Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2009
Itsura
(Idinirekta mula sa Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 5)
Mula Enero 2009 hanggang Disyembre 2009
[baguhin ang wikitext]Alam ba ninyo...
Disyembre 2009
[baguhin ang wikitext]- ... na ang Dominado ang despotadong yugto ng pamahalaan sa sinaunang Imperyong Romano pagkatapos ng Krisis ng Ikatlong Siglo?
- ... na ang Prinsipado ay ang unang yugto ng Imperyong Romano, nagsimula mula sa paghahari ni Augusto Cesar hanggang sa Krisis ng Ikatlong Siglo?
- ... na ang Republika ng Venezia ay ang isang estadong pandagat na nagsimula sa lungsod ng Venezia sa Hilagang Italya?
- ... na ang Estado Pontipikal ay ang isa sa mga naging historikal na estado sa Italya na pinamunuan ng Santo Papa?
- ... na si Pransisko II ang ang huling emperador ng Banal na Imperyong Romano?
- ... na si Josip Broz Tito ay isang dating pinunong militar ng Yugoslabya?
- ... na ang Alpabetikong Katalogo ng mga Apelyido ay isang aklat ng mga apelyidong inilathala ng Espanya sa Pilipinas at Silangang mga Indiya noong kalagitnaan ng ika-19 na daang taon?
- ... na ang kabihasnan ay isang masulong na yugto ng kaunlaran ng isang lipunan?
- ... na ang makabagong diwa ng salitang lalawigan ay may pinagmulan sa konsepto ng lalawigang Romano?
Nobyembre 2009
[baguhin ang wikitext]- ... na ang padalahang-liham ay isang pook na inihanda ng sistemang postal upang makapaghulog at makatanggap ng mga liham ang isang tao?
- ... na ang manananggol ay isang taong may lisensiya upang makapagbigay ng payong legal at kumatawan sa isang kliyente sa harap ng hukuman?
- ... na ang mga Trasyano ay isang pangkat ng mga tribong Indo-Europeo na nanirahan sa Silanganin, Gitna, at Katimugan ng tangway ng Balkan?
- ... na palasak na natatawag na "xerox" ang aparatong pangopya bagaman pangalan ito ng isang kompanya?
- ... na si Ibn Saud ang taong nakapag-isa ng Arabyang Saudi?
- ... na ang Araw ng Pasasalamat ay mga pagdiriwang na ginaganap sa Kanada at Estados Unidos?
- ... na ang Dagat na Puti ay isang wawa ng Dagat ng Barents na nasa hilagang-kanlurang baybayin ng Rusya?
- ... na ang Yellowknife ay ang kabisera ng Hilagang-Kanlurang mga Teritoryo ng Kanada?
- ... na ang kapeng barako, na hango sa uring Coffea liberica, ay nanganganib nang maubos?
- ... na si Efren Peñaflorida ang tinanghal na Bayani ng Taon ng CNN?
- ... na si István Sándorfi ay isang pintor mula sa Budapest, Unggarya?
- ... na si Alexios I Komnenos ang Emperador Bisantino na nagbalik ng katanyagan at kapangyarihan ng Silangang Imperyong Romano?
- ... na ang Kanlurang Imperyo Romano ay ang kanluraning bahagi ng Imperyong Romano, mula sa paghati ni Emperador Diocleciano noong 285 AD?
- ... na ang mga Emperador Bisantino (Silangang Imperyo Romano) ay tinuring ang sarili bilang "kay Kristong tunay na Emperador at Autokrata ng mga Romano"?
- ... na ang Dagat na Dilaw ay isang pangalan para sa hilagang bahagi ng Dagat ng Silangang Tsina?
- ... na ang tagapagsanay sa larangan ng boksing na si Freddie Roach ay isa ring dating boksingero?
- ... na ang Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad ay isang ahensiya ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagpaplanong pangkabuhayan at pagpapaunlad ng nasabing bansa?
- ... na ang Ilog ng Yenisei ay ang pinakamalaking sistema ng ilog na dumadaloy papunta sa Karagatang Artiko?
- ... na ang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos ay ang pinuno ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos na siyang bahala sa ugnayang panlabas?
- ... na ang Aconcagua ay ang pinakamataas na bundok sa mga Amerika?
- ... na ang Ilog ng Yukon ay isang pangunahing daanan ng tubig sa hilagang-kanluran ng Hilagang Amerika?
- ... na ang wika ng katawan ay isang uri ng pagpapahayag na hindi ginagamitan ng mga salitang binibigkas o isinusulat?
- ... na ang Nagsimula sa Puso ay isang palabas na dramang pantelebisyon tuwing hapon sa ABS-CBN?
- ... na ang pagpapasuso ay nakapagtatatag ng matibay na ugnayang pangtao sa pagitan ng ina at ng sanggol?
- ... na ang Barangay Calzada ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas?
- ... na ang panganganak ng babaeng tao ay mayroong tatlong yugto?
- ... na ang Barangay Upper Bicutan ay bahagi ng Ikalawang Distrito ng Lungsod ng Taguig?
- ... na ang Subteraneo ng Londres ay ang kauna-unahang sistemang pangtren sa ilalim ng lupa sa buong mundo?
- ... na ang kagandahan ay isang katangian ng mga bagay na nagbibigay ng karanasan ng pananaw ng kaligayahan, kahulugan, at pagkapuno?
- ... na si Porcio Festo ay ang prokurador ng Hudea mula 58 hanggang 62 AD?
- ... na ang adiksiyon ay labis na sikolohikal na pagsandig sa mga bagay?
- ... na ang portero ay isang taong nangangasiwa sa pintuan ng isang hotel?
- ... na ang bulwagang tanggapan ay isang silid na nagsisilbing pasukan ng mga tao mula sa labas?
- ... na ang motel ay isang uri ng hotel para sa mga motorista na karaniwang may pasukan papunta sa paradahan?
- ... na ang hiperseksuwalidad ay ang pagkakaroon ng masidhing kagustuhang makiisa sa pakikipagtalik?
- ... na ang kendi o biro ay isang kaugaliang pambata sa Estados Unidos at Kanada tuwing Gabi ng Pangangaluluwa?
- ... na si James Martin ay isang paring Hesuwitang manunulat na umakda ng My Life with the Saints?
- ... na mayroong apat na banal na kapalaran at apat ding mga sawingkapalaran?
- ... na ang Bésame Mucho ay isang awiting Kastila na isinulat ng Mehikanang si Consuelo Velázquez?
- ... na si Orlando Vallejo ay isang Kubanong mang-aawit na itinuturing bilang isang dakilang bolerista?
- ... na si Barbara Kim ay isang Koreanang santa ng Simbahang Katoliko?
- ... na si Shoichi Yokoi ay isa sa tatlong huling mga sundalong sumuko nang magwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Oktubre 2009
[baguhin ang wikitext]- ... na ang pagbabalat ng buhay ay isang uri ng sinaunang parusang kamatayan?
- ... na bagaman naging pinuno ng Partidong Komunista sa Tsina si Deng Xiaoping, hindi siya naging pinuno ng pamahalaan?
- ... na ang pinakamababang wisel ang pinakamaliit sa lahat ng mga mamalya sa ordeng Carnivora?
- ... na si Eugenio Torre ay isang pandaigdigang granmaestro ng ahedres mula sa Pilipinas?
- ... na ang emu ay isang uri ng malaking ibon sa Australya na hindi nakakalipad at kahawig ng abestrus?
- ... na ang Lungsod ng Parañaque , mas kilala bilang Parañaque, ay isa sa mga bayan at lungsod na bumubuo ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas?
- ... na ang hati sa pagitan ng dalawang mga suso ay ang gatla sa gitna ng mga suso ng isang babae na mapagmamasdan dahil sa barong may mababang leeg?
- ... na ang Pagpapanumbalik ng Meiji ay isang sunud-sunod na mga pangyayari na nagdulot ng malakihang pagbabago sa katayuang pangpamahalaan at panglipunan ng Hapon noong ikalawang hati ng ika-19 na daang taon?
- ... na ang Barangay Bambang ay isa sa 28 na barangay sa Lungsod ng Taguig, Pilipinas?
- ... na ang Barangay Western Bicutan ay matatagpuan sa dulo at Hilagang-Kanlurang bahagi ng lungsod ng Taguig, Pilipinas?
- ... na ang Barangay Bagumbayan ay isang barangay sa Lungsod ng Taguig?
- ... na ang Arkidiyosesis ng Cagayan de Oro ay binubuo ng tatlong sibil na lalawigan, ang Misamis Oriental, Bukidnon at Camiguin?
- ... na ang Lungsod ng Taguig ay isang lungsod na sakop ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas?
- ... na ang Diyosesis ng Libmanan ang sumasakop sa unang Unang distrito nang lalawigan ng Camarines Sur?
- ... na ang santong Belgang si Paring Damian ay nakikilala bilang ang Alagad ng mga Ketongin?
- ... na ang pangalan ng Brasilenyong sayaw na Lambada ay hinango sa isang parang along galaw na inuudyok ng isang pamitik?
- ... na si Caterina Volpicelli ay isang Italyanang santang tagapagtatag ng Panimulaan ng mga Katulong na Babae ng Banal na Puso?
- ... na si Penélope Cruz ay isang Kastilang aktres na nakapangalap ng katanyagan noong kabataan mula sa mga pelikulang katulad ng Jamón, Jamón?
- ... na si Juana Jugan ay isang santang Pransesang kilala rin bilang Madre Maria ng Krus?
- ... na ang uod ng aklat ay isang pangkalahatang tawag para sa anumang kulisap na sumisira ng mga aklat?
- ... na ang balat ng karag ay isang uri ng milong may lunting balat na may pekas?
- ... na ang robles ay isang punungkahoy o palumpong na nasa loob ng sari ng mga kuwerko?
- ... na ang tarpon ay mga isdang nag-iisang mga kasapi sa pamilyang Megalopidae at sa saring Megalops?
- ... na ang Ctenolepisma almeriensis ay isang uri ng primitibong kulisap na nasa ordeng Thysanura na dating ipinapanig sa Ctenolepisma lineata?
- ... na ang hayang trigo ay isang uri ng halamang ginagawang harina ang mga buto at kalimitang nakikita sa anyong angkak?
- ... na ang pamilya ng Phalacrocoracidae ay kinakatawan ng ilang 40 mga uri ng mga ibong kasiri?
- ... na ang alondras ay isang uri ng mga ibong nasa pamilyang Alaudidae?
- ... na ang koliplor ay isa sa ilang mga gulay na nasa loob ng uring Brassica oleracea?
- ... na ang Lungsod ng Pasig ay isa sa mga lungsod at bayan na bumubuo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas?
- ... na ang isdang pilak na may apat na mga guhit ay isang primitibong kulisap na nasa ordeng Thysanura?
- ... na ang Himagsikan sa Pilipinas mula 1969 hanggang kasalukuyan ay ang pakikipagdigma ng iba't-bang mga armadong grupo laban sa pamahalaan ng Pilipinas?
- ... na ang Diyosesis ng Sorsogon ay isang diyosesis ng ritong Latin ng simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas?
- ... na ang milong Kastila ay isang uri ng milon na tumutukoy sa dalawang mga uri ng Cucumis melo?
- ... na ang Diyosesis ng Virac ay nilikha mula sa Diyosesis ng Legazpi at supragan ng Arkidiyosesis ng Caceres?
- ... na ang humuhugong na bubuyog ay anumang kasaping bubuyog na nasa saring Bombus sa pamilyang Apidae?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigang Bulubundukin ang kinatawan ng Lalawigang Bulubundukin sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang Prelatura ng Infanta ay isang prelatura na matatagpuan sa Infanta, Quezon?
- ... na ang Diyosesis ng Masbate ay isang diyosesis na supragan ng Arkidiyosesis ng Caceres?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Maguindanao ay ang kinatawan ng lalawigan ng Maguindanao at nang independyenteng lungsod ng Lungsod ng Cotabato sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na ang Diyosesis ng Legazpi ay isang diyosesis ng Ritong latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Lungsod ng Legazpi?
- ... na ang isdang bughaw ay isang isdang-dagat na nag-iisa ang uri sa pamilyang Pomatomidae?
- ... na ang Diyosesis ng San Pablo ay binubuo ng lungsod ng San Pablo at ng lalawigan ng Laguna?
- ... na ang mirto ay isang sari ng isa o dalawang mga uri ng mga halamang namumulaklak sa loob ng pamilyang Myrtaceae?
- ... na ang Arkidiyosesis ng Caceres ay isang arkidiyosesis ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas?
- ... na ang robles ay isang punungkahoy o palumpong na nasa loob ng sari ng mga Quercus?
- ... na ang Diyosesis ng Daet ay isang diyosesis sa ilalim ng Arkidiyosesis ng Caceres?
- ... na ang Miss Saigon ang ika-10 pinakamatagal na tumatakbong musikal sa Broadway sa kasaysayan ng pagtatanghal na may tugtugin?
- ... na ang U2 ay dating may pitong mga kasapi at unang tinawag bilang Ang Banda ni Larry Mullen?
- ... na ang Mammon ay isang salitang nangangahulugang mga yamang pinaglaanan ng napakalaking pagpapahalaga?
- ... na si Mata Hari ay isang kortesanang espiya ng Alemanya noong Unang Digmaang Pandaigdig?
- ... na ang Diyosesis ng Lucena ay isang diyosesis ng Ritong Latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas?
- ... na sa mitolohiyang Griyego, si Memnon ay isang Etiyopiyanong bayani sa Digmaan ng Troya?
- ... na ang Diyosesis ng Boac ay nilikhang diyosesis noong Abril 1977?
- ... na si Adam Malik ay ang pangatlong pangalawang pangulo ng Indonesya?
- ... na ang Diyosesis ng Gumaca ay isa sa mga supraganong diyosesis ng Arkidiyosesis ng Lipa?
- ... na ang musikolohiya ay ang maparaan at makadalubhasang pag-aaral ng musika?
- ... na ang Pinoy Big Brother: Double Up ay ang ikatlong regular na edisyon ng Pinoy Big Brother?
- ... na ang larangan ng osteopatiya ay ibinunsod noong 1874?
- ... na nagakaroon ng tangkang itakas si Gat Jose Rizal gamit si Emilio Jacinto na nagpapanggap bilang alila, ayon sa talambuhay ni Francisco Carreón?
- ... na nakuha ang karaniwang pangalan ng halamang pitaka ng pastol mula sa pagkakahawig ng mga likbit nito sa mga katad na supot na dating dala ng mga pastol?
- ... na ang Arkidiyosesis ng Lipa ay binubuo ng lalawigang sibil ng Batangas, Pilipinas?
- ... na dating ginagamit ang siling kayena na panlunas para sa sakit na may ngalang "Kabuktutan ng Hari"?
- ... na si Osiris ay ang diyos ng Kabilang Buhay sa sinaunang Ehipto?
- ... na kinuha ang pangalan ng isdang-parol mula sa kanilang lantarang paggamit ng biyoluminisensiya?
Setyembre 2009
[baguhin ang wikitext]- ... na kinikilalang "tinig ng katwiran" si Khloé Kardashian kahit na nakasuhan dati dahil sa isang DUI?
- ... na ang mariringal na mga metal ay mga metal na hindi kinakalawang at hindi sumasanib sa iba pang mga elemento?
- ... na ang makroekonomiya at mikroekonomiya ay dalawang mga sangay ng ekonomiya?
- ... na, sa agham, ang temperatura ay ang pisikal na daming naglalarawan kung gaano kabilis gumalaw ang mga molekulang nasa loob ng isang materyal?
- ... na ang kimono ay isang uri ng tradisyonal na kasuotan ng mga Hapones?
- ... na ang mga daga ay isang orden ng mga mamalyang may patuloy na lumalaking mga ngiping pangtaga?
- ... na sina Vaslav Nijinsky at Bronislava Nijinska ay mga Rusong mananayaw at koreograpo ng baley na may ninunong Polako?
- ... na si Birgit Nilsson ay isang Suwekang sopranong nakilala dahil sa kanyang mga ginampanan sa mga opera ni Richard Wagner?
- ... na ang Siyam na Mararangal ay siyam na maalamat na mga katauhang kumakatawan sa pagkakabalyero noong Gitnang mga Panahon?
- ... na si Joshua Nkomo ay isang makabansang dating pinuno ng Simbabwe na pinalayawang "ang madulas na bato"?
- ... na si Isamu Noguchi ay isang Hapones-Amerikanong arkitekonng sumasaklaw ang larangang pangsining ng may anim na mga dekada magmula sa dekada ng 1920?
- ... na si Juan VIII Paleologus ay naging Emperador Bisantino (dinastiyang Palaiologos) mula 1425 hanggang 1448?
- ... na si E. Nesbit ay isang Inglesang may-akda ng mga aklat na pambata na naging tagapagtatag ng ninuno ng Partidong Manggagawa sa Nagkakaisang Kaharian?
- ... na si Oscar Niemeyer ay isang Brasilenyong arkitektong naging isa sa pangunahing mga tagapagdisenyo sa Brasil?
- ... na si Clare Newberry ay isang Amerikanang may-akda at mangguguhit na nakilala dahil sa pagsusulat ng mga kuwentong pambatang may mga pusa?
- ... na kabilang sa mga wikang ginagamit sa Antilyang Olandes ang Olandes, Kastila, Ingles, at ang magkakahalong katutubong wikang Papyamento?
- ... na ang Nestoryanismo ay isang kilusan sa loob ng Kristiyanismo na naniniwala sa ideyang may dalawang mga persona si Hesus?
- ... na si Pier Luigi Nervi ay isang Italyanong inhinyero at arkitektong nakilala dahil sa kanyang makabagong paggamit ng prepabrikadong binangkatang kongkreto?
- ... na ang mga Nayade ay uri ng mga diwatang pangtubig na namamahala ng mga bukal, balon, batis, lawa, at ilog?
- ... na ang kabihasnan ng mga Lahing Tao ng Taywan, na kilala rin sa tawag na Yami, ay katulad sa kabihasnan ng mga Ivatan ng Batanes, Pilipinas?
- ... na si Fridtjof Nansen ay isang Noruwegong siyentipiko, politiko, diplomata, at eksplorador ng Artiko?
- ... na si John Napier ay isang matematikong Eskoses na imbentor ng mga logaritmo at mga buto ni Napier?
- ... na si Nemesis ay ang diyosa ng makatarungang paghihiganti sa mitolohiyang Griyego na nagdulot kay Narciso ng parusang pagmamahal sa sariling anyo?
- ... na si Aphra Behn ay isa sa unang propesyunal na mga manunulat na babaeng Ingles?
- ... na ang pagsasarilinan ay ang kakayanan ng isang tao o pangkat ng mga taong itago ang kanilang mga sarili o mga kabatiran tungkol sa kanilang mga sarili?
- ... na si R. D. Blackmore ay ang tagapanimula ng bagong kilusang romantikong pangkathang-isip noong ikalawang hati ng ika-19 daang taon?
- ... na si Giovanni Boccaccio ay isang Italyanong manunulat na itinuturing bilang isang mahalagang humanista ng Renasimyento?
- ... na ang magkaroon ay isang uri ng partikulo sa pangungusap na may kaugnayan sa pag-iral o pag-aangkin?
- ... na ang Matabang Gasuklay ay isang rehiyon sa Malapit sa Silangan?
- ... na si Honoré de Balzac ay isang nobelista at mandudulang Pranses na umakda ng Komedyang Pantao?
- ... na ang manunulat na si Cyrano de Bergerac ay namatay dahil sa pagkakabagsak sa kanya ng isang biga?
- ... na naging pintor muna ng mga tanawin si William Black bago naging ganap na nobelista?
- ... na si Bjørnstjerne Bjørnson ay isa sa dakilang apat na mga manunulat ng Noruwega?
- ... na bukod sa pagiging may-akda ng nobelang Vathek, nagtayo rin si William Thomas Beckford ng isang monasteryo?
- ...na si Konstantino XI Paleologus ay ang huling Emperador Romano sa Silangan?
- ... na ang Atake sa ika-11 ng Setyembre ay isang serye ng planadong pag-atakeng papatiwakal ng Al-Qaeda sa Estados Unidos noong 11 Setyembre 2001?
- ... na si Apuleius ay isang Lating manunulat ng prosang naaalala dahil sa kanyang nobelang Ang Ginintuang Asno?
- ... na si Berthold Auerbach ay isang Aleman-Hudyong makata at may-akda?
- ... na si Lady Gaga ay isang Amerikanang mang-aawit na nagsimula sa Lungsod ng Bagong York?
- ... na si Hans Christian Andersen ay isang Danes na may-akdang kilala dahil sa kanyang mga kuwentong bibit?
- ... na ang dumagat ay anumang uri ng ibong mandaragit na nasa saring Falco?
- ... na ang mga buwitre ay mga ibong nanginginain ng mga bangkay ng mga hayop?
- ... na si William Harrison Ainsworth ang Ingles na nagsulat ng nobelang pangkasaysayan hinggil sa Tore ng Londres?
- ... na ang Ang Hari ng mga Bundok ang pinakakilala sa mga nobela ng Pranses na si Edmond About?
- ... na si Caesarion o "maliit na Caesar" ang huling hari ng Dinastiyang Tolomaiko ng Ehipto, at nagharing kasama ng inang si Cleopatra VII?
- ... na ang Euanthe sanderiana ay isang orkidyang kilala rin bilang Waling-waling?
- ... na ang mga yamang tao ay isang mabilisang lumalawak na katawagang tumutukoy sa pamamahala ng "puhunang mga tauhan" ng isang samahan?
- ... na si Frederic Francois Chopin ay isang kompositor at piyanista mula sa Polonya?
Agosto 2009
[baguhin ang wikitext]- ... na ang sunog sa gubat ay isang hindi matabanang sunog o apoy na nagaganap sa kanayunan, kagubatan at kasukalan?
- ... na ang Santuwaryo ng Mahal na Ina ng Lourdes ay isang lugar na pumapalibot sa dambana para sa Mahal na Ina ng Lourdes sa bayan ng Lourdes sa Pransiya?
- ... na ang Bantayog sa Sangkatauhan ay isang bato sa Peru na may wangis ng apat na uri ng lahi ng mga tao?
- ... na si Andrea Veneracion ang tagapagtatag ng Philippine Madrigal Singers?
- ... na si Eduardo Hontiveros ay isang Pilipinong Heswitang manlilikha ng awit at musikerong kilala dahil sa kanyang mga ambag sa musikang liturhikal sa Pilipinas?
- ... na ang lungaw ay isang pag-aaring katangiang panggusali sa larangan ng arkitektura na pangkaraniwang kahawig ng pang-itaas na hati ng isang timbulog na nasa tuktok ng isang gusali?
- ... na isa si James Joyce sa pinaka kosmopolitano ngunit pinaka nakatuon sa isang rehiyon sa lahat ng iba pang mga manunulat sa wikang Ingles noong ika-20 daang taon?
- ... na si Mark Anthony Carpio ay ang kasalukuyang tagakumpas na direktor ng Philippine Madrigal Singers?
- ... na si Giotto di Bondone ay isang Italyanong tagapagpinta at arkitektong pinakauna sa hanay ng mga artista ng sining noong panahon ng Muling Pagsilang sa Italya?
- ... na si Josefa Llanes Escoda ay ang tagapagtatag ng Mga Batang Babaeng Tagapagmanman ng Pilipinas?
- ... na ang Magkapatid na Grimm ay mga Alemang akademikong kilala sa paglalathala ng mga kalipunan ng mga kuwentong-bayan at mga kuwentong bibit?
- ... na si Frank Lloyd Wright ay isang Amerikanong arkitektong nagdisenyo ng higit sa 1,000 mga proyekto na nagresulta sa mahigit sa 500 nakumpletong mga gawa?
- ... na ang paganismo ay isang pangkalahatang katawagang pantukoy sa sari-saring mga pananampalatayang may maraming diyos?
- ... na si Ezra Pound ay isang Amerikanong makatang naging pangunahing tao sa kilusang Modernista noong unang hati ng ika-20 daang taon?
- ... na si Ginoo't-Panginoong Byron ay isang Britanikong makata at nangungunang tao sa Romantisismo?
- ... na nakaimpluwensiya si Johann Wolfgang von Goethe kay Charles Darwin?
- ... na ang Paliparan ng Kalibo ang katangi-tanging domestikong paliparang tumatanggap ng mga pandaigdigang paglalakbay?
- ... na ang Nakahilig na Tore ng Pisa ay ang malayang nakatayong tore ng kampanilya ng katedral ng Italyanong lungsod ng Pisa?
- ... na si Emperador Taizong ng Tang ay ang pangalawang emperador ng Dinastiyang Tang ng Tsina?
- ... na si Charles Dickens ang pinakabantog na nobelistang Ingles noong panahong Biktoryana?
- ... na si Walt Whitman ay isang Amerikanong manunulat ng may pagkabulgar na "Mga Dahon ng Damo"?
- ... na si Carl Friedrich Gauss ay isang Alemang kinikilala bilang Prinsipe ng mga Matematiko?
- ... na si Krishna ay ang diyos na sinasamba sa Hinduismo at pananampalatayang Bahá'í?
- ... na si Constantino I ang naging unang Kristiyanong Romanong emperador?
- ... na si Neil Armstrong ay ang unang taong nakatapak sa buwan ng mundo?
- ... na ang polder ay isang uri ng paniklop na humahawak sa mga papel para sa organisasyon at proteksiyon?
- ... na ang pagkabingi ay ang kalagayan ng isang taong hindi makarinig at may mahinang pandinig?
- ... na ang biyaheng daambakal ay ang transportasyon ng mga taong lulan at bagay sa pamamagitan ng paggamit ng mga sasakyang may mga gulong at dinisenyong tumakbo sa riles?
- ... na may pagpanaw at parangal na ibinigay kay Corazon Aquino dahil sa pagturing sa kanya bilang bayani ng Pilipinas?
- ... na ang astrobiyolohiya ay ang pag-aaral at pananaliksik kung may buhay o wala sa ibang mga planeta?
- ... na batay sa kasaysayan ng Maynila, ang sinaunang Lungsod ng Maynila ay tinatawag na Seludong o Selurung?
- ... na karaniwang mga panlabas na makinang de-ningas ang mga makinang pinasisingawan?
- ... na si Carol Higgins Clark ay isang Amerikanang may-akda ng misteryo at aktres sa telebisyon, entablado at pelikula?
- ... na ang histolohiya ay ang pag-aaral ng anatomiya ng mga selula at mga lamuymoy ng mga halaman at hayop sa pamamagitan ng mikroskopyo?
- ... na ang retorika ay isang uri ng sining ng paggamit ng wika?
- ... na ang neon ay isang uri ng gas at elementong kimikal na nagbibigay ng mamulamulang katingkaran kapag dinaanan ng kuryente?
- ... na ang ekskresyon ay isang proseso ng pagtatanggal ng dumi ng katawan?
- ... na ang sistemang panghipo ay isang sistemang pandamang nakapapansin ng mga paghipo, presyon, temperatura, hapdi, kati, at kiliti?
- ... na ang reproduksiyon ay ang prosesong biyolohikal kung saan nalalalang ang bagong indibidwal na mga organismo?
- ... na ang maliit na bituka ay isang bitukang bahagi ng katawang nakalagay sa pagitan ng tiyan at ng malaking bituka?
- ... na ang Lawa ng Victoria ay isa sa mga Dakilang mga Lawa ng Aprika?
Hulyo 2009
[baguhin ang wikitext]- ... na ang pamilyang Hominidae ay kinabibilangan ng mga tao, mga tsimpansi, mga gorilya, at mga oranggutan?
- ... na ang Lawa ng Titicaca ay isang lawang nasa hangganan ng Peru at Bulibya?
- ... na ang rupi ay ang pangalan ng mga bayaring ginagamit sa India, Sri Lanka, Nepal, Pakistan, Mauritius, at Seychelles?
- ... na ang mga pampasabog ay mga kumpuwestong kimikal na nakapagdurulot ng pagsambulat?
- ... na ang kimtsi ay ang binurong repolyo at labanos sa Korea?
- ... na ang pulbura ay isang halo ng mga sustansiyang kimikal na mabilis na nasusunog at lumilikha ng mga gas?
- ... na ang eklipse ay isang pang-astronomiyang kaganapan na nagaganap kapag gumalaw ang isa sa mga bagay sa kalangitan sa loob ng anino ng isa pa?
- ... na ang masinggan ay isang automatikong sandatang nakapagbabaril ng sunud-sunod na mga punglo habang nakadiin ang gatilyo?
- ... na si Atlas ay isang Titanong nagsilbing suporta ng mga kabundukan sa Aprika?
- ... na ang Wikispecies ay isang wiking itinataguyod ng Pundasyong Wikimedia na nagnanais makalikha ng malayang nilalaman ng isang talaan ng lahat ng mga espesye?
- ... na ang etimolohiya ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung paano nag-iba ang kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng panahon?
- ... na ang endemismo ay isang kalagayang ekolohikal na pagiging kakaiba dahil sa partikular na lokasyong heograpikal?
- ... na ang Kapuluan ng Paroe ay isang grupo ng mga pulong nasa pagitan ng Dagat Noruwego at Hilagang Karagatang Atlantiko?
- ... na ang Grand Chase ay isang larong pangkompyuter na binuo ng isang Koreanong kompanya?
- ... na ang takot ay isang pang-emosyon na tugon sa mga banta at panganib?
- ... na si Jason Mraz ay isang Amerikanong mang-aawit?
- ... na may isinulat na tula ukol sa hanapbuhay ang Amerkanong si Henry Van Dyke?
- ... na si Annie Valloton ay isang Suwisang mangguguhit ng mga larawan para sa Bibliya na gumagamit lamang ng mga payak na linya?
- ... na ang Beyond Forgetting ay isang tula ng pag-ibig ng Pilipinong makatang si Rolando A. Carbonell?
- ... na ang Mga Soneto mula sa Portuges ni Elizabeth Browning ay dating dapat na pinamagatang Mga Soneto mula sa Bosniyano?
- ... na ang Operasyon Ichi-Go ay isang kampanya ng serye ng mga pangunahing labanan sa pagitan ng mga pwersa ng Imperyong Hapon at ng Republika ng Tsina noong 1944?
- ... na ang karang ay isang pulo ng koral na pumapalibot halos o sa kabuuan ng isang danaw?
- ... na ang bahura ay isang pilapil ng buhangin na may anyong guhit na anyo ng lupa sa loob ng isang katawan ng tubig?
- ... na si John Rundle Cornish ay isang Anglikanong obispong pinasinayahang obispo ng San Alemanya mula 1905 hanggang 1918?
- ... na ang suklob-tuhod ay ang butong pantakip sa sugpungan ng tuhod na kahugis ng maliit na biluging platito?
- ... na ang pagbabata ay isang paaralan ng Helenistikong pilosopiyang itinatag sa Atenas ng pilosopong si Seno ng Sitium?
- ... na ang Taoismo ay ang iba't ibang magkakaugnay na pang-pilosopiya at panrelihiyong mga tradisyon at kaisipan na nakaimpluwensiya sa Silangang Asya at lumaganap sa Kanluran?
- ... na ang danaw ay isang katawan ng maalat-alat na tubig na ihinihiwalay mula sa mga mas malalalim na dagat sa pamamagitan ng isang mababaw na bahura?
- ... na ang panghuli ng pangarap ay isang gawang-kamay na bagay na may bilog na yari sa halaman ng saring Salix at may habi ng maluwag na lambat o sapot?
- ... na ang Bagyong Auring ng 2009 ay ang unang bagyo na nabuo sa panahon ng bagyo sa hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2009?
- ... na si Lawrence Sanders ay isang nobelista mula sa Estados Unidos?
- ... na ang boro ay isang kahatiang administratibo sa sari-saring mga bansa?
- ... na ang Pamayanang Taizé ay isang ekumenikal na Kristiyanong monastikong orden sa Borgonya, Pransiya?
- ... na ang Brooklyn ay isa sa limang mga boro ng Lungsod ng Bagong York?
- ... na ang pampalasa ay tuyong buto, bunga, ugat, banakal o kahit na anong gawa sa gulay na ginagamit panagdag sa lasa, kulay, o pampatagal ng pagkain?
- ... na ang Taon ng Pagsasauli ay isang kaugaliang Hudyo tuwing ika-50 taon na may pagsunod sa pagbibigay ng kalayaan sa sinumang Israelitang naging alipin dahil sa utang?
Hunyo 2009
[baguhin ang wikitext]- ... na ang panahon ng bagyo sa hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2009 ay walang opisyal na hangganan ngunit karamihan sa mga bagyo ang nabubuo tuwing Mayo hanggang Nobyembre?
- ... na ang semaporong watawat ay isang sistema para sa pagbibigay ng kabatirang pangdistansiya sa pamamagitan ng biswal na senyas habang may hawak na bandila o iba pang bagay?
- ... na si Cimabue ay isang pintor mula sa Florencia, Italya na namuhay noong Panahong Medyibal?
- ... na si Bob Dylan ay isa sa pinakabantog at pinakamatagumpay na sikat na manganganta ng huling 40 mga taon?
- ... na ang pulang panda ay kilala rin bilang apoy-soro at mas mababang panda?
- ... na ang pandakot ay isang kasangkapang panlinis na karaniwang katambal ng walis?
- ... na ang Paghihintay kay Godo ay isang dulang pangtanghalan na naging pinakamahalagang dula sa wikang Ingles ng ika-20 daang taon?
- ... na ang pamalisan ay isang patag at parisukat na pamunasan ng paang nilalagay sa may pintuan ng isang bahay?
- ... na ang Wiktionary ay isang proyektong multilingguwual o lahukan ng mga salita sa web na lumikha ng isang libreng nilalaman para sa mga mambabasa ng talatinigan?
- ... na si Juan Maria Vianney ang ipinahayag ni Papa Benedikto XVI bilang Unibersal na Patron ng mga Pari para sa pagdiriwang ng Taon ng mga Pari?
- ... na ang Si Silas Marner: Ang Manghahabi ng Raveloe ay isang madramang nobela ni George Eliot na unang nalathala noong 1861?
- ... na ang ekspedisyong Challenger ng 1872-76 ay isang ekspedisyong pang-agham na nakagawa ng maraming tuklas na naglatag ng pundasyon sa oseanograpya?
- ... na may mga paliwanag si San Agustin hinggil sa mga bahagi ng dasal na Ama Namin?
- ... na ang lagnaw ay ang likido ng gatas mula sa paggawa ng keso na karaniwang nagiging pandagdag na nutrisyon sa paghuhubog ng katawan?
- ... na si Barnabas ay isang Lebitang naging isang sinaunang Kristiyanong Hudyo sa Herusalem?
- ... na si William Kidd ay ay isang Eskoses na mandaragat na naaalala dahil sa paglilitis sa kanya dahil sa bintang na pandarambong?
- ... na si Ponciano Pineda ay isang manunulat, guro, linggwista at abogadong itinuturing bilang Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino?
- ... na si Henry van Dyke ay isang Amerikanong may-akda, tagapagturo, Presbiterong ministro, at klerigo?
- ... na ang paghuhubog ng katawan ay isang uri ng pagbabago ng katawan na kinasasangkutan ng matinding paglaki ng mga masel?
- ... na si Evelyn Trout ay ang unang babaeng nakapagpalipad ng panghimpapawid na sasakyan sa kahabaan ng gabi?
- ... na ang Ginintuang Patakaran ay isang pamantayan ng gantihan ng kabutihan na matatagpuan sa Ebanghelyo ni San Mateo?
- ... na si Juliana ng Norwich ay itinuturing na isa sa pinakadakilang mistikong manunulat ng Inglatera?
- ... na ang pinalamanang tinapay ay isang uri ng pagkaing ginawa na may isa o maraming hiwa ng tinapay at may isa o maraming mga palaman?
- ... na ang Puma yagouaroundi ay isang nasa gitnang laking mabangis na pusang sumasakop sa katimugang Tehas ng Estados Unidos hanggang Timog Amerika?
- ... na ang karnabal ay isang panahon ng kasayahang agad na nagaganap bago sumapit ang panahon ng Kuwaresma?
- ... na ang prosyuto ay ang pinatanda, tinuyo, ginamot, pinalasa, maninipis, at hindi lutong Italyanong hamon?
- ... na si R. Thomas Smith ay ang Amerikanong tagapagsanay ng kabayong pangarerang si Seabiscuit?
- ... na ang mabukol na karamdaman ng bato ay isang henetikong sakit na may pamumukol sa mga bato ng katawan?
- ... na si Erma Bombeck ay isang Amerikanang kolumnistang naglarawan ng ordinaryong buhay ng babaeng maybahay sa gitnang kanlurang sub-urbanong bahagi ng Estados Unidos?
- ... na ang lapay ay isang glandulang naglalabas ng mga hormona at ensima sa pamamagitan ng mga sihay na kilala bilang mga maliliit na pulo ni Langerhans?
- ... na kadalasang ginagamit na batong hiyas ang mga mga walang kulay na petalita?
- ... na si Cassius Marcellus Coolidge ay isang Amerikanong pintor na kilala dahil sa pagpipinta ng mga larawan ng manunugal na mga aso?
- ... na ang kanoli ay isang uri ng tinapay na isang mahalagang bahagi ng lutuing Sisilyano?
- ... na si Huang Xianfan ay isang propesor, historyador, at pinuno ng paaralang Bagui ng Tsina na tinutukoy bilang ama ng makabagong pananaliksik na Zhuang?
- ... na ang mesusa ay isang pergaminong may nakasulat na sitas mula sa Bibliyang inilalagay ng mga Hudyo sa may pintuan ng bahay?
- ... na ang Pulo ng Ellis at Pulo ng Anghel ay kapwa naging mga sinaunang himpilan ng imigrasyon sa Estados Unidos?
- ... na si Walter Persegati ay ang dating kalihim-ingatyaman ng mga Bantayog ng Batikanong namahala sa restorasyon ng mga mural ni Michelangelo sa Kapilyang Sistino?
- ... na ang Ununoktio ang pansamantalang pangalan ng elementong bilang 118 na kilala rin bilang eka-radon?
- ... na ang ngiti ay isang anyo ng mukha ng isang tao na karaniwang nagpapadama ng kasiyahan?
- ... na si John Keats ay isa sa limang pinakamahahalagang mga makata ng kilusang Romantisismo ng panitikang Ingles?
- ... na ang paghilang-paangat ay isang uri ng ehersisyong para sa pang-itaas na bahagi ng katawan?
- ... na ang Helyo ay isang elementong kimikal na may atomikong bilang na 2 at simbolong He?
- ... na si Isabel Allende ay isa sa matatagumpay na mga kababaihang manunulat sa Amerikang Latina?
- ... na si Louise Erdrich ay isang katutubong Amerikana ng Estados Unidos na naging may-akda ng mga sulating may katatawanan?
- ... na si Roscoe Brown ay isa sa Mga Kalalakihang Panghimpapawid ng Tuskegee, ang unang iskuwadrong militar na binubuo ng mga liping itim lamang?
- ... na si Rameses II ang pinaniniwalaang Paraon ng Eksodo sa Bibliya?
- ... na si Fares ay isang ninuno ni Haring David ng Bibliya kaya't pinagmulan din ni Hesus?
- ... na ang Kodansha ay ang pinakamalaking kompanyang manlilimbag sa bansang Hapon?
- ... na ang supositoryo ay isang uri ng gamot na ipinapasok sa tumbong ng tao?
- ... na ang yoga ay isang paniniwala at gawain ng pagdidisiplina sa katawan at isipan?
- ... na ang Anime News Network ay isang pambalitang websayt na para sa industriya ng anime na nag-uulat sa kalagayan ng mga anime, manga, at musikang Hapones?
- ... na ang supot na pipa ay isang uri ng hinihipang instrumentong pangtugtog na karaniwang matatagpuan sa Eskosya?
- ... na ang kayak ay isang maliit na bangka na pinapaandar ng lakas ng tao at minsang natatawag ding kano?
- ... na ang The Prince of Tennis ay isang popular na mangang shonen sa bansang Hapon ni Takeshi Konomi?
- ... na ang Seol ay isang uri ng Mundong Ilalim ayon sa paniniwalang Hebreo?
- ... na ang Alamat ng Nakakaantok na Libis ay isa sa pinakamaagang mga halimbawa ng Amerikanong kathang-isip na maikling kuwentong binabasa pa rin magpahanggang sa kasalukuyan?
Mayo 2009
[baguhin ang wikitext]- ... na ang bungo ay tinatagurian din bilang luklukan ng talino?
- ... na ang tintura ay isang paraan ng paghahanda ng inuming mula sa yerbang hinaluan ng naiinom na alkohol at tubig?
- ... na ang katakawan ay ang kasibaan at labis na pagkonsumo ng pagkain, inumin, at mga bagay na nakalalasing na umaabot sa pag-aaksaya?
- ... na ang plaskang Florencia ay isang kagamitang panglaboratoryong praskong pinangalanan mula sa Florencia, Italya?
- ... na ang Facebook ay isang panghalubilong kabalagang sityong web na libre ang pagpasok at pinapagana ng Facebook, Inc.?
- ... na ang ateismo ay isang panininindigang hindi totoong mayroong mga diyos o kawalan ng paniniwala sa pagkakaroon ng mga diyos?
- ... na ang hanami ay ang nakaugaliang pagkakaroon ng kasiyahan sa pagtanaw sa mga bulaklak ng seresang namumulaklak na isinasagawa sa Hapon?
- ... na si Inang Teresa ay isang madreng Katolikong nagmula sa Albanya na nakilala bilang isang "buhay na santo" noong nabubuhay pa?
- ... na ang mapanggulong pagkilos sa mga bata ay ang tawag sa suliranin ng mga bata kapag nahihirapan ang mga ito sa pagsunod sa mga alituntunin?
- ... na si Albert Schweitzer ay isang Pranses-Alemang pilosopo, musiko, misyonerong duktor, at guro na nagantimpalaan ng Gantimpalang Nobel Pangkapayapaan?
- ... na ang inggit ay ang isa sa pinakamabisang sanhi ng kawalan ng katuwaan ng tao?
- ... na si Henri Dunant ay isang Suwisong bangkerong pinagmulan ng ideya ng pagkakaroon ng mga samahang Kilusang Pandaigdig ng Pulang Krus at Pulang Gasuklay?
- ... na ang bingi at bulag na si Helen Keller ay naging isang may-akda, aktibista at taga-panayam dahil sa tulong ng gurong si Anne Sullivan?
- ... na ang ang tapal ay uri ng panggamot na itinatakip sa mga sugat o nananakit na mga masel ng katawan?
- ... na ang dekoksiyon ay isang paraan ng pagluluto ng inumin mula sa yerba sa pamamagitan ng pagpapakulo, pagpapakatas, at pagbababad?
- ... na ang Banal na Imperyong Romano ay isang unyon ng mga teritoryo sa Gitnang Europa noong Gitnang Panahon at ang Unang Makabagong panahon sa ilalim ng Banal na Romanong Emperador?
- ... na ang pinulbos na damong-gamot ay mga halamang-gamot na nasa anyong pulbos?
- ... na ang Teleskopyong Pangkalawakang Hubble ay isang teleskopyong pangkalawakan na ipinangalan sa Amerikanong astronomong si Edwin Hubble?
- ... na ang krema ay isang halo na mayroong tubig at mga taba o mga langis na nagagamit sa pagpapalambot ng balat?
- ... na ang bisikleta ay isang sasakyang pinapaandar ng lakas ng tao sa pamamagitan ng mga pedal?
- ... na ang inpusyon ay isang payak na paraan ng paghahanda ng mga inuming halos katulad ng sa paggawa ng tsaa?
- ... na ang Katimugang Karagatan ay binubuo ng pinakatimog na mga tubig ng Karagatan ng Mundo na nasa timog ng 60° T latitud?
- ... na ang pamitpit ay isang uri ng pantapal sa sugat na payak na binubuo ng sapin ng telang binasa ng isang mainit na katas ng yerba?
- ... na ang minotauro ay isang nilalang na kalahating tao at kalahating baka?
- ... na ang Paseguruhan ng mga Manggagawa sa Pribadong Sektor ay isang ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas na naglilikom ng pondo bilang seguro mula sa ambag ng mga manggagawa ng pribadong sektor?
- ... na ang Sahara ay ang pinakamalaking maiinit na ilang sa buong Daigdig?
- ... na si Prometheus ay isang diyos na Titano sa mitolohiyang Griyego?
- ... na ang Pundasyong Tzu Chi ay isa sa pinakamalalaking organisasyong Budista na nakabase sa Taywan?
- ... na ang musikang rock ay isang uri ng musikang popular na pumasok sa prinsipal na bahagi ng mga tagapakanig noong gitna ng mga 1950?
- ... na ayon sa alamat ng Kasaysayan ng Roma, itinatag ang lungsod ng Roma ng kambal na magkakapatid na lalaking sina Romulus at Remus?
- ... na sa mitolohiyang Nordiko, si Thor ang diyos ng kulog?
- ... na ang Danaides ay ang 50 mga anak na babae ni Danaus na sapilitang ipinakasal sa kanilang 50 mga pinsang lalaki?
- ... na ang karne ng baka ay mapaghahalawan ng katas upang maging tsaa at karinyusa?
- ... na si Odin ay ang hari ng mga Nordikong diyos na may iisang mata lamang?
- ... na ang Ligang Arabe ay isang rehiyonal na samahan ng mga estadong Arabe sa Timog-kanlurang Asya, Hilaga, at Hilaga-silangang Aprika?
- ... na ang pangalan ng diyosang si Hera ay nangangahulugang "luningning ng kalangitan" at "dilag"?
- ... na kilala ang sinaunang mga taga-Isparta bilang sanay sa mga gawaing pangkawal at namumuhay ng walang karangyaan?
- ... na ang mga Plebo ay ang mga karaniwang tao sa lipunan ng Sinaunang Roma?
- ... na ang pangalan ni Poseidon sa Romano ay hinalaw mula sa katawagan ng mga Etruskano para sa kanya?
Abril 2009
[baguhin ang wikitext]- ... na ang Pilipinang astronomong si Reinabelle Reyes ay nagantimpalaan ng parangal na Chambliss dahil sa pagtuklas ng 900 mga butas na itim sa kalawakan?
- ... na ang protista ay nabubuhay sa kahit anumang kapaligiran na may likidong tubig?
- ... na maiiwasan ang pagkalulong sa mga bawal na gamot sa pamamagitan ng tamang ugnayan ng mga magulang at mga anak?
- ... na ang pangalang Christopher ay nangangahulugang tagapagdala ng Kristo?
- ... na ang pamumula ng mukha ay ang pinakapantaong pagpapakita ng damdamin ng isang tao?
- ... na may mga pariralang pampagkain sa Ingles na may pinagbatayang mga totoong pangyayari sa buhay ng tao?
- ... na ang Panitikan sa Pilipinas ay pumapailalim sa dalawang pangunahing kaparaanan ng pag-uuri?
- ... na si Frida Kahlo ay isang Mehikanang pintor na puminta ng larawang Ang Dalawang mga Frida?
- ... na ang Pranses na si Alain Clément ay isa sa mga mapunahing manunuri ng mga kaganapang pampolitika sa Estados Unidos?
- ... na ang kabihasnang Miseneo ng Sinaunang Gresya ang pumalit sa kalinangang Minoe?
- ... na si Marcus Cunliffe ay isang pangunahing Britanikong awtoridad sa kasaysayan at kalinangan ng Estados Unidos?
- ... na ang kabihasnang Etruskano ay mayroong mitolohiyang katulad ng sa mga Griyego at Romano?
- ... na ang Irlandes na si Patrick O'Donovan ay isang tagapamahayag na dating nanungkulan bilang isang opisyal ng tangkeng pandigma?
- ... na ayon sa mitolohiyang Ehipsiyo, sina Shu at Tefnut ang pangunahing mga puwersang lalaki at babae ng sanlibutan?
- ... na ang Mga Yapak sa Buhangin ay may tatlong bersyong may magkakahawig na mga pamagat subalit may iba’t ibang mga may-akda?
- ... na si Giuseppe Flajani ay naging pansariling manggagamot ni Papa Pio VI noong 1775?
- ... na si Raymond Aron ay isang Pranses na pilosopo at sosyolohistang umakda sa Ang Opyo ng mga Intelektuwal?
- ... na ang Alemang si Herbert von Borch ay isinilang sa Tsina at naging isang korespondiyente para sa pahayagang Süddeutsche Zeitung?
- ... na si Max Warren ay isang Ingles na Angglikanong manunulat na kanon ng Monasteryo ng Westminster sa Inglatera?
- ... na ang Alemang si Peter von Zahn ay isang prodyuser na pantelebisyong sumulat ng apat na aklat hinggil sa buhay at politika sa Estados Unidos?
- ... na ang Noruwegong si Sigmund Skard ay isa sa mga pangunahing Europeong dalubhasa sa panitikan ng Estados Unidos?
- ... na ang Ingles-Italyanong si Massimo Salvadori ay isang siyentipikong pampolitika umakda sa Ang Ekonomiya ng Kalayaan?
- ... na ang mga protina ay natuklasan ng Swekong kimikong si Berzelius noong 1838?
- ... na ang Desiderata ay isang tulang tuluyang ukol sa pagkakamit ng katuwaan sa buhay?
- ... na si Achilles ay isang Griyegong bayani ng Digmaang Troyano at pangunahing mandirigmang tauhan Iliada ni Homero?
- ... na ang Kabayo ng Troya ay isang malaking kabayong kahoy na may maluwang na butas na pinagtaguan ng mga Griyegong kawal upang lihim na makapasok sa Troya?
- ... na ang Sucot ay maaaring tumukoy sa isang kapistahan, mga pook at pangkat ng mga tao sa Bibliya?
- ... na ang buumbilang ay mga likas na bilang na kabilang ang 0 at kanilang mga negatibo?
- ... na si Eleanor Roosevelt, Unang Ginang ng Estados Unidos mula 1933 hanggang 1945, ay namatay dahil sa tuberkulosis?
- ... na ang mahabang barong maraming kulay ay ang pangalan para sa mahabang kasuotang may manggas na pag-aari ni Joseng bunsong anak ni Israel ng Bibliya?
- ... na ang mga nakatayong bato ay kilala rin bilang massebah na ginagamit sa pagaalaala ng isang kaganapan?
- ... na ang pag-ampon ay isang gawain ng pagkupkop at pagturing bilang tunay na anak sa isang batang ulila?
- ... na ang gulang ay ang bilang ng mga taon mula pa nang ipanganak ang isang tao noong araw ng kanyang kaarawan?
- ... na si Chad Peralta ay isang artistang Pilipino-Australyanong may degri sa Impormasyon at Teknolohiya at natutong tumugtog ng gitara noong 12 taong gulang pa lamang?
- ... na ang Bugtong na Anak ay isang katawagan at pamagat kay Hesus na nabanggit sa Ebanghelyo ni Juan ng Bibliya?
- ... na ang Pen-pen de Sarapen ay hindi naman orihinal na ginagamit bilang isang tugmaang pambata?
- ... na ang mitolohiyang Nordiko ay ang mitolohiyang nagmula sa mga Norsmen o mga Tao ng Hilaga ng Europa?
- ... na ang mga pagdiriwang sa Pilipinas ay nahahati sa mga kauriang pambansa, pansibiko, at panrelihiyon?
- ... na ang Bulubundukin ng Gandise ay isang kapangkatan ng mga bundok sa Tibet na nasa pagitan ng Yarlung Tsangpo at ng talampas ng Chang Tang?
- ... na ang pagkabigo ay isang kalagayan kung saan hindi nabuo ang isang kaaya-ayang layunin o minimithing hangarin?
- ... na si Melquisedec ay isang paring naghari sa Salem, ang sinaunang Herusalem?
- ... na ang Edom ay isa pang pangalan para kay Esau na pinagmulan ng mga Edomita?
- ... na ang kawalan ng ginagawa ay isang katayuan na may kaugnayan sa hindi pagkakaroon ng galaw, lakas, o enerhiya ng isang tao?
- ... na ang pangalan ni Jacob ng Bibliya ay nangangahulugang "kumakapit sa sakong"?
- ... na sa rurok ng kanyang kapangyarihan, pinamunuan ni Saladin ang Ehipto, Sirya, Irak, Hejaz, at Yemen?
- ... na ang pangalang Isaac ay nangangahulugan bilang "siya ay tatawa"?
- ... na nababatid ng makabagong mga siyentipiko na maraming mga kamalian sa mga pagpapaliwanag ni Galen ukol sa panggagamot?
- ... na sina Mentohotep III at Hatshepsut ay ang dalawang tanyag na pinuno ng sinaunang Ehiptong nagpadala ng ekspedisyong pangkalakalan sa Lupain ng Punt ng Dagat na Pula?
- ... na si Paracelsus ay isang manggagamot na itinuturing bilang Ama ng Pampamanhid?
- ... na si Ambroise Paré ay isang maninistis ng mga hari ng Pransiya na nagsimula muna bilang barbero?
- ... na si Mondino de Luzzi ay ang unang manggagamot na tumaliwas sa mga diwang pangpanggagamot at pang-anatomiya ni Galen?
- ... na si Andreas Vesalius ay ang manggagamot na umakda ng isa sa pinakamaimpluhong mga aklat ukol sa anatomiya ng tao?
- ... na ang salitang engkanto ay nagmula sa salitang Kastilang encantar na may ibig sabihing manggayuma?
- ... na ang akupungktura ay isang uri ng panggagamot na ginagamitan ng mga karayom na itinutusok sa mga natatanging bahagi ng balat ng katawan?
- ... na si Nefertiti at ang kanyang asawa ay kilala sa pagpapalit ng relihiyon sa Ehipto mula sa politeismo patungo sa monoteismo?
- ... na sina Karl Adolph von Basedow, James Begbie, at Henry Marsh ay tatlo lamang sa iba pang mga manggagamot na kilala dahil sa pag-uulat ng mga sintomas na may kaugnayan sa eksoptalmikong buklaw?
- ... na ang Paghahati ng Silangan-Kanluran ay ukol sa paghahati ng Kristiyanismo na humantong sa pagkakaroon ng Simbahang Silangang Ortodokso at ng Simbahang Romano Katoliko?
- ... na ang pamangkin ay hindi lamang tumutukoy sa anak na lalaki o babae ng isang kapatid at anak na lalaki o babae ng asawa ng isang kapatid?
- ... na si Menes ay isang pinuno ng Pang-itaas na Bahagi ng Sinaunang Ehipto na naging hari ng Buong Ehipto sa loob ng 62 mga taon?
- ... na ang mga huwad na sangang pangkatawan ay mga hindi totoong bisig, hita, kamay, at paang ginagamit ng mga taong naputulan o wala ng mga ito?
- ... na si Silvio Berlusconi ay ang pangalawang pinakamahabang nagsilbi bilang Punong Ministro ng Republika ng Italya?
- ... na ang dentin ay ang matigas at parang garing na sustansiyang bumubuo sa pangunahing katawan ng isang piraso ng ngipin?
- ... na ang nabubuong sanggol ay ang tawag sa isisilang na anak ng tao o hayop habang nasa loob pa ng tiyan ng ina?
- ... na ang pang-abay na oo ay gumaganap bilang pamantayang tugon ng pagsang-ayon?
- ... na ang eksoptalmikong bosyo ay isang karamdamang may katangiang pagkakaroon ng pagsasama-sama ng hipertiroydismo, buklaw, at eksoptalmos?
- ... na ang ungguwentong basilikon ay isang uri ng gamot na pamahid at panghimas ng balat?
- ... na ang pamamahinga sa higaan ay isang reseta ng manggagamot sa isang pasyente upang maglaan ng sapat na panahon ng pahinga sa ibabaw ng isang himlayan?
- ... na si Maria Odulio de Guzman ay ang unang babaeng prinsipal ng isang sekundaryang paaralan sa Pilipinas?
- ... na si Wen Jiabao ay ang kasalukuyang Premier ng Republikang Popular ng Tsina?
- ... na ang Partidong Komunista ng Tsina (CCP), ay ang kasalukuyang naghaharing pampolitika na partido ng Republikang Popular ng Tsina?
- ... na si Florence Nightingale ay isang Inglesang nakilala bilang Ang Babaeng may Lampara at tagapagtatag ng makabagong narsing?
- ... na ang Dharamsala ay ang lugar ng panirahan at punong himpilan ng ipinatapong pamahalaan ng Tibet?
- ... na sa sangang integral na kalkulus ng matematika, mayroong tinatawag na makapangyarihang serye?
- ... na ang Pangulo ng Republika ng Tsina ay ang pinuno ng estado ng Republika ng Tsina o kilala bilang Taywan noong dekada 1970?
- ... na ang pinakamalalim na bahagi ng Dagat na Itim ay umaabot ng 2,212 mga metro?
- ... na halos 160,000 ang bilang ng napaslang na mga mamamayan sa Labanan sa Hilagang Cotabato ng Pilipinas?
- ... na si Thubten Gyatso ang ikalabing-tatlong Dalai Lama ng Tibet?
- ... na ang mani ng areka ay ang mga buto o bunga ng palmang luyos na isang puno sa Silangang bahagi ng mundo?
- ... na si Gideon ay isang Israelitang hukom na matatagpuan sa Aklat ng mga Hukom sa Lumang Tipan ng Bibliya?
- ... na ang katagang firmware ay nilikha ni Ascher Opler sa isang sulatin sa Datamation noong 1967?
- ... na ang matuwid at makatuwiran ay ang paggawa ng kung ano ang tama, ng kung ano ang banal, at ng katapatan sa mga pangako sa isang tipanan?
- ... na ang pahunos ay ang ika-sampung bahagi ng kitang salapi, ani, o hayop na boluntaryong inaalay sa kawanggawa, abuloy sa simbahan, o bayad sa buwis?
- ... na sa Bibliya ang kapatid ay may pagkakataong nangangahulugan din bilang pinsan?
- ... na ang mga Palestino ay mga taong Arabo ng Palestina ng makasaysayang lupaing sakop ngayon ng Israel, Kanlurang Pampang ng Jordan, at ng Piraso ng Gaza?
- ... na ang pangalang Lamec ay tumutukoy sa dalawang lalaki sa mga henealohiya ni Adan na nasa aklat ng Henesis?
- ... na si Benito Mussolini ay isang Italyanong politikong binibigyang kredito sa pagiging isa sa mga susing mga tauhan sa pagkalikha ng Pasismo?
- ... na ang Salot na Itim ay isa sa pinakamalubhang pandemya sa kasaysayan ng tao na malawakang inaakalang sanhi ng bakteryang Yersinia pestis?
- ... na ang Noh ay isang mahalagang anyo ng klasikong musikal na Hapones na dramang tinatanghal na noon pang ika-14 na siglo?
- ... na ang mga miyembro ng klaseng Reptilia ay mga bertebratang humihinga ng hangin, malamig ang dugo, at may balat na nababalutan ng kaliskis sa halip na balahibo?
- ... na ang Birreynato ng Bagong Espanya ay dating pampolitikang yunit ng mga teritoryong Kastila sa Hilagang Amerika at Asya-Pasipiko mula 1535 hanggang 1821?
- ... na ang Kalinangang Nok ay mga taong namuhay sa pangkasalukuyang hilagaing Nigeria mula mga 900 BK?
- ... na ang Taong Nebraska ay isang pangalang ginamit ng mga mamamahayag para sa Hesperopithecus haroldcookii, isang putatibong uri ng bakulaw?
- ... na ang transistor ay isang aparatong semikonduktor na ginagamit sa pagpapalakas at pagpapalit ng mga hudyat pang-elektronika at daloy ng kuryenteng dumaraan sa kanila?
- ... na ang Tore ng Babel ay isang malaking toreng itinayo sa lungsod ng Babel pagkaraan ng Malaking Baha?
- ... na, ayon sa Dalai Lamang si Tenzin Gyatso, ang tsismis ay nakapagpapaikli ng isang araw na tila napakatagal subalit isa sa pinakamasamang pagsasayang ng oras?
- ... na ang unang seismograpo ay inimbento sa Tsina na may nakapalibot na mga ulo ng dragon at palaka?
- ... na ang katawagang araknid para sa mga Arachnida ay mula sa Griyegong salitang may ibig sabihing gagamba?
- ... na sa Kristiyanismo at Hudaismo, ang muling pagkabuhay ay kaugnay ng pagkabuhay na mag-uli ni Hesuskristo at ng pagkabuhay ng mga patay sa Araw ng Paghuhukom?
- ... na ang akonito ay isang malakas na gamot na dating sangkap para sa linimentong A.B.C. bagaman napagkukunan ng lasong akonitino?
- ... na umimbento si John C. Swallow ng isang palutang na batay sa pagamit ng mga mandaragat ng boteng may mensahe?
- ... na ang Ur ay isang estadong lungsod na itinatag ng mga Sumeryo noong mga 3000 BK at matatagpuan ang mga guho nito sa timog ng Irak?
- ... na sa Bagong Tipan ng Bibliya, ang eukaristiya ay tinatawag din bilang paghahati ng tinapay?
- ... na ang bilig ay teknikal na tatawagin lamang na nabubuong sanggol o fetus kapag nagmukhang tao na ito?
- ... na mahalaga ang lahat ng mga uri ng bilang para sa mga matematiko at iba pang mga taong gumagamit nito sa kanilang mga gawain at hanap-buhay?
- ... na ang Silangang Francia o Kaharian ng Silanganing mga Franco ay ang naunang kaharian bago ang Banal na Imperyong Romano?
- ... na itinayo ni Nabucodonosor II ang Nakabiting mga Halamanan ng Babilonya para sa kanyang asawang si Amytis?
- ... na si Heron ng Alejandria ng Sinaunang Gresya ay kilala dahil sa nilikha niyang makinang de-singaw na dating itinuturing lamang bilang laruan?
- ... na sa kuwentong David at Goliat, isang bato lamang ang nakapagpabagsak kay Goliat ngunit namulot si David ng apat pa bago harapin ang higante?
- ... na may katawagan sa abasia na ipinangalan mula sa Pranses na manggagamot na si Paul Oscar Blocq?
- ... na ang sinturong pangpuson ay isang uri ng malapad na pahang pangmedisinang ginagamit na pangsuporta sa dingding ng puson?
- ... na si Safo ng Lesbos ay ang nag-iisang Sinaunang babaeng Griyegong manunula na naaalala pa sa kasalukuyan?
- ... na ang mga ehersisyong pangpuson ay mga uri ng pagsasanay na ginagawa para sa pagpapanatili ng kasiglahan ng mga organong nasa puson?
- ... na ang paghuhugas ng paa ay isang sinaunang Kristiyanong ritwal ng paglilingkod at kababaan ng kalooban na sinimulan ni Hesus?
- ... na ang narsiso ay isang pang-botanikang pangalan para sa isang sari ng pangunahin na mga matitibay na mga halamang may bulbong namumulaklak tuwing tagsibol?
- ... na si To Kit ay isang kolumnista, mamamahayag, at manunulat mula sa Hong Kong na nakilala dahil sa kanyang mapanlitong katatawanan?
- ... na ang Judgment Night ay isang aksiyong napapanginig na pelikula na tungkol sa magkakabarkadang nadawit sa gulo ng mga mapya pagkatapos silang makasaksi ng pagpatay
- ... na ang Eat You Up ay ang unang sinsilyo ni BoA na inilabas sa pormatong dihital?
- ... na si Puyi ay isa sa mga Manchung Aisin-Giorong pamilyang namamahala at huling Emperador ng Tsina?
Marso 2009
[baguhin ang wikitext]- ... na si Sun Yat Sen ay isa sa mga prominenteng politiko na tumulong na pabagsakin ang huminang Dinastiyang Qing sa Tsina?
- ... na ang Dalai Lama ang dating pinuno ng Tibet bago ito sakupin ng Komunistang Tsina?
- ... na ang Dinastiyang Qing na kilala din bilang Dinastiyang Manchu ay ang huling dinastiya na naghari sa Tsina mula 1644 hanggang 1912?
- ... na ang kuwentong Si Jose at ang Asawa ni Putifar na matatagpuan sa Aklat ng Henesis ng Bibliya ay matatagpuan din sa Koran bilang Yusuf at Zulaikha?
- ... na ang pamagat ng pelikulang Tinimbang Ka Ngunit Kulang ay hinango sa isang siniping pangungusap mula sa Aklat ni Daniel ng Lumang Tipan ng Bibliya kaugnay ng kahabagan ukol sa kahinaang pantao?
- ... na ang pelikulang Oro, Plata, Mata ay nagkukuwento kung paano nakaraos ang dalawang pamilya kaugnay ng mga pagbabagong dala ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pag-aari ng mga asyenda?
Pebrero 2009
[baguhin ang wikitext]- ... na ang kalapian ng Chordata ay isang grupo ng mga hayop na binubuo ng lahat ng mga vertebrate at mga malalapit na invertebrate?
- ... na si Kublai Khan ay ang apo ni Genghis Khan at ang tagapagtatag ng Dinastiyang Yuan sa Tsina?
- ... na ang Dinastiyang Yuan ay isa sa mga dinastiya na naghari sa Tsina na itinatag ni Kublai Khan?
- ... na ang tinapay na ginagawa sa pamamagitan ng paghurno ng isang masa ng harina at tubig ay maaaring may pampaalsa o wala?
- ... na ang sakit na eskorbuto ay nakukuha ng sanggol dahil sa pagpapainom lamang ng gatas na kondensada, ngunit malulunasan ng pagbibigay sa bata ng isang kutsaritang katas ng narangha dalawang beses sa isang araw?
- ... na ang St Peter's College, Auckland ay sa pinakamalaking Katolikong sekundaryong paaralan sa Bagong Selanda?
- ... na sa pisika, ang liwanag ay kadalasang tumutukoy sa lahat ng elektromagnetikong radyasyon ng lahat ng haba ng daluyong, kahit na nakikita o hindi?
- ... na si Otto von Bismarck ay isang Prusyano at Alemang estadista at aristokrata ng ika-19 na siglo?
- ... na ang alitang Israeli-Palestino ay isang kasalukuyang nagpapatuloy na alitan sa pagitan ng Israel at ng Palestina?
- ... na ang mopeta ay isang mamalyang may pinakanatatanging bahagi ng katawan na pampuslit ng mabahong likido mula sa tumbong?
- ... na ang Museo ng Porsche ay isang museo ng mga kotse ng kompanyang tagagawa ng kotseng Porsche na nasa Stuttgart, Alemanya?
- ... na ang borago ay mga "bituing bulaklak" na nakapagpapasigla sa mga glandulang adrenal upang makahikayat ng paggawa ng adrenaline?
- ... na ang repolyo ay isang gulay at halamang-gamot na tinaguriang gamot ng mga mahihirap?
- ... na ang lungsod ng Stuttgart sa Alemanya ay nagsisilbing kabisera ng Estado ng Baden-Württemberg at pangkasalukuyang ika-6 sa pinakamalalaking mga lungsod ng bansa?
- ... na noong ika-12 daantaon, ang pagtingin sa halamang Calendula officinalis ay inirerekomenda bilang pampainam ng paningin, panlinis ng magulong isipan, at panghimok ng kasiyahan?
- ... na ang Lungsod ng Muntinlupa ay isang lungsod sa timog ng Kalakhang Maynila, Pilipinas na mahigit-kumulang sa 20 km ang layo mula sa Maynila?
- ... na ang Mga Susunod na Labing-isa ay labing-isang mga bansang kinilala ng bangkong pampuhunang Goldman Sachs bilang nagtataglay ng mataas na potensiyal na maging mga pinakamalalaking ekonomiya ng ika-21 dantaon kasama ng BRIT?
- ... na ang Tulay ng Sevilla ay isang tulay na nagdurugtong sa Maynila at Lungsod ng Mandaluyong na nakapwesto sa Ilog ng San Juan?
- ... na ang sangay na panghukuman ay ang sistema ng korte na panghustisya ng pamahalaan na nasa pangalan ng reyna o estado at isang mekanismo para sa paglutas ng mga alitan?
- ... na ang bawat isa sa mga lipi ng mga Israelita, ayon sa Bibliya, ay may sari-sariling hati ng lupa sa Israel maliban sa mga Levita na walang teritoryo at kalat-kalat sa iba't ibang teritoryo?
- ... na ang mga pritong gagamba ay itinuturing na isang panrehiyong mainam na pagkain sa Cambodia?
- ... na kapag ihahambing sa Lumang Tipan ng Bibliya, walang aklat na purong panulaan ang Bagong Tipan, maliban na lamang sa Sulat sa mga taga-Efeso na pinakamalapit sa ganitong katangian?
- ... na ang Karnal, isang pelikulang dramang nalikha noong 1983 sa direksiyon ni Marilou Diaz-Abaya, ay may kapanahunang tagpuan na pang-dekada 1930?
- ... na ang Listen to My Heart ay ang unang album sa wikang Hapones ng Koreanang mang-aawit na si BoA?
- ... na ang sangay tagapagpabatas ay isang uri ng kinatawan ng pamahalaan na may kapangyarihang gumawa at baguhin ang mga batas?
- ... na ang Kisapmata ay isang pelikulang hinango sa lathalaing The House on Zapote Street ni Nick Joaquin at nagmula sa kanyang aklat na Reportage on Crime noong 1977?
- ...na si Angela Merkel ang kasalukuyang Kansilyer ng Alemanya?
- ... na si Ehud Olmert ay ang ika-12 at pangkasalukuyang Punong ministro ng Israel?
- ... na si Alexis Belonio ay ang unang Pilipinong nagwagi ng Gatimpalang Rolex dahil sa imbentong kusinilyang ginagatungan ng gaas mula sa ipa ng palay?
- ...na ang namumuno ng pamahalaan ng Alemanya ay ang Kansilyer ng Alemanya?
- ... na may tatlong anyo ang panghukbo at panteroristang gamit sa kabataan na kinabibilangan ng pagiging sundalo, suporta, at kalasag?
- ... na ang Punong Ministro ng Timog Korea ay itinatalaga ng Pangulo at kailangan pa ng pagsang-ayon ng Pambansang Kapulungan ng bansa?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Maynila ang kinatawan ng lungsod ng Maynila sa Kapulungan ng mga Kinatawan sa Pilipinas?
- ... na ang Kakabakaba Ka Ba? ay isang pelikulang Pilipino ng dekada 1980 na patungkol sa pagtaban ng dayuhan sa ekonomiya ng Pilipinas?
- ... na ang lingguhang kabahagi ng Tora ay ang bahagi ng Torang binabasa tuwing umaga ng Sabado na sumasang-ayon sa bilang ng mga linggo sa kalendaryong Ebreo?
- ... na ang sangay tagapagpaganap ay ang sangay ng pamahalaan sa maraming mga bansa na may pananagutan para sa araw-araw na pangangasiwa at ang tinatawag na pinaka-"pamahalaan"?
Enero 2009
[baguhin ang wikitext]- ... na ang matsa ay isang malutong na tinapay na walang pampaalsang gawa sa arina at tubig?
- ... na ang Teresa, Rizal ay isang lambak na napaliligiran ng mga bundok at ika-4 na klaseng urbanong munisipalidad sa lalawigan ng Rizal sa Pilipinas?
- ... na ang Kataas-taasang Hukuman ng Mamamayan ng Biyetnam ang nasa tuktok ng Hudikatura sa Biyetnam?
- ... na pinaniniwalaang naganap ang alamat ni Bernardo Carpio sa bulubundukin ng Rodriguez, Rizal, isang pook na dating kilala bilang Montalban?
- ... na simula noong nabuo ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Quezon noong 1939 hanggang 1972 ay bahagi ito ng representasyon ng lalawigan ng Rizal?
- ... na ang lutuing Hudyo ay isang koleksiyon ng mga pandaigdigang tradisyong panluto na nauugnay sa isa't isa sa pamamagitan ng mga batas pampagkaing tinatawag na kashrut o mga tradisyong pampistang Hudyo?
- ... na ang peritonyo ay ang lamad na bumabalot sa kabuoan ng mga laman-loob na nasa loob ng puson ng katawan ng tao o hayop?
- ... na ang Itim ay isang nakaaantalang pelikula sa direksiyon ni Mike De Leon noong 1976 na nanalo ng kauna-unahang gawad sa pinakamahusay na sinematograpiya ng Gawad Urian?
- ... na kabilang ang pagkakaroon ng Hipokratikong mukha sa mga katangiang makikita sa karamdamang malubha at pangkabuoang peritonitis?
- ... na ang Insiang ay ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na itinampok sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Cannes?
- ... na ang bamban ay ang ikalawang pinakamahalagang masel sa loob ng katawan ng tao at hayop pagkaraan ng puso?
- ... na si Nguyễn Minh Triết ang kasalukuyang Pangulo ng Biyetnam?
- ... na unang inilabas ang awit na Like a Prayer ni Madonna sa isang patalastas ng Pepsi habang may kasabay na music video para dito?
- ... na ang mga lalawigan ng Biyetnam ay nahahati sa mga distrito ng Biyetnam?
- ... na dahil sa nasasaklawanan nitong 1,919,440 kilometro parisukat na lupain, ang Indonesya ay naging ika-16 na pinakamalaking bansa ayon sa laki ng lupang sakop?
- ... na ang Lipad 93 ng United Airlines ay isang eroplanong napailalim sa mga terorista noong 11 Setyembre 2001 ngunit nilabanan ng mga pasahero para mabawi ang sasakyan?
- ... na dating nagtrabaho bilang nars at manggagamot ang Punong Ministro ng Biyetnam na si Nguyễn Tấn Dũng?
- ... na si Catherine Ferguson ang nagtatag ng unang paaralan na pang-araw ng Linggo sa Lungsod ng Bagong York?
- ... na ang bahagi ng pangalan ng dinosaurong Diplodocus ay halaw mula sa sinaunang salitang Griyegong iniugnay sa hugis ng mga buto sa buntot nitong katulad ng binaligtad na "V"?
- ... na ang ID; Peace B ay ang debut single ni BoA sa Hapones na unang inawit sa Koreano para naman sa kanyang pampagpapakilalang album?
- ... na si Tibor Sekelj ay isang Yugoslabong eksplorador, Esperantista, manunulat, manananggol at tagapamahayag?
- ... na si Richard Bright ay isang Ingles na manggagamot at tagapanimula ng pananaliksik hinggil sa sakit sa bato na nakilala bilang Karamdaman ni Bright?
- ... na ang Brutal ay ang unang pelikulang Pilipino na tumatalakay sa panggagahasa bilang isang isyung pangkababaihan sa kawawaan ng lipunang patriyarkal ng Pilipinas?
- ... na ang Punong Ministro ng Vietnam ang pinuno ng ehekutibong sangay ng Pamahalaan ng Biyetnam?
- ... na ang Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? ay isang pelikulang pangkapanahunan na naghahayag ng katanungan sa pagkakakilanlan ng Pilipino sa panahon ng dalawang digmaan – laban sa Espanya at laban sa Amerika?
- ... na ang karamdamang pangkasariang balanitis ay nagiging balanopostitis kapag apektado rin ang prepusyo ng titi?
- ... na si René Laennec ay isang Pranses na manggagamot na umimbento ng istetoskopyo noong 1816?
- ... na ang Punong Ministro ang pinakamataas na ministro sa gabinete ng ehekutibong sangay ng pamahalaan sa Sistemang Parlamentaryo o Batasan?
- ... na ang mga Pilipino sa Olanda ay bumibilang sa pagitan ng 5,500 at 18,000 katao?
- ... na ang kati ng magtitinapay ay ang malubhang pamamaga at pamumutlig sa kamay at baraso ng mga panadero at dulot ng iritasyon mula sa harina, lebadura, at asukal?
- ... na si Charles Badham ay isang manggagamot mula sa London, Inglatera na nagbigay ng pangalan sa sakit na bronkitis?
- ... na bagaman ipinakilala ng mga Arabo sa Europa ang luya-luyahan noong ika-anim na siglo naging bihira ang paggamit nito at napalitan ng tunay na luya?
- ... na ang plais na gato ay isang uri ng plais o gatong nahahawakan na maikakandado upang ipitin ng mahigpit ang isang bagay?
- ... na si Jackie Robinson ay ang unang Aprikanong Amerikanong manlalaro sa Pangunahing Liga ng Beysbol ng makabagong panahon?
- ... na ang martilyong pantapete ay isang magaang na balalak na ginagamit sa pagpukpok ng pako at pagaampat ng tela sa mga balangkas ng kasangkapang pambahay?
- ... na ang kastor ay pang-gabi at halos makatubigang mga daga na katutubo sa Hilagang Amerika at Europa?
- ... na ang Aprikanong Amerikanong si Roy Campanella ay malawakang itinuturing bilang isa sa mga pinakamagaling na mansasalo sa kasaysayan ng laro ng beisbol?
- ... na ang Lungsod ng Maynila ay ang pangalawang pinaka-malaking lungsod sa Pilipinas at ang unang distrito ng Kalakhang Maynila?
- ... na si Kahlil Gibran ay isang Lebanese-Amerikanong pintor, makata, manunulat, pilosopo at isang teyolohiko?
- ... na ang aklat na Ang Propeta ay nilalaman nang 26 tula tugkol sa buhay ng tao na isinulat ni Kahlil Gibran?
- ...na ang Ang Kawikaan ng Dagat ay isang tulang-hiwaga (may interpretasyon) na isinulat ni Kahlil Gibran pero di opisyal na nailimbag?
- ... na ang luha ay mga likidong dumadaloy mula sa glandula ng luha na nakapagpapanatili ng pamamasa ng mga mata at mayroon ding antiseptikong katangian?
- ... na ang martinete ay isang aparatong mekanikal na ipinampupukpok sa mga haligi na pabaon sa lupa upang makapagbigay ng pundasyong pangsuporta sa mga gusali?
- ... na ang pangulay na tinutubigan ay hango mula sa mga lupa, bato, halaman, o kimikal na tinutunaw sa tubig at tinutuyo hanggang maging pulbos na anyong mamon o tabla?
- ... na ang maso ay isang martilyong may ulo na yari sa mas malambot na mga materyales upang maiwasan ang pinsala sa maselang kaibabawan ng isang bagay?
- ... na si Xavier Bichat ay isang Pranses na anatomo at pisyologo kinikilala bilang ama ng modernong histolohiya at patolohiya?
- ... na si Shirley Chisholm ay ang unang Aprikanong Amerikanong kandidato ng isang pangunahing partido para sa pagka-Pangulo ng Estados Unidos?
- ... na ang Styracosaurus ay isang sari ng herbiborong dinosaurong ceratopsia mula sa Panahong Kretasiko noong mga 76.5 hanggang 75.0 milyong taon na ang nakaraan?
- ... na ang The Meaning of Peace ay isang awit na pinangunahan nina Kumi Koda at BoA para ialay sa mga biktima ng terorismo sa Estados Unidos noong 11 Setyembre 2001?
- ... na si Muntadar al-Zaidi ang tagapagbalitang Iraki na bumato ng sapatos kay Presidente George W. Bush ng Estados Unidos sa isang pulong noong Disyembre 2008?
- ... na si Dorothy Lavinia Brown ang unang babaeng siruhanang Aprikano-Amerikano na mula sa Timog-Silangang Estados Unidos at unang Aprikano-Amerikanong naglingkod sa Asamblea Heneral ng Tennessee?
- ... na ang oso ng polo ay isang malaking osong naninirahan sa Artiko na unti-unting nangangamatay dahil sa pag-init ng globo na nagdurulot ng pagkaunti ng yelo?
- ... na si Scott Joplin ay isang Aprikanong Amerikanong manunugtog na kinikilala bilang isa sa 3 pinakamahahalagang manunulat ng klasikong ragtime?
- ... na ang Una, Pangalawa, at Ikatlong mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Masbate ang mga kinatawan ng lalawigan ng Masbate sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na nagwagi si Pearl Bailey ng isang Gantimpalang Tony noong 1968 para sa pangunahing gampanin sa produksiyong may tugtugin ng Hello, Dolly! na puro mga itim ang mga tauhang pang-entablado?
- ... na ang Kaharian ng Tungning ay ang unang pamahalaang Intsik na Han na naghari sa Taywan sa pagitan ng 1661 at 1683?
- ... na ang kapibara ay isang uri ng hayop na may katawang kamukha ng sa baboy at ngusong kahawig naman ng daga at natatagpuan sa Timog Amerika?
- ... na ang mga Barangay ng Obando, Bulacan ay binubuo ng labing-isang mga barangay sa Bayan ng Obando na may kani-kaniyang kasaysayan ng kapangalanan?
- ... na ang aguhon ay isang kagamitang kapakipakinabang sa pagtuturo ng direksiyon kung naglilibot sa dagat, disyerto, o ibang pook na kaunti ang palatandaang pook?
- ... na mga isang katatluhan ang kalakihan ng dambuhalang koala kung ihahambing sa pangkasalukuyang koala?
- ... na si Jack Johnson ay isang Aprikanong Amerikanong itinuturing na pinakamagaling na boksingerong may mabigat na timbang sa kanyang salinlahi?
- ... na ang Una, Pangalawa, at Ikatlong Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Negros Oriental ang mga kinatawan ng lalawigan ng Negros Oriental sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na si George Baker ay isang Aprikanong Amerikanong pinuno na pangkaluluwa mula mga 1907 hanngang 1965 na nakilala bilang Amang Banal?
- ... na ang Panalangin ni Manases ay isang maikling akdang may 15 tatudtod hinggil sa pagsisisi ng isang hari ng Kaharian ng Judeang mapagpaniwala sa mga anito?
- ... na si Rube Foster ang itinuturing bilang pinakamahusay na Aprikanong Amerikanong tagapukol ng bola sa beisbol noong mga 1900?
- ... na si Ginang C. J. Walker ang unang babaeng naging milyonarya dahil sa kanyang sariling pagsisikap at gawain?
- ... na si Carter G. Woodson ay ang unang nagsagawa ng makadalubhasang gawain upang mapatanyag ang halaga ng Kasaysayan ng mga Itim?
- ... na si Reggie White ay isang dalubhasang manlalaro ng Amerikanong putbol na naordinahan bilang isang ministrong Ebangheliko kaya't binansagang "Ministro ng Tanggulan"?
- ... na ang koala ay isang hayop na naninirahan sa puno, na kabilang sa walang plasenta ang mga babae?
- ... na ang lampreya ay isang isdang kahawig ng mga igat na walang mga panga ngunit may mga ngipin at tila embudong bungangang sumisipsip?
- ... na ang Kalihim-Panlahat ng Nagkakaisang mga Bansa ay ang pinuno ng Kalihiman ng Nagkakaisang mga Bansa at siya ring tagapagsalita at pinaka-pinuno ng samahan?
- ... na ang dragun ay isang Europeong kawal na pangunahing sinanay upang makipaglaban habang nakatapak sa lupa ngunit naturuan ding mangabayo?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Negros Occidental ay dating bahagi ng Ika-7 Rehiyon mula 1978 hanggang 1984 ngunit nakapaghalal ng 7 assemblymen at-large mula 1984 hanggang 1986?
- ... na si W. E. B. Du Bois ay isang Aprikanong Amerikanong intelektuwal at aktibistang naging mamamayan ng Ghana sa edad na 95?
- ... na ang No.1 ay ang pangalawang album ni BoA sa wikang Koreano na isa sa naging pinakamabenta niyang album sa Timog Korea?
- ... na ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng San Juan ay naging naging bahagi ito ng Ikaapat na rehiyon mula 1978 hanggang 1984, at ng Mandaluyong mula 1984 hanggang 1995?
- ... na ang Aprikangong Amerikanong si Maggie L. Walker ay ang unang babaeng bumuo ng isang bangko sa Estados Unidos?
- ... na ang Una at Ikalawang mga Distritong Pambatas ng Lungsod ng Parañaque ang mga kinatawan ng lungsod ng Parañaque sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na si Isabel ng Unggarya ay isang Katoliko at Alemanang naging pintakasing santo ng mga nars?
- ... na ang Aprikanang Amerikang si Billie Holiday ang itinuturing na walang hanggang nakapagpabago sa sining ng Amerikanong mga tinig ng pop?
- ... na si Benito ng Nursia ay isang Katoliko at Italyanong santo na naging patron ng mga batang mag-aaral?
- ... na si Satchel Paige ay isang Aprikanong Amerikanong manlalaro ng beysbol na naging isang maalamat na tagapukol ng bola noong kanyang kapanahunan?
- ... na ang GMA Network, na dating kilala bilang Rainbow Network, ay naging Kapuso mula noong 27 Oktubre 2002?
- ... na ang Aprikanogn Amerikanong si Ralph Bunche ay isang diplomatang nakatanggap ng Gantimpalang Nobel na Pangkapayapaan noong 1950?
- ... na si Florence Mills ay ang "Reyna ng Katuwaan" na inalala ni Duke Ellington sa awiting "Black Beauty"?
- ... na si Zora Neale Hurston ay isang Aprikanong Amerikanong poklorista na higit na kilala dahil sa nobelang Tinatanaw ng Kanilang mga Mata ang Diyos noong 1937?
- ... na si Roy Wilkins ay isang kilalang aktibista para sa mga karapatang sibil sa Estados Unidos mula mga 1930 hanggang mga 1970?
- ... na ang kasingay ay isang pang-ipit na ginagamit panghawak ng mahigpit sa mga bagay upang mapigilan ang paghihiwalay kapag pinatungan ng paloob na presyon?
- ... na ang plantsang panghinang at baril na panghinang ay mga aparatong ginagamit sa pagdirikit ng dalawang bahaging metal sa pamamagitan ng pagdarang sa init upang matunaw ang tingga at lata?
- ... na ang luyang-dilaw o Curcuma longa ay isang uri ng halamang kahawig ng tunay na luya na ginagamit bilang pangulay sa mga tela at pagkain?
- ... na ang Gigantopithecus ay isang hindi na umiiral na sari ng bakulaw na namuhay mula mga 1,000,000 hanggang sa kamakailang mga 300,000 taon na ang nakalipas?
- ... na si Georges Cuvier ay isang Pranses na naturalista at soologo na nakatulong sa pagtatalaga ng hambingang anatomiya at paleontolohiya noong ika-19 daantaon?
- ... na ang Draco ay isang sari ng butiking lumilipad sa pamamagitan ng pagbuka lamang ng pakpak na hindi pumapagaspas o sumasalibay lamang?
- ... na ang Makamisa ay ang tinaguriang ikatlo sa mga nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal?
- ... na ang Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon ay isang departamento ng Pamahalaan ng Pilipinas na nangangalaga sa sistema ng transportasyon at komunikasyon?
- ... na ang Aprikanong Amerikanong si Robert Smalls ang umakda sa lehislasyong lumikha ng unang sistema ng paaralang pangmadla sa Timog Karolina, Estados Unidos?
- ... na ang Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala ay isang departamento ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa paggamit ng mga yaman para sa kaunlarang sosyo-ekonomiko at pampolitika?
- ...na ang solong Distritong Pambatas ng Lungsod ng Marikina ay ang kinatawan ng lungsod ng Marikina sa mababang kapulungan ng Pilipinas?
- ... na si Blanche Bruce ay ang unang Aprikanong Amerikanong naglingkod sa isang buong termino o panahon sa Senado ng Estados Unidos?
- ... na si Jan Ernst Matzeliger ay isang Aprikano-Amerikanong imbentor sa larangan ng industriya ng sapatos?
- ... na noong 1987 ang Distritong Pambatas ng Lungsod ng Muntinlupa ay isinama sa Las Piñas para mabuo ang solong distritong pambatas ng Las Piñas-Muntinlupa?
- ... na si Molefi Kete Asante ay isang Aprikanong Amerikanong iskolar na kilala dahil sa kaniyang pilosopiya ng Aprosentrisidad?
- ... na ang Ika-12 na Kongreso ng Pilipinas ay ang kasalukuyang pulong ng pambansang lehislatura ng Pilipinas na binubuo ng Senado ng Pilipinas at Kapulungan ng mga Kinatawan?
- ... na si Nat Turner ay isang Aprikanong Amerikanong aliping pinuno ng himagsikan laban sa pagkaalipin na nakasanhi sa malaking bilang ng nasawi sa antebelong katimugang Estados Unidos?
- ...na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Lanao del Sur ay dating bahagi ng Ikalabindalawang Rehiyon ng Pilipinas mula 1978 hanggang 1984 na nahati sa dalawang distritong pambatas noong 1986?
- ... na ang Unang Hirit ay isang pang-umagang palabas sa Pilipinas na sumasahimpapawid mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Network?
- ...na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Leyte ay dating bahagi ng Silangang Visayas mula 1978 hanggang 1984 na nahati sa limang distritong pambatas noong 1986?
- ... na si Edward Cave ay isang tagapaglathalang lumikha ng unang magasin sa Inglatera na maiibigan ng lahat ng mga babasa?
- ... na si Crispus Attucks ay isa sa limang taong napatay sa Masaker sa Boston sa Boston, Masatsutets na nagkaroon ng kahalagahan sa mga Aprikanong Amerikano at Amerikanong Indiyano?
- ...na ang Kagawaran ng Pananalapi ay isang departamento ng Pamahalaan ng Pilipinas na nagpaplano at nangangasiwa ng mga polisiyang piskal, pinagkukunan ng salapi, pambuwis at kita?
- ... na si Phillis Wheatley ay ang unang nalathalang Aprikano Amerikanong makata?
- ...na ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Lanao del Norte ay dating bahagi ng Ikalabindalawang Rehiyon mula 1978 hanggang 1984 ngunit nahati sa 2 distritong pambatas noong 1986?
- ... na ang Imperyong Maurya ay isang dinastiya na sumibol noong 322BK hanggang 185 BK at naghari sa India at ilang bahagi ng Timog Asya?
- ... na ang East India Company ay isang magkasamang kompanya ng mga Ingles na nakipagkalakalan ng bulak, sutla, pangulay na lila, salpetre, tsaa at opyo sa Indiya at Tsina?
- ... na ang sebrang kabayo ay isang anak ng lalaking sebra at isang babaeng kabayo?
- ... na ang talingting ay isang may malawak na pagpapamahaging pangkat ng mga ibong lumulusong sa tubig na kasali sa kabahaging mag-anak nitong Charadriinae?
- ... na ang Mentha pulegium ayaisang yerba buwenang kasapi sa sari ng mga mentha o mint na nasa pamilyang Lamiaceae?
- ... na ang leong tigre ay isang mestisong pusa na anak ng isang lalaking leon at isang babaeng tigre ngunit hindi isang tigon?
- ... na nakatulong sa mga mahihirap na magsasaka sa Estados Unidos ang pananaliksik at pagtataguyod ni George Washington Carver ng mga pananim na pamalit sa bulak?
- ... na ang Unang Digmaang Pandaigdig ay kakikitaan ng mga labanang ginanap sa mga hukay kung saan malawakang ginamit ang teknolohiya sa pagpapaunlad at pagpaparami ng armamento?
- ... na sa Panahon ng Edo nilimitahan ng gubyerno ng mga Tokugawa ang mga banyaga kaya’t napanatili ang mga aspetong pampolitika, pangkabuhayan at relihiyosong kaisipang may panglasang Hapones?
- ... na ang Aleman Kolonyero ay isang wikaing hindi intelihible sa Aleman ngunit ginagamit ng mga kaapu-apuhan ng mga Alemang nagpunta sa Beneswela noong 1843?
- ... na ang I Love Betty La Fea ay isang palatuntunang drama ng ABS-CBN na ginaya sa orihinal na palabas mula sa Kolombiya?
- ... na ang sebrang bisiro ay isang anak ng isang lalaking sebra at isang babaeng bisiro?
- ... na ang Gallus gallus at Gallus sonneratii ng saring Gallus ang pinaniniwalaang mga ninuno ng mga manok?
- ... na ang Kamakura ay ang panahon sa kasaysayan ng Hapon na pinagsimulan ng mga sugun noong 1192 at gayon din ng Panahong Pyudal ng bansa?
- ... na ang Panahon ng Muromachi sa kasaysayan ng Hapon ay nahahati sa Panahon ng mga Korte sa Hilaga at Silangan at Panahon ng Naglalaban-laban ang Bansa?
- ... na si Nagahito ay isang Emperador ng Hapon na naging magaling sa pagsusulat ng mga tulang waka at nakabuo ng Suinichishuu o Koleksiyon ng Tubig at Araw?
- ... na ang katawagan sa Panahon ng Azuchi-Momoyama ay nagmula sa mga pook sa Hapon na pinaglalagakan ng mga kastilyo ng dalawang mga pinuno noon?
- ... na si Luzon Sukezaemon ay isang mangangalakal na Hapones na nagbago ng pangalan matapos makapaglakbay sa Luzon, Pilipinas noong mga 1593 at 1594?
- ... na ang Angstrom ay isang pandaigdigang sukat ng haba na ginagamit sa pagsasaad ng mga sukat ng mga atomo, kimikal na pagdirikit, liwanag ng ispektrum, sirkit na pinagsama-sama, at biyolohiyang pangkayarian?
- ... na ang pelikulang Baler isang pelikula na halaw sa mga kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas na kauna-unahang pinagtambalan ng mga artistang sina Anne Curtis at Jericho Rosales?
- ... na ang pagpaparangal sa nagwaging mga kalahok sa Metro Manila Film Festival ng 2008 ay ginanap noong ika-27 ng Disyembre sa Harbor Garden Tent, Sofitel Philippine Plaza?
- ... na ang Panahong Heian o "Kapayapaan" ay ang pinakahuling bahagi ng klasikong Kasaysayan ng Hapon na nagsimula noong 794 hanggang 1185?
- ... na ang Kastilyo ng Matsue ay isang kastilyong piyudal sa Hapon na kabilang sa ilan pang nananatiling may anyong kahoy?
- ... na ang Panahon ng Nara sa Kasaysayan ng Hapon ay mula 710 hanggang 784 at nagsimula sa pagtatatag ng isang kapitolyo ni Emperador Gemmei?
- ... na ang pangalang ng panunungkulang Reigen ni Satohito ng Hapon ay kinuha mula sa huling kanji ng 2 naunang Emperador na sina Kourei at Kougen?
- ... na si Emperador Yasuhito ng Hapon ay nagkaroon ng 14 na anak at dalawang ampon mula sa anim na mga asawa?
- ... na si Teruhito ay pinaniniwalan bilang isang reinkarnasyon ni Prinsipe Shotoku ng Hapon at kilala rin bilang manunulat ng tulang tanka?