Pumunta sa nilalaman

Tulay ng Ayala

Mga koordinado: 14°35′28″N 120°59′56″E / 14.591°N 120.999°E / 14.591; 120.999
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ayala Bridge)
Tulay ng Ayala

Nagdadala ng Trapikong pansasakyan at mga pedestriyan
Tumatawid sa Ilog Pasig
Pook Maynila
Materyales Bakal
Kabuuang haba 139 metro
Lapad 25 metro
Simulang petsa ng pagtatayo 1872
Mga koordinado 14°35′28″N 120°59′56″E / 14.591°N 120.999°E / 14.591; 120.999

Ang Tulay ng Ayala (Ingles: Ayala Bridge) ay isang bakal na sepong tulay (truss bridge) sa ibabaw ng Ilog Pasig sa Maynila, Pilipinas. Kinokonekta nito ang mga distrito ng Ermita at San Miguel, at dumaraan sa kanlurang dulo ng Isla de Convalecencia. Dinadala nito ang Daang Palibot Blg. 1 (C-1) at ang Pambansang Ruta Blg. 180 (N180) na iniuugnay ang Bulebar Ayala ng Ermita sa Kalye Pascual Casal ng San Miguel.

Pagsasaayos ng tulay noong 2015.

Unang itinayo ang Tulay ng Ayala bilang isang estrukturang yari sa kahoy noong 1872, ni Don Jacobo Zóbel y Zangroniz ng Casa Róxas (ang kasalukuyang Ayala Corporation). Noong 1908 pinalitan, ang materyal na ito ng bakal, at naging unang debakal na tulay ng Pilipinas ang Tulay ng Ayala. Ang kasalukuyang anyo nito ay iniukol sa isang muling pagtatayo noong dekada-1930.

Isinara sa publiko ang tulay noong unang bahagi ng 2015 para isailalim ito sa pagpapabuti at pagkukumpuni upang matiyak ang katatagan nito. Ini-angat ito nang 70 sentimetro upang makayanan nito ang lindol na may magnitud na 7.2. Binuksan muli ang tulay noong Nobyembre 2015.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Salazar, Cherry (26 Abril 2015). "New technology lifts Ayala Bridge". The Philippine Star. Nakuha noong 11 Hulyo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)