Daang NAIA
Daang NAIA NAIA Road | |
---|---|
Daang MIA (MIA Road) | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 2.5 km (1.6 mi) |
Bahagi ng |
|
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | Bulebar Macapagal sa Bay City |
Dulo sa silangan | Terminal 2 ng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Parañaque at Pasay |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Daang NAIA (Ingles: NAIA Road; Ninoy Aquino International Airport Road dating Daang MIA o MIA Road), o Daan ng Paliparang Pandaigdig ng Maynila (Manila International Airport Road), ay isang maiksing lansangang may walo hanggang sampung linya at may pangitnang harangan na nag-uugnay ng Bulebar Roxas at Manila–Cavite Expressway (R-1) sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (o NAIA) sa timog-kanlurang Kalakhang Maynila, Pilipinas. Isa din itong pangunahing daang panlungsod na nag-uugnay ng mga lungsod ng Pasay at Parañaque sa haba ng mga 2.5 kilometro (1.6 milya) mula sa kanlurang dulo nito sa Bulebar Macapagal sa Bay City, Baranggay Tambo, Parañaque, hanggang sa silangang dulo nito sa may pasukan ng NAIA Terminal 2 sa Pasay. Pagdaan, babagtasin nito ang Bulebar Roxas, Abenida Elpidio Quirino, Domestic Road, at Abenida Ninoy Aquino.
Matatagpuan sa sangandaan nito sa Bulebar Macapagal ang Southwest Integrated Terminal na para sa mga bus papuntang Kabite at kanlurang Batangas. Matatagpuan ito sa may Coastal Mall.[1] Dumadaan ang NAIA Expressway sa ibabaw ng bahagi ng daan mula Bulebar Roxas/Manila–Cavite Expressway hanggang Electrical Road sa tabi ng Ilog Parañaque. Ang nasabing mabilisang daanan ay magbibigay ng mas-mainam na daan papunta sa lahat ng apat ng mga terminal ng NAIA, gayundin sa pook-sugalan ng Entertainment City, Parañaque.[2]
Dating tinawag na Daang MIA (MIA Road) ang Daang NAIA, at pinalitan ito ng pangalan noong 1987, kung kailan ang Paliparang Pandaigdig ng Maynila (MIA o Manila International Airport) ay naging Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA o Ninoy Aquino International Airport).
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Cavite, Batangas buses stop at Parañaque terminal starting Aug 6". Rappler. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Agosto 2013. Nakuha noong 19 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "NAIA Expressway project breaks ground". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 29 Oktubre 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)