Laguna
Laguna | |||
---|---|---|---|
Lalawigan ng Laguna | |||
| |||
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Laguna | |||
Mga koordinado: 14°10'N, 121°20'E | |||
Bansa | Pilipinas | ||
Rehiyon | Calabarzon | ||
Kabisera | Santa Cruz | ||
Pagkakatatag | 1571 (Huliyano) | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Sangguniang Panlalawigan | ||
• Gobernador | Ramil Hernandez | ||
• Manghalalal | 2,045,687 na botante (2022) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 1,917.85 km2 (740.49 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (senso ng 2020) | |||
• Kabuuan | 3,382,193 | ||
• Kapal | 1,800/km2 (4,600/milya kuwadrado) | ||
• Kabahayan | 915,398 | ||
Demonym | Lagunense | ||
Ekonomiya | |||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lalawigan | ||
• Antas ng kahirapan | 6.90% (2021)[2] | ||
• Kita | ₱4,317,375,799.562,123,372,795.002,176,058,680.002,687,740,457.002,551,310,481.002,805,528,969.003,242,109,030.183,532,817,464.514,454,552,990.664,673,146,345.01 (2020) | ||
• Aset | ₱13,316,878,601.295,529,120,460.005,666,192,066.006,223,282,712.006,909,642,900.007,555,567,066.008,563,613,532.7611,587,437,903.9312,522,839,137.5511,318,020,574.0112,807,398,760.53 (2020) | ||
• Pananagutan | ₱2,485,353,545.40931,990,181.001,614,305,852.001,749,256,467.001,909,152,476.001,907,951,566.002,157,461,259.172,545,277,792.802,374,769,799.032,466,025,038.312,606,582,579.94 (2020) | ||
• Paggasta | ₱3,189,440,201.361,734,168,846.002,012,448,142.002,257,570,866.001,988,344,571.002,171,828,712.002,163,662,839.282,345,001,501.232,811,708,070.2432,886,843.54 (2020) | ||
Pagkakahating administratibo | |||
• Mataas na urbanisadong lungsod | 0 | ||
• Lungsod | 6 | ||
• Bayan | 24 | ||
• Barangay | 674 | ||
• Mga distrito | 6 | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
Kodigo postal | 4000–4033 | ||
PSGC | 043400000 | ||
Kodigong pantawag | 49 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | PH-LAG | ||
Klima | tropikal na monsoon na klima | ||
Mga wika | wikang Tagalog Wikang Remontado Agta | ||
Websayt | http://www.laguna.gov.ph/ |
- Para sa ibang paggamit, tingnan ang Laguna (paglilinaw).
Ang Laguna ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa bahaging Calabarzon sa Luzon. Santa Cruz ang luklukan ng pamahalaan nito at matatagpuan sa timog-silangan ng Kalakhang Maynila, timog ng lalawigan ng Rizal, kanluran ng Quezon, hilaga ng Batangas at silangan ng Cavite. Halos pinapaligiran ng Laguna ang Laguna de Bay, ang pinakamalaking lawa sa bansa. Nakuha ng lalawigan ang pangalan nito mula sa Kastilang salita na lago, na nangangahulugang lawa.
Kilala ang Laguna bilang pook ng kapanganakan ni José Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Kilala din sa mga dayuhang namamasyal ang Talon ng Pagsanjan, Liwasang Bayan ng Pila, Laguna, ang mga inukit na kahoy na nilikha na mga tao sa Paete at Pakil, ang mga maiinit na bukal sa Los Baños sa gulod ng Bundok Makiling at ang Hidden Valley Springs sa Calauan.
*Isa pang tradisyon ng Laguna ang ANILAG Festival. Ito ay isang linggong pagdiriwang na nangyayari sa buwan ng Marso. Ang ANILAG Festival ay ginaganap sa pamamagitan ng pasasalamat sa mga taong nagbasbas noong mga nakaraang taon. ANILAG Festival ay ginaganap sa pamamagitan ng beauty pageants, pagsayaw, pagbubunyag ng pagkain, at woodcarving competitions. Isa pa sa pagiging tradisyon, Ang ANILAG Festival ay isa rin sa pagbibigay daan sa gobyerno ng Laguna upang i-iskaparate ang kahanga-hangang senaryo, ang masasaganang lokal na kay sarap na pagkain, at alangan, ang mga talento ng mga lokal nito. Habang nangyayari ang festival, isang daang Pilipinong turista sa iba’t ibang panig ng mundo pati narin ang mga dayuhang nais din magtipon para saksihan ang engrandeng taunang selebrasyon.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pampolitika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nahahati ang Laguna sa 24 bayan at 6 lungsod.
Mga lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga bayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lalawigan ay tuyot mula Nobyembre hanggang Abril at basa sa nalalabing bahagi ng taon sa maliit na bahagi malapit sa katimugang hangganan. Ang ibang bahagi, sa kanluran ng bayan ng Santa Cruz, ay nakakaranas ng tuyong panahon mula Nobyembre hanggang Abril at tag-ulan sa nalalabing bahagi ng taon. Ang silangan at katimugang bahagi ay hindi katulad ang panahon, na mas madalas ang tag-ulan sa kabuuan ng taon.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangalan ng lalawigan ng Laguna ay isinunod sa Laguna de Bay, isang bahagi ng katubigan na bumubuo sa hilagang hangganan ng lalawigan. Ang Laguna de Bay naman, ay isinunod sa pangalan ng bayan ng Bay (Ang salitang Laguna de Bay ay hango sa salitang Kastila na nangangahulugang "Lawa ng Bay"), ang pinakaunang punong bayan ng lalawigan. Si Kapitan Juan de Salcedo kasama ng pulutong ng isang daang sundalong Kastilang-Mehikano at ilang bilang ng mga kakamping mga Bisaya ay sinakop ang lalawigan at ang mga nakapalibot na bahagi para sa Espanya noong 1571. Pitong taon makalipas, dalawang Fransiskanong mga pari ang nagsimulang binyagan ang mga tao doon.
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan sa [[{{{country}}}]]
Source: 2020 PH Census Bureau Estimate | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Ranggo | Probinsya | Pop. | |||||||
Calamba City Santa Rosa |
1 | Calamba City | Laguna Lone | 539,671 | Biñan Cabuyao | ||||
2 | Santa Rosa | Laguna Lone | 414,812 | ||||||
3 | Biñan | Laguna Lone | 407,437 | ||||||
4 | Cabuyao | Laguna 1st | 355,330 | ||||||
5 | San Pedro | Laguna 1st | 326,001 | ||||||
6 | San Pablo | Laguna 3rd | 285,348 | ||||||
7 | Santa Cruz | Laguna 4th | 123,574 | ||||||
8 | Los Baños | Laguna 2nd | 115,353 | ||||||
9 | Calauan | Laguna 3rd | 87,693 | ||||||
10 | Nagcarlan | Laguna 3rd | 64,866 |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
"Province: Laguna". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)