Pumunta sa nilalaman

Barangay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Barangays)
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas
Tungkol ito sa isang yunit ng pamayanan sa Pilipinas, para sa elementong kimikal, pumunta sa Baryum.

Ang barangay (Ingles: barangay) na kilala rin sa dating pangalan nito bilang baryo (Kastila: barrio), ay ang pinakamaliit na pamahalaang lokal na yunit sa Pilipinas. Binubuo ng mga barangay ang mga bayan at lungsod. Dinagdaglat minsan ito bilang “brgy.” at bumubuo din ito ng "Sangguniang Kabataan" upang magabayan ang kaayusan at kalusugan ng mga kabataan sa bawat barangay.

Naisip ang katagang barangay at kanyang kayarian sa makabagong konteksto noong administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, na pinapalitan ang mga lumang baryo. Naisakodigo ang mga barangay sa ilalim ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal noong 1991.bts kim

Sa kasaysayan, isang maliit na pamayanan ang isang barangay na binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya. Mayroon lamang ang mga nayon ng tatlumpu hanggang isang daang mga bahay at nasa isang-daan hanggang limang-daan katao lamang ang populasyon. Sang-ayon kay Legazpi, tinatag niya ang isang komunidad na may dalawampu hanggang tatlumpung mga tao lamang. Maraming mga nayong malapit sa pampang sa rehiyong ng Kabisayaan ang binubuo ng mga walo hanggang sampung mga bahay. Hinango mismo ang salitang barangay mula sa lumang bangkang Malay na tinatawag na balangay. Karaniwang pinaniniwalaan noong panahon na ang Pilipinas ay hindi pa kolonya, nabuo ang bawat orihinal na mga “barangay” sa pampang bilang resulta ng mga taong dumating sa pamamagitan ng mga bangka mula sa ibang mga lugar sa Timog-silangang Asya.

Karamihang nasa pampang o ilog ang mga pamayanan sa kadahilanang nasa dagat at ilog ang pangunahing pinagkukunan ng protina. Umaasa ang karamihan ng mga tao sa pangingisda para sa pagkain at saka naglalakbay ang mga tao sa pamamagitan tubig. Ang paggalaw ng populasyon ay malapit sa mga ilog at sa tabi ng mga pampang, laging sinusundan ng mga sistema ng ilog ang mga bakas. Naging isang pangunahing pinagkukunan tubig para sa pampaligo, panghugas, at pang-inom ang ilog. Bukod diyan, naging malapit sa mga mangangalakal ang mga nayong malapit sa mga baybayin kung saan nasulong ang aktibidad pang-ekonomiya. Naging daan ang pangangalakal sa mga nangangalakal upang makitungo sa mga ibang kultura at sibilisasyon katulad ng mga Intsik, Indiyan, at Arabo. Kung gayon, nakamit ang mataas na antas ng kultura ang mga komunidad sa mga baybayin sa Maynila, Cebu, Jolo at Butuan.

Sa pagdating ng mananakop na mga Kastila, ilang sa mga lumang barangay ang pinagsama upang ibuo ang mga baryo. Pinamumunuan ng cabeza de barangay ang bawat barangay sa isang baryo. Unang namana ang puwesto mula sa mga unang datu na naging cabeza de barangay, ngunit ginawang hinahalal sa kalaunan. Paglikom ng mga buwis sa mga residente ang pangunahing tungkulin ng mga cabeza de barangay.

Nang dumating ang mga Amerikano, namayani ang katagang baryo, habang naging ganoon ang tawag sa mga barangay. Naging ganito ang katawagan sa ika-dalawampung siglo hanggang inutos ni Marcos na baguhin ang pangalan mula sa baryo pabalik sa barangay. Ginamit na ang pangalan simula noon, bagaman may ilang tao ang ginagamit pa rin ang lumang kataga.

Ang Liga ng mga Barangay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong isang unyon ng mga barangay sa Pilipinas: ang Liga ng mga Barangay. Kinakatawan ang 41,939 barangay, ito ang pinakamalaking pundamental na organisasyon sa Pilipinas. Si James Marty Lim na kasapi ng ABC Partylist sa Pilipinas ang kasalukuyang pangulo nito.

Hukuman sa barangay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga baranggay ay may pananagot sa paghatol sa tao. Ngunit walang naging pormal na hukuman sa pamahalaang barangay. Gayunpaman, ang lahat ng usapan ay dumaraan sa publikong paglilitis. Kapwa pinagsasalita ng kanya-kanyang panig sa usapin ang nasasakdal. Kapwa sila pinanunumpa na sila ay magsasabi ng katotohanan lamang.

  • Constantino, Renato. (1975) The Philippines: A Past Revisited (volume 1). ISBN 971-8958-00-2

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]