Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2008

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Archive Isang arkibo ang pahinang ito. Paki-usap, huwag baguhin ang nilalaman nito.. Ilagay ang mga bagong komento sa kasalukuyang pahina ng usapan.

Mula Enero 2008 hanggang Disyembre 2008

[baguhin ang wikitext]

Alam ba ninyo...

Disyembre 2008

[baguhin ang wikitext]
  • ... na ang Pangyayari sa Mukden ay isang pagsabog ng isang seksiyon ng riles na pagmamay-ari ng mga Hapones sa Manchuria bago magsimula ang malawakang Ikalawang Digmaang Tsino-Hapones ng 1937?
  • ... na ang WikiPilipinas ay isang maka-akademiko at 'di-maka-akademikong websayt na naglalaman ng mga kaalamang patungkol sa Pilipinas at binuo noong 2006?
  • ... na ang Metro Manila Film Festival ay isang taunang kapistahang nagpapalabas lamang ng mga pelikulang Pilipino mula 1975 at nagsisimula tuwing ika-25 ng Disyembre?
  • ... na ang Romanisasyong Hepburn ay isang sistema ng pagsasalin ng tunog ng wikang Hapones sa alpabetong Latin na ipinangalan kay James Curtis Hepburn?
  • ... na ang mga wikang Austronesyo ay isang pamilya ng wikang malayang nakakalat sa mga kapuluan ng Timog-Silangang Asya at ng Pasipiko, na may iba pang kasaping ginagamit sa mismong kontinente ng Asya?
  • ... na bago lumuklok si Toohito bilang Emperador ng Hapon nakilala muna siya bilang Prinsipe Yaho at Prinsipe Sachi at nang mamatay bilang Momozono?
  • ... na ang Panahon ng Asuka ay kilala sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, panlipunan at pulitikal sa Hapon na nagsimula sa huling bahagi ng Panahon ng Kofun?
  • ... na ang Tronong Krisantemo ay isang terminong halaw sa Ingles para tukuyin ang tronong imperyal ng Hapon o ang monarkiya nito mismo?
  • ... na sa panahon ng pamumuno ni Emperador Ayahito ng Hapon nagsimula ang pagkalagas ng mga kapangyarihan ng bakufu o mga korteng pinamumunuan ng mga sugun?
  • ... na ang anak na babae ni Emperador Hidehitong si Prinsesa Yoshiko ay naging asawa ni Tomohito, isang pamangking pumalit sa kaniya bilang Emperador ng Hapon?
  • ... na ang mga pangalan ng Tatlong Haring Mago ay hindi matatagpuan sa Bibliya subalit nagsimulang tawaging Melchor, Gaspar, Baltazar noong ikaanim na daantaon?
  • ... na ang Kabataan ni Hesus ay ang nakatalang panahon sa kamusmusan ni Hesus hanggang sa 'di-nakatala ngunit pinaniniwalaang naging buhay niya pagkaraan ng 12 taong edad?
  • ... na si Yoshihito ng Hapon ay kinilalang Emperador ng Tokyo noong nabubuhay, bilang Emperador Taisho nang pumanaw, at bilang Baliw na Emperador dahil sa problema sa pag-iisip?
  • ... na ang Asian Computer College ay isang pribado at 'di-pangkating paaralan ng mas mataas na pag-aaral na itinatag noong 2000 at matatagpuan sa Lungsod ng Calamba, Laguna sa Pilipinas?
  • ... na ang pangalan ng Panahong Kofun ng Hapon ay nangangahulugang "Lumang Libingan" sapagkat hinalaw ito mula sa mga huling himlayan ng mga dating naging Emperador?
  • ... na si Osahito ang kahuli-hulihang Emperador ng Hapon na nabigyan ng nengo o "pangalan ng panunungkulan" pagkaraang sumakabilang buhay bago nabago ang gawi sa pagpapangalang ito?
  • ... na ang ‎O, Capiz ay ang opisyal na dalit ng Capiz sa Pilipinas na nanalo sa 24 ibang mga entrada sa paligsahang inihanda ng pamahalaang panlalawigan?
  • ... na ang pinakamalaking ambag ng kulturang ‎Yayoi sa Hapon ay ang pagpapaunlad ng mga kaalaman sa pagtatanim ng palay?
  • ... na nakuha ang pangalan ng Panahong Jomon ng Hapon mula sa mga natagpuang mga banga at palayok na merong mga disenyong bakas ng lubid?
  • ... na ang emosyon ay isang pakiramdam ng tao na 'di-nagagawa ng pisikal kundi ng mental at sikolohikal na gawain o ugali ng isang indibidwal?
  • ... na nagawang maging eksperto ni Akihito sa isdang goby sapagkat isang sagisag lamang ng estado at pagkakaisa ng mga tao ang kaniyang pagiging Emperador ng Hapon?
  • ... na ang OLPC XO-1 ay isang uri ng pambatang kompyuter na kilala rin bilang Isandaang Dolyar na Laptop at nilikha para ipamahagi sa mga kabataan ng umuunlad na mga bansa sa buong mundo?
  • ... na ang kolaborasyong FictionJunction ay binubuo ng mga babaeng bokalista na kasama ang may proyekto nitong si Yuki Kajiura bilang tagatugtog ng teklado?
  • ... na ang Aikido ay isang uri ng sining ng pakikipaglaban kung saan 'di-ginagamit ng inaatake ang kanyang lakas, bagkus nililihis niya ang pwersa ng mananakit?
  • ... na si Yuki Kajiura ay ay isang komositor at prodyuser ng musikang Hapones na nagbigay ng tugtugin sa ilang popular na serye ng anime, isang pelikula, at mga serye ng larong bidyo?
  • ... na ang Inhinyeriyang Pang-agrikultura ay sangay ng agrikultura kung saan ginagamit ang mga kaalamang pang-enhinyeriya para makabuo ng mga sistema na magpapaunlad sa produksiyong pansakahan?
  • ... na 'di-galing sa sawa ng pamilyang Pythonidae ang ngalan ng programming language na Python kundi sa Monty Python's Flying Circus, isang grupo ng mga komedyanteng taga-Britanya?
  • ... na ang pangalan ng Lungsod ng Iriga ay mula sa isang parirala sa lokal na salitang I raga na nangangahulugang "may lupa"?
  • ... na nagmula ang pangalan ng sasakyang pang-agrikulturang kuliglig mula sa insektong kuliglig din ang tawag?
  • ... na ang Dryococelus australis ay tinatawag na pinakabihirang kulisap sa mundo na inakalang ekstinkt na noong 1930 pero nadiskubre muli noong 2001?
  • ... na si Marky Cielo, isang Pilipinong aktor at mananayaw, ay ang unang artistang may dugong Igorot na naging kasali sa patimpalak na StarStruck?
  • ... na sa mga alamat ng mga Griyego, ang karit na panggapas ng damo ay mga sandatang ginamit nina Cronus at Perseus?
  • ... na ang bahay sa baybayin ay mga uri ng bahay bakasyunan sa may tabi ng dagat na karaniwang nagsisilbing pangalawang tahanan at pasyalan?

Nobyembre 2008

[baguhin ang wikitext]

Oktubre 2008

[baguhin ang wikitext]

Setyembre 2008

[baguhin ang wikitext]

Pebrero 2008

[baguhin ang wikitext]