Pumunta sa nilalaman

Pook na urbano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Urban agglomeration)
Ang Malawakang Pook ng Tokyo na may humigit-kumulang 38 milyong residente, ay ang pinakamataong pook na urbano sa mundo.

Ang isang pook na urbano (Ingles: urban area) o aglomerasyong urbano (Ingles: urban agglomeration) ay isang pantaong pook na may mataas na kapal ng populasyon (population density) at impraestruktura ng built environment (kapaligirang puno ng mga estrukturang pantao). Sa pook na ito, maraming tao ang namumuhay at naghahanapbuhay nang malapitan, at karaniwang magkakalapit ang mga gusali. Nilikha ang mga pook na urbano sa pamamagitan ng urbanisasyon, at ini-uuri ng morpolohiyang urbano ang mga ito bilang mga lungsod, bayan, conurbation, at naik. Sa larangan ng urbanismo, ang gayong salita ay kabaligtaran ng "pook na rural" tulad ng mga nayon kung saan naroroon ang maliliit na mga kabahayan at mga kabukiran. Sa larangan naman ng sosyolohiyang urbano o antropolohiyang urbano, ito ay kabaligtaran ng kalikasan. Ang paglikha ng mga pook na nauna sa mga pook na urbano sa panahon ng rebolusyong urbano ay humantong sa paglikha ng kabihasnang pantao na may makabagong pagpaplano ng urbano. Kasabay ng ibang mga gawaing pantao tulad ng paggamit ng mga likas na yaman, humahantong ito sa epektong pantao sa kapaligiran.

Tumaas ang populasyong urbano ng mundo mula 746 milyon noong sa 3.9 bilyon sa loob ng mga nakalipas na dekada.[1] Noong 2009, nilagpasan ng kabuuang bilang ng mga mamamayang nakatira sa mga pook na urbano (3.42 bilyon) ang kabuuang bilang ng mga nakatira sa mga pook na rural (3.41 bilyon) at magmula noon nagiging mas urbano ang mundo kaysa rural.[2] Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang karamihan sa populasyon ng mundo ay nakatira sa mga kalungsuran.[3] Noong 2014 mayroong 7.2 bilyong katao sa Daigdig,[4] 3.9 na bilyon sa kanila ay nasa mga pook na urbano. Sa mga panahong iyon, ipinalalagay ng Population Division ng Kagawaran ng Ugnayang Ekonomiko at Panlipunan ng Mga Nagkakaisang Bansa na lalaki ang populasyong urbano ng mundo sa 6.4 bilyon pagsapit ng 2050, 37% ng paglaking iyon ay magmumula sa tatlong mga bansa: Tsina, Indiya at Niherya.[1]

Ang mga pook na urbano ay nilikha at pinaunlad pa sa pamamagitan ng proseso ng urbanisasyon. Sinusukat ang mga pook na urbano para sa samu't-saring mga layunin, tulad ng maiging pagsusuri sa kapal ng populasyon (population density) at paglawak na urbano (urban sprawl).

Di-tulad ng isang pook na urbano, ang isang kalakhang pook ay kinabibilangan ng hindi lamang ang pook na urbano, kung hindi ng mga karatig lungsod pati ang lupang rural sa pagitan nito na sosyo-ekonomikong nakaugnay sa pusod urbano na lungsod, karaniwan sa pamamagitan ng mga ugnayang empleo sa pamamagitan ng pangkaraniwang paglalakbay o pag-kokomyute kalakip ng pusod urbano na lungsod bilang pangunahing pamilihan ng paggawa.

Sukat ng urbanong lupa sa kilometro kuwadrado noong 2010[5]
Mga pook na urbanong may populasyong hindi bababa sa isang milyong katao noong 2006

Tinutukoy ng mga bansang Europeo ang mga urbanisadong pook batay sa uring-urbano na paggamit ng lupa, na hindi pumapahintulot sa anumang mga puwang higit sa 200 metro (220 yarda), at gumagamit ng larawang satelayt sa halip ng mga senso upang matukoy ang mga hangganan ng pook na urbano. Sa mga bansang hindi pa gaanong umuunlad, bilang dagdag sa mga kahilingan na paggamit ng lupa at densidad, minsang ginagamit bilang isang kahilingan ang malaking mayorya ng populasyon (karaniwan 75%) ay hindi nabubuhay sa agrikultura o pangingisda.

Ang Kalakhang Maynila na may populasyon na 16.3 milyong katao ay ang pinakamataong kalakhang pook sa Pilipinas at ang panlabing-isang pinakamatao sa mundo. Ngunit ang Malawakang Maynila, ang malawakang pook na urbano nito, ay panlimang pinakamatao sa mundo na may 20,654,307 katao noong 2010.[6] Ang iba pang mga kalakhang pook na tinukoy ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad (NEDA) ay ang Kalakhang Cebu at ang Kalakhang Dabaw.[7]

Sang-ayon sa Batas Republika Blg. 9009, upang maging isang lungsod, ang isang pamayanan o tinitirhang pook ay dapat na maisakatuparan ang dalawang sumusunod na mga kraytirya:

  • may pampook na pinagkakitaan na hindi bababa sa ₱ 100 milyon (batay sa mga halagang umiral noong 2000) para sa huling dalawang mga magkakasunod ba taon, na may katibayan ng Kagawaran ng Pananalapi, AT
  • may populasyon na hindi bababa sa 150,000 katao, na may katibayan ng Pangasiwaan ng Estadístika ng Pilipinas (PSA); O isang magkaratig na teritoryo ng 100 kilometro kuwadrado, na may katibayan ng Kawanihan ng Pamamahala sa mga Lupa, at ang pagiging magkaratig ay hindi kinakailangan para sa mga pook na nasa dalawa o higit pang mga pulo.

May malalaking mga lungsod ang Alemnaya. May 11 kinikilalang mga kalakhang pook sa Alemanya – at mula noong 2006, natukoy ang 34 na mga lungsod na maaaring maging isang Regiopolis.

Ang pinakamalaking conurbation ay ang rehiyong Rhine-Ruhr (11 milyon magmula noong 2008), kasama ang Düsseldorf (ang kabisera ng estado ng Hilagang Renania-Westfalia), Cologne, Bonn, Dortmund, Essen, Duisburg, at Bochum.[8]

Lubhang urbanisado ang Arhentina.[9] Ang sampung mga pinakamalaking kalakhang pook ay bumubuo sa kalahati ng populasyon, at mas-kaunti sa isa sa sampung tao ang nakatira sa mga pook na rural. Humigit-kumulang 3 milyong katao ay nakatira sa lungsod ng Buenos Aires, at may kabuuan namang humigit-kumulang 15 milyon sa kalakhang pook na Malawakang Buenos Aires, kaya ito ay isa sa pinakamalaking mga pook ma urbano sa mundo, na may pinagsamang populasyon ng 18 milyon na katao.[10]

Mayroong humigit-kumulang 1.5 milyong katao na nakatira sa pook na urbano ng Córdoba, habang bawat isa sa mga sumusunod: ang Rosario, Mendoza at Tucumán, ay may humigit-kumulang 1.2 milyong katao.[10] May hindi bababa sa 500,000 katao naman ang La Plata, Mar del Plata, Salta at Santa Fe[10][11]

Di-pantay ang pamamahagi ng populasyon sa mga lalawigan: humigit-kumulang 60% ay nakatira sa rehiyon ng Pampa (21% ng kabuuang lawak), kabilang ang 20 milyong katao sa Lalawigan ng Buenos Aires; ang Lalawigan ng Córdoba, Lalawigan ng Santa Fe at ang Awtonomong Lungsod ng Buenos Aires ay may 3 milyong katao bawat isa sa kanila. Bawat isa sa mga sumusunod na piting lalawigan ay may higit sa isang milyong katao: Mendoza, Tucumán, Entre Ríos, Salta, Chaco, Corrientes at Misiones. Ang Tucumán ay ang may pinakamataas na densidad na may 60 bawat kilometro kuwadrado (160/mi kuw), ang tanging lalawigan ng Arhentina na mas-makapal pa sa karaniwan sa mundo ang densidad, habang ang katimugang lalawigan ng Santa Cruz ay may humigit-kumulang na 1 katao bawat kilometro kuwadrado (2.6/mi kuw).

Ang mga pook na urbano sa Australya ay tinutukoy bilang "mga sentrong urbano" (urban centers), at tinukoy bilang mga kumpol ng populasyon ng 1,000 o higit pang mga katao, at may kapal o densidad ng populasyon na hindi bababa sa 200/km2 (518/mi kuw)[13] Isa ang Asutralya sa mga pinakaurbanisadong bansa sa mundo, na may higit sa 50% ng populasyon na tumitira sa tatlong pinakamalaking mga sentrong urbano ng bansa.

Ayon sa IBGE (Surian ng Heograpiya at Estadistika ng Brazil) ang mga pook na urbano ay tinitipon ng 84.35% ng populasyon, habang nananatiling pinakamataong rehiyon ang timog-silangan na may higit sa 80 milyong katao.[15]

São Paulo, ang pinakamalaking lungsod sa Brasil, ang pinakamataong city proper sa Katimugang Emisperyo, sa Kaamerikahan, at ang pansiyam na pinakamalaking pook na urbano sa mundo batay sa populasyon.[16]
São Paulo, ang pinakamalaking lungsod sa Brasil, ang pinakamataong city proper sa Katimugang Emisperyo, sa Kaamerikahan, at ang pansiyam na pinakamalaking pook na urbano sa mundo batay sa populasyon.[16]

Ang mga pinakamalaking kalakhang pook sa Brasil ay São Paulo, Rio de Janeiro, at Belo Horizonte — lahat ay pawang nasa timog-silangang rehiyon — na may 20, 12, at 5 milyong katao bawat isa.[17] Karamihan sa mga kabisera ng estado ay mga pinakamalaking lungsod sa kani-kanilang mga estado, maliban sa Vitória, kabisera ng Espírito Santo, at Florianópolis, kabisera ng Santa Catarina. Mayroon din na di-kabiserang mga kalakhang pook sa mga estado ng São Paulo (Campinas, Santos at ang Lambak ng Paraíba), Minas Gerais (Lambak na Asero), Rio Grande do Sul (Lambak ng Sinos) at Santa Catarina (Lambak ng Itajaí).[18]

Ayon sa Statistics Canada, ang isang pook na urbano sa Canada ay isang pook na may populasyon ng di-bababa sa 1,000 katao at ang kapal ng populasyon ay 400 mga tao bawat kilometro kuwadrado (1,000/mi kuw) o higit pa.[22] Kapag ang dalawa o higit pang mga pook na urbano ay nasa loob ng 2 km (1.2 mi) ng bawat isa sa pamamagitan ng daan, sinasama sila sa iisang pook na urbano, hangga't maaari ay hindi nila natatamaan ang mga hangganan ng census metropolitan area o census agglomeration.[23]

Noong senso ng Canada (2011), binago ng Statistics Canada sa "sentro ng populasyon" ang katawagan;[25] pinili ito upang maayon ito nang husto na ang urbano bersus rural ay hindi isnag mahigpit na dibisyon. Sa halip, ito ay isang continuum (isang patuloy na serye na hindi naman magkaiba ang mga elemento ngunit may pagka-di-magkauri ang mga kalabisan) kung saan na maaring umiiral ang ilang di-magkauring mga padrong pampamayanan (settlement pattern). Halimbawa, maaaring angkop ang isang komunidad sa isang estriktong kahulugan na pang-estadistika ng isang pook na urbano, subalit maaaring isipin na hindi ito "urbano" dahil sa maliit na populasyon nito, o gumaganap ito sa larangang panlipunan at ekonomiko bilang naik (suburb) ng isa pang pook na urbano sa halip na bilang nagsasariling entidad na urbano, o ito ay liblib sa ibang mga pamayanang urbano batay sa heograpiya. Dahil diyan, inilunsad ng bagong kahulugan ang tatlong di-magkauring mga uri ng sentro ng populasyon: maliit (populasyon 1,000 hanggang 29,999), katamtaman (populasyon 30,000 hanggang 99,999) at malaki (populasyon 100,000 o higit pa).[25] Sa kabila ng pagbabago sa terminolohiya, nananatili pa rin ang kahulugang demograpiko ng isang pook na urbano sa isang sentro ng populasyon: ang isang pamayanang hindi bababa sa 1,000 katao ang populasyon at 400 tao sa bawat kilometro kuwadrado ang kapal ng populasyon.

Sa Colombia, ang pinakamalaking kalakhang pook ay yaong sa Bogotá, na may humigit-kumulang na 9.8 milyong katao at kinabibilangan ng mga munisipalidad tulad ng Cota, La Calera, Chía, Soacha, Usaquen, Suba,, at iba pa. Isa ito sa pinakamahalagang mga lungsod sa Latinong Amerika, lalo na sa negosyo, sining, at kalinangan. Isa nang International City of the Book ang Bogotá na may mga magagandang pook tulad ng Monserrate, Torre Colpatria, Liwasang Bolivar, BD Bacatá, Corferias, at Universidad Nacional.[26][27]

Estados Unidos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Estados Unidos, mayroong dalawang mga kategorya ng pook na urbano. Tinutukoy ng katawagang urbanisadong pook ("urbanized area") ang isang pook na urbano na may populasyong di-bababa sa 50,000 katao. Ang mga pook na urbanong mas-mababa sa 50,000 katao ang populasyon ay tinatawag na mga "kumpol na urbano" ("urban clusters"). Unang tinukoy ang mga urbanisadong pook sa Estados Unidos noong senso ng 1950, habang dinagdag ang mga kumpol na urbano noong senso ng 2000. Mayroong 1,371 mga urbanisadong pook at kumpol na urbano na may higit sa 10,000 katao ang bansa.

Tinutukoy ng Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos ang isang pook na urbano bilang "mga core census block group o bloke na may kapal na populasyon na di-bababa sa 1,000 katao sa bawat milya kuwadrado (386 sa bawat kilometro kuwadrado) at mga nakapaligid na mga bloke ng senso na may kabuuang densidad na di-bababa sa 500 katao sa bawat milya kuwadrado (193 sa bawat kilometro kuwadrado)".[29]

Ang pinakamalaking pook na urbano sa Estados Unidos ay ang kalakhang pook ng New York. Ang populasyon ng pusod nito na Lungsod ng New York ay humihigit sa 8.5 milyong katao, ang pang-estadistika na kalakhang pook nito ay may higit sa 20 milyong katao, at ang pinaghalong pang-estadistika na pook nito ay may higit sa 23 milyong katao. Ang sumunod na anim na pinakamalaking mga pook na urbano sa Estados Unidos ay ang Los Angeles, Chicago, Miami, Philadelphia, San Francisco, Houston, at Atlanta.[30] May 82% ng populasyon ng Estados Unidos ay nakatira sa loob ng mga hangganan ng isang urbanisadong pook magmula noong Disyembre 2010.[31] Kapag pinagsama, ang mga pook na ito ay sumasaklaw sa humigit-kumulang 2% ng lawak ng lupa ng Estados Unidos. Maraming mga Amerikano ay nakatira sa mga aglomerasyon ng mga lungsod, naik, at bayan na kalapit sa pinakamalaking lungsod ng isang kalakhang pook.

Ang konsepto ng mga urbanisadong pook tulad ng tinukoy ng Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos ay malimit na ginagamit bilang mas-tumpak na pagtataya sa tunay na laki ng isnag lungsod, sapagkat sa iba't-ibang mga lungsod at estado malimit na hindi magkaparehas ang mga linya sa pagitan ng mga hangganan ng lungsod at ang urbanisadong pook ng lungsod na iyon. Halimbawa, ang lungsod ng Greenville, South Carolina ay may panlungsod na populasyon ng higit sa 64,000 katao at urbanisadong pook na populasyon ng higit sa 800,000 katao, habang may higit sa 285,000 katao ang panlungsod na populasyon ng Greensboro, North Carolina at urbanisadong pook na populasyon ng humigit-kumulang 400,000 katao. Nagngangahulugan ito na "mas-malaki" ang Greenville para sa ilang hangad at layunin, ngunit hindi sa iba tulad ng pagbubuwis at mga lokal na halalan.

Pangunahing mga sentro ng populasyon (tingnan ang kompletong talaan)
Ranggo Pusod na (mga) lungsod Populasyon ng kalakhang pook Pang-estadistika na Kalakhang Pook Rehiyon[32]
New York
Lungsod ng New York

Los Angeles
Los Angeles

Chicago
Chicago

Dallas
Dallas

Dallas
Houston
1 Lungsod ng New York 19,979,477 New York–Newark–Jersey City, NY–NJ–PA MSA Hilagang-silangan
2 Los Angeles 13,291,486 Los Angeles–Long Beach–Anaheim, CA MSA Kanluran
3 Chicago 9,498,716 Chicago–Joliet–Naperville, IL–IN–WI MSA Gitnang-kanluran
4 Dallas–Fort Worth 7,539,711 Dallas–Fort Worth–Arlington, TX MSA Timog
5 Houston 6,997,384 Houston–The Woodlands–Sugar Land MSA Timog
6 Washington, D.C. 6,249,950 Washington, D.C.–VA–MD–WV MSA Timog
7 Miami 6,198,782 Miami–Fort Lauderdale–West Palm Beach, FL MSA Timog
8 Philadelphia 6,096,372 Philadelphia–Camden–Wilmington, PA–NJ–DE–MD MSA Hilagang-silangan
9 Atlanta 5,949,951 Atlanta–Sandy Springs–Roswell, GA MSA Timog
10 Boston 4,875,390 Boston–Cambridge–Quincy, MA–NH MSA Hilagang-silangan
11 Phoenix 4,857,962 Phoenix–Mesa–Chandler, AZ MSA Kanluran
12 San Francisco 4,729,484 San Francisco–Oakland–Fremont, CA MSA Kanluran
13 Riverside–San Bernardino 4,662,361 Riverside–San Bernardino–Ontario, CA MSA Kanluran
14 Detroit 4,326,442 Detroit–Warren–Dearborn, MI MSA Gitnang-kanluran
15 Seattle 3,939,363 Seattle–Tacoma–Bellevue, WA MSA Kanluran
16 Minneapolis–St. Paul 3,629,190 Minneapolis–St. Paul–Bloomington, MN–WI MSA Gitnang-kanluran
17 San Diego 3,343,364 San Diego–Carlsbad–San Marcos, CA MSA Kanluran
18 Tampa–St. Petersburg 3,142,663 Tampa–St. Petersburg–Clearwater, FL MSA Timog
19 Denver 2,932,415 Denver–Aurora–Lakewood, CO MSA Kanluran
20 St. Louis 2,805,465 St. Louis, MO-IL MSA Gitnang-kanluran
Batay sa mga pagtataya ng populasyong MSA (Pang-estadistika na Kalakhang Pook) para sa taong 2018 mula sa Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos

Sa bansang Hapon, tinutukoy ang mga urbanisadong pook bilang mga magkaratig na lugar ng mga matataong distrito o densely inhabited districts (DIDs) gamit ang mga distritong pang-enumerasyon sa senso bilang mga yunit na may hinihinging densidad na 4,000 mga naninirahan bawat kilometro kuwadrado (10,000/mi kuw).

Para sa senso ng India (2011), ang kahulugan ng isang pook na urbano ay isang lugar na may populasyon na di-bababa sa 5,000 katao, may kapal ng populasyon na 400 mga tao bawat kilometro kuwadrado (1,000/mi kuw) o higit pa, at karagdagang 75% ng nagtatrabahong populasyon ng kalalakihan na nagtatrabaho sa mga gawaing hindi pang-agrikultura. Agad na itinuturing mga pook na urbano ang mga lugar na pinamamahalaan ng isang korporasyong pangmunisipyo, lupon ng cantonment, o komite ng notified town area.[33]

Tinukoy rin ng senso ng India noong 2011 ang salitang "urban agglomeration" bilang isang pinaghalong pook na urbano na binubuo ng isang pusod na bayan o core town kasama ang mga "outgrowth" nito (mga karatig na naik).[34]


Nagkakaisang Kaharian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Office for National Statistics ng Nagkakaisang Kaharian (UK) ay nakagagawa ng mga resulta ng senso para sa mga pook na urbano mula noong 1951, at mula noong 1981 kapag batay sa saklaw ng hindi mababaligtad o mapapanumbalik na urbanong pagunlad tulad ng tinukoy sa mga mapa ng Ordnance Survey. Ang depinisyon ay isang saklaw ng hindi bababa sa 20 ektarya at sa 1,500 katao batay sa senso. Ang mga hiwalay na pook ay nakaugnay kung ang puwang ay hindi hihigit sa 200 metro (220 yarda). Kasama ang mga tampok sa transportasyon.[36] Ang UK ay may limang mga pook na urbanong may populasyon na higit sa isang milyon at may 69 pang mga pook na urbano na may higit sa sandaang-libo na katao na populasyon.

Ang Nederland ay ang pantatlumpung bansa na may pinakamakapal na populasyon sa buong mundo, na may 404.6 na katao sa bawat isang kilometro kuwadrado (1,048/milyang kuwadrado)—o 497 na katao sa bawat isang kilometro kuwadrado (1,287/milyang kuwadrado) kapag lawak ng lupa lamang ang ibinilang. Ang Randstad ay ang pinakamalaking conurbation ng Nederland na matatagpuan sa kanluran nito, at kinabibilangan ng apat na pinakamalaking mga lungsod ng bansa: Amsterdam, Rotterdam, The Hague, at Utrecht. Ang Randstad ay may populasyon ng 7 milyong katao at ang pang-anim na pinakamalaking kalakhang pook sa Europa.

Tinutukoy ng Statistics New Zealand ang mga pook na urbano sa New Zealand, na malaya mula sa anumang mga subdibisyong administratibo at walang ligal na batayan.[40] May tatlong mga klase ng pook na urbano: mga pangunahing pook na urbano ay ang 17 mga pook na urbano na may populasyong hindi bababa sa 30,000 katao; mga sekundaryang pook na urbano ay ang 14 na mga pook na urbano na may populasyong hindi bababa sa 10,000 katao pero mas-mababa sa 30,000, at menor na mga pook na urbano ay ang 103 mga pook na urbano na may populasyong hindi bababa sa 1,000 katao pero mas-mababa sa 10,000. Muling ini-uuri ang mga pook na urbano kasunod ng bawat senso sa bansa, kaya ang mga pagbabago sa populasyon sa pagitan ng mga senso ay hindi magpapabago sa klasipikasyon ng isang pook na urbano. Halimbawa, ang Rolleston (populasyon: 16,250 noong pagtataya 2018) ay ibinukod pa ring menor na pook na urbano dahil hindi pa umaabot sa antas-10,000 ang populasyon nito ay noong senso 2013.


Tinutukoy ng Statistics Norway ang mga pook na urbano ("tettsteder") nang may pagkahalintulad sa ibang mga bansang Nordiko. Di-tulad ng Dinamarka at Suwesya, dapat mas-mababa sa 50 metro ang layo sa pagitan ng bawat isang gusali, maliban na lamang kung may mga liwasan, pook na industriya, ilog, at ibang mga hadlang na sumasagabal sa pagitan ng mga gusali. Kasama sa pook na urbano ang mga pangkat ng kabahayan na mas-mababa sa 400 metro ang layo sa pangunahing katawan ng isang pook na urbano.[42]

Sa Pakistan, ang isang pook ay isang pangunahing lungsod at munisipalidad kapag mayroon iting higit sa 100,000 katao ayon sa mga resulta ng senso. Kasama ng mga lungsod ang mga katabing mga cantonment.

Lumaki ang urbanisasyon sa Pakistan mula nang naging malaya ito at may ilang iba't-ibang mga sanhi. Karamihan sa populasyon ng katimugang Pakistan ay nakatira sa kahabaan ng Ilog Indus. Pinakamataong lungsod ang Karachi.[43] Sa hilagang bahagi naman ng bansa, karamihan sa populasyon ay nakatira sa isang paarkong rehiyon na binubuo ng mga lungsod ng Lahore, Faisalabad, Rawalpindi, Islamabad, Gujranwala, Sialkot, Gujrat, Jhelum, Sargodha, Sheikhupura, Nowshera, Mardan at Peshawar. Noong 1990–2008, bumuo sa 36% ng populasyon ng Pakistan ang mga nakatira sa lungsod, kaya ito ang pinakaurbanisadong bansa sa Timog Asya. Dagdag pa ang 50% ng mga taga-Pakistan na naninirahan sa mga bayan na may 5,000 katao o higit pa.[44] Sang-ayon sa senso ng Pakistan (2017), ang Karachi ay ang pinakamataong lungsod sa bansa, at kasunod nito ang Lahore.


Katulad sa ibang mga bansang Nordiko, ang isang pook na urbano (taajama sa Finlandes) sa Pinlandiya ay dapat na mayroong isang gusali sa bawat 200 metro (660 talampakan) na pagitan at hindi kukulang sa 200 katao ang populasyon. Upang maituring na isang bayan o lungsod (kaupunki) para sa mga layuning pang-estadistika, hindi bababa sa 15,000 katao ang populasyon ng isang gayong pook na urbano. Hindi ito maaring ikalito sa pagtatalagang lungsod / bayan na ginagamit ng mga munisipalidad ng bansa.[46][47]

Sa bansang Europeo na Polonya, ang opisyal na mga bilang ng populasyong "urbano" ay payak na tumutukoy sa mga pamayanan o lokalidad na may katayuan ng isang bayan (miasta). Ang populasyong "rural" ay ang lahat ng mga pook sa labas ng mga hangganan ng mga bayan. Ang pagtatanging ito ay maaaring magdulot ng mapanlinlang na impresyon sa ilang kaso, sapagkat maaaring nakakuha ang ilang mga lokalidad na may katayuang pangnayon lamang ng mas-malaki at mas-makapal na populasyon kaysa maraming mas-maliit na mga nayon.[48]

Ang isang pook na urbano sa Pransiya (Pranses: aire urbaine) ay isang purók na sumasaklaw sa isang lugar ng pinalagong mga kabahayan at gusali (tinawag na "yunit na urbano" o unité urbaine[49] – malapít sa kahulugan ng isang pook na urbano ng Hilagang Amerika) at sa commuter belt nito (couronne). Masusumpungan ng mga Amerikano ang pagkawangis ng depinisyong INSEE ng pook na urbano[50] sa kanilang depinisyon ng isang kalakhang pook, at minsang ginagamit ng INSEE ang salitang aire métropolitaine[51] upang matukoy ang pinakamalaking mga aires urbaines ng bansa.

Ang pinakamalaking mga lungsod ng Pransiya ayon sa populasyong pook na urbano noong 2013 ay Paris (12,405,426), Lyon (2,237,676), Marseille (1,734,277), Toulouse (1,291,517), Bordeaux (1,178,335), Lille (1,175,828), Nice (1,004,826), Nantes (908,815), Strasbourg (773,447), at Rennes (700,675).[52]

Panorama ng buong palibot ng Paris na tanaw mula sa Toreng Eiffel (dumadaloy ang ilog mula hilagang-silangan papuntang timog-kanluran, kanan-pakaliwa)
Panorama ng buong palibot ng Paris na tanaw mula sa Toreng Eiffel (dumadaloy ang ilog mula hilagang-silangan papuntang timog-kanluran, kanan-pakaliwa)

Ang Singgapur ay isang pulo na lungsod-estado sa Timog-silangang Asya. Humigit-kumulang 5.6 na milyong katao ang nakatira at nagtatrabaho sa loob ng 700 kilometro kuwadrado (270 milya kuwadrado) na lawak nito, kaya pumapangalawa ito sa mga bansang may pinakamakapal na populasyon sa mundo, kasunod ng Monaco na isa pang lungsod-estado. Ang sentro nito ay ang Central Area sa timog-silangang bahagi ng bansang-pulo. Pinaliligiran ito ng mga pamayanang naik sa labas ng mga hangganan nito. Nakakonekta ang mga pamayanang ito sa Central Area at sa bawat isa sa pamamagitan ng magkakalapit na sistema ng mga daan, mga mabilisang daanan at mga linyang daambakal ng metro na binansagang MRT ng mga taga-Singgapur. Ang Singgapur ay may isang sentralisado at pinag-isang pamahalaan na may unikameral na lehislatura (binuwag ang Konsehong Panlungsod at ang Rural Board noong dekada-1960). Bagamat may mga sangguniang bayan at alkalde sa Singappur, sila ay nagsisilbing mga tagapamahala sa ari-arian na itinalaga para sa pagpapanatili ng pampublikong pabahay sa loob ng hangganan ng kani-kanilang mga kinasasakupan. Hindi sila kumakatawan sa mga lokal na awtoridad na may awtonomiyang lehislatibo o ehekutibo mula sa pambansang pamahalaan.[66]

Ang mga pook na urbano sa Suwesya (tätorter) ay mga binigyang-kahulugan na lokalidad hinggil sa estadistika, ganap na malaya mula sa mga subdibisyong administratibo ng bansa. May 1,956 na gayong mga lokalidad sa Suwesya, at bawat isa ay may populasyon na mula 200 katao hanggang 1,372,000 katao.[67]

Ang pinakamalaking mga lungsod ng Timog Korea ay may awtonomong katayuan katumbas sa mga lalawigan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod, Seoul, ay iniuri bilang teukbyeolsi (Natatanging Lungsod), habang ang sumunod na anim na mga pinakamalaking lungsof ay iniuri bilang gwangyeoksi (Mga Kalakhang Lungsod). Ang ibang mga lungsod ay iniuri bilang si ("mga lungsod") at nasa hurisdiksiyon ng mga lalawigan, sa antas ng mga kondado.

Mula noong 2000, lumalaki ang mga lungsod ng China sa karaniwang reyt na 10% taun-taon. Tinatayang lalaki sa 292 milyong katao ang populasyong urbano ng Tsina pagsapit ng 2050,[1] kung kailang magiging tahanan ang mga lungsod nito ng pinagsamang populasyon na higit sa isang bilyong katao.[71] Tumaas ang antas ng urbanisasyon ng bansa sa 46.6% mula sa dating 17.4% sa pagitan ng 1978 at 2009.[72] May 150 hanggang 200 milyong mga manggagawang migrante ay pansamantalang nagtatrabaho sa mga pangunahing lungsod, at pana-panahong bumabalik sa kani-kanilang mga tahanan sa kanayunan dala ang kanilang mga sahod.[73][74]

Sa kasalukuyan, ang Tsina ay may mas-maraming mga lungsod na may isang milyon o higit pang mga palagiang residente kaysa anumang bansa sa mundo, kasama ang tatlong mga pandaigdigang lungsod o global cities ng Beijing, Hong Kong, at Shanghai; pagsapit ng 2025, inaasahang magiging tahanan ng 221 mga lungsod na may higit sa isang milyong katao ang bansa.[71] Ang malaking "mga gumagalang populasyon" ng mga manggagawang migrante ay nagpapahirap sa pagsasagawa ng mga senso sa mga pook na urbano;[75] ang mga datos sa talahanayan sa ibaba ay kinabibilangan lamang ng pampalagiang mga residente.

Tanawing panoramiko ng panoramang urbano ng Pudong mula sa Bund ng Shanghai, ang pinakamalaking lungsod sa mundo batay sa populasyon.[76]
Tanawing panoramiko ng panoramang urbano ng Pudong mula sa Bund ng Shanghai, ang pinakamalaking lungsod sa mundo batay sa populasyon.[76]


Sa bansang Vietnam, may anim na mga uri ng pook na urbano:

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "City population to reach 6.4bn by 2050". Herald Globe. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-07-14. Nakuha noong 11 Hulyo 2014. {{cite news}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "United Nations Population Division – Department of Economic and Social Affairs".
  3. "Urban population growth". World Health Organization.
  4. "Current world population". United Nations, Department of Economic and Social Affairs. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Hulyo 2014. Nakuha noong 11 Hulyo 2014. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Urban land area (km²)". Our World in Data. Nakuha noong 6 Marso 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "World: metropolitan areas". World Gazetteer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-30. Nakuha noong 2010-01-22. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Building Globally Competitive Metro Areas in the Philippines" (PDF). National Economic and Development Authority. 30 Agosto 2007. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 4 Oktubre 2013. Nakuha noong 6 Pebrero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Verdichtungsräume nach Fläche, Bevölkerung und Bevölkerungsdichte am 31.12.2017, im November 2018 wegen korrigierter Bevölkerung revidiert" (sa wikang Aleman). Statistisches Bundesamt. 2017. p. 10. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Disyembre 2019. Nakuha noong 24 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Field listing – Urbanization". The World Factbook. CIA. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-11-08. Nakuha noong 2019-07-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 "Major Cities". Government of Argentina. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Setyembre 2009. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Ubicación de la ciudad de salta" (sa wikang Kastila). Directorate-General of Tourism, Municipality of the City of Salta. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Encuesta Permanente de Hogares" (PDF). Indec. 23 Agosto 2015. p. 3.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "1216.0 – Australian Standard Geographical Classification (ASGC), 2001". Australian Bureau of Statistics. Nakuha noong 2007-10-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. http://www.abs.gov.au/AUSSTATS/abs@.nsf/Lookup/3218.0Main+Features12017-18?OpenDocument
  15. "IDBGE" (sa wikang Portuges). IBGE. 2011. Nakuha noong 2011-10-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "RMSP supera 20 milhões de habitantes, calcula Seade – economia – geral – Estadão". Estadao.com.br. Nakuha noong Hunyo 6, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 2008 PNAD, IBGE. "População residente por situação, sexo e grupos de idade."
  18. "Principal Cities". Encarta. MSN. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Oktubre 2009. Nakuha noong 2008-06-10. {{cite ensiklopedya}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Mais da metade da população vive em 294 arranjos formados por contiguidade urbana e por deslocamentos para trabalho e estudo" (sa wikang Portuges). Brazilian Institute of Geography and Statistics. Nakuha noong 16 Marso 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Arranjos Populacionais e Concentrações Urbanas do Brasil" (PDF) (sa wikang Portuges). Brazilian Institute of Geography and Statistics. p. 148. Nakuha noong 16 Marso 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Estimativas da população residente no Brasil e Unidades da Federação com data de referência em 1º de julho de 2017" (PDF) (sa wikang Portuges). Brazilian Institute of Geography and Statistics. Nakuha noong 14 Mayo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Urban area (UA)". Statistics Canada. 2009-11-20. Nakuha noong 2011-01-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "More information on Urban area (UA)". Statistics Canada. 2009-11-20. Nakuha noong 2011-01-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Census Profile". 2.statcan.gc.ca. Nakuha noong 2016-02-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 25.0 25.1 "From urban areas to population centres" Naka-arkibo 2012-12-13 sa Wayback Machine.. Statistics Canada, May 5, 2011.
  26. Duncan Smith. "World City Populations 1950 – 2030". Nakuha noong 18 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Bright lights, big cities. Urbanisation and the rise of the megacity". economist.com. Nakuha noong 23 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Estimaciones de Población 1985 - 2005 y Proyecciones de Población 2005 - 2020 Total Municipal por Área (estimate)". DANE. Nakuha noong 10 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "The Urban and Rural Classifications" (PDF). Geographic Areas Reference Manual. United States Census Bureau.
  30. United States Census Bureau 2010 Census Urban Area List "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-10. Nakuha noong 2013-05-16. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) 2010 Census Urban Area List. Retrieved May 7, 2013.
  31. [1] Naka-arkibo 2018-12-25 sa Wayback Machine. – accessed January, 2012
  32. "Appendix A. Census 2000 Geographic Terms and Concepts – Figure A–3. Census Regions, Census Divisions, and Their Constituent States" (PDF). U.S. Census Bureau. 2000. p. 27. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Hunyo 14, 2007. Nakuha noong Pebrero 25, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Provisional Population Totals Urban Agglomerations and Cities, Data Highlights" (PDF). Census of India 2011. 13 Pebrero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Urban Agglomeration". Arthapedia (sa wikang Ingles). India Economic Service. 10 Abril 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Cities having population 1 lakh and above" (PDF). India Census 2011. 31 Enero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. KS01 Usual resident population: Census 2001, Key Statistics for urban areas
    For the OS definition of an Urban Area, see the notes tab on the Excel version.
  37. http://www.nomisweb.co.uk/articles/ref/builtupareas_userguidance.pdf
  38. http://www.citypopulation.de/UK-UA.html
  39. "CBS Statline". opendata.cbs.nl.
  40. "Urban area: Definition". Statistics New Zealand. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Nobyembre 2013. Nakuha noong 10 Disyembre 2014. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Subnational Population Estimates: At 30 June 2018 (provisional)". Statistics New Zealand. 23 Oktubre 2018. Nakuha noong 23 Oktubre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) For urban areas, "Subnational population estimates (UA, AU), by age and sex, at 30 June 1996, 2001, 2006-18 (2017 boundaries)". Statistics New Zealand. 23 Oktubre 2018. Nakuha noong 23 Oktubre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "Population statistics. Population and land area in urban settlements, 1 January 2008". Statistics Norway. Hunyo 20, 2008. Nakuha noong 2009-04-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "The Urban Frontier—Karachi". National Public Radio. 2 Hunyo 2008. Nakuha noong 2 Hulyo 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. Jason Burke (17 Agosto 2008). "Pakistan looks to life without the general". The Guardian. London. Nakuha noong 20 Mayo 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. https://www.citypopulation.de/Pakistan-100T.html
  46. "Locality – Concepts". Statistics Finland.
  47. "Alueluokkien kuvaukset". Ymparisto.
  48. "Polish official population figures".
  49. "Urban unit". Definitions, methods and quality (sa wikang Ingles). INSEE. Oktubre 31, 2016. Nakuha noong 2019-01-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "Urban area". Definitions, methods and quality (sa wikang Ingles). INSEE. Oktubre 31, 2016. Nakuha noong 2019-01-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "An administrative segmentation of French territory: 12 metropolitan areas, 29 large urban areas" (sa wikang Ingles). INSEE. Enero 18, 2011. Nakuha noong 2019-01-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. "Résultats de la recherche" [Search results]. INSEE.
  53. Surinov, A.; atbp., mga pat. (2016). "5. Population: Cities with population size of 1 million persons and over". Russia in Figures (PDF) (Ulat). Moscow: Federal State Statistics Service (Rosstat). p. 82. ISBN 978-5-89476-420-7. Nakuha noong 12 Hunyo 2017.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. Оксенойт, Г. К. (2016). "31. Численность населения городов и поселков городского типа по федеральным округам и субъектам Российской Федерации". Sa Рахманинов, М. В. (pat.). Численность населения Российской Федерации: По муниципальным образованиям (Ulat) (sa wikang Ruso). Москва: Федеральная служба государственной статистики (Росстат). Nakuha noong 12 Hunyo 2017.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. 55.0 55.1 "Оценка численности постоянного населения на 1 января 2017 года и в среднем за 2016 год". gks.ru. Retrieved June 12, 2017.
  56. "Предварительная оценка численности постоянного населения на 1 января 2017 года и в среднем за 2016 год по городским округам и муниципальным районам Красноярского края". krasstat.gks.ru. Retrieved June 12, 2017.
  57. "Численность населения по муниципальным районам и городским округам Новосибирской области на 1 января 2017 года и в среднем за 2016 год". novosibstat.gks.ru. Retrieved June 12, 2017.
  58. "Предварительная оценка численности населения на 1 января 2017 года и в среднем за 2016 год". sverdl.gks.ru. Retrieved June 12, 2017.
  59. "Численность населения муниципальных образований Республики Татарстан на начало 2017 года". tatstat.gks.ru. Retrieved June 12, 2017.
  60. "Оценка численности населения на 1 января 2017 года по муниципальным образованиям Краснодарского края". krsdstat.gks.ru. Retrieved June 12, 2017.
  61. "Численность постоянного населения Челябинской области в разрезе городских округов, муниципальных районов, городских и сельских поселений на 1 января 2017 года". chelstat.gks.ru. Retrieved June 12, 2017.
  62. "База данных показателей муниципальных образований Омской области (Население)". gks.ru. Retrieved June 12, 2017.
  63. 63.0 63.1 "Утвержденная численность постоянного населения Самарской области (на 1. 1. 2017. г. и среднегодовая за 2016. г.)". samarastat.gks.ru. Retrieved June 12, 2017.
  64. "Численность постоянного населения Удмуртской Республики /Утверждено Росстатом (письмо от 3. 3. 2017. г., № 08-08-4/891-ТО)/". udmstat.gks.ru. Retrieved June 12, 2017.
  65. "Оценка численности постоянного населения Республики Башкортостан на 1 января 2017 года по муниципальным образованиям". gks.ru. Retrieved June 12, 2017.
  66. "What are the functions and duties of a town council?". Singapore Legal Advice. Nakuha noong Agosto 14, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  67. "Fortsatt stor ökning av befolkning i tätorter". Statistics Sweden. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-12. Nakuha noong 2011-06-24. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  68. "Community Survey 2016: Provinces at a Glance" (PDF). Statistics South Africa. Nakuha noong 29 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  69. United Nations, Department of Economic and Social Affairs, Population Division (2018). "World Urbanization Prospects: The 2018 Revision, Online Edition". Nakuha noong 28 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  70. "2015년 인구주택총조사 전수집계결과 보도자료" [2015 Population and Housing Census]. Statistics Korea.
  71. 71.0 71.1 "Preparing for China's urban billion". McKinsey Global Institute. Pebrero 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2012. Nakuha noong 12 Disyembre 2012. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  72. "China urbanization (PDF)" (PDF). World Bank Institute. 2011. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 15 Enero 2013. Nakuha noong 12 Disyembre 2012. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  73. Harney, Alexandra (3 Pebrero 2008). "Migrants are China's 'factories without smoke'". CNN. Nakuha noong 27 Marso 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  74. Tschang, Chi-Chu (4 Pebrero 2009). "A Tough New Year for China's Migrant Workers". Business Week. Nakuha noong 27 Marso 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  75. Francesco Sisci. "China's floating population a headache for census". The Straits Times. 22 September 2000.
  76. "Cities: largest (without surrounding suburban areas)". Geohive. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Disyembre 2016. Nakuha noong 13 Setyembre 2011. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)