Pumunta sa nilalaman

South Luzon Expressway

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lansangang Osmeña)



South Luzon Expressway
Dating tinawag na South Superhighway
Pres. Sergio Osmeña Sr. Highway[1]
Dr. Jose P. Rizal Highway[2]
Mapa ng mga mabilisang daanan sa Luzon (nakakahel ang South Luzon Expressway)
Pahilagang South Luzon Expressway sa Barangay Putatan, Muntinlupa
Impormasyon sa ruta
Part of AH26
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan at Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (Osmeña Highway/South Superhighway), Skyway Operations and Maintenance Corporation (Metro Manila Skyway), at Manila Toll Expressway Systems, Inc. (South Luzon Tollway/ACTEX)
Haba51 km (32 mi)
Bahagi ng
PagbabawalBawal ang mga motorsiklo na mas-mababa sa 400cc paglampas ng Palitan ng Nichols (patimog).
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N140 (Abenida Quirino) sa Paco, Maynila
 
Dulo sa timog E2 (STAR Tollway) sa Santo Tomas, Batangas
Lokasyon
Mga lawlawiganKalakhang Maynila, Laguna, Batangas
Mga pangunahing lungsodMaynila
Makati
Pasay
Taguig
Parañaque
Muntinlupa
San Pedro
Biñan
Santa Rosa
Cabuyao
Calamba
Santo Tomas
Mga bayanCarmona
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang South Luzon Expressway (SLE o SLEx), na kilala dati sa mga pangalang South Superhighway (SSH), Manila South Diversion Road (MSDR), at Manila South Expressway (MSEX), ay isang pinag-ugnay na dalawang mabilisang daanan (expressway) na nag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa mga lalawigan sa rehiyon ng CALABARZON sa Pilipinas. Ang unang mabilisang daanan ay ang Metro Manila Skyway System, na magkasamang pinamamahalaan ng Skyway Operation and Management Corporation (SomCo) at Citra Metro Manila Tollways Corporation (CMMTC). Ang ikalawang mabilisang daanan, ang South Luzon Tollway o Alabang-Calamba-Sto.Tomas Expressway (ACTEx), ay magkasamang pinamamahalaan ng South Luzon Tollway Corporation, isang negosyo na magkasamang hinahawakan ng PNCC, at Citra group ng Indonesya na sinusuportahan ng SMC sa pamamagitan ng Manila Toll Expressway Systems, Inc. (MATES).

Ang mabilisang daanan ay isang bahagi ng Expressway 2 (E2) ng sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas at Daang Radyal Blg. 3 (R-3) ng sistemang arteryal ng mga lansangan ng Maynila. Nagsisimula ito sa distrito ng Paco sa Maynila sa Abenida Quirino, at pagkatapos ay dadaan ito sa mga sumusunod na lungsod at bayan: Makati, Pasay, Taguig, Parañaque, at Muntinlupa sa Kalakhang Maynila; San Pedro at Biñan sa Laguna; Carmona sa Kabite; at dadaan muli sa Biñan, Santa Rosa, Cabuyao, at Calamba sa Laguna. Nagtatapos ito sa Santo Tomas, Batangas. Ang malaking bahagi ng mabilisang daanan ay bahagi ng N1 (AH26) mula Palitan ng Magallanes hanggang Labasan ng Calamba (Exit 50).

Noong 2006, isinailaim ang bahaging South Luzon Tollway sa isang pagsasaayos sa ilalim ng SLEX Upgrading and Rehabilitation Project, na nagsasaayos at nagpapalawak ng Biyadukto ng Alabang gayundin ang daan mula Alabang hanggang Calamba, at kalaunan inuugnay ang mabilisang daanan sa Southern Tagalog Arterial Road sa Santo Tomas.

SLEX malapit sa orihinal na Tarangkahang Pambayad ng Alabang, noong 1976.

Ang South Luzon Expressway ay itinayo noong huling bahagi ng 1960s bilang bahagi ng plano ng pamahalaan ni dating Pangulo Ferdinand Marcos bilang South Driversion Road o South Superhighway para paunlarin ang mga lugar na katabi ng Metro Manila, kung saan ang SLEX ay nagsisilbi sa Timog Katagalugan.[3] Tumutukoy ang South Superhighway sa bahaging Maynila - Alabang na itinayo noong 1967 at natapos noong 16 Disyembre 1969.

Noong 1976, pinahaba nang 29 kilometro ang mabilisang daanan mula Alabang hanggang Calamba. Kasama sa proyekto ang Biyadukto ng Alabang (Alabang Viaduct), na may habang 850 metro at dumadaan sa ibabaw ng Alabang.[4]

Pagsasaayos at pagbubukas ng koneksyon sa STAR Tollway

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bahaging Calamba ng SLEx noong 2007, bago ang pagtatapos ng pagsasaayos.

Bago ang pagsasaayos noong 2006, ang malaking bahagi ng South Luzon Expressway ay isang mabilisang daanan na hinahatian ng panggitnang harangan na damuhan (grass median), at may dalawang linya kada direksyon mula Alabang hanggang Calamba. Sinimulan ang tinaguriang SLEX Upgrading and Rehabilitation Project noong Mayo 2006, at kalakip nito ang mabigat na daloy ng trapiko sa mabilisang daanan. Alinsunod sa proyekto, isinailalim sa isang pangunahing pagsasaayos ang buong mabilisang daanan kahalintulad ng ginawang pagsasaayos sa North Luzon Expressway. Pinalawak sa apat na mga linya ang Biyadukto ng Alabang, at ang pagtatayo ng Skyway Stage 2 ay nagdulot ng trapiko sa bahaging Nichols-Alabang. Natapos ang pagsasaayos noong 2009, at ang bahaging Alabang-Calamba ay pinalawak sa 3 hanggang 4 na mga linya. Noong 2010, isang karugtong ng mabilisang daanan, na pinangalanang Alabang-Calamba-Santo Tomas Expressway or ACTEx, ay binuksan, na nag-uugnay ng South Luzon Expressway sa STAR Tollway sa Santo Tomas, Batangas. Dahil dito, naging dalawang oras na lamang mula sa dating apat na oras ang oras ng paglalakbay mula Maynila hanggang Lungsod ng Batangas.

NAIA Expressway at Skyway Stage 3

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula Disyembre 2016, nakompleto na nang tuluyan ang NAIA Expressway na nag-uugnay sa Skyway, South Luzon Expressway, mga terminal ng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino, Entertainment City, at Manila–Cavite Expressway (o CAVITEx).

Kasalukuyang itinatayo ang Stage 3 na mag-uugnay nito sa North Luzon Expressway mula Buendia hanggang Balintawak, at inaasahang matatapos ito sa taong 2019.

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula 2010, dumadaan ang South Luzon Expressway mula Maynila hanggang Laguna, Kabite, at Batangas. Nakalagay sa mga panukalang panghinaharap ang pagpapahaba ng mabilisang daanan sa Quezon, Camarines Sur, Albay, at Sorsogon bilang bahagi ng mga panukalang pagpapalawak nito. Binubuo ito ng Metro Manila Skyway System at South Luzon Tollway/Alabang-Calamba-Santo Tomas Expressway, na binubuo naman ng Pres. Sergio Osmeña Sr. Highway at Dr. Jose P. Rizal Highway. Isang maikling bahagi ng mabilisang daanan sa pagitan ng Magallanes at Nichols ay nasa lupa.

Lansangan ng Pangulong Sergio Osmeña Sr.

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang bahaging Lansangang Osmeña ng SLEx sa may Palitan ng Magallanes, Makati.

Ang bahaging Lansangan ng Pangulong Sergio Osmeña Sr. (Pres. Sergio Osmeña Sr. Highway) ay nagsisimula sa sangandaan nito sa Abenida Quirino sa Paco, Maynila, at tutungo ito sa Alabang sa Muntinlupa. Ang bahagi ng Lansangang Osmeña na dumadaan sa Maynila, Makati, Pasay, at Taguig ay isang lansangang toll-free bago makarating sa Tarangkahang Pambayad ng Nichols kung saan nagsisimula ang may-bayaring mabilisang daanan (tolled expressway). Patimog, ang mabilisang daanan ay may mga labasan sa C-5 Road sa Taguig; Subdibisyong Merville at Bicutan sa Parañaque; at Sucat, Alabang, at Filinvest sa Muntinlupa. Ang bahaging ito ay dating kilala sa pangalang South Superhighway bago ipinasa ang Batas Republika Blg. 6760, na nagbibigay ito ng pangalan mula kay dating Pangulo Sergio Osmeña.[1] Malaking bahagi nito ay kalinya ng PNR Metro South Commuter Line.

Bahaging SLEX/Lansangang Pres. Sergio Osmeña, Sr. sa ilalim ng Skyway sa Makati

Nagsisimula ang Lansangang Osmeña sa may ilaw-trapiko sa panulukan ng Abenida Quirino. Tatawirin ng lansangan ang Kalye San Andres, Kalye Ocampo (Vito Cruz), at Kalye Zobel Roxas. Aakyat ang lansangan at dadaan sa ibabaw ng Abenida Gil Puyat sa pamamagitan ng Buendia Flyover, na may mga daang panserbisyo (service roads) upang maglingkod sa nasabing abenida at ilang mga kalapit na kalye. Nagsisimula ang Metro Manila Skyway sa mga rampa paglampas ng Buendia Flyover. Tatawid ang Lansangang Osmeña sa ibabaw ng Abenida Arnaiz, at kalauna'y tatawid sa ibabaw ng EDSA sa Palitan ng Magallanes. Ang pagkakatugma nito sa Pan-Philippine Highway ay magsisimula sa palitang ito. Pagkalampas ng Palitan ng Magallanes, ang lansangan ay may 5 linya, at nakatakda ang isang linya para sa mga motorsiklo hanggang sa may Palitan ng Sales, kung saan nagsisimula ang daang may-bayad (tolled road). Ang Lansangang Osmeña ay magiging daang may-bayad pagkalampas ng Sales. Sa puntong ito ipinagbabawal sa mabilisang daanan ang mga motorsiklo na mababa sa 400cc.

Ang bahagi ng Lansangang Osmeña hilaga ng Palitan ng Magallanes ay pinapanatili ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) sa pamamagitan ng South Manila District Engineering Office, at ang bahagi sa timog ay pinapanatili ng Skyway Operations and Management Company o SOMCo. May kapangyarihan ang Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA) sa kapuwang bahagi, at pinapanatili ang mga linya pangmotorsiklo hanggang sa Nichols.

Nasa-lupang Skyway (Skyway At-Grade)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
South Luzon Expressway at Metro Manila Skyway malapit sa Sucat, Muntinlupa.

Paglampas ng Palitan ng Sales mula Nichols, ang Lansangang Osmeña ay magiging may-bayad na South Luzon Expressway. May dalawang daang serbisyo ang mabilisang daanan hanggang sa Labasan ng Alabang. Dumadaan ang PNR Metro South Commuter Line sa pagitan ng South Luzon Expressway at Skyway hanggang sa paglampas ng Labasan ng C-5. Dumadaan ang mabilisang daanan at mga daang serbisyo nito sa hangganan ng Pasay-Taguig hanggang sa umabot ang mga ito sa Labasan ng C-5. Pagkalampas ng C-5, dadaan ang Skyway sa ibabaw ng South Luzon Expressway patungong Alabang. Liliko nang bahagya ang South Luzon Expressway at dadaan sa Bicutan, at dadaan ito bilang isang deretsong ruta na may Skyway sa ibabaw nito hanggang sa abutin nito ang Labasan ng Alabang at Biyadukto ng Alabang. Sa pangkaramihan dumadaan ang mga mabilisang daanan sa hangganan ng Parañaque-Taguig hanggang sa dumating ito malapit sa Sucat, kung saan tatawid nito ang Abenida Dr. Arcadio Santos o Daang Sucat. Papasok ang South Luzon Expressway at Skyway sa Muntinlupa, at dadaanin ng mga ito ang mga Barangay ng Sucat, Buli, at Cupang, bago lumapit ito Alabang. Aalis ang Skyway kalaunan, tapos ay liliko pakanluran, at bababa sa Daang Alabang–Zapote. Ang Labasan ng Alabang ang dulo ng SLEX mula 1969 hanggang 1976, bago itinayo ang Biyadukto ng Alabang at pinahaba ang mabilisang daanan patungong Calamba. Ito rin ang kinalalagyan ng dating Tarangkahang Pambayad ng Alabang. Aakyat ang South Luzon Expressway sa ibabaw ng Daang Maharlika (National Road o Manila South Road) sa pamamagitan ng biyadukto, bago bumaba ito at maging Alabang-Calamba-Santo Tomas Expressway (ACTEx) o South Luzon Tollway (SLT).

Lansangang Dr. Jose P. Rizal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula sa Kilometro 28.387 sa San Pedro, Laguna at patimog,[2] dumadaan ang bahaging Lansangang Dr. Jose P. Rizal (Dr. Jose P. Rizal Highway) sa lalawigan ng Laguna, at gayundin sa bahagi ng Carmona sa Kabite bago tumuloy muli sa Laguna mula Biñan papuntang Calamba. Dati itong bahagi ng Lansangang Osmeña, subalit noong 1992 binago ang R.A. 6760, na nagbigay ng pangalan mula sa pambansang bayaning si Dr. José Rizal ang bahaging ito.[2] Ang daan na mula sa Biyadukto ng Alabang sa Muntinlupa hanggang Santo Tomas, Batangas ay bumubuo sa South Luzon Tollway na hawak ng South Luzon Tollway Corporation, isang negosyo na magkasamang hinahawakan ng Philippine National Construction Corporation (PNCC) at ng Citra group ng Indonesya na sinusuportahan ng SMC.[5]

South Luzon Tollway/Alabang-Calamba-Santo Tomas Expressway

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bahagi ng South Luzon Expressway sa Susana Heights, Muntinlupa.

Tinawag na SLT o ACTEx bilang bagong alternatibong pangalan para sa bahagi ng R-3 na hawak ng South Luzon Tollway Corporation. Ang pangalang ACTEx ay tumutukoy sa bahagi ng SLEx mula Labasan ng Alabang sa Muntinlupa hanggang Labasan ng Santo Tomas sa Santo Tomas, Batangas.

Nagsisimula ang South Luzon Tollway/ACTEx paglampas ng Labasan ng Filinvest (Exit 23), na may dalawa hanggang apat na mga linya kada direksyon at kalinya ng Manila South Road (o National Highway) sa malaking bahagi nito sa Muntinlupa at hilaga-kanlurang Laguna.[6] Liliko nang bahagya ang mabilisang daanan sa mga Barangay ng Bayanan at Putatan sa Muntinlupa. Matatagpuan sa bahaging ito ang unang pook panserbisyo (service area) ng ACTEx, ang Tollway Plaza na may Shell gas station at ilang restoran tulad ng Jollibee, KFC, Greenwich, Burger King, atbp.. Paglampas ng nasabing pook panserbisyo, susundin ng South Luzon Expressway ang deretsong ruta, at dadaan ito sa palitan na naglilingkod sa Muntinlupa–Cavite Expressway, sa Daang Maharlika, at mga Barangay ng Poblacion at Tunasan sa Muntinlupa.

Patimog na South Luzon Expressway sa San Pedro, Laguna.

Kalaunan, papasok ito sa Laguna sa Lungsod ng San Pedro. Tutuloy ito bilang isang deretsong daanan na nililinyahan ng mga billboard at dumadaan sa mga pook-industriyal at pantahanan ng lungsod bago lumiko at umakyat paglampas ng mga pook panserbisyo ng Petron at Caltex upang makatawid ng Abenida Pacita at ng hindi na ginagamit na sangay (spur) ng PNR South Main Line. Papasok naman ang South Luzon Expressway sa Biñan, at dadaan ito malapit sa Southwoods, Barangay San Francisco (Halang), at Splash Island, bago pumasok sa Carmona, Kabite. Babagtas sa mabilisang daanan ang isang bahagi ng linyang transmisyon ng Biñan-Dasmariñas, pagkaraan ng Labasan ng Southwoods. Dadaan naman ito sa Carmona sa loob ng isang kilometro (na may labasan na nagsisilbi sa bayan), bago pumasok muli sa Biñan sa Tulay ng Santo Tomas. Pagbalik ng Biñan, tatahakin nito ang deretsong daan papuntang Barangay Mamplasan, kung saan may isang labasan na maglilingkod sa Laguna International Industrial Park at ilang mga komunidad pantahanan tulad ng Brentville at Jubilation. May isang pook panserbisyo ng Caltex sa daang patimog ng mabilisang daanan sa Mamplasan. Papasok naman ito sa Santa Rosa sa isang deretsong ruta na madalas nililinyahan ng mga puno. Babagtasin nito ang Daang Tagaytay–Santa Rosa sa pamamagitan ng isang palitang parclo. Sa puntong ito kikipot ang South Luzon Expressway sa tatlong linya kada direksyon, na may mga bantayang riles (guard rails) bilang panggitnang harangan. Dadaan naman ang mabilisang daanan malapit sa Enchanted Kingdom at ETON City. Matatagpuan sa tabi ng daang pahilaga ng bahaging ito ng SLEx ang isang pook panserbisyo ng Total.

South Luzon Expressway sa Barangay Turbina, Calamba, Laguna

Papasok ang South Luzon Expressway sa Cabuyao, at dadaan ito malapit sa Malayan Colleges Laguna (na dating lokasyon ng mga warehouse na pag-aari ng dating Uniwide Sales Inc.) at Santa Elena Golf and Country Club. Tatawid ito sa Ilog San Cristobal at papasok sa Calamba habang nasa deretsong ruta patungong Labasan ng Batangas/Calamba. Lalapit ito sa Tarangkahang Pambayad ng Calamba, kung saan lalawak nang bahagya ang mabilisang daanan sa 18 linya; babalik muli sa anim ang mga linya (tatlo kada direksyon) paglampas. Pagdating nito sa Labasan ng Batangas/Calamba sa Barangay Turbina, aalis ang AH26 at tutuloy sa Manila South Road/Daang Maharlika. Ang Labasan ng Batangas/Calamba (o Labasan ng Calamba) ay dating dulo ng SLEx sa timog mula 1976 hanggang 2010, kung kailan pinahaba ang mabilisang daanan upang maiugnay ito sa STAR Tollway.

Bahaging Calamba–Santo Tomas ng SLEX patimog.

Paglampas ng Labasan ng Calamba, kikipot sa apat na mga linya (dalawa kada direksyon) ang SLEx. Walang labasan sa bahaging ito. Susundin nito ang palikong ruta kalinya ng Pan-Philippine Highway (Manila South Road/Daang Maharlika) mula Calamba hanggang Santo Tomas, Batangas. Lalapit ito sa Tarangkahang Pambayad ng Ayala Greenfield, tutuloy ito sa Barangay Saimsim, at papasok ito sa Batangas pagkaraan ng Tulay ng Siam-siam. Liliko ang mabilisang daanan bago matapos ito sa Kilometro 57.2, at tutuloy ito patungong Lungsod ng Batangas bilang Southern Tagalog Arterial Road (o STAR Tollway). Subalit ang pagbilang ng kilometro ng susunod na mabilisang daanan pagkatapos ng Labasan ng Santo Tomas ay nagsisimula sa Kilometro 60 sa halip ng Kilometro 57.2.

SLEX Toll Road 4
Mapa ng ipinapanukalang Toll Road 4 alinsunod sa DPWH. Pakipindot para sa mas-malaking bersyon.
Impormasyon sa ruta
Haba61 km (38 mi)
Pangunahing daanan
Mula sa E2 / AH26 (South Luzon Expressway) sa Santo Tomas, Batangas
 
HanggangTayabas, Quezon
Lokasyon
Mga pangunahing lungsod
Mga bayan

Ang Toll Road 4 o TR4 ay isang 61 kilometro (o 38 milyang) karugtong ng SLEX mula Santo Tomas sa Batangas hanggang Lucena - Tayabas sa Quezon. Nahahati ang pagtatayo sa limang mga bahagi at inaasahang masisimula pagsapit ng Hunyo 2017. Ang proyektong karugtong ay ipinapatupad ng Toll Regulatory Board at ipapatakbo ng South Luzon Tollway Corporation (SLTC). Ang karugtong ay magpapagaan ng daloy ng trapiko sa umiiral na pambansang daan sa pagitan ng Santo Tomas at Lucena at magbibigay ng makabagong alternatibong ruta para sa mga manlalakbay mula Quezon at Rehoyon ng Bicol. Nakuha na ang right of way ng mabilisang daanan para sa unang tatlong mga bahagi sa pagitan ng Santo Tomas at Tiaong, at nagpapatuloy ang proseso ng right of way para sa natitirang bahagi mula Tiaong hanggang Tayabas. Inaasahang matatapos ang kabuuan ng karugtong pagsapit ng taong 2019.[7][8][9]

Ang Toll Road 5 o TR5 (o Quezon–Bicol Expressway) ay ang ipinapanukalang 418.3 kilometrong ekstensyon ng SLEX mula Lucena patungong Matnog, Sorsogon. Ang nasabing ekstensyon ay magpapagaan ng daloy ng trapiko sa Lansangang Andaya at Pan-Philippine Highway, magpapabawas ng oras ng paglalakbay mula Manila papuntang Naga nang 2–3 oras, at papuntang Matnog nang 6 na oras. Itatayo ito ng Manila Toll Expressway Systems Inc., ang kompanyang 40 porsyentong pag-aari ng Philippine National Construction Corporation (PNCC). Ang natitira naman ay nahahati sa kapwa Alloy Manila Expressway Inc., isang lokal na kompanya, at Citra Group ng Indonesya, na sinusuportahan ng SMC at nakabili ng mga bahagi na dating pag-aari ng MTD Capital Berhad ng Malaysia. Noong 2015, ang ekstensyong ito ay itinatalakay nina Gob. Joey Salceda ng Albay, Tagapangulo ng Toll Regulatory Board na si Edmund Reyes, San Miguel Corporation, at Ramon Ang.[10]

Skyway Stage 3 / NLEx-SLEx Connector Road (Segment 11)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula 2010, ikinukunsidera ng pamahalaan ang mga dalawang panukala na mag-uugnay ng SLEx sa North Luzon Expressway (NLEx).[11] Ayon kay Kalihim Rogelio Singson ng DPWH, kapwang matutuloy ang mga panukala; maaaring umiral ang mga nasabing panukala sapagkat ang mga proyektong ito ay maglilingkod sa dalawang mag-kabilang koridor ng Kamaynilaan.[12] Noong 23 Mayo 2012, kapwa iprinisinta ng mga kompanya ang kanilang mga panukala kay Pangulo Benigno S. Aquino III. Ipinahayag naman ng administrasyon sa pamamagitan ni Kalihim Ricky Carandang ng Komunikasyon na inaasahan nilang mabibigyan ng pormal na awarding at pahintulot ang mga kompanya pagsapit ng huling bahagi ng taon, upang masimulan nila "pagsapit ng huling bahagi ng taong ito o unang bahagi ng susunod na taon."[11]

Panukalang CMMTC

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tinaguriang "Skyway Stage 3", nakatanggap ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ng isang kusang panukala mula sa Citra Metro Manila Tollways Corp. (CMMTC) para sa pagtatayo ng karugtong ng Skyway na tatakbo mula Bicutan, Taguig hanggang Balintawak, Lungsod Quezon, ayon sa panukala.[12]

Ipinapanukala ng DPWH na isasama ang proyekto sa pangunahing tema at mga planong PPP (o Pagtutulungan ng Pampubliko at Pribadong Sektor) nito upang i-subject ang panukala sa isang Swiss Challenge, ayon kay Mababang-Kalihim ng Pagawaing Bayan Romeo S. Momo sa isang panayam sa telepono noong Biyernes. Kinakailangan ng Swiss challenge ang ahensiya ng pamahalaan na nakatanggap ng isang kusang halaga (unsolicited bid) para sa isang proyekto na ilathala ang halaga at mag-anyaya ng mga ikatlong partido para i-tumbas o i-higitan ang halagang ito.[12]

Noong 29 Nobyembre 2013, isinailalim ng IC sa isang pagsusuri ng detalyadong disenyong inhinyeriya (engineering design) ang ₱26.6 bilyong "Skyway Stage 3 Project".[13]

Nagsimula ang pagtatayo sa unang ikaapat na bahagi ng taong 2015.

Panukalang MPTDC

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Samantala, isang taon bago inanunsiyo nang publiko ang panukala ng CMMTC, isinumite ng NLEX concessionaire subsidiary Metro Pacific Tollway Development Corporation (MPTDC) sa pamamagitan ng Manila North Tollways Corporation (MNTC) ang kanilang panukala na tinaguriang "NLEx-SLEx Connector Road" (o "Segment 11") ng proyektong NLEx Phase 2 project. Nakasaad dito na itatayo ang isang 13.24 kilometrong nakaangat na mabilisang daanan mula Buendia (Skyway Stage 1) hanggang Daang C-3 na mag-uugnay sa NLEx sa pamamagitan ng Segment 10 ng proyektong NLEx Phase 2. Dadaan ang malaking bahagi ng nakaangat na daanan sa ibabaw ng mga riles ng Philippine National Railways Right-Of-Way.[12]

Noong 29 Nobyembre 2013, ang proyektong "NLEx-SLEx Connector Road" na may tinatayang halaga na ₱21.2 bilyon ay pinayagan bilang Joint Venture Project sa ilalim ng Kautusang Pampanguluhan Blg. 1894 ayon sa PPP Center[14] ng Pilipinas.

Tarangkahang Pambayad ng Calamba.
Isang tarangkahang pambayad sa Labasan ng Eton City

Gumagamit ang South Luzon Expressway ng sistemang nakasara (closed) at sistemang tarangkahang bayarin (barrier toll systems). Pagkapasok sa mabilisang daanan, kukuha ang mga drayber ng isang papel na kupon na ibabalik sa labasang tarangkahang pambayad. Dating ginagawa ang proseso gamit ang mga kard na may pirasong magnetiko (magnetic strip).

Ipinatutupad ng mabilisang daanan ang isang sistemang de-kuryente sa pagkukuha ng bayarin (ETC), ang Autosweep RFID, gamit ang teknolohiyang RFID, at dating ginamit ng sistema ang "E-Pass", na gumamit ng teknolohiyang transponder. Ang sistemang ETC ay ginagamit ng Skyway. Isinasagawa ang pagkukuha ng ETC sa mga dedikadong linya sa tarangkahang pambayad, ngunit isinasagawa rin sa mga pinaghalong linya ng bayarin.

Ang sumusunod ay mga bayarin batay sa uri ng sasakyan:

Uri ng Sasakyan Bayad
Class 1
(Mga kotse, motorsiklo, SUV, at dyipni)
₱3.37/km
Class 2
(Mga bus, magaan na trak)
₱6.74/km
Class 3
(Mga mabigat na trak)
₱10.11/km

Mga labasan at sangandaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinusukat ng mga palatandaan (kilometer stones/markers) ang distansya (na nasa kilometro) mula Km 0 sa Liwasang Rizal. Kadalasang nakapangalan at nakanumero ang mga labasan, subalit makikita lamang ang mga bilang ng labasan pagkaraan ng Labasan ng Alabang. May pagkakaiba sa pagmimilya: ang Km 24 ay Km 23 sa mga bahagi ng SLEX na pinangangasiwaan ng Manila Toll Expressway Systems (MATES), subalit mayroon nang Km 23 malapit sa Cupang, Muntinlupa. Mula Abenida Quirino hanggang Palitan ng Sales, ang SLEX ay isang nasa lupa na pambansang lansangan na pinangalangang Lansangang Osmeña, na bahagi ng N145.

Osmeña Highway/South Superhighway

[baguhin | baguhin ang wikitext]
LalawiganLungsod/BayankmmiMga paroroonanMga nota
Maynila4.0902.541 N140 (Quirino Avenue) – PandacanHilagang dulo.
4.6502.889Eskinitang San AndresInterseksyong Traffic light.
5.4303.374Kalye OcampoIntersekyong Traffic light.
5.4903.411Abenida Zobel RoxasIntersekyong Traffic light.
MakatiHilagang dulo ng tulay sa ibabaw ng Abenida Buendia
N190 (Buendia Avenue)Intersekyong Traffic light.
Timog na dulo ng tulay sa ibabaw ng Abenida Buendia
6.7504.194 E2 (Skyway)Patimog na pasukan at pahilagang labasan ng Skyway
7.3204.548Abenida ArnaizInterseksyon na may traffic light. Ipinagbabawal ang pagliko pakanan sa Abenida Arnaiz mula sa linyang pahilaga.
7.8004.847Eskinitang Don BoscoPahilagang linya lamang ang makakagamit. Magagamit ng patimog na linya gamit ang U-turn slot sa ilalim ng palitan ng Magallanes.
8.7105.412 N1 (EDSA) / AH26 – MagallanesPalitan ng Magallanes at Dulong timog. Tutuloy patimog bilang South Luzon Expressway.
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi

Seksyion ng Mabilis na Daanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
RegionLalawiganLungsod/BayankmmiLabasanPangalanMga paroroonanMga nota
Kalakhang MaynilaMakati74.3 N1 (EDSA) / AH26 – CubaoPalitan ng Magallanes. Hilagang dulo ng pagkakatugma sa AH26.
85.0 E2 / AH26 (Skyway)Labasan ng Skyway Magallanes. Patimog na labasan at pahilagang pasukan.
Pasay95.6 N192 (Daang Sales), Abenida LawtonPalitang Sales. Patungong Villamor Airbase, NAIA Terminal 3, at Newport City.
Hilagang dulo ng seksyion na may bayad sa mabilis na daanan
Tarangkahang Pambayad ng Nichols (RFID at kabayarang pansalapi. Pahilaga lamang.)
MervilleMervillePatimog na labasan lamang.
Tarangkahang Pambayad ng Nichols (RFID at kabayarang pansalapi. Patimog lamang.)
116.8C-5C-5, PasigPahilagang labasan at patimog na pasukan lamang
Parañaque138.1BicutanBicutanPalitang diyamante
159.3SkywayPanandaliang labasan ng Skyway sa may San Martin de Porres na siyang tinaggal ng matapos ang Skyway Stage 2. Patimog na labasan at pahilagang pasukan.
Muntinlupa1811SucatSucat, BF HomesPalitang diyamante.
2012 E2 / AH26 (Skyway)Labasan sa pagitan ng Skyway at SLEX. Patimog na labasan at pahilagang pasukan.
2314AlabangFilinvest City, South Station, AlabangPatimog na labasan at pahilagang pasukan.an.
Manila South Expressway: Tarangkahang Pambayad ng Alabang (1969-1976. tinanggal)
Tulay ng Alabang
231423FilinvestFilinvest CityPalitang trumpeta. Timog na dulo ng parte na pinapatakbo ng Skyway O&M . Hilagang dulo ng parte na pinapatakbo ng Manila Toll Expressway Systems (MATES).
231423AlabangDaang Alabang–ZapotePahilagang labasan at patimog na pasukan. Ang kubol ng bayaran patimog ay kasama ng patimog na pasukan ng labasang Filinvest.
Shell SLEX Muntinlupa (patimog)
261626Susana Heights/MCXSusana Heights,MCX, MuntinlupaPalitang T at Trumpeta.
CalabarzonLagunaSan Pedro271727San PedroSan Pedro, La MareaPatimog na labasan at pahilagang pasukan.
2918Petron SLEX San Pedro (patimog)
Caltex SLEX San Pedro (patimog)
Biñan322031SouthwoodsSouthwoods, BiñanPalitang hugis bahagyang dahon ng clover o nakatuklap na diyamante.
CaviteCarmona342133CarmonaCarmona, Dasmariñas, BiñanPalitang diyamante.
Carmona - Biñan boundaryTulay ng Santo Tomas
LagunaBiñanShell SLEX Biñan (pahilaga)
362236Greenfield City/Unilab (Mamplasan)Greenfield City, Unilab, LIIPPalitang hugis bahagyang dahon ng clover o nakatuklap na diyamante.
Caltex SLEX Santa Rosa (patimog)
Santa Rosa382438Sta. RosaSanta Rosa, Silang, Tagaytay, Enchanted KingdomPalitang hugis bahagyang dahon ng clover o nakatuklap na diyamante.
Total SLEX Santa Rosa (pahilaga lamang)
412541Eton City (Malitlit)Eton City, Asia Brewery, TagaytayPalitang dobleng kanang papasok at kanang palabas.
Cabuyao432743CabuyaoCabuyao, Santa ElenaPalitang hugis bahagyang dahon ng clover o nakatuklap na diyamante.
CalambaPetron SLEX KM 44 (patimog at pahilaga)
452845SilanganSilangan, CarmeltownPalitang hugis bahagyang dahon ng clover o nakatuklap na diyamante.
Equus CityNakasara pa ang labasan.
Tarangkahang Pambayad ng Calamba (RFID at kabayarang pansalapi. Patimog lamang ang magbabayad. Lusutan lamang sa pahilaga)
472947Canlubang (Mayapa)Canlubang, MayapaPalitang hugis bahagyang dahon ng clover o nakatuklap na diyamante.
493049BatinoBatino, Calamba Premier Industrial Park, Tagaytay HighlandsPatimog na labasan lamang.
503150CalambaCalamba, Los Baños, Real, Batangas, LucenaPalitang kalahating diyamante (Hilagang kalahati). Palitang hugis bahagyang dahon ng clover o nakatuklap na diyamante (Timog na kalahati). Katimugang dulo ng pagkakatugma sa AH26.
Tarangkahang Pambayad ng Ayala Greenfield (RFID at kabayarang pansalapi)
BatangasSanto Tomas57.235.5Sto. Tomas E2 (STAR), Santo Tomas, Pambansang Dambana ni Santo Padre Pio ng PietrelcinaPalitang hugis bahagyang dahon ng clover o nakatuklap na diyamante . Tumutuloy patungong Lungsod ng Batangas bilang STAR Tollway
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Sarado/dati
  •       Hindi kumpletong access
  •       Pagkakasabay ng ruta
  •       May toll
  •       Pagbabago sa ruta
  •       Hindi pa nagbubukas o ginagawa pa

Mga labasan sa hinaharap

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Blg. ng kilometro Labasan Uri ng palitan Lokasyon Mga detalye
TBA Skyway Stage 3: Balintawak Exit Ramp Quezon City Ito ay magiging papasok o palabas na rampa sa North Luzon Expressway sa Balintawak, Quezon City.
TBA Skyway Stage 3: Sgt. Rivera Exit Ramp Ito ay magiging papasok o palabas Sgt. Rivera Avenue sa Santa Mesa Heights, Quezon City.
TBA Skyway Stage 3: Quezon Ave Exit Ramp Ito ay magiging papasok o palabas sa Quezon Avenue sa San Francisco Del Monte, Quezon City.
TBA Skyway Stage 3: E. Rodriguez Sr. Exit Ramp Ito ay magiging papasok o palabassa E. Rodriguez Sr. Avenue in New Manila, Quezon City.
TBA Skyway Stage 3: Aurora Boulevard Exit Ramp Manila Ito ay magiging papasok o palabas sa Aurora Boulevard in Santa Mesa, Manila.
TBA Skyway Stage 3: Nagtahan Exit Ramp Ito ay magiging papasok o palabas sa Nagtahan Boulevard in Paco, Manila.
TBA Skyway Stage 3: Plaza Dilao Exit Ramp Ito ay magiging papasok o palabas sa Plaza Dilao sa Paco, Manila.
TBA Skyway Stage 3: Quirino Exit Ramp Ito ay magiging papasok o palabas sa Quirino Avenue sa Paco, Manila.
TBA SLEX-STAR Exit Santo Tomas, Batangas This exit will be built after the extension to Lucena is completed.
TBA MakBan Exit Bay, Laguna Ito ay magiging palabas papunta sa mga baybayin at Calauan, Laguna. Ang palabas ay located palapit sa MakBan Geothermal Plant.
TBA Alaminos Exit Alaminos, Laguna This exit takes you to the town of Alaminos, Laguna.
TBA San Pablo Exit San Pablo, Laguna This exit goes to San Pablo, Laguna. This exit heads directly to SM City San Pablo.
TBA Tiaong/San Antonio Exit Tiaong, Quezon This exit takes you to the town of Tiaong, Quezon and San Antonio, Quezon.
TBA Candelaria Toll Plaza Candelaria, Quezon This is located before the Candelaria Exit.
TBA Candelaria Exit This exit takes you to the town of Candelaria, Quezon.
TBA Sariaya Exit Sariaya, Quezon This exit takes you to the town of Sariaya, Quezon.
TBA Lucena City North Exit Lucena, Quezon This exit is located in Barangay Mayao which leads you to Barangay Ilayang Talim, Lucena going to Maharlika Highway, Pacific Mall Lucena then, with an access to Lucena City Proper. It will be the future Southern terminus of SLEX. It will replace the current Southern terminus in Santo Tomas. It will move to Matnog after Toll Road 5 opens to traffic.
TBA Lucena South Exit This exit leads you to Dalahican Road in Barangay Dalahican, Lucena, Quezon with an access to SM City Lucena.
TBA Pagbilao Exit Pagbilao, Quezon This exit takes you to the town of Pagbilao, Quezon.
TBA Atimonan Exit Atimonan, Quezon This exit takes you directly to the town of Atimonan, Quezon.
TBA Habingan Exit This exit heads you to Atimonan-Unisan Road in Atimonan, Quezon. Facing southbound, right goes to Unisan, Quezon and Agdangan, Quezon, Left goes to Atimonan Town Proper.
TBA Gumaca Exit Gumaca, Quezon This exit takes you to the town of Gumaca, Quezon.
TBA Lopez Exit Lopez, Quezon This exit takes you to the town of Lopez, Quezon.
TBA Calauag Exit Calauag, Quezon This exit takes you to the town of Calauag, Quezon. Useful for motorists from the north going to Camarines Norte.
TBA Tagkawayan Exit Tagkawayan, Quezon This exit takes you to the town of Tagkawayan, Quezon.
TBA Del Gallego Exit Del Gallego, Camarines Sur This exit takes you to the town of Del Gallego, Camarines Sur.
TBA Liboro Exit Ragay, Camarines Sur This exit takes you to the Western part of town to the district of Liboro.
TBA Ragay Exit This exit takes you to the town proper of Ragay via the Andaya Highway.
TBA Lupi Exit This exit takes you to the Eastern part of town and the nearby municipality of Lupi, Camarines Sur.
TBA Sipocot Exit Sipocot, Camarines Sur This exit takes you to the town of Sipocot, Camarines Sur. Useful for motorists from Southern Bicol provinces going to Camarines Norte.
TBA Libmanan-Cabusao Exit Libmanan, Camarines Sur This exit takes you to the town of Libmanan, Camarines Sur. Facing southbound after the tollgate, Right leads you to the Town Proper, Left leads you to Cabusao, Camarines Sur.
TBA Magarao-Calabanga Exit Magarao, Camarines Sur This exit takes you to the town of Magarao, Canaman, and Calabanga, Camarines Sur.
TBA Peñafrancia-Carolina Exit Naga City This exit takes you to the Northern part of the city via Peñafrancia Avenue.
TBA Naga City Exit This exit takes you to the Southern part of the city via San Isidro-Carolina Road.
TBA Del Rosario-Palestina Exit This exit takes you to the Eastern part of Naga City and the Northern barangays of Pili, Camarines Sur via the Pan-Philippine Highway.
TBA Pili Exit Pili, Camarines Sur This exit takes you to the central part of the municipality via the Pan-Philippine Highway.
TBA Ocampo Exit Ocampo, Camarines Sur This exit takes you to the town of Ocampo, Camarines Sur via Governor Fuentebella Highway. Useful for motorists going to Partido area, Southern Pili and Caramoan, Camarines Sur.
TBA Corporal Exit Iriga City, Camarines Sur This exit is located in Brgy. Corporal that leads you to the city and the first exit in Iriga.
TBA Iriga City Exit This exit takes you to Iriga and the second exit in the city.
TBA Buhi Exit This exit is the third exit in the city. Facing southbound, right leads to Iriga, left goes to Buhi, Camarines Sur.
TBA Matacon Exit Polangui, Albay This exit is located in Brgy. Matacon that leads you to the town of Polangui, Albay.
TBA Oas Exit Oas, Albay This exit is takes you to the town of Oas, Albay.
TBA Guinobatan Exit Guinobatan, Albay This exit is takes you to the town of Guinobatan, Albay.
TBA Camalig Exit Camalig, Albay This exit is takes you to the town of Camalig, Albay.
TBA Legazpi Exit Legazpi, Albay This exit is takes you to the city of Legazpi, Albay via Alegre Street and the first exit of the city.
TBA Sorsogon City Exit Sorsogon City, Sorsogon This exit is takes you to Sorsogon City and the first exit of the city.
TBA Abuyog Exit This exit is located in Brgy. Abuyog that leads you to the southern parts of the City.
TBA Casiguran Exit Casiguran, Sorsogon This exit is takes you to the town of Casiguran, Sorsogon.
TBA Juban Exit Juban, Sorsogon This exit is takes you to the town of Juban, Sorsogon.
TBA Irosin Exit Irosin, Sorsogon This exit is takes you to the town of Irosin, Sorsogon.
TBA Matnog Toll Plaza Matnog, Sorsogon This toll plaza will serve for the motorists for Toll Road 5 and the reconfiguration of the Calamba-Matnog toll Segment. The Southbound plaza will require motorists to pay their toll fees whereas motorists get toll cards from Southbound Saimsim Toll Plaza. The Northbound plaza will require motorists to get their toll cards and pay at the Northbound Saimsim Toll Barrier
TBA Matnog Intersection Roundabout This is the future southern terminus for SLEX in Matnog. Going Northbound takes you to the Town proper, Eastbound leads you to the Bypass road to the coastal areas and Southbound takes you to the port to Allen, Northern Samar.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 REPUBLIC ACT NO. 6760. Chan Robles Virtual Law Library. Accessed March 2009.
  2. 2.0 2.1 2.2 REPUBLIC ACT NO. 7625. Chan Robles Virtual Law Library. Accessed March 2009.
  3. https://manilastandard.net/opinion/columns/hail-to-the-chair-by-victor-avecilla/190949/practical-solutions-to-metro-manila-s-woes.html
  4. https://pncc.ph/projects_slex.htm
  5. Company Profile Naka-arkibo 2009-04-03 sa Wayback Machine.. www.mtdsltc.com Naka-arkibo 2012-05-12 sa Wayback Machine.. Accessed March 2009.
  6. "South Luzon Expressway and Maharlika Highway/Manila South Road". Google Maps. Nakuha noong 28 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "SOUTH LUZON EXPRESSWAY (SLEX) TOLL ROAD 4 (TR4)". Department of Public Works an Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Pebrero 2017. Nakuha noong 13 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Agcaoili, Lawrence (24 Marso 2015). "SMC to invest P168 B on toll roads | Business, News, The Philippine Star". philstar.com. Nakuha noong 17 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Aquino attends toll road event in Quezon after collapse rumors | Inquirer News". Newsinfo.inquirer.net. 23 Marso 2015. Nakuha noong 17 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "I had long discussion with TRB Chairman... - Joey Constant Kindness Salceda". Facebook. 08 Mayo 2015. Nakuha noong 17 Disyembre 2015. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  11. 11.0 11.1 "Long Delayed NLEX-SLEX Connector Road Construction to Begin 2013". Rappler.
  12. 12.0 12.1 12.2 12.3 "NLEx-SLEx Connector Road Projects being finalized". The Philippine Star. Inarkibo mula sa Skyway Stage 3/ orihinal noong 2015-06-05. Nakuha noong 2017-04-04. {{cite news}}: Check |url= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Philippines' PPP Center" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2013-12-07. Nakuha noong 2017-04-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "PPP Center" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2013-12-07. Nakuha noong 2017-04-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]