Pumunta sa nilalaman

Daang Batasan–San Mateo

Mga koordinado: 14°41′8″N 121°6′9″E / 14.68556°N 121.10250°E / 14.68556; 121.10250
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Batasan–San Mateo Road)
Daang Batasan–San Mateo
Batasan–San Mateo Road
Constitutional Road
Impormasyon sa ruta
Haba4.0 km (2.5 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa timog-silanganAbenida Heneral Antonio Luna sa San Mateo, Rizal
 Filinvest 2 Road
Dulo sa hilaga-kanluranDaang Batasan sa Lungsod Quezon
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodLungsod Quezon
Mga bayanSan Mateo
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Daang Batasan–San Mateo (Ingles: Batasan–San Mateo Road), na dating tinawag na Daang Konstitusyonal (Constitutional Road), ay isang lansangang apat ang mga linya na matatagpuan sa mga lungsod ng Lungsod Quezon at San Mateo, Rizal sa Pilipinas. Nagsisimula ito sa sangandaan nito sa Daang Batasan sa Batasan Hills sa kanluran katabi ng Batasang Pambansa na siyang tahanan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas. Pagkaraan, dadaan ito pasilangan sa mga pook ng Subdibisyon ng Sunnyside Heights (kung saan tutumbukin nito ang Daang Filinvest 2) at Subdibisyon ng Filinvest II na kinabibilangan din ng Northview I at II. Tatawid ito sa Tulay ng Batasan-San Mateo sa ibabaw ng Ilog Marikina, at pagkatapos ay dadaan ito sa Felicidad Village sa San Mateo, Rizal. Tatapos ito sa sangandaan nito sa Abenida Heneral Luna na siyang pangunahing lansangan ng bayan ng San Mateo.

14°41′8″N 121°6′9″E / 14.68556°N 121.10250°E / 14.68556; 121.10250