Pumunta sa nilalaman

Daang Palibot Blg. 4

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Daang Palibot Blg. 4
C-4
Mula itaas, kaliwa-pakanan: Daang C-4 sa Navotas; Abenida Samson; EDSA-Abenida Quezon (Diliman, Lungsod Quezon; EDSA-Kalye Orense (Guadalupe, Makati)
Hilagang dulo: Daang Marcos sa Navotas
Katimugang dulo: Bulebar Macapagal at Rotondang Globo ng SM Mall of Asia sa Pasay

Ang Daang Palibot Blg. 4 (Ingles: Circumferential Road 4), o mas-kilala sa itinakda nitong numero na C-4, ay ang ikaapat na daang palibot sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito sa mga lungsod ng Navotas, Malabon, Kalookan, Lungsod Quezon, Mandaluyong, Makati, at Pasay.

Mga bahagi ng Daang Palibot Blg. 4

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ay ang bahagi ng C-4 mula Daang Marcos (R-10) hanggang Daang Letre.

Ay isang pangunahing daan ng Malabon na may anim na linya. Nagsisimula ito sa isang rotonda sa harap ng Malabon City Hall at nagtatapos sa mga hangganan ng Kalookan. Magiging bahagi ito ng C-4 pagbagtas nito ang Daang C-4. Kilala rin ito sa mga pangalang "Kalye Heneral San Miguel" at "Abenida Rizal".

Paglampas ng mga hangganan ng Kalookan, magiging Daang Samson ang C-4. Isa itong pangunahing daan sa Kalookan na may anim hanggang walong linya. Kilala rin ito sa mga pangalang "Daang Caloocan" at "Abenida Monumento".

Abenida Epifanio de los Santos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Abenida Epifanio de los Santos (o mas-kilala bilang EDSA)[1] ay isang lansangang may sampung linya na gumagamit ng mga palitan (interchange) at paghihiwalay ng mga linya (grade separations). Bumubuo ang EDSA sa malaking bahagi ng C-4. Dumadaan ito sa mga lungsod ng Kalookan, Lungsod Quezon, Mandaluyong, Makati, at Pasay. Ang hilagang dulo nito ay Monumento, isang monumento para kay Andres Bonifacio sa Kalookan, at ang katimugang dulo nito ay sa isang rotonda (roundabout) malapit sa SM Mall of Asia sa Pasay. Itinayo ang lansangan noong panahon ng dating pangulong Manuel Quezon.

Mga sangandaan ng Daang C-4 (Navotas-Kalookan)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sangandaan Lokasyon Karagdagang detalye
Panulukan ng Lansangang F.E. Marcos North Port, Navotas Ay ang hilagang dulo ng Daang C-4. Papuntang Maynila ang nabanggit na lansangan.
Abenida Dagat-Dagatan Malabon Papuntang Daang C-3 ang nasabing abenida.
Krosing ng Linyang Kahel ng PNR Kalookan
Monumento Roundabout Kalookan Ang sangandaan ng Lansangang MacArthur (papuntang Valenzuela, Gitnang Luzon, at Pangasinan/La Union), Abenida Rizal (papuntang Maynila), at EDSA, ang tagapag-patuloy ng C-4.

Para sa talaan ng mga sangandaan ng EDSA, pakitignan ang artikulong Abenida Epifanio de los Santos

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "NCR Profile". Republic of the Philippines:National Nutrition Council. Agosto 17, 2020. Nakuha noong 9 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]