Pumunta sa nilalaman

Daang Samson

Mga koordinado: 14°39′26″N 120°58′38″E / 14.65722°N 120.97722°E / 14.65722; 120.97722
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Samson Road)

Daang Samson
Samson Road
Daang Samson, pasilangan mula sa New Abbey Road malapit sa Pamantasan ng Silangan, Lungsod ng Caloocan.
Impormasyon sa ruta
Haba2.0 km (1.2 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa silanganRotonda ng Monumento sa Grace Park
Dulo sa kanluran N120 / AH26 (Abenida Paterio Aquino) sa Tonsuya
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Daang Samson (Ingles: Samson Road) ay isang pangunahing kalye na dumadaan mula silangan pa-kanluran sa Lungsod ng Kalookan sa hilagang Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ito ang karugtong ng EDSA, at naka-ugnay ito sa nasabing lansangan sa pamamagitan ng Rotonda ng Monumento upang makabuo ng isang deretsong ruta. Kapwa bahagi ng Daang Palibot Blg. 4 (C-4) ng sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan ang EDSA at Daang Samson. May haba na 2.0 kilometro (1.2 milya) ang Daang Samson, na nagsisimula sa Monumento at nagtatapos sa sangandaan nito sa Abenida Paterio Aquino sa Malabon.

Ipinangalan ang kalye mula kay Apolonio Samson, isang tenyente pambaryo ng Katipunan na mula sa Sitio Kangkong, Baryo Balintawak, Kalookan (ngayon ay nasa Lungsod Quezon), na nakipaglaban kasama si Andres Bonifacio noong Himagsikan ng 1896 (1896—1898).[1][2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Talambuhay ni Apolonio Samson". Tagaloglang.com. Nakuha noong 3 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "QC: A Saga of Continuing Progress". Quezon City Public Library. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-24. Nakuha noong 3 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°39′26″N 120°58′38″E / 14.65722°N 120.97722°E / 14.65722; 120.97722