7)
9.4
(48.9)
−0.4
(31.3)
−9.1
(15.6)
5.24
(41.43)
Balasaking baba °S (°P) −16.7
(1.9)
−13.7
(7.3)
−6.3
(20.7)
1.1
(34)
6.0
(42.8)
10.8
(51.4)
15.5
(59.9)
17.7
(63.9)
12.5
(54.5)
5.0
(41)
−4.4
(24.1)
−13.0
(8.6)
1.21
(34.18)
Balasaking kadanligan mm (dali) 10
(0.39)
15
(0.59)
20
(0.79)
46
(1.81)
61
(2.4)
91
(3.58)
102
(4.02)
132
(5.2)
117
(4.61)
63
(2.48)
32
(1.26)
17
(0.67)
706
(27.8)
Sanggunian: Climate-Data.org [8]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Wikivoyage-Logo-v3-icon.svg Gabay panlakbay sa Artyom, Rusya mula sa Wikivoyage

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Ref130); $2
  2. 2.0 2.1 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang PrimorskyKArtyomovskyUO_mun); $2
  3. 3.0 3.1 3.2 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa Ruso). Russian Federal State Statistics Service.
  4. 4.0 4.1 Энциклопедия Города России. Moscow: Большая Российская Энциклопедия. 2003. p. 25. ISBN 5-7107-7399-9.
  5. Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
  6. Russian Federal State Statistics Service (21 May 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa Ruso).
  7. "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – via Demoscope Weekly.
  8. "Climate: Artyom". Hinango noong March 24, 2018.

Mga pinagkunan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]