Pumunta sa nilalaman

Abenida Recto

Mga koordinado: 14°36′17″N 120°58′39″E / 14.60472°N 120.97750°E / 14.60472; 120.97750
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Avenida Claro M. Recto)


Abenida Recto
Recto Avenue
Ang ruta ng Abenida Recto sa Kalakhang Maynila. Nakapula ito sa mapa.
Abenida Recto pakanluran mula sa daang pang-ibabaw ng Abenida Abad Santos.
Impormasyon sa ruta
Haba3.2 km (2.0 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluran N120 (Daang Marcos) sa Tondo
 
Dulo sa silangan N180 (Kalye Legarda) sa San Miguel
Lokasyon
Mga distritoBinondo, Quiapo, Sampaloc, San Nicolas, Santa Cruz, Tondo
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida Claro M. Recto (Ingles: Claro M. Recto Avenue), na mas-kilala bilang Abenida Recto, ay ang pangunahing lansangang pang-komersyo sa gitnang-hilagang Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito sa pitong distrito sa hilaga ng Ilog Pasig sa tinuringang lumang sentro ng Maynila sa nakararami. May haba itong 3.2 kilometro (2.0 milya). Nagsisimula ito sa Daang Marcos (ng Daang Radyal Blg. 10 o R-10) sa hanggannan ng Tondo at San Nicolas sa kanluran (malapit sa Manila North Harbor) at nagtatapos ito sa sangandaan ng Kalye Legarda at Kalye Mendiola sa hangganan ng Quiapo at Sampaloc sa silangan. Dumadaan ito sa pook-pamilihan ng Divisoria sa Binondo at sa katimugang paligid ng University Belt sa Quiapo at Sampaloc.

Dumadaan sa ibabaw ng Abenida Recto ang Linya 2, at matatagpuan rin dito ang Estasyong Recto ng nabanggit na linya. Ang kabuuan ng abenida ay bahagi ng Daang Palibot Blg. 1 (C-1) ng Kamaynilaan.

May maikling karugtong ang Abenida Recto patungong distrito ng San Miguel at nakatarangkahang kompuwesto ng Palasyo ng Malakanyang bilang Kalye Mendiola.

Abenida Recto pasilangan sa distrito ng Sampaloc, sa sangandaan nito sa Kalye Nicanor Reyes.

Itinatag ang Abenida Recto sa iba't-ibang panahon at iba't-ibang bahagi sa panahon ng mga Kastila. Ang pangunahing bahagi ng abenida na papunta sa baybayin ng Look ng Maynila sa San Nicolas at Tondo mula Binondo ay pinangalanang Paseo de Azcárraga, mula kay Marcelo Azcárraga Palmero, punong ministro ng Espanya. Sa Santa Cruz, nahahati sa mga tatlong bahagi ang abenida dahil sa mga tatlong estero (mga sapa)–Calle General Izquierdo, Calle Paz and Calle Bilibid. At sa Sampalok, ang abenida ay pinangalanang Calle Iris na nagtatapos noon sa Calle Alix (Kalye Legarda ngayon).[1] Kalaunan, ang pangalang Paseo de Azcárraga ay itinalaga sa buong kahabaan ng abenida, na minsa'y tinawag ding Paseo de Felipe (mula kay Haring Felipe II ng Espanya). Noong 1961, binigyan ng kasalukuyang pangalan ang abenida, mula kay senador Claro Mayo Recto.[2]

Noong Hulyo 7, 1892, sa isang gusaling may bilang na 72 Calle Azcarraga, sa sangandaan ng Calle Sagunto (Kalye Santo Cristo ngayon) sa Tondo, itinatag ni Andrés Bonifacio ang samahang Katipunan.[3] Noong unang bahagi ng dekada-1900, ang abenida ay isang hilera ng mga teatro at restoran. Kabilang sa mga teatro nito noon ay Teatro Libertad at Teatro Zorilla. Ang mga ito ay naghikayat sa mga maraming tao na makisig sa mananamit na manood ng kanilang mga palabas sarsuwela at opera tuwing linggo.[4]

Transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Abenida Recto ay isang pangunahing lugar ng paghinto sa tatlong mga linya ng Sistemang Panlulan ng Kalakhang Maynila.

Pinaglilingkuran din ang ruta ng ilang mga kompanya ng bus at dyipni.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Did you know? Recto Avenue". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Old Manila streets lose names to politicians". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Hulyo 2010. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The Philippines, the land of palm and pine : an official guide and hand book (1912)". Manila Bureau of Print. Nakuha noong 11 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. The Americanization of Manila, 1898-1921. University of the Philippines Press. Nakuha noong 11 Hulyo 2014.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°36′17″N 120°58′39″E / 14.60472°N 120.97750°E / 14.60472; 120.97750