Pumunta sa nilalaman

Abenida Arnaiz

Mga koordinado: 14°33′1″N 121°0′28″E / 14.55028°N 121.00778°E / 14.55028; 121.00778
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Abenida Arnaiz
Arnaiz Avenue
Libertad Street
Pasay Road
Abenida Arnaiz pasilangan papuntang Makati mula sa Estasyong Libertad ng LRT sa ibabaw ng Abenida Taft sa Pasay.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH)[1][2]
Haba4.0 km (2.5 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluran N120 / AH26 (Bulebar Roxas) sa Pasay
 
Dulo sa silangan N1 / AH26 (Abenida Epifanio de los Santos) sa Makati
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodPasay at Makati
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida Arnaiz (Ingles: Arnaiz Avenue), na kilala din sa mga dating pangalan nito na Kalye Libertad at Daang Pasay (Libertad Street at Pasay Road sa Ingles), ay isang pangunahing daang kolektor na nag-uugnay ng mga lungsod ng Makati at Pasay sa Pilipinas. Dumadaan ito mula sa kanlurang dulo nito sa Bulebar Roxas sa distrito ng Santa Clara sa Pasay hanggang sa Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) sa San Lorenzo Village sa Makati. Ang kabuuang haba nito ay 4 kilometro (2 milya). Isang maliit na bahagi (1.6 kilometro) ng tagapagpatuloy ng daan sa Dasmariñas Village, Makati ay tinatawag ring Abenida Arnaiz, mula EDSA hanggang Tamarind Road.

Hinahati ng South Luzon Expressway (SLEx; o Lansangang Osmeña) ang Abenida Arnaiz sa dalawang bahagi. Ang bahaging kanluran sa Pasay ay isang ma-trapik at pedestrianisadong daan na dating tinawag na Calle Libertad.[3] Sa bahaging ito makikita ang ilan sa mga mahalagang pook sa Pasay tulad ng Cuneta Astrodome, Cartimar shopping district, at Simbahan ng Santa Clara de Montefalco. Sa silangan ng SLEx, papasok ang abenida sa Makati Central Business District (CBD) kung saan dito magsasama ang trapiko mula sa isang ramp ng Metro Manila Skyway malapit sa sangandaan nito sa Kalye Amorsolo. Ang bahagi ng daan mula SLEx hanggang Abenida Chino Roces ay isang kalyeng pa-kanluran ang walang salubong na trapiko nito. Tutuloy ang daan patungong Legaspi Village at San Lorenzo Village ng Makati CBD. Sa mga nayong ito matatagpuan ang ilang tore pang-opisina at kondominiyum, iilang restorang Hapones, isang gusaling pamilihan ng Waltermart, ang lumang Plaza Fair, Don Bosco, at Sentrong Ayala. Ang bahaging ito ng daan sa Makati ay dating tinawag na Pasay Road. Ang dulo nito sa silangan ay ang sangndaan nito sa EDSA malapit sa otel ng Dusit.[4][5][6]

Abenida Arnaiz sa sangandaan nito sa Paseo de Roxas sa Legazpi Village, Makati

Ipinangalan ang abenida kay Antonio Somoza Arnaiz na isang tagapanguna sa pagpapalipad.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "South Manila". DPWH Road Atlas. Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-02. Nakuha noong 24 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Metro Manila 2nd". DPWH Road Atlas. Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-02. Nakuha noong 24 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Roads and Transport" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-12-22. Nakuha noong 10 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Arnaiz Avenue between Roxas Boulevard and Taft Avenue". Google Maps.
  5. "Arnaiz Avenue between Taft Avenue and Pasay-Makati boundary". Google Maps. Nakuha noong 13 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Arnaiz Avenue between Osmena Highway and EDSA". Google Maps. Nakuha noong 13 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "About Antonio Somoza Arnaiz". Geni.com. Nakuha noong 10 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°33′1″N 121°0′28″E / 14.55028°N 121.00778°E / 14.55028; 121.00778