Kabite
Kabite | |||
---|---|---|---|
Lalawigan ng Kabite | |||
| |||
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Kabite | |||
Mga koordinado: 14°16'N, 120°52'E | |||
Bansa | Pilipinas | ||
Rehiyon | Calabarzon | ||
Kabisera | Imus | ||
Pagkakatatag | 1614 | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Sangguniang Panlalawigan | ||
• Gobernador | Juanito Victor C. Remulla | ||
• Manghalalal | 2,302,353 na botante (2022) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 1,574.17 km2 (607.79 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (senso ng 2020) | |||
• Kabuuan | 4,344,829 | ||
• Kapal | 2,800/km2 (7,100/milya kuwadrado) | ||
• Kabahayan | 1,096,120 | ||
Ekonomiya | |||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lalawigan | ||
• Antas ng kahirapan | 7.10% (2021)[2] | ||
• Kita | (2020) | ||
• Aset | (2020) | ||
• Pananagutan | (2020) | ||
• Paggasta | (2020) | ||
Pagkakahating administratibo | |||
• Mataas na urbanisadong lungsod | 0 | ||
• Lungsod | 4 | ||
• Bayan | 19 | ||
• Barangay | 830 | ||
• Mga distrito | 7 | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
PSGC | 042100000 | ||
Kodigong pantawag | 46 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | PH-CAV | ||
Klima | tropikal na monsoon na klima | ||
Mga wika | Cavite Tagalog wikang Tagalog Wikang Chavacano | ||
Websayt | http://www.cavite.gov.ph/ |
- Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Cavite.
Ang Kabite o Cavite (Kastila at Ingles: Cavite) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa katimugang baybayin ng Look ng Maynila sa rehiyon ng CALABARZON ng Luzon, 30 kilometro sa timog ng Maynila. Imus at Trece Martires ang kabisera nito at ang nanatiling sentro ng pamahalaang panlalawigan kung saan matatagpuan ang kapitolyo. Pinalilubutan ang Kabite ng mga lalawigan ng Laguna sa silangan at Batangas sa timog. Sa kanluran matatagpuan ang Dagat Timog Tsina.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagmula ang pangalang "Cavite" sa kinastilang salitang tagalog na kawit na pinaikling kalawit, bilang pantukoy sa kalupaan sa tangway ng Kabite na nakausli sa pook ng Maynila.[3] Orihinal na ginamit lang ito sa tangway (Cavite La Punta, ngayon ay Lungsod ng Cavite) at sa mga kalapit na pook (Cavite Viejo, ngayon ay Kawit). Dating kabisera ng lalawigan ang Lungsod ng Cavite hanggang 1954, at gaya ng iba pang mga lalawigan sa Pilipinas na binuo noong panahon ng mga Kastila, ang pangalan ng kabisera ay pangalan na rin ng buong lalawigan.
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Populasyon. Ang lalawigan ng Kabite ay may kabuuang populasyon na 3,090,691 base sa 2010 senso.
Wika. Ang mga pangunahing lenguaheng sinasalita ay ang Tagalog, Chabacano at Ingles
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Kabite ay isa sa mga lalawigan mabilis ang pag-angat ng ekonomiya sa Pilipinas dahil sa kalapitan nito sa Metro Manila. Maraming kompanya katulad ng Intel, ay nagtaguyod ng planta sa mga maraming industrial parks.
Anim na SM Malls at apat na Robinsons malls ang matatagpuan sa lalawigan ng Kabite. Ito ay ang SM City Dasmarinas, SM City Bacoor, SM City Molino (matatagpuan din sa Bacoor), SM City Rosario, SM City Trece Martires, SM Center Imus, Robinsons Place Imus, Robinsons Place Dasmariñas, Robinsons Place Tagaytay at Robinson's Place General Trias.
Ang dating pagsasaka ay nalahukan na ng mga industriya at mga kompanya na gumagawa ng ibat ibang produkto na gamit di lang sa bansa kundi para pangangailangan ng teknolohiya sa ibang panig ng daigdig. Ang CEPZA (Cavite Export Processing Zone) ay isa na dito. Gayon pa man, ang kaitaasang bahagi ng Kabite o upland towns ay nanatiling may taniman ng mga kape, paminta at iba ibang bungang kahoy na nakararating sa pamilihan sa kalakhang Maynila at karatig lalawigan, kaya naman patuloy na magiging kasiyahan ng mga dumadaang mga lokal at dayuhang mga turista ang mga prutas tulad ng pinya, papaya, guyabano, niyog at iba pa sa tuwing sila ay napapagawi sa masaganang lalawigang ito habang dumadaan sa Lungsod ng Tagaytay at patungo sa mga baybay dagat ng karatig lalawigan ng Batangas.
Tradisyon, Paniniwala at Debosyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lalawigan ng Cavite ay isa sa may pinaka mayaman na tradisyon sa ating bansa. Maraming kapistahan ang ipinagdiriwang sa bawAt lalawigan ng Cavite ang isat barrio at bayan nito. Ilan din dito ay ang kapistahan ni San Agustin sa Tanza, Sto Nino sa Ternate, Sta Maria Magdalena ng Kawit, Sto Rosario de Caracol ng Salinas, Birhen ng Candelaria sa Silang at ang Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga na tinatawag din na Reina de Cavite at "La Excelsa y La Celestial Guardiana y Protectora dela Provincia de Cavite".Pinaniniwalaan na ang imaheng ito ay mapaghimala kung kaya't tinawag itong " Birheng may libong Milagro". And debosyon sa Virgen ng Soledad ang pinakamalaking ambag ng mga Kabitenyo sa kasaysayan ng debosyon kay Maria at sa Simbahang Katolika sa Pilipinas. Ayon kay Propesor Genoveva Edroza, ang kapistahan ng San Diego sa Noli Me Tangere ay ibinase sa kapistahan ng Virgen ng Soledad ng Porta Vaga.Noong 17 Nobyembre 1978 iginawad ng Roma ang Koronasyong Kanonikal sa imahen. Ang kanyang kapistahan ay ipinagdididwang tuwing ikalawa at ikatlong linggo ng Nobyembre. Ang imahen ay matatagpuan sa Parokya ng San Roque, Lungsod ng Cavite.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nahahati ang lalawigan ng Kabite sa 16 mga bayan at 7 lungsod:
Lungsod | Uri | Distrito | Bilang ng Barangay |
Populasyon (2010) |
Sukat (km²) |
Densidad (bawat km²) |
Alkalde |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Bacoor | Nakapaloob na Lungsod | ||||||
Lungsod ng Cavite | Nakapaloob na Lungsod | ||||||
Dasmariñas | Nakapaloob na Lungsod | ||||||
General Trias | Nakapaloob na Lungsod | ||||||
Imus | Nakapaloob na Lungsod | ||||||
Tagaytay | Nakapaloob na Lungsod | ||||||
Trece Martires | Nakapaloob na Lungsod |
Bayan | Distrito | Bilang ng Barangay |
Populasyon (2010) |
Sukat (km²) |
Densidad (bawat km²) |
Alkalde |
---|---|---|---|---|---|---|
Alfonso | ||||||
Amadeo | ||||||
Carmona | ||||||
General Emilio Aguinaldo | ||||||
General Mariano Alvarez | ||||||
Indang | ||||||
Kawit | ||||||
Magallanes | ||||||
Maragondon | ||||||
Mendez | ||||||
Naic | ||||||
Noveleta | ||||||
Rosario | ||||||
Silang | ||||||
Tanza | ||||||
Ternate |
Pisikal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lupa. Ang Kabite ang pinakamaliit na lalawigan sa rehiyon ng CALABARZON, na may sukat na 1,297.6 km². Ito ay nasa katimugang bahagi ng Look ng Maynila, at kabilang din dito ang iba pang isla tulad ng Corregidor. Ang ibang isla na kabilang sa lalawigan ay ang Isla ng Caballo, Isla ng Carabao, at ang Isla ng El Praile.
Ang kalakhan ng lalawigan ay patag at tumataas lamang patunong katimugan patunong Tagaytay, kung saan ay matatanaw ang Lawa ng Taal sa Batangas. Sa Lungsod ng Tagaytay makikita ang pinakamagandang tanaw ng Bulkan Taal. Ang Lungsod ng Tagaytay ay ang pinakamataas na bahagi ng lalawigan.
Nahahati ang lalawigan ng limang pangunahing ilog: Ang Maragondon, Labac, Cañas, Ilang-Ilang at ang ilog ng Imus, lahat ay patungo sa Lawa ng Bay.
Klima. Ang Kabite ay may dalawang uri ng Klima, ang panahon ng Tag-tuyot, na nagsisimula sa Nobyembre at natatapos sa Abril, at ang panahon ng Tag-ulan, na nagsisimula sa Mayo at natatapos ng Oktubre. Ang pinakamalamig na buwan ay sa pagitan ng Enero at Pebrero at pinakamainit naman sa buwan ng Abril at Mayo.
Pamahalaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Gobernador ng Kabite
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mariano Trias simula noong 15 Hulyo 1898
- Emilio Riego De Dios simula noong 10 Agosto 1898
- Ladislao Diwa simula noong 7 Oktubre 1898
- Mariano Trias 1901 - 1905
- Louis J. Van Schaick 1905 - 1907
- Leonardo R. Osorio 1908 - 1909
- Tomas Domingo 1910 - 1912
- Antero S. Soriano 1912 - 1919
- Luis O. Ferrer Sr. 1919 - 1921
- Raymundo C. Jeciel 1922 - 1925
- Fabian Pugeda 1925 - 1931
- Pedro F. Espiritu 1931 - 1934
- Ramon Samonte 1935 - 1940
- Emilio F. Virata Humaliling Gubernador
- Luis Y. Ferrer Jr. 1940 - 1944
- Mariano N. Castañeda 1944
- Dominador M. Camerino 1944 - 1945
- Mariano N. Castañeda Humaliling Gubernador
- Rafael F. Trias 1945
- Francisco T. Arca 1945
- Dominador M. Camerino 1946 - 1954
- Mariano B. Villanueva Humaliling Gubernador
- Horacio Rodriguez Humaliling Gubernador
- Dominador Mangubat Humaliling Gubernador
- Delfin N. Montano 1956 - 1971
- Lino D. Bocalan 1972
- Dominador M. Camerino Humaliling Gubernador
- Juanito R. Remulla Itinalaga Set. 24, 1979
- Juanito R. Remulla 01-30-1980 hanggang 02-19-1986
- Fernando C. Campos 1986 - 1987
- Juanito R. Remulla 1987 - 1992
- Juanito R. Remulla 1992 - 1995
- Epimaco A. Velasco 1995 hanggang 01-1998
- Ramon "Bong" Revilla Jr. Itinalaga 02-1998 hanggang 06-30-1998
- Ramon "Bong" Revilla Jr. 1998-2001
- Erineo S. Maliksi 2001-2010
- Juanito Victor C. Remulla, Jr. 2010 - 2016
- Jesus Crispin C. Remulla - 2016 - 2019
- Juanito Victor C. Remulla Jr. - 2019 - kasalukuyan
Mga Pamantasan at Dalubhasaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Adventist International Institute of Advanced Studies - Silang, Cavite
- Adventist University of the Philippines - Silang, Cavite
- Polytechnic University of the Philippines -Maragondon, Cavite
- Cavite State University - ang kanyang punong campus ay nasa Indang at may mga iba pang campus sa Rosario, Imus, Carmona, Naic, Bacoor, Tanza, Lungsod ng Trece Martires, Silang at Lungsod ng Cavite.
- De La Salle University Dasmariñas - Dasmariñas, Cavite
- Imus Computer College (ICC) - ang kanyang punong campus ay nasa Imus at may mga iba pang campus sa Rosario, Gen. Mariano Alvarez, Cavite, Dasmariñas, Cavite, Bacoor, Carmona, at Silang.
- University of Perpetual Help - Dalta System - Bacoor, Gen. Mariano Alvarez, Cavite
- Philippine Christian University - Dasmariñas, Cavite
- EARIST Cavite Campus - Gen. Mariano Alvarez, Cavite
- Emilio Aguinaldo College - Dasmariñas, Cavite
- Technological University of the Philippines - Dasmariñas, Cavite
- Olivares College - Lungsod ng Tagaytay
- San Sebastian College - Recoletos de Cavite - Lungsod ng Cavite
- Saint Dominic College of Arts and Sciences - Bacoor, Cavite
- Saint Francis of Assisi College - Bacoor, Cavite
- Saint Joseph College - Lungsod ng Cavite
- Saint Joseph College - Amaya, Tanza, Cavite
- Imus Institute - Imus, Cavite
- Philippine Cambridge School - Dasmariñas, Cavite
- Far Eastern University - Silang, Cavite
- Woodridge College - Bacoor, Cavite
- Lyceum of the Philippines University-Cavite - General Trias, Cavite
- National College of Science and Technology - Dasmariñas, Cavite
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
"Province: Cavite". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Official Website of the Provincial Government of Cavite - Cavite City". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-01. Nakuha noong 2012-07-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na Websayt ng Lalawigan ng Cavite Naka-arkibo 2016-11-05 sa Wayback Machine.
Corregidor | Bataan Corregidor Look ng Maynila |
Kalakhang Maynila |
| ||||
Dagat Timog Tsina | Laguna | ||||||
Kabite | |||||||
Batangas Lawa ng Taal |