Pumunta sa nilalaman

Kalye Escolta

Mga koordinado: 14°21′19″N 120°35′03″E / 14.3553°N 120.5843°E / 14.3553; 120.5843
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Calle Escolta)
Kalye Escolta
Escolta Street
Calle de la Escolta
Ang Escolta pakanluran mula sa Plaza Santa Cruz
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluranPlaza Moraga at Kalye Quintin Paredes, Binondo, Maynila
Dulo sa silanganPlaza Santa Cruz, Santa Cruz, Maynila
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Kalye Escolta ay isang maksaysayang silangan-kanlurang kalyeng nasa lumang distrito ng Binondo sa Maynila. Kahilera nito ang Ilog Pasig, mula Plaza Santa Cruz hanggang Plaza Moraga at Kalye Quintin Paredes. Ang kalye ay kinalalagyan ng ilang naggagandahang halimbawa ng mga sinaunang disenyo ng tukudlangit. Kilala ito sa Kastila bilang calle de la Escolta. Ang kahulugan nito bilang isang makasaysayang distritong pampinansiyal ay kinabibilangan ng Kalye Escolta at ibang mga kalapit na kalye sa Binondo at Santa Cruz.

Kalye Escolta noong 1878

Isa sa mga pinakalumang kalye sa Maynila, binuo ang Escolta noong 1594. Ang pangalan nito ay mula sa Kastilang salitang escoltar, nangangahulugang "upang i-abay". [1] Kilala ang Escolta sa dami ng mga imigranteng mangangalaka, karamihan mula sa Fujian, Tsina, na nagsidatingan ipang makipagsaparalan sa Kalakalang Galyon. Nakalinya sa Escolta ang mga tindahan na nagbebenta ng mga iniluwas na produkto mula sa Tsina, Europa, at sa iba pang bahagi ng Amerikang Latino na dumating sa katabing daungan ng San Nicolas. Sa dulo ng ika-19 siglo, umusbong ang Escolta lalo sa pagiging isang maunlad na distritong pangnegosyo na tahanan ng mga pinakamataas na gusali sa lungsod gaya ng Pamilihang Sapi ng Maynila. Ang mga pamilihan ay pinalitan ng mga modernong department store at mayroong dumadaang isang elektronikong linya ng tram na tawag noon ay tranvia. Nagsilbing pangunahing distritong pangkomersiyal ang Escolta hanggang sa pagtamlay nito noong dekada-1960, kung kailang lumipat ang sentro ng negosyo sa Makati.[2]

Ang unang pagsangguni sa "La Escolta", ay napakinggan sa sarsuwelang "El pay-pay de Manila" Al volver de la Escolta Charito tras comprarse un precioso paipay, y una carta encontró de Pepito en su rocabay, ¡Ay, que se le cai! Y en la carta le hablaba de amor ¡Ay Jesús, qué calor, qué calor!

Mga establisimiyentong arkitektural

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Gusaling First United (sa kanan) at Gusaling Regina (sa bandang kaliwa).
Tanghalang Capitol
Isang neo-klasikong sa tapat ng Plaza Goiti (Lacson) sa silangang dulo ng Kalye Escolta. Naging punong-himpilan ito ng Monte de Piedad and Prudential Bank bago ito ibinenta sa Bangko ng Kapuluang Pilipinas.
Isa sa mga natitirang halimbawa ng arkitekturang art deco sa Maynila, ito ang pinakamataas na gusali sa lungsod nang ito ay natapos noong 1928. Idiniseniyo ni Andres Luna de San Pedro, ang dating pangalan nito ay Gusaling Perez Samanillo.
Itinayo noong 1934, itong gusaling may apat na palapag ay idinisenyo ni Andres Luna de San Pedro sa estilong beaux arts.
Isang gusaling may estilong beaux arts na naging tahanan ng Insurance Commission noong 1950s.
Ipinangalanan mula sa pilantropong si William J. Burke, dito matatagpuan ang unang asensor sa Pilipinas.
Isa pang natatanging halimbawa ng estilong beaux arts, itinayo ito noong 1938 ng Edificio Calvo at idinisenyo ni Fernando Ocampo. Noong 1950, ang gusali ang naging tahanan ng unang estasyong radyo ng DZBB-AM (isang pangunahing estasyon ng radyo sa AM ng GMA Network) hanggang 1957 bago lumipat ang estudyo ng DZBB sa GMA Network Center (ang kasalukuyang punong-himpilan ng GMA 7) sa may kanto ng EDSA at Abenida Timog, Diliman, Lungsod Quezon.
Dinisenyo ni Juan Nakpil at itinayo noong 1930s, dalawa ang balkonahe ng tanghalan, na isang natatanging disenyo. May dalawang relief ng mga musa sa harap nito na likha ni Francesco Monti. Sarado na ang tanghalan at ito ngayon ay mayroong mga establisimiyento ng iilang komersiyo at kainan.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. A Walking Tour of Escolta Naka-arkibo 2013-10-05 sa Wayback Machine. inilathala ng Businessweek; accessed Setyembre 8 2013
  2. Binondo Back Story Naka-arkibo 2013-09-07 at Archive.is published by BusinessWorld; accessed 8 September 2013
  3. "Capitol Theater". Cinema Treasures. Nakuha noong 2013-09-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°21′19″N 120°35′03″E / 14.3553°N 120.5843°E / 14.3553; 120.5843