Agham na pampagtalos
Ang agham na kognitibo, agham ng paglilimi, agham ng pag-alam, agham na pangpagtalos, agham ng kognisyon, o agham na pangkognisyon (Ingles: cognitive science) ay ang pag-aaral ng kung paano nakagagawa ng mga ideya ang mga tao at kung ano ang gumagawa ng mga kaisipang lohikal. Kadalasan itong tinatanaw bilang resulta ng ilang iba't ibang mga larangang pang-agham na nagtutulungan sa paggawa. Ang mga larangang ito ay binubuo ng sikolohiya (ang pag-aaral ng isipan), ang neurosiyensiya (ang biyolohikal na pag-aaral ng utak), agham pangkompyuter (ang paglikha ng mga programa at mga kompyuter), at lingguwistika (ang pag-aaral ng wika).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.