Pumunta sa nilalaman

Daang Palibot Blg. 6

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa C-6 Road)
Daang Palibot Blg. 6
Circumferential Road 6
Lansangan ng Lawa ng Laguna, ang tanging bahagi ng C-6 na nakompleto.
Pangunahing daanan
Dulo sa hilagaTulay ng Pinagbuhatan sa Pasig
Dulo sa timogKalye M.L. Quezon sa Taguig
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Daang Palibot Bilang Anim (Ingles: Circumferential Road 6; itinakda bilang: C-6), na kilala rin bilang Southeast Metro Manila Expressway[1] at babansaging C-6 Expressway at Metro Manila Tollway, ay isang ipinaplanong pinag-ugnay na mga daanan at tulay na pag-sinama ay makakabuo ng pang-anim (at pinaka-labas) na daang palibot ng Maynila sa Pilipinas.[2] Ang daang palibot ay mag-ugnay ng Kalakhang Maynila sa mga lalawigan ng Bulakan sa hilaga, Rizal sa silangan, at Kabite sa timog-kanluran. Pagtahak nito, dadaan ito sa mga sumusunod na pamayanan: Rodriguez, San Mateo, Antipolo, at Taytay ng Rizal; Pasig, Taguig, at Muntinlupa ng Kamaynilaan; at Bacoor, Imus, Kawit, at Noveleta ng Kabite.

Sa simula pa lang, nilalayon na maging isang mabilisang daanan ang kabuuan ng C-6 na may haba na 59.5 kilometro (37 milya) at magdurugtong sa mga mabilisang daanan ng North Luzon Expressway sa San Jose del Monte sa hilaga at South Luzon Expressway sa Muntinlupa sa timog.[3] Subalit sa kasalukuyan, tangi ang bahagi ng C-6 na nasa lungsod ng Taguig ay yaong bahaging natapos.

Mayroon isang itinatayong daan na ipinangalang Daang C-6 sa San Mateo, Rizal. Nagsisimula ito sa sangandaan ng Abenida Heneral Antonio Luna at Daang Batasan–San Mateo. Nagsimula ang pagtatayo noong 2017.

Lansangan ng Lawa ng Laguna (Laguna Lake Highway)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang nakompletong bahagi ng C-6 sa Taguig ay ang Lansangan ng Lawa ng Laguna, isang daang may apat na linya at haba na 7 kilometro (4.3 milya). Dumadaan ito mula Kalye M.L. Quezon sa Bicutan hanggang Tulay ng Napindan sa ibabaw ng Ilog Pasig malapit sa hangganan sa pagitan ng Taguig at Taytay. Dati itong tinawag na Taguig Road Dike.

Inaprubanan ang proyektong pandaanan para sa Taguig Road Dike noong 2002 na nilalayong dumaan mula South Luzon Expressway sa Muntinlupa hanggang Rizal sa haba ng 9.8 kilometro (6.1 milya). Nagsisilbi rin itong pangontrol ng pagbaha para sa Taguig.[4] Itinayo ito noong 2009 sa baybayin ng Laguna de Bay.[5] Noong Pebrero 2017, pinalawak sa apat na mga linya ang daan at binigyan ito ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ng bagong pangalan na Laguna Lake Highway.[6]

Ipinaplano na iuugnay ang Lansangan ng Lawa ng Laguna sa ipinapanukalang Laguna Lakeshore Expressway Dike.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cabuenas, Jon Viktor D. (10 Agosto 2017). "DPWH to start building P31.3-B C6 toll way in 2018". GMA News Online. Nakuha noong 10 Agosto 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Metro Manila Infrastructure Development" (PDF). University of the Philippines Diliman. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-08-10. Nakuha noong 12 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Senate Bill No. 3548" (PDF). Senate of the Philippines. Nakuha noong 12 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Dizon, Nikko (6 Marso 2002). "Taguig road dike project approved". Philippine Star. Nakuha noong 12 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Macairan, Evelyn (7 Nobyembre 2009). "C6 Road done by yearend - DPWH". Philippine Star. Nakuha noong 12 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Ignacio, R.J. (7 Pebrero 2017). "Laguna Lake Highway new lanes open Feb 9". The Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Pebrero 2017. Nakuha noong 7 Pebrero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Agcaoili, Lawrence (25 Oktubre 2013). "DPWH sets bidding for P62-B projects". Philippine Star. Nakuha noong 12 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)