Pumunta sa nilalaman

Daang Palibot Blg. 2

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lansangang N140 (Pilipinas))
Daang Palibot Blg. 2
C-2
Mula itaas, kaliwa-pakanan: Kalye Tayuman; Abenida Lacson; Panulukan ng Abenida Quirino at Kalye Jesus sa Pandacan; Abenida Quirino sa Malate.
Hilagang dulo: Daang Marcos sa Tondo
Katimugang dulo: Bulebar Roxas sa Malate

Ang Daang Palibot Blg. 2 (Ingles: Circumferential Road 2, na itinakda bilang C-2) ay isang pinag-ugnay na mga daan na bumubuo sa ikalawang daang palibot ng Sistemang Daang Arteryal ng Kamaynilaan. Isa ito sa dalawang daang palibot na matatagpuan sa loob ng nasasakupan ng Lungsod ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Dumadaan ito sa mga distrito ng Tondo, Sampaloc, San Miguel/Santa MesaPaco, Ermita, at Malate.

Binubuo ito ng Kalye Capulong, Kalye Tayuman, Abenida Lacson, at Abenida Quirino.

Unang binuo ang pagpapasibol ng pangunahing sistemang pandaan sa Kamaynilaan sa Metropolitan Thoroughfare Plan ng 1945, na nagsabing lalawak nang husto ang kalakhang lungsod hanggang sa mga baybaying-lawa ng Laguna de Bay sa dekada-1940. Ipinanukala ng plano ang paglalatag ng anim na mga daang palibot (circumferential roads) at sampung daang radyal ('radial roads).[1]

Dahil umiiral na ang mga daan, ang ideya para sa ikalawang daang palibot (C-2) ay iugnay na lamang ang maigsing mga bahagi. Ang mga iuugnay ay Calle Capulong, Calle Tayuman, Calle Governor Forbes, Calle Nagtahan sa hilaga ng Ilog Pasig, at Calle Canonigo sa katimugang pampang ng nasabing ilog. Pina-ugnay ng Tulay ng Nagtahan — ang pinakamalapad na tulay na tumatawid sa nasabing ilog nang natapos ito noong 1963 hanggang sa itinayo ang Tulay ng Guadalupe noong dekada-1970 — ang dalawang mga bahaging ito.

Karugtong ng Abenida Quirino, ang dating Calle Canonigo

Ang mas-matandang mga daan ay buhat pa noong unang bahagi ng ika-19 na dantaon sa ilalim ng pamumuno ng mga Kastila sa Pilipinas. Ang pinakaunang bahagi, Calle Canonigo (kasalukuyang Karugtong ng Abenida Quirino) ay itinayo upang iugnay ang Plaza Dilao / estasyong daangbakal ng Paco sa Calle Isaac Peral (kasalukuyang Abenida ng United Nations).[2] Ang daang kahanay sa Canonigo na patungong Ilog Pasig ay isang makipot na karsadang tinawag na Calle Luengo sa Pandacan.[3]

Isang mapa ng Maynila na gawa ng YMCA noong 1934 ay nagpapakita ng Calle Tayuman na nagsisimula sa Calle Sande (kasalukuyang Kalye Nicolas Zamora) / Kalye Juan Luna at nagtatapos malapit sa Hipodromo ng San Lazaro. Nag-uugnay naman ito sa Calle Governor Forbes (kasalukuyang Abenida Lacson) na umabot hanggang Calle Lealtad (kasalukuyang Kalye J. Fajardo). Nag-uugnay ang Calle Nagtahan sa Rotonda ng Santa Mesa hanggang sa Ilog Pasig. Sa dakong timog ng ilog, tanging Calle Canonigo lamang ang umiiral. Noong panahong Komonwelt, itinayo ang Harrison Boulevard (kasalukuyang Abenida Quirino) upang iugnay ang Calle Herrán (kasalukuyang Kalye Pedro Gil) sa Dewey Boulevard (kasalukuyang Bulebar Roxas). Di nagtagal, idinugtong ang Calle Luengo sa Calle Herrán.

Sistema ng lansangang bayan ng Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2014, itinalaga ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ang kabuoang daang palibot bilang Pambansang Ruta Blg. 140 (N140) alinsunod sa bagong-lunsad na sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.

Mga bahagi ng Daang Palibot Blg. 2

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kalye Capulong (Capulong Street)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ay kilala rin bilang C-2 Road. Nagsisimula ito sa Daang Marcos at nagtatapos sa Kalye Juan Luna. Isa itong pangunahing lansangan ng distrito ng Tondo ng Maynila. Paglampas ng Juan Luna, tutuloy ito bilang Kalye Tayuman.

Kalye Tayuman (Tayuman Street)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Kalye Tayuman ay isang pangunahing daanan ng mga distrito ng Tondo at Santa Cruz. Mayroon itong apat na linya na nagsisimula sa Kalye Juan Luna at nagtatapos sa sangandaan ng Abenida Lacson at Kalye Consuelo.

Abenida Lacson (Lacson Avenue)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ay nagsisimula sa sangandaan ng Kalye Tayuman/Consuelo at nagtatapos sa Tulay ng Mabini.

Abenida Quirino (Quirino Avenue)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ay ang pangunahing bahagi ng C-2 na nag-uugnay ng Abenida Lacson (sa pamamagitan ng Tulay ng Mabini) sa Bulebar Roxas.[4] Dumadaan ito sa mga distrito ng Paco, Pandacan, at Malate ng Maynila.[5][6][7] Ang dating Bulebar Nagtahan ay isa nang bahagi ng Abenida Quirino.

  1. "PH, JICA prepares new Metro Manila road network development plan" (PDF). Wallace Business Forum - Philippine Analyst. Hulyo 2013. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Hulyo 26, 2019. Nakuha noong Hulyo 26, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. History of San Fernando de Dilao Naka-arkibo 2013-07-24 sa Wayback Machine. published by the Roman Catholic Archdiocese of Manila; hinango noong 2013-10-09.
  3. 1945 Map of Central Manila published by BattleofManila.org; hinango noong 2013-10-09.
  4. Citiatlas Metro Manila. Asiatype. 2002. p. 183. ISBN 978-971-91719-5-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Page Nation. "President Elpidio Quirino Avenue". Creative-commons. Nakuha noong 1 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Anonymous. "Beware of Quirino Avenue". Google Blogs. Nakuha noong 1 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Simbianize.com. "Drivers Tell Horror Stories About Quirino Avenue". Anonymous. Anonymous. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Agosto 2016. Nakuha noong 1 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)