Pumunta sa nilalaman

Kultura ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kalinangan ng Pilipinas)
Kasalukuyang logo ng Patalaan ng mga Ari-ariang Kultural ng Pilipinas

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng España, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Filipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.

Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensiya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Tsino. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.

Lipunang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at marami dahil sa pagkakahiwalay ng mga ito ng lugar, dahil sa pulo pulo nitong ayos at mga kasanayan. Ang bansa ay nahahati sa pagitan ng mga Kristiyano, Muslim, at iba pang pangkat; sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap.

Kaugaliang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano.
  • Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala
  • Pakikisama[1]: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba.
  • Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang pagiging magarbo ng paghahanda kahit na hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob.
  • Utang na Loob[1]: Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan
  • Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad.[kailangan ng sanggunian]
  • Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar. Kailangang ang pagkilos ay tanggap ng lipunan upang hindi marumihan ang dignidad ng mag-anak.[kailangan ng sanggunian]
  • Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o pangako.
Ang bahay na bato ay isang tradisyunal na Pilipinong bahay kolonyal

Bilang kolonya ng Imperyong Kastila nang 333 taon, ipinakilala ng mga Kastila ang Europeong arkitekturang kolonyal sa Pilipinas. Naging dahilan ang pagkilala ng Kristiyanismo sa pagdala ng mga Europeong simbahan at arkitektura na naging sentro ng karamihan ng mga bayan at lungsod sa bansa. Ipinakilala rin ng mga Kastila ang mga bato bilang materyales pambahay at pangkonstruksyon at pinagsama ng mga Pilipino ang mga ito sa kanilang arkitektura para makabuo ng kombinasyon ng arkitektura na mahahanap lamang sa Pilipinas. Makikita pa rin ang arkitekturang kolonyal ng mga Pilipino sa mga gusaling may edad ng ilang siglo tulad ng mga Pilipinong simbahang Baroko, bahay na bato, tahanan, paaralan, kumbento, gusali ng gobyerno sa buong bansa. Mahahanap ang pinakamagandang koleksyon ng arkitektura ng panahong kolonyal ng mga Kastila sa nakapader na lungsod ng Intramuros sa Maynila at sa makasaysayang bayan ng Vigan. Ang mga simbahan ng kapanahunang kolonyal ay kasama sa mga pinakamahusay na halimbawa at legasiya ng Kastilang arkitekturang Baroko na tinatawag na Barokong Lindol na mahahanap lamang sa Pilipinas. Mayroon ding mga gusali mula sa panahong kolonyal ang mga makasaysayang probinsya tulad ng Ilocos Norte at Ilocos Sur, Pangasinan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Quezon, Iloilo, Negros, Cebu, Bohol at Zamboanga del Sur.

Dati, bago ang pamumuno ng Espanya, bahay kubo ang karniwang pinagtitirahan ng mga katutubong Pilipino. Nailalarawan ito sa paggamit ng payak na materyalbes tulad ng kawayan at buko bilang pangunahing pinagkukunan ng kahoy. Ginagamit ang kugon, dahon ng nipa, at dahon ng buko bilang pang-atip. Itinayo ang mga sinaunang tahanan sa mga tiyakad dahil sa madalas na pagbaha sa tag-ulan. Kabilang sa mga rehiyonal na baryante ang paggamit ng mas makapal at masinsin na pang-atip sa mga kabundukan, o mga mas mahaba na tiyakad sa mga baybayin lalo na kapag itinayo ang istruktura sa ibabaw ng tubig. Mailalarawan ang arkitektura ng mga ibang katutubong tao sa paggamit ng anggular na bubong na gawa sa kahoy, kawayan sa halip ng mga dahong pang-atip at gayakang kahoy na inukit. Ang bahay na bato ay isang baryante ng bahay kubo na lumitaw noong panahong kolonyal.

Ang Pangunahing Gusali ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila ay isang halimbawa ng arkitekturang Neorenasimiyento. Sinimulan ang konstruksyon ng gusali noong 1924 at nakumpleto ito noong 1927. Ang gusali na idinisenyo ni Padre Roque Ruaño, O.P., ang kauna-unahang gusaling may laban sa lindol sa Pilipinas na hindi simbahan.[2] Makikita rin ang Islamikong at iba pang Asyanong arkitektura sa mga gusali tulad ng mga moske at templo. Karaniwan pa rin ang Prehispanikong pamamahay sa mga kabukiran. Popular ang mga kontemporaryong subdibisyon at kanugnog na nakapultahang komunidad sa mga lunsuring lugar tulad ng Kalakhang Manila, Gitnang Kabisayaan, Gitnang Luzon, Pulo ng Negros at mga iba pang mayamang rehiyon.

Ang kalesa, isang tradisyunal na Pilipinong lunsuring transportasyon sa harap ng pasukan ng Katedral ng Maynila

Nagkaroon ng mga panukala na magsabatas ng patakaran kung saan magkakaroon ang bawat munisipalidad at lungsod ng ordinansang nag-aatas ng lahat ng konstruksyon at muling pagtatayo sa loob ng nasabing teritoryo na maging nakakiling sa istilong arkitektura at paisahismo ng munisipalidad o lungsod para preserbahin at konserbahin ang mga namamatay na pamanang pook ng bansa na mabilisang ginigiba paisa-isa dahil sa urbanisasyon, pag-unlad na walang pananagutan sa kultura, at kakulangan sa paninging arkitektura na paisaheng urbano. Ginagamit ang patakarang ganito ng mga bansang nakapagpreserba ng kanilang kababalaghang arkitekura, at buong lungsod mismo, nang daan-daang taon, tulad ng Italya, Pransiya, Rumanya, Alemanya, and Espanya. Itinataguyod ng panukala ang paggamit at reinterpretasyon ng mga katutubong, kolonyal, at modernong estilong arkitektura at paisahe na laganap o dating laganap sa isang lungsod o munisipalidad. Nilalayon ng panukala na paunlarin ang renasimiyento sa Pilipinong paysaismo, lalo na sa mga kabukiraning lugar na maaaring baguhin para maging bagong bayan ng pamanang arkitektura sa loob ng 50 taon. Sa kasamaang-palad, kulang ang pagpapahalaga sa pagpepreserba ng bayang pamana sa mga dalubhasa ng arkitektura at inhenyeriang nakabase sa Pilipinas, tulad ng sa kaso sa Maynila, kung saan tinatanggap nang tinatanggap at itinatayo nang itinatayo ang mga panukalang negosyo para magtayo ng mga istrakturang hindi nakakiling sa mga istilong arkitektura ng Maynila ng mga nasabing eksperto na mabisang lumilipol sa paisaheng arkitekura ng Maynila nang paisa-isang gusali. Bukod dito, hindi pa namanipesto ang natatanging panukalan sa arkitekura para maging aktwal na patakaran dahil wala pang Kagawaran ng Kultura. Ang lungsod ng Vigan lamang ang nagsabatas ng ordinansang ganito na humantong sa kanyang deklarasyon bilang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1999 at sa pagkakaloob ng iba't ibang pagkilala para sa konserbasyon at pagpapanatili ng kanyang katangi-tanging istlo ng arkitektura at paisahe. Noong 2016, nagsampa si senadora Loren Legarda ng panukalang-batas na magtatatag ng Kagawaran ng Kultura. Ipinakilala ang panukalang-batas sa Senado noong Enero 2017 at inaasahang maisasabatas ito sa huling bahagi ng 2018 o sa unang bahagi ng 2019. Suportado ang panukalang-batas ng 9 pang senador mula sa iba't ibang partido, alalaong baga'y, sina Bam Aquino, Nancy Binay, Francis Escudero, Juan Zubiri, Joseph Ejercito, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Risa Hontiveros, at Sonny Angara. Sinampa rin ang tatlong katapat na panukalang-batas na naglalayong magtatag ng Kagawaran ng Kultura sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas, akda ni Christopher de Venecia, Evilina Escudero, and Jose Antonio Sy-Alvarado.[3][4]

Arkitektura ng Pilipinas
Orihinal na Imahen ng Santo Niño de Cebú

Kristiyanismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naimpluwensya ng Kristiyanismo ang kulturang Pilipino sa halos lahat ng mga tapyas, mula sa visual art, arkitektura, sayaw, at musika. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay isa sa dalawang nakararaming Katolikong Romanong (80.58%) nasyon sa Asya-Pasipiko, East Timor ang isa pa. Mayroon ding sariling independiyenteng simbahang Pilipino ang bansa, ang Aglipayan na nagbubuo ng halos 2% ng pambansang populasyon. Nakahiwalay ang mga ibang Kristiyanong simbahan sa mga iba't ibang uri ng Kristiyanong sekta at kulto. Mula sa senso noong 2014, binubuo ng halos 90.7% ng populasyon ang Kristiyanismo at laganap ito sa buong bansa.[5]

Ang Anitismo,[6][7] na tinutukoy bilang mitolohiyang Pilipino o mga katutubong relihiyon ng mga ninuno ng Pilipinas, ay lawas ng mga alamat, kwento, at pamahiin na ipinapaniwala ng mga Pilipinos (binubuo ng higit sa isang daang mga etniko sa Pilipinas) na halos nagmumula sa mga paniniwala noong panahong prehispaniko. Nagbunga ang mga ibang paniniwala mula sa mga relihiyon bago ang Kristiyanismo na naimpluwensiyahan ng Hinduismo. Sa kasalukuyan, pinaniniwalaan pa rin ang mga ibang paniniwalang prekolonyal ng mararaming Pilipino sa mga syudad at kanayunan.

Ipinagsama sa mitolohiyang Pilipino ang mga iba't ibang pinagmulan na may pagkakapareho sa mga mitolohiyang Indonesiyo at Malay, pati na rin ang Hindu, Muslim, Budista, at Kristiyanong tradisyon, tulad ng ideya ng kaluwalhatian (kalangitan, kamurawayan, atbp.), impiyerno (kasamaan, sulad, atbp.), at ang kaluluwa (kaulolan, atbp.). Itinatangka ng mitolohiyang Pilipino na paliwanagin ang kalagayan ng mundo sa pamamagitan ng mga buhay at kilos ng mga bathala (diyos, diyosa), bayani, at mitolohikong nilalang. Halos lahat ng mga alamat na ito ay ipinasa sa pamamagitan ng tradisyong pasalita, at napreserba sa tulong ng mga babaylan (katalonan, mumbaki, baglan, machanitu, walian, mangubat, bahasa, atbp.) at mga matatanda sa komunidad.

Ang terminong 'Mitolohiyang Pilipino' ay ginagamit mula noong ika-20 siglo ng mga magkakasunod na henerasyon bilang pangkalahatang termino para sa lahat ng mga mitolohiya sa loob ng Pilipinas. Sinusundan itong mga "mitolohiya" bilang balidong relihiyon ng mga katutubong tao, katulad sa pagsusunod sa Shinto bilang balidong relihiyon sa Hapon o pagsusunod sa Kristiyanismo bilang balidong relihiyon sa Europa. Ang bawat pangkat etniko sa Pilipinas ay may natatanging mitolohiya ( o relihiyon), panteon ng mga bathala, at sistema ng paniniwala. Halimbawa, napakaiba ang mitolohiya ng mga Maranao sa mitolohiya ng karatig na mga Subanon, habang ang mitolohiya ng mga Hiligaynon ay napakaiba rin sa mitolohiya ng karatig na mga Suludnon. Binubuo ang Pilipinas ng higit sa isang daang natatanging pangkat etniko, ayon sa ika-21 siglong mapa na inilathala ng Komisyon ng Wikang Filipino, ang Atlas Filipinas.[8][9][10][11]

Ayon sa kasaysayan, tinukoy ang mga mitolohiyang Pilipno at katutubong relihiyon blang Anitismo,[6] na may kahulugang "minamanang relihiyon".[12][13] Sa kasalukuyan, karamihan sa mga pangkat etniko ay patuloy-tuloy na sumusunod at nag-aalaga sa kanilang natatanging katutubong relihiyon, lalo na sa mga dominyo ng ninuno, ngunit patuloy-tuloy na nakasasagabal ang mga Hispanong at Arabeng relihiyon sa kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagbabagong-loob, pag-agaw ng lupa, inter-marriage, at/o pagbibili ng lupa. Mararaming nalikhang gawaing-iskolar tungkol Anitismo at ang kanyang mararaming paksa, ngunit hindi pa dokumentado ang karamihan sa kanyang mga kuwento at tradisyon ng pandaigdigang lipunang antropolohikal at pang-alamat.[6][12][14][15] Hindid katulad sa mga patay na relihiyon tulad ng Mitolohiyang Nordiko, patuloy-tuloy na yumayabong ang mga buhay na relihiyon tulad ng Anitismo, Shinto, at Hinduismo hanggang sa ngayon dahil sa di-maiiwasang dinamika sa mga sistema ng paniniwala sa modernong siglo. Dahil sa likas na kababalaghang ito, dumadami nang dumadami ang mga katutubong panitikan o pasalitang kuwento tungkol sa mga iba't ibang mitolohiyang Pilipino tungkol sa mga bathala, bayani, at nilalang mula noong panahong prekolonyal hanggang sa ika-21 siglo. Sa kasalukuyan, Anitista ang humigit-kumulang sa 2% ng populasyon na nakatipon sa Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera, Palawan, Mindoro, Kanlurang Visayas, at Mindanao. Sumusunod din ang mga tiyak na komunidad sa buong Pilipinas sa Anitismo, habang 90% ng pambansang populasyon ng Pilipinas ay patuloy na naniniwala sa mga tiyak na Anitismong sistemang paniniwala, kahit sumusunod sa ibang relihiyon.[16][17] Sa modernong panahon, pinahahalubilo ang karamihan ng mga relihiyong Anitismo, katutubo, at Shamanismo sa Kristiyanismo.

Katutubong relihiyon o shamanismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang nagtatanghal na naglalarawan sa babaylan.

Dahil sa pagdagsa ng Kristiyanismo, Islam, at ibang pandaigdigang relihiyon sa mga tradisyonal na komunidad, nawawala na ang mga katutubong kaugalian, ritwal, espirituwal na pagtatanghal at kaalaman ng mga katutubong Pilipino. Iminumungkahi ng mga manggagawa sa kultura ang Modelong Paiwan na binuo ng pamahalaang Taiwanes para mapanatii ang mga katutubong relihiyon, para iligtas ang mga katutubong relihiyon mismo ng Pilipinas. Noon, ang mga katutubong kaugalian at shamanismo ng mga Paiwan ng Taiwan ay ang pinakamabilis na dumalisdis na relihiyon sa bansa. Sinenyasan nito ang pamahalaang Taiwanes para preserbahin ang relihiyon at itaguyod ang pagtatatag ng Paaralan ng Shamanismong Paiwan kung saan tinuturuan ng mga pinuno ng relihiyon ang mga baguhan sa katutubong relihiyon para kailanma'y hindi ito mawawala. Naging epektibong paraan ito sa pagpapanatili, at kahit sa pagpapasigla ng katutubong relihiyon ng mga Paiwan. Sa Pilipinas, kilala ang shamanismo bilang dayawismo na nangangahulugang `mga galanteng relihiyon na nagpapasalamat sa lahat ng buhay at di-buhay na bagay'. Noong 2018, wala pang natatag na paaralan ng dayawismo sa Pilipinas na nagpapanganib sa mga daan-daang katutubong relihiyon sa bansa sa pagkalipol dahil sa pagdagsa ng mga relihiyon ng panahong kolonyal. Natatangi ang bawat katutubong relihiyon ng Pilipinas na nag-aari sa kakaibang epiko, panteon, sistema ng paniniwala, at iba pang hindi nasasalat na pamana na nauukol sa mga relihiyosong paniniwala. Dahil sa napakalawak na dibersidad sa mga katutubong relihiyon, hindi magagawa ang isang paaralan ng dayawismo. Sa halip nito, mas angkop na kapupunan ang pagkakaroon ng daan-daang paaralan ng dayawismo na nauukol sa mga etno-lingguwistikang tribo sa kasalukuyang estado ng relihiyon sa Pilipinas.[18]

Dumating ang mitolohiyang Islam sa Pilipinas noong ika-13 siglo sa pamamagitan ng mga daan ng pangangalakal sa Timog-Silangang Asya. Itinatag ang paglago ng Islam ng iba't ibang uri ng mga sistema ng paniniwala, lalo na sa mga timog-kanlurang bahagi ng kapuluan, kung saan niyakap ang sistemang sultanato ng mga katutubo nang walang pangangailangan ng sapilitang pagbabagong-loob, dahil hindi binalak ng mga relihiyosong mangangalakal na sakupin ang kapuluan. Sa kasalukuyan, halos 6% ng populasyon ay Muslim at nakatipon ang karamihan sa rehiyong Bangsamoro sa Mindanao. Nasa ilalim ng Sunni Islam ang karamihan ng mga Pilipinong Muslim ayon sa paaralan ng Shafi'i.[5]

Dumating ang Hinduismo sa Pilipinas noong 200 –300 PK habang dumating ang Budismong Vajrayana noong 900 PK. Karamihan sa mga sumusunod sa Hinduismo ay may pinagmulang Indyano habang ang mga sumusunod sa Budismo ay may pinagmulang Tsino o Hapones, lalo na ang mga dumayo sa Pilipinas sa mga ilang nakaraang dekada. Dumating ang Shinto bago ang ika-12 siglo dahil sa mga Hapones na mangangalakal, habang dumating ang Hudaismo noong ika-16 na siglo dahil sa Ingkisisyon. Sinusundan din ang Taoismo ng mga ilang imigranteng Tsino. Mahahanap din ang Ateismo sa Pilipinas.[5][19]

Bawat taon, madalas sa Abril at Mayo, pinapatuli ang libu-libong mga Pilipinong batang lalaki. Ayon sa Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO), halos 90% ng lalaking Pilipino ay natuli, isa sa pinakamataas na antas ng pagtutuli. Kahit pinepetsahan ang pinanggalingan nito sa pagdating ng Islam noong 1450, pinawi ng sumunod na 200 taon ng pamumuno ng Kastila ang mga relihiyosong dahilan para sa pagtutuli. Gayunman, nagpatuloy ang pagtutuli. Kahit sa wika nagpapakita ang panggigipit para maging tuli: ang salitang Tagalog na supot ay may kahulugang 'duwag' din. Karaniwang pinaniniwalaan na ang tuli na bata na walo o sampung taong gulang ay hindi na bata at binibigyan ng mga mas maraming papel na pang-adulto sa pamilya at lipunan.[20]

Tampuhan ni Juan Luna.


Sining-biswal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Makikita ang maagang pagpinta sa Pilipinas sa mga disenyong red slip (luwad na may halong tubig) na napalamutian sa palayukang panritwal ng Pilipinas tulad ng nabunying Palayok sa Manunggul. Nadiskubre ang ebidensya ng Pilipinong pagpapalayok na napetsahang kasing aga ng 6000 BK sa Yungib ng Sanga-Sanga, Sulu at Yungib ng Laurente sa Cagayan. Napatunayan na sa 5000 BK, nagpapalayok ang mga tao sa buong kapuluan. Ang mga maaagang Austronesyo, lalo na sa Pilipinas, ay nagsimulang magpalayok bago ang kanilang kapwang taga-Cambodia, at halos sa parehas na oras ng mga Taylandes at Laosyano bilang bahagi ng marahil na laganap na pagpapalago sa Panahon ng Yelo ng teknolohiyang pagpapalayok.

Napapahayag din ang higit pang ebidensya ng pagpipinta sa tradisyon ng tatu ng mga sinaunang Pilipino na tinaguri ng Portuges na manggagalugad bilang Pintados o mga 'Pinturadong Tao' ng Kabisayaan.[21][22] Nag-aadorno sa kanilang katawan ang mga iba't ibang disensyo na tumutukoy sa mga kahayupan at kahalamanan na may kasamang makalangit na lawas sa iba't ibang makulay na pigmentasyon. Siguro makikita ang ilan sa mga pinakadetalyadong pagpipinta na ginawa ng mga sinaunang Pilipino na nananatili hanggang ngayon sa sinang at arkitektura ng mga Maranao na kilalang-kilala para sa dragong Nāga at ang naukit at napintang Sarimanok sa magandang panolong ng kanilang torogan o Bahay ng Hari.

Nagsimulang lumikha ang mga Pilipino ng mga pinta sa tradisyong Europeo sa panahong Kastila noong ika-17 siglo. Ang mga pinakamaaga sa mga ito ang presko sa simbahan, larawang relihiyoso mula sa mga sangguniang Biblikal, pati na rin ang mga pag-ukit, iskultura, at litograpiya na nagtatampok ng mga imaheng Kristiyano at kamaharlikaan ng Europa. Karamihan sa mga pinta at iskulutra mula sa ika-19 at ika-20 siglo ay nakalikha ng halo ng mga likhang-sining na relihiyoso, pampulitika, at paisahe na may mga katangian ng katamisan, kadiliman, at katingkaran.

Kilala ang mga Itneg para sa kanilang saligutgot na kayong hinabi. Ang binakol ay isang kumot na may disenyong naglalakip ng mga harayang pangmata. Ipinapakita ng mga tao mula sa iba pang bahagi ng Kabundukan ng Rehiyon ng Cordillera o "Kalgorotan" sa lokal na termino ang kanilang kasiningan sa pagtatatu, paghahabi ng mga bayong tulad ng "sangi", isang tradisyunal na napsak, at panlililok ng kahoy. Ang mga nahabing kayo ng mga Ga'dang ay kadalasang may matingkad na pula. Malalaman din kung sa kanila ang pagkakahabi sa pagkakaroon ng makuwintasing dekorasyon. Ang mga iba tulad ng Ilongot ay gumagawa ng mga alahas mula sa perlas, tuka ng pulang kalaw, halaman, at metal. Ginagamit din ang mga ilang katutubong materalyes sa mga iba't ibang likhang-sining lalo na sa pagpipinta ni Elito Circa, katutubong manlilikha ng Pantabangan at tagabunsod sa paggamit ng mga katutubong materyales at likas na panangkap kabilang ang dugo ng tao. Marami ang naimpluwensiyahan na Pilipinong pintor at nagsimulang gumamit ng mga materyales tulad ng ekstrakto ng sibuyas, kamatis, tuba, kape, kalawang, pulot, iba pang materyales na mahahanap kahit saan bilang pintura. Ang mga Lumad ng Mindanao tulad ng B'laan, Mandaya, Mansaka at T'boli ay bihasa sa kasiningan ng pagtitina ng hibla ng abaka. Ang abaka ay isang halaman na malapit na kamag-anak ng saging, at ginagamit ang kanyang dahon para yumari ng hibla na kilala bilang Manila hemp. Tinitinahan ang hibla sa pamamagitan ng isang pamamaraan na tinatawag na ikat. Hinahabi ang ikat para maging kayo na may heometrikang hulwaran na naglalarawan ng mga tema ng tao, hayop, at halaman.

Ang kut-kut ay isang kasiningan na nagsama-sama ng mga proseso ng kasiningang Asyano at Europeo na itinuturing bilang nawawalang sining at kanais-nais na kasiningan. Napakakaunti ang mga kilalang umiiral na likhang-sining ngayon. Ipinraktis itong kasiningan ng mga katutubo ng Pulo ng Samar mula unang bahagi ng 1600 hanggang huling bahagi ng 1800 PK. Kakaibang likhang-sining ito ng Pilipinas na nakabatay sa pamamaraan ng mga unang siglo: sgraffito, encaustic, at pagpapahid-pahid. Nagbubunga ang pagsasama ng sinaunang istilo ng kakaibang likhang-sining na kilala sa kanyang pinong umiikot na magkahabing linya, patong-patong na pagkahabi, at ilusyon ng tatluhing sukod na puwang.

Ang Islamikong sining sa Pilipinas ay may dalawang pangunahing istilo. Una ang okir, isang panliliok ng kahoy at paggawa ng metal na magkatulad sa Islamikong sining sa Gitnang Silangan na panlalaki. Ang isa pang istilo ay ang heometrikang tapisera na pambabae. Ipinapakita ng mga Tausug at Sama–Bajau ang kanilang okir sa mga detalyadong pagmamarka na may paglalarawang malabangka. Gumagawa ang mga Maranao ng mga magkahawig na ukit sa mga bahay na tinatawag na torogan. Bihasang inukit ang mga armas na ginagawa ng mga Pilipinong Muslim tulad ng kampilan.

Kilala ang mga maagang modernistang pintor tulad ni Haagen Hansen sa kanilang mga pintang relihiyoso at sekular. Ipinakita ng kasiningan ni Lorenzo Miguelito at Alleya Espanol ang tunguhin para sa pahayag sa politika. Ginamit ng unang Amerikanong pambansang alagad ng sining, si Jhurgen D. C. Pascua, ang post-modernismo para lumikha ng mga pinta na naglalarawan sa kultura ng Pilipinas, kalikasan, at pagkakasundo. Samantala, ginamit ng mga ibang manlilikha tulad ni Bea Querol ang mga katotohanan at abstrakto sa kanilang mga gawa. Noong dekada 1890, sumikat si Odd Arthur Hansen, na kilalang-kilala bilang ama ng makabayan pintor. Ginagamit niya ang sarili niyang puting buhok para gumawa ng mga sarili niyang brotsa at nilalagdaan ang kanyang mga pinta ng sarili niyang dugo sa kanang sulok. Nabuo ang kanyang mga sariling istlo nang walang propesyonal na pag-aaral o gabay mula sa mga propesyonal.

Sining ng pagganap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga Pilipinong katutubong sayaw ang Tinikling at Cariñosa. Sa timugang rehiyon ng Mindanao, ang Singkil ay isang sikat na sayaw na nagpapahayag ng kwento ng isang prinsipe at prinsesa sa gubat. Nakaayos ang mga kawayan sa isang huwarang tic-tac-toe kung saan kumakasangkapan ang mga tagasayaw sa lahat ng mga posisyon ng mga magkasalungat na kawayan.[23][24]

Itinampok ng antigong musika ng Pilipinas ang pagkahlo ng tunog katutubo, Islamiko, at iba pang tunog Asyano na yumabong bago ang kolonisasyong Europeo at Amerikano sa mga ika-16 at ika-20 siglo. Tumugtog ang mga dayuhang Kastila at mga Pilipino ng mga iba't ibang instrumentong pangmusika, kabilang ang mga plauta, gitara, yukulele, biyolin, trumpeta, at tambo. Nagsiawit at nagsayawan sila upang magdiwang ng mga maligayang okasyon. Noong pagsipit ng ika-21 siglo, nanatiling buo ang karamihan ng mga katutubong kanta at sayaw sa buong Pilipinas. Iilan sa mga grupong nagsisiawat at nagsasayawan ng mga ito ay ang Bayanihan, Filipinescas, Barangay-Barrio, Hariraya, ang Karilagan Ensemble, at mga pangkat na magkasama sa mga kapisanan ng Maynila, at teatro ng Kutang Santiago. Sumikat ang mga mararaming Pilipinong musikero tulad ng kompositor at konduktor na si Antonio J. Molina, ang kompositor na si Felipe P. de Leon na kilala para sa kanyang makabayang tema at ang mang-aawit ng opera na si Jovita Fuentes.

Itinatampok ng modernong Pilipinong musika ang mga iba't ibang estilo. Karamihan sa mga genre ng musika ay kapanahon, tulad ng Pinoy rock, Pinoy hip hop at iba pang estilo ng musika. Tradisyonal naman ang iilan tulad ng katutubong musika ng Pilipinas.

Noli Me Tángere (nobela)

Magkakaiba at masagana ang panitikan ng Pilipinas, at nagbabago nang nagbabago ito sa mga siglo. Nagsimula ito sa mga tradisyonal na alamat na nilikha ng mga sinaunang Pilipino bago ang panahon ng mga Kastila. Nakatuon ang panitikang Filipino sa tradisyong kultural ng bansa bago ang kolonisasyon at ang mga kasasayang sosyo-politikal ng kanyang kolonyal at kapanahong tradisyon. Inilalarawan ng panitikan ng Pilipinas ang Prehistorya at Europeong legasyang kolonyal ng Pilipinas na nakasulat sa mga Katutubong at Hispanong sistema ng pagsulat. Karamihan ng mga tradisyonal na literatura ng Pilipinas ay isinulat noong panahon ng Kastila habang napreserba sa pasalitang paraan bago ang kolonisasyon ng Kastila. Isinusulat ang panitikang Filipino sa mga wikang Kastila, Ingles, o anuman sa mga katutubong wikang Pilipino.

Nalikha ang iilan sa mga kilalang akda mula sa ika-17 hanggang ika-19 na siglo. Ang Ibong Adarna ay isang tanyag na epika tungkol sa isang mahiwagang ibon na sinasabing isinulat ni José de la Cruz o "Huseng Sisiw".[25] Si Francisco Balagtas ay isa sa mga kilalang-kilalang makata ng bansa, ipinangalan siyang isa sa mga pinakadakilang laureadong pampanitikan ng Pilipinas para sa kanyang mga ambag sa panitikang Filipino. Itinuturing ang kanyang pinakagrandeng akda, ang Florante at Laura bilang isa sa mga obra-maestra ng Panitikang Filipino. Isinulat ni Balagtas ang epiko noong nasa bilangguan siya.[26] Si José Rizal, ang pambansang bayani, ay nagsulat ng mga nobelang Noli Me Tángere (Huwag Akong Salangin Nino Man) at El Filibusterismo (Ang Pilibusterismo, kilala rin bilang Ang Paghahari ng Kasakiman).

Nagkaroon ng mga panukala na muling ibalik ang lahat ng suyat sa Pilipinas, kung saan ituturo ang etnikong sulat ng etnisidad ng karamihan ng mag-aaral sa mga pampublikong at pribadong paaralan. Nabuo ang panukala pagkatapos ng pagtanggi noong nadeklara ng isang panukalang-batas na magiging pambansang sulat ng bansa ang Tagalog na baybayin. Naging kontrobersyal ang panukalang-batas dahil nakatuon lang ito sa tradisyonal na sulat ng mga Tagalog, habang hindi nagbigay-pansin sa mga tradisyonal na sulat ng mga 100 pangkat-etniko sa bansa. Sinipi ng bagong panukala na nabuo pagkatapos ng pagtanggi na kung Sebwano ang nangingibabaw na pangkat-etniko, badlit ang ituturo na sulat. Kung Tagalog ang nangingibabaw na pangkat-etniko, sa gayon baybayin ang ituturo na sulat. Kung Hanunuo Mangyan ang nangingibabaw na pangkat-etniko, sa gayon hanunu'o ang ituturo na sulat, at iba pa.[27]

Sine at midya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga taon ng paghubog ng pelikulang Pilipino, na nagsimula noong dekada 1870, ay naging panahon para sa pagkatuklas ng pelikula bilang bagong paraan para ipahayag ang mga likhang-sining. Nagmula ang mga iskrip at karakterisasyon sa mga pelikula sa mga sikat na dulaan at panitikang Pilipino.

Matutunton ang pagdating ng pelikulang Pilipino sa mga unang araw ng paggawa ng pelikula noong 1897 kung kailan ipinalabas ng isang Kastilang may-ari ng teatro ng mga inangkat na pelikula.

Noong dekada 1940, dinala ng pelikulang Pilipino ang kamalayan ng totoong buhay sa kanyang industriya. Sumikat ang mga makabayang pelikula, at bumenta ang mga temang may kinalaman sa digmaan at pagkabayani sa mga Pilipinong manonood.

Naganap noong dekada 1950 ang unang gintong panahon ng pelikulang Pilipino,[28][29] sa pagbangon ng mas masining at may-gulang na pelikula, at makabuluhang pagpapabuti sa mga sinematikong kasiningan sa mga mampepelikula. Naglikha ang sistemang istudyo ng masilakbong aktibidad sa industriya ng pelikula sa Pilipinas dahil taun-taon ginagawa ang mga pelikula at nagsimulang makilala ang iilang mga lokal na talento sa ibayong dagat. Unang ipinakilala ang mga ginantimpalaang mampepelikula at artista noong panahon ito. Habang papatapos ang dekada, kinukubkob ang monopolyo ng sistemang istudyo bilang resulta ng mga salungatan sa manggagawa at pangasiwaan. Noong dekada 1960, humina ang naitatag na kasiningan sa mga nakaraang panahon. Kakakitaan ang panahong ito ng laganap na komersyalismo sa mga pelikula.

Itinuring ang dekada 1970 at 1980 bilang mga magulong taon para sa industriya ng pelikulang Pilipino, na kapwa nagdala ng mga positibong at negatibong pagbabago. Nakitungo ang mga pelikula nitong panahon sa mga mas seryosong paksa kasunod ng panahon ng Batas Militar. Bilang karagdagan, lalong nilinang pa ang mga pelikulang aksyon, kanluranin, drama, pang-adulto at komedya sa mga kalidad ng larawan, tunog at pagsulat. Dinala ng dekada '80 ang pagdating ng alternatibo o malayang pelikula sa Pilipinas.

Naganap noong dekada 1990 ang umuusbong na katanyagan ng pelikulang drama, romantikong komedya pantinedyer, pang-adulto, komedya at aksyon.[29]

Ang Pilipinas, bilang isa sa mga pinakaunang tagagawa ng industriya ng pelikula sa Asya, ay nananatiling di-matututulan sa pinakamataas na bilang ng admisyon sa sinehan sa Asya. Gayunpaman, paglipas ng mga taon, inirehistro ng industra ng pelikula sa Pilipinas ang unti-unting pagbaba sa bilang ng manonood mula 131 milyon sa 1996 patungo sa 63 milyon sa 2004.[30][31] Mula sa mabilisang paglabas ng 350 pelikula bawat taon noong dekada '50, at 200 pelikula bawat taon noong dekada '80, lalong bumaba ang bilis ng paglabas ng pelikula ng industriya sa Pilipinas noong 2006 at 2007.[30][31] Naganap noong ika-21 siglo ang muling pagsilang ng malayang paggawa ng pelikula sa pamamagitan ng teknolohiyang digital, at muling nakilala at tumanyag.

Dahil sa mabilisang paglabas ng mga pelikula sa nakaraan, lumitaw ang iilang mga artista sa higit sa 100+ papel sa Pelikulang Pilipino at ikinalugod ang pagkilala sa kanila mula sa mga tagahanga at manonood.

Ang La Paz Batchoy ay sabaw at pansit na may mga sangkap ng baboy, dinurog na chicharon, sabaw ng manok at balakang ng baka.

Nagluluto ang mga Pilipino ng sarisaring pagkain na naimpluwensyahan ng Indyano, Tsino, at ng mga katutubong sangkap.[32]

Dinala ng mga Kastilang mananakop at prayle noong ika-16 na siglo ang mga pananim mula sa mga Amerika tulad ng siling labuyo, kamatis, mais, patatas, at ang paraan ng paggisa gamit ang bawang at sibuyas. Mahilig kumain sa labas ang mga Pilipino. Binubuo ang karaniwang diyetang Pinoy ng anim na kainan sa pinakasukdulan sa isang araw; agahan, meryenda, tanghalian, meryenda, hapunan, at muli isang meryenda sa hatinggabi bago matulog. Pangunahing pagkain ang kanin sa diyetang Pilipino at karaniwang kinakain kasama ng mga iba't ibang ulam. Palaging gumagamit ang mga Pilipino ng mga kutsara kasama ng mga tinidor at kutsilyo. Kinakamay rin minsan ang mga pagkain, lalo na sa mga di-pormal na mga kalagayan, at gumagamit din ang mga Pilipino ng pansipit habang kumakain ng pagkaing-dagat. Inihahain sa mga plato ang kanin, mais, at sikat na ulam tulad ng adobo, lumpia, pansit, at litson baboy.

Kabilang sa mga ibang sikat na ulam na may impluwensyang Timog-silangang Asyano at Kastila ang apritada, asado, chorizo, empanada, mani, paksiw, pandesal, pescado frito (pinritong isda), sisig, torta, kare-kare, kilawen, pinakbet, pinapaitan, at sinigang. Waring di-nakagaganang kainin sa paletang Kanluranin ang mga ilang kinakain ng mga Pilipino tulad ng balut, longganisa, at dinuguan.

Isang litson.

Kadalasang kinakain pangmeryenda o panghimagas sa labas ng tatlong pangunahing kainan ang tsitsaron, halo-halo, puto, bibingka, ensaymada, pulboron, at tsokolate. Kabilang sa mga sikat na inuming Pilipino ang San Miguel Beer, Tanduay Rhum, lambanog, at tuba.

Ang bawat lalawigan ay may kanya-kanyang espesyalidad at iba-iba ang lasa sa bawat rehiyon. Sa Bicol, bilang halimbawa, mas maanghang ang mga pagkain kumpara sa ibang lugar sa Pilipinas. Kabilang sa mga pinakakaraniwang pampalasa na mahahanap sa mga bahay at restawran sa Pilipinas ang patis, suka, toyo, bagoong, at ketsap na saging.

Karaniwang tanawin ang mga Kanluraning fast food chain tulad ng McDo, Wendy's, KFC, at Pizza Hut. Sikat din ang mga lokal na food chain tulad ng Jollibee, Goldilocks Bakeshop, Mang Inasal at Chowking at nakakapagkumpetensya sa mga pandaigdigang fast food chain.[33][34]

Ang Unibersidad ng Santo Tomas, na matatagpuan sa Maynila, ay itinatag noong 1611.

Naimpluwensyahan ang edukasyon sa Pilipinas ng mga ideolohiyang at pilosopiyang Kanluranin at Silanganin mula sa Estados Unidos, Espanya, at ng kanyang mga karatig na Asyanong bansa. Pumapasok ang mga Pilipinong mag-aaral sa pampublikong paaralan sa gulang na halos apat at nagsisimula mula sa nurseriya hanggang kindergarten. Sa gulang na halos pito, pumapasok ang mga mag-aaral sa mababang paaralan (6 hanggang 9 taon, kabilang dito ang Ika-7 Baitang hanggang Ika-10 Baitang bilang paaralang panggitna), at pagkatapos nito, nagsitatapos sila. Dahil ipinatupad na ng Pilipinas ang sistemang K-12, papasok ang mga mag-aaral sa SHS o senior high school, isang 2-taon kurso, para makapaghanda sa buhay-kolehiyo sa pamamagitan ng kanilang napiling landas tulad ng ABM (Accountancy, Business, and Management, "Pagtutuos, Negosyo, at Pangangasiwa"), STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics, "Agham, Teknolohiya, Inhinyero, at Sipnayan") at HUMSS (Humanities and Social Sciences, "Humanidades at Agham Panlipunan"). May mga ibang landas din tulad ng TECH-VOC (Technical Vocational, "Teknikal Bokasyonal"). Maaaring pumili ang mga mag-aaral kung kukunin nila ang mga eksamen sa pagpasok sa kolehiyo (CEE) kung saan papasok sila sa isang kolehiyo o unibersidad (3 hanggang 5 taon) o maghanap ng trabaho pagkatapos nila ng mataas na paaralan.

Kabilang sa mga ibang uri ng paaralan sa bansa ang mga pribadong paaralan, preparatoryong paaralan, pandaigdigang paaralan, mataas na paaralang panlaboratoryo, at paaralang pang-agham. Sa mga paaralang ito, pinakasikat ang mga paaralang Katoliko. Mas ninanais ang mga paaralang Katoliko sa Pilipinas dahil sa kanilang pananampalataya. Koed ang karamihan ng mga paaralang Katoliko. Kadalasang may sagisag ang mga uniporme ng mga paaralang Katoliko kasama ang mga kulay ng paaralan.

Nagsisimula ang taong panuruan sa Pilipinas sa Hunyo at nagwawakas sa Marso, na may dalawang buwan na bakasyon mula Abril hanggang Mayo, dalawang linggo na bakasyon sa Oktubre, at mga pista opisyal ng Pasko at Bagong Taon. Kasalukuyang ginagawa ang mga pagbabago sa sistema at nakopya ng iilang unibersidad ang Kanluraning kalendaryong pang-akademiko at nagsisimula ng taong panuruan sa Agosto.

Noong 2005, gumatos ang Pilipinas ng halos US$138 sa bawat mag-aaral kumpara sa US$1,582 sa Singgapura, US$3,728 sa Hapon, at US$852 sa Taylandia.[35][36]

Ang arnis, isang uri ng sining panlaban, ay ang pambansang laro sa Pilipinas.[37] Kabilang sa mga pinakasikat na laro ang basketbol, boksing, putbol, bilyar, ahedres, ten-pin bowling, balibol, karera ng kabayo, Sepak Takraw at sabong. Sikat din ang dodgeball, badminton, at tenis.

Nagkaroon ng pandaigdigang tagumpay ang mga Pilipino sa mga palaro tulad ng boksing, putbol, bilyar, ten-pin bowling, at ahedres. Kabilang sa mga sikat na manlalaro sina Manny Pacquiao, Flash Elorde, at Francisco Guilledo sa boksing, Paulino Alcántara sa putbol, Carlos Loyzaga, Robert Jaworski, at Ramon Fernandez sa basketbol, Efren Reyes at Francisco Bustamante sa bilyar, Rafael Nepomuceno sa ten-pin bowling, Eugene Torre at Renato Naranja sa ahedres, at Mark Munoz sa MMA. Bigatin ang Pambansang Koponan ng Basketbol ng Pilipinas sa Asia, ito ang may pinakamahusay na pagganap sa lahat ng mga Asyanong koponan sa Olimpiko at pandaigdigang Kopa ng FBA.

Nagmula ang Palarong Pambansa, isang pambansang kapistahan sa isports, sa isang taunang pagpupulong ng mga pampublikong paaralan na nagsimula noong 1948. Sa kalaunan ay sumali rin ang mga pribadong paaralan at unibersidad sa pambansang pangyayari, na nakilala bilang "Palarong Pambansa" noong 1976. Nagsisilbi ito bilang pambansang Palarong Olimpiko para sa mga mag-aaral, na nakikipagpaligsahan sa antas ng paaralan at bansa. Kabilang sa kaganapan noong 2002 ang putbol, golp, pamamana, badminton, beysbol, ahedres, himnastiko, tenis, sopbol, paglangoy, pingpong, taekwondo, track and field, at bolibol.

Sining panlaban

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang dalubhasa sa Arnis.

Mayroong mga iilang uri ng Pilipinong sining panlaban na nagmula sa Pilipinas (kaparehong ng kung paano pinag-eensayo ang Silat sa Asya). Kabilang dito ang arnis (labanang may armas, kilala rin bilang Eskrima at Kali minsan sa Kanluran), Panantukan (kasiningang walang dala), at Pananjakman (ang bahaging boksing ng Pilipinong sining panlaban).

Mga laro ng lahi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang isang laro ng lahing Pilipino ay ang luksong tinik. Ito ay isang napakasikat na laro sa mga kabataang Pilipino kung saan kailangang lumundag sa tinik at tumawid sa kabila nang hindi masaktan. Kabilang din sa mga ibang laro ng lahing Pilipino ang yo-yo, piko, patintero, bahay kubo, pusoy, at sungka. Isang sikat na laro sa pagsusugal ang tong-its. Individuals play the game by trying to get rid of all the cards by choosing poker hands wisely. Nilalaro ang sungka sa sungkaan gamit ng mga maliliit na kabibi kung saan sinusubukan ng mga manlalaro na kunin ang lahat ng mga kabibi. Natitiyak ang nagwagi ayon sa kung sino ang may pinakamaraming kabibi sa isang punto kung kailan mawalan ng laman ang lahat ng mga maliliit na butas.[38] Nakapagbuo ang mga Pilipino ng mga laruan gamit ng mga insekto tulad ng pagtatali ng salagubang sa panali, at pinapaikot ito para tumunog nang kawili-wili. Ang "Salagubang gong" ay isang laruan na inilarawan ni Charles Brtjes, isang Amerikanong entomolohista, na naglakbay papunta sa Negros at nakapagtuklas ng laruan gamit ng mga salagubang para makagawa ng paulit-ulit na epektong mala-gong sa lata ng kerosin habang umiikot ang salagubang sa aparato.[39] Piko ang bersyong Pilipino ng larong hopscotch. Magguguhit ang mga bata ng sekwensya ng mga parihaba sa sahig gamit ang tisa. Sa iba't ibang kahadlangan sa bawat parihaba, nakikipagkumpitensya ang mga bata laban sa isa't isa o bilang isang koponan. Gumagamit ang mga manlalaro ng pamato; kadalasang isang malapad na bato, tsinelas, o anumang bagay na madaling ihagis.

Flores de Mayo
Ang pista ng MassKara ng Bacolod.
Ipinapagdiriwang ang pista ng Sinulog bilang paggunita ng Santo Niño
Ang pista ng Pahiyas sa Lucban Quezon

Nagmula ang mga pagdiriwang sa Pilipinas, kilala bilang mga pista sa Pilipinas mula sa kapanahunang kolonyal ng Espanya noong ipinakilala ng mga Kastila ang Kristiyanismo sa bansa. Mayroong nakatalagang patrong santo ang karamihan ng mga Pilipinong bayan at lungsod. Panrelihiyon o pangkultura ang mga pista sa Pilipinas. Ginaganap ang mga pistang ito upang parangalan ang patrong santo o parangalan ang kasaysayan at kultura tulad ng pagtaguyod ng lokal na produkto at pagdaraos ng saganang ani. Maaaring pag-uriin ang mga pista bilang mga Misa, prusisyon, parada, dulaan, seremonyang panrelihiyon o pangkultural, pakikipagkalakalan, eksibit, konsiyerto, paringal at iba't ibang laro at paligsahan.

Buwan Pagdiriwang Pook
Enero Ati-Atihan Kalibo, Aklan
Sinulog Cebu
Dinagyang Iloilo
Dinagsa Cadiz, Negros Occidental
Coconut San Pablo, Laguna
Hinugyaw Koronadal, Timog Cotabato
Pebrero Panagbenga Baguio
Kaamulan Bukidnon
Paraw Regatta Iloilo at Guimaras
Pamulinawen Ilocos
Marso Pintados de Passi Passi, Iloilo
Araw ng Dabaw Davao
Kariton Licab, Nueva Ecija
Kaamulan Bukidnon
Abril Moriones Marinduque
Sinuam San Jose, Batangas
Pana-ad Negros Occidental
Aliwan Pasay
Mayo Magayon Albay
Pahiyas Lucban, Quezon
Sanduguan Calapan, Oriental Mindoro
Sumakah Lungsod ng Antipolo, Rizal
Butwaan Butuan
Hunyo Baragatan Palawan
Sangyaw Tacloban
Pista Y Ang Kagueban Puerto Princesa, Palawan
Hulyo T'nalak Koronadal, South Cotabato
August Kadayawan Davao
Higalaay Cagayan de Oro
Pavvu-rulun Tuguegarao
Sabutan Festival Baler, Aurora
Setyembre Peñafrancia Lungsod ng Naga
Sandurot Dumaguete
Padul-ong Borongan, Silangang Samar
Bonok-Bonok Lungsod ng Surigao
Banigan Basey, Samar
Diyandi Lungsod ng Iligan
Oktubre Fiesta Pilar Lungsod ng Zamboanga
Masskara Bacolod
Buglasan Negros Oriental
Pangisdaan Lungsod ng Navotas
Nobyembre Itik Victoria, Laguna
Disyembre Paru-Paru Dasmariñas, Cavite
Ibinebenta ang mga parol sa panahon ng Pasko
Pag-oobserba ng Biyernes Santo sa Pampanga

Pistang karaniwan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Petsa (Kalendaryong Gregoryano) Araw
Enero 1 Araw ng Bagong Taon
Marso–Abril Mahal na Araw kabilang ang Biyernes Santo at Huwebes Santo
Abril 9 Araw ng Kagitingan
Mayo 1 Araw ng Manggagawa
Hunyo 12 Araw ng Kalayaan
Agosto 29 Araw ng mga Bayani
Nobyembre 30 Araw ni Bonifacio
Disyembre 24 Bisperas ng Pasko
Disyembre 25 Araw ng Pasko
Disyembre 30 Araw ni Rizal

Pistang espesyal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Petsa (Kalendaryong Gregoryano) Araw
Enero–Pebrero Bagong Taong Pang Tsino
Pebrero 25 Anibersaryo ng Rebolusyon ng Lakas ng mga Tao
Agosto 21 Araw ni Ninoy Aquino
Nobyembre 1 Araw ng mga Santo
Nobyembre 2 Araw ng mga Kaluluwa
Disyembre 31 Bisperas ng Bagong Taon
  1. 1.0 1.1 "Tungkol sa pakikisama, at utang na loob". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New Day Publishers). 1970.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Main Building". UST.edu.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-12-28. Nakuha noong 2009-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "17th Congress – Senate Bill No. 1528 – Senate of the Philippines". Senate.gov.ph. Nakuha noong 2018-04-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "House of Representatives". www.congress.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Abril 2018. Nakuha noong 6 Abril 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 https://asiasociety.org/education/religion-philippines
  6. 6.0 6.1 6.2 https://elibrary.ru/item.asp?id=5274644
  7. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-05-11. Nakuha noong 2019-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Atlas Filipinas – kwf.gov.ph". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-01-02. Nakuha noong 2019-09-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "INDIANIZED KINGDOMS – Understanding Philippine Mythology (Part 2 of 3)".
  10. "ANIMISM – Understanding Philippine Mythology (Part 1 of 3)".
  11. "FOREIGN INFLUENCE – Understanding Philippine Mythology (Part 3 of 3)".
  12. 12.0 12.1 https://www.asj.upd.edu.ph/mediabox/archive/ASJ-09-02-1971/hislop-anitism-survey-religious%20beliefs-native-philippines.pdf
  13. Sizoo, Edith (29 Abril 2019). Responsibility and Cultures of the World: Dialogue Around a Collective Challenge. Peter Lang. p. 167. ISBN 978-90-5201-670-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Download Karl Gaverza's Incredible Philippine Mythology Thesis".
  15. Almocera, Reuel (1 Mayo 1990). Christianity encounters Filipino spirited-world beliefs: a case study (Thesis). South East Asia Graduate School of Theology, Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Marso 2019. Nakuha noong 21 Setyembre 2019 – sa pamamagitan ni/ng dspace.aiias.edu.{{cite thesis}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "LAKAPATI: The "Transgender" Tagalog Deity? Not so fast…".
  17. "The Moon God Libulan/ Bulan : Patron deity of homosexuals?". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-03-24. Nakuha noong 2019-09-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Collins, Nick (21 Set 2009). "School of witchcraft opens in Taiwan". Telegraph.co.uk.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Carolyn Brewer (2004). Shamanism, Catholicism, and gender relations in colonial Philippines, 1521–1685. Ashgate Publishing. p. xvii. ISBN 978-0-7546-3437-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "'Circumcision season': Philippine rite puts boys under pressure". Channel News Asia. Agence France-Presse. 19 Hunyo 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Hunyo 2019. Nakuha noong 20 Hunyo 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Islas de los Pintados: The Visayan Islands". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Francisco Alzina (1668). Historias de las Islas el Indios de Bisaias. The Bisayans are called Pintados because they are in fact so, not by nature although they are well-built, well-featured and white, but by painting their entire bodies from head to foot as soon as they are young men with strength and courage enough to endure the torture of painting. In the old days, they painted themselves when they had performed some brave deed. They paint themselves by first drawing blood with pricks from a very sharp point, following the design and lines previously marked by the craftsmen in the art, and then over the fresh blood applying an indelible black powder. They do not paint the whole body at one time, but part by part, so that the painting takes many days to complete. In the former times they had to perform a new feat of bravery for each of the parts that were to be painted. The paintings are very elegant, and well proportioned to the members and parts where they are located. I used to say there, captivated and astonished by the appearance of one of these, that if they brought it to Europe a great deal of money could be made by displaying it. Children are not painted. The women paint the whole of one hand and a part of the other.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Hot Spots Filipino Cultural Dance - Singkil". www.sinfonia.or.jp.
  24. "Guide to Philippine Cultural and Folk Dances". philippinesculturalfolkdances.blogspot.com.
  25. "Ibong Adarna in the year 2014". philstar.com.
  26. "Philippine Heroes – Francisco Baltazar Balagtas y Dela Cruz (1788–1862)". Etravel Pilipinas. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Marso 2014. Nakuha noong 11 Marso 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Orejas, Tonette. "Protect all PH writing systems, heritage advocates urge Congress". newsinfo.inquirer.net.
  28. "Is the Curtain Finally Falling on the Philippine Kovie Industry?". philnews.com. Nakuha noong Enero 25, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. 29.0 29.1 "Aenet: Philippine Film History". aenet.org. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 16, 2018. Nakuha noong Enero 22, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. 30.0 30.1 Grafilo, John (Mayo 6, 2008). "Cannes entry puts spotlight on Philippine indie films". Top News Light Reading. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 24, 2011. Nakuha noong Mayo 5, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. 31.0 31.1 Conde, Carlos H (Pebrero 11, 2007). "A bleak storyline for the Filipino film industry". International Herald Tribune.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Alejandro, Reynaldo (1985). The Philippine cookbook. New York, New York: Penguin. pp. 12–14. ISBN 978-0-399-51144-8. Nakuha noong 30 Hunyo 2011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    Civitello, Linda (2011). Cuisine and Culture: A History of cavalo and People. John Wiley and Sons. p. 263. ISBN 978-1-118-09875-2. Nakuha noong 30 Hunyo 2011. Just as Filipino people are part Malay, Chinese and Spanish, so is the cuisine of their seven-thousand-island nation{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    Philippines Country Study Guide. Int'l Business Publications. 2007. p. 111. ISBN 978-1-4330-3970-6. Nakuha noong 30 Hunyo 2011. Throughout the centuries, the islands have incorporated the cuisine of the early Malay settlers, Arab and Chinese traders, and Spanish and American colonizers along with other Oriental and Occidental accent and flavors.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    "Philippine Cuisine." Naka-arkibo 2011-06-16 sa Wayback Machine. Balitapinoy.net Naka-arkibo 2011-07-23 sa Wayback Machine.. Accessed July 2011.
    Morgolis, Jason (6 Pebrero 2014). "Why is it so hard to find a good Filipino restaurant?". Public Radio International. Nakuha noong 17 Disyembre 2014. Philippine food has Chinese, Malaysian, Spanish and American influences — all cultures that have shaped the Philippines.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "The Jollibee Phenomenon". Jollibee Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 23, 2007. Nakuha noong Enero 9, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Conde, Carlos H. (Mayo 31, 2005). "Jollibee stings McDonald's in Philippines". The New York Times. Nakuha noong Enero 5, 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Saving Philippine education". mb.com.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 10, 2009. Nakuha noong Agosto 19, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Differences in Culture in South East Asia". aroundtheworldinaday.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hulyo 2014. Nakuha noong 15 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Republic Act No. 9850 : AN ACT DECLARING ARNIS AS THE NATIONAL MARTIAL ART AND SPORT OF THE PHILIPPINES". Lawphil.net. Disyembre 11, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Mancala Games /Sungka". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-04-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Brtjes, Charles. "THE SALAGUBONG GONG, A FILIPINO INSECT TOY" (PDF). Harvard University. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-07-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)