Daang Radyal Blg. 1
Hilagang dulo: Tulay ng Roxas sa Maynila Katimugang dulo: Daang Governor sa Naic, Kabite |
Ang Daang Radyal Bilang Isa (Ingles: Radial Road 1), na mas-kilala bilang R-1, ay isang pinag-ugnay na mga daan at tulay na bumubuo sa pinakaunang daang radyal ng Maynila sa Pilipinas.[1] May haba itong 41.5 kilometro (o 25.8 milya), at kinokonektahan nito ang lungsod ng Maynila sa mga lungsod ng Pasay, Parañaque, at Las Piñas sa Kalakhang Maynila, at Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta, General Trias, Tanza, at Naic lalawigan ng Cavite.
Ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binubuo ng mga sumusunod na bahagi ang Daang Radyal Blg. 1, mula hilaga patimog:
Daang Bonifacio (Bonifacio Drive)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula sa hilagang dulo ng R-1 (sa may Tulay ng Roxas na dating Tulay ng Del Pan) hanggang sa sangandaan nito sa Abenida Padre Burgos sa Maynila, kilala bilang Daang Bonifacio ang R-1. Sineserbisyo nito ang mga distrito ng Intramuros at Port Area at tinutumbukan nito ang Bulebar Roxas sa Liwasang Rizal.
Bulebar Roxas (Roxas Boulevard)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagiging Bulebar Roxas ang R-1 paglampas ng Abenida Padre Burgos. Ang bahaging ito ng R-1 sa Liwasang Rizal ay minarkahang Kilometro Sero (Km 0). Isa itong promenada sa harap ng Look ng Maynila na bumabagtas patungong Ermita, Malate sa lungsod ng Maynila, at sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque. Tatapos ang Bulebar Roxas sa sangandaan nito sa Daang NAIA.
Manila–Cavite Expressway
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagitan ng Daang NAIA at Lansangang Antero Soriano sa Kawit, Cavite, kilala ang R-1 bilang Manila–Cavite Expressway (kilala din bilang Coastal Road o CAVITEx). Ang nabanggit na mabilisang daanan ay nag-uugnay ng Parañaque sa Las Piñas at lumalabas ng Kalakhang Maynila patungong Bacoor at Kawit sa Cavite.
Lansangang Antero Soriano (Antero Soriano Highway)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kilala ang R-1 bilang Lansangang Antero Soriano mula sa dulo ng CAVITEx sa Kawit hanggang sa sangandaan nito sa Governor's Drive sa Naic. Kinokonektahan nito ang mga lungsod at bayan ng Imus, Noveleta, at General Trias ng lalawigan ng Cavite.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Metro Manila Infrastructure Development" (PDF). University of the Philippines Diliman. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-08-10. Nakuha noong 12 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)